bc

Dalagita - VBS Series II Completed

book_age18+
1.0K
FOLLOW
9.2K
READ
teacherxstudent
drama
comedy
bxb
gxg
bisexual
campus
highschool
first love
teacher
like
intro-logo
Blurb

Yung magmamahal ka lang naman pero bakit sa teacher mo pa?

Kakayanin nya bang pigilan ang lumulubong nararamdaman para sa guro? Will Yuca take the risk? Will Tina accept her love?

Alamin ang kwento ng dalawang taong magkaiba ng intensyon kung bakit gusto nilang magkalapit sa isa't isa.

+++

Welcome to the sequel of Probinsyana (Book 2 of Victoria Boarding School Series). First, it contains the flashback of 10 years na nacut-off dun sa story then sequel na all the way. Please don't proceed kung 'di nyo po nabasa yung other book kasi you'll end up confusing yourself in the very beginning of the story.

+++

P.S.

*MAIN CHARACTERS/BIDA*

Daugther's of Mayica

+Danielle Yuca "Yu" Lopez-Tan "The Photographer"

+Yumielle Yaci "Yash" Lopez-Tan "The Music Artist"

*SUPPORTING CHARACTERS & LOVE INTEREST*

Children of Mara & Kara

+Marko "Ark" Davis-Sy - BFF of Yu

+Margarita "Marga" Davis-Sy - BFF of Yu, SCO President

+Kameroin "Kame" Davis-Sy - "The Painter"

Children of Crispin & Marco

+Marcris "Ici" Cordova-Lopez - Cousin's of Yu, BFF of Yash

+Crisco "Coco" Cordova-Lopez - Cousin's of Yu and Yash, "The Hacker"

Children of Basilio & Clara

+Clarissa "Issa" Sy-Lopez - EIC of SURAT, cousin of Yash, BFF of Yu

+Earnest "Earn" Sy-Lopez - cousin's of Yu and Yash, "The Balladeer"

Only child of Micah & Sheila

+Mishael "Hale" Miguel-Ayala - "The Emo"

Excited ba kayong makilala sila sa kwento? Dahil ako po, superb excited na rin. Thank you po ulit. Have a nice day!

WARNING: A girlxgirl story. Don't proceed reading if you're just gonna bash. Thank you. Lovelots!

Love,

Corazone ( ˘ ³˘)♥

chap-preview
Free preview
Kabanata I: Ang mga Anak
YUCA "MMY, samahan ko muna si Mama sa studio nya. Absent daw si Tita Clara eh." Sabi ko sa nanay kong tutok na tutok sa laptop nya habang humihigop ng kape. Nakakunot pa ang noo nito habang nagcoconcentrate sa kung anumang binabasa nito mula roon pero kahit magkaganun, hindi pa rin ito nakakabawas sa magandang mukha nito. Tumigil naman ito sa ginagawa at tumingin sa akin. "Okay, baby. Parang nawiwili ka na sa larangang yan ah." Sabi nito at ngumiti sa akin. Halos mawala na ang mga magagandang brown eyes na yun dahil sa pag-ngiti. Napangiti na rin ako, sabay subo sa isang bacon na nasa plato ko. Nasa hapag kainan kami ngayon at kasalukuyang nag-aalmusal. Its weekend kaya walang pasok at every weekend, nakasanayan ko na ring umuwi from VBS tuwing walang pasok. "Yes, Mmy. Ako na nga ang official photographer ng SURAT (School Publication) ng VBS." Proud na pagmamalaki ko sa nanay ko. SURAT is not only exclusive sa VBS, minsan na popost din ang mga gawa namin sa ibang kilalang publications na kilala nationwide through it. Ngumiti naman ito ng malapad at proud na proud na nakatingin sa akin. "That's my baby. Manang-mana ka talaga sa mommie's mo. I'm so proud of you, Danielle Yuca Lopez-Tan." Napahagik-ik naman ako sa sinabi nya. Masaya akong napasaya ko ang inay ko sa mga achievements ko. And yeah, I love my full name. *grin* "Oh, mukhang nagkakasayahan tayo ah." bungad na dating naman ng isa ring magandang ginang na ang tanging suot lang ay simpleng plain white sando, baggy pants at converse. Nakasuot rin ito ng nerd glasses na mas nagpaboost pa ng s*x appeal nito with her reddish brown hair na nakamessy bun. My mother, biologically, was so damn hot. And guess what? I so look like her pero mas maganda ako syempre. Ang magrereact ng disagreement, mamamatay. Ngayon din! XD Masaya namang napalingon ang Mommy ko sa dumating. Bakas na bakas ang pagmamahal sa mga mata nito habang hinihintay ang asawa upang bigyan sya ng kanyang 'morning kiss'. At hindi nga yun pinagkait ng Mama ko at binigyan ng medyo matagal na halik ang kabiyak. Ngingiti-ngiti naman akong nakatingin lang sa kanila. Sa isipan ko'y napakaswerte ko sa mga magulang ko. Bukod sa ang gaganda na'y, tunay na tunay ang pinapakita nilang pagmamahal sa isa't isa kahit pa ilang taon na ang kanilang pinagsamahan. Ilang taon na nga ba? 17 na ako ngayon. So... 17 years na silang kasal pero 8 years silang magnobya bago sila nagdesisyong magpakasal. Over all... Ilan? 25 wonderful and beautiful years! Hayyy, true love. Nakakainggit ang mga magulang ko. Kaya as for me, hindi ako nawawalan ng pag-asa. Makikita ko rin ang true love ko kaso 'di pa siguro ngayon. Wala pa naman akong napapagkainteresan. "Ugh! Get a room. Ang aga-aga." Putol ng moment ng kapatid kong si Yumielle Yaci Lopez-Tan o mas kilala sa tawag na Yaci (read as Ya-si). Hindi naman sya galit, nakangiti pa nga ito. Tinutukso lang nya ang mga magulang namin. She's two years younger than me. Si Mommy naman ang nagluwal sa kanya and copy cat rin ni Mayumi Tan. We were both fruits from the so called, insemination. Natigil naman ang dalawang adults at natatawang pumwesto na sa hapag after she kissed Yaci and me on the cheek. Humalik rin si Yaci sa pisngi ni Mommy at sa akin. Mommy is on the center table, si Mama ay nasa right side nya, magkatabi kami ni Mama and Yaci was on the left side. May dalawang katulong kami sa bahay at isang driver. They were also joining us pagkumakain kami and I can say, larawan kami ng masayang pamilya. Masaya lang kaming nagkwentuhan ng kung ano-ano. Nagtanong ang aking mga nanay about sa school namin ni Yaci, nagkwentuhan sa mga pangyayari sa isa't isa at nag-aasaran. Lagi naman kaming ganun, lalo na pagweekend, kumpleto kami at kahit pa super busy ng mga magulang ko'y gumagawa ang mga ito ng paraan para makumpleto kami, kung hindi man sa breakfast, sa dinner time kami bumabawi. Pagkatapos naming mag-almusal ay nagpaalam na kami kina Mommy at Yaci. Turns out, may lakad rin pala ang mag-ina dahil sasama si Yaci kay Mommy sa rehearsal nito sa gaganaping concert sa Araneta sa susunod na linggo. You see? She's so busy but she always makes her family the first priority. Hayyy, I love my life. I love my family. ^_^ Nasa kotse na kami ni Mama pagkatapos ng sangkatutak na 'I love you' at halik sa mukhang binigay sa amin ni Mommy. Natatawa na lang kaming nagpaalam ni Mama sa kanila ni Yaci. Papunta na kami sa studio ni Mama. Ang pangalan nga pala ng studio nya'y danicalopeztan, that simple pero sangkakatutak na ang kliyente nito. Magkasosyo rin sila ng Tita Clara ko na asawa ng Tito Basilio ko. Tita Clara was an actress kaya mas marami pang naging clients ang nanay ko dahil dito. In seventeen years, super establish na rin ang negosyo ng Mama ko at kahit na marami syang offers abroad, hindi nya tinatanggap ang mga ito dahil ayun pa sa kanya, aanhin pa nya ang malaking halaga kung malalayo naman daw sya sa amin. Aren't my parents so sweet? My Mama and Mommy are inseparable; they never get tired of each other. Although may mga pag-aaway naman sila kung minsan pero they were matured enough na wag yung patagalin kung maari. They were not the perfect couple but for me, they are my ideal one. I mean, for us ni Yaci. We so much adore our parents because of their endless love towards each other at sa amin rin. Hindi ko napigilang mapangiti sa mga naiisip ko. One day, if I'll encounter that someone for me, I'll make sure na hinding-hindi ko na ito papakawalan. Ayeee... "Anak, kanina ka pa ngumingiti-ngiti dyan ah. May crush ka na ba?" puna ng Mama ko. She was driving pero tumingin muna ito sandali sa gawi ko then sa driveway, ngumiti naman akong humarap dito. I'm open to them sa lahat ng bagay. As in everything. "Wala Mama. Masaya lang po ako sa kung anong pamilya meron tayo." Hayag ko. I saw my mother flash a smile. "Me too, anak." Ika nya. "Ma?" may naisip na naman akong itanong. Medyo malayo pa kasi sa studio nya at naabutan kami ng traffic kaya nangulit na naman ako dito. "Hmm?" sabi naman nya na nagtetext sa cell phone nito. I bet she's texting her staff na malelate sya ng kaunti. Matraffic kasi talaga. "Pwede bang ikwento mo sa akin kung anong nangyari nung muntikan na kayong mahuli ni Lolo Henry?" asam na sabi ko. Salubong naman ang kilay na tumingin sa akin. Hindi alam ng Mama ko kung matatawa sya sa akin o ano but I can see the smile she's trying hard not to suppress to. "Nak, for the nth time, memoryang-memorya mo na yang kwentong yan. 'di ka ba nagsasawa?" I shook my head while smiling. "Please ma... Traffic pa naman eh. Please ma." Pakiusap ko sa kanya. Kahit naman kasi narinig ko na ang buong istorya nila ng Mommy ko ng maraming beses, eh hinding-hindi pa rin ako nagsasawang pakinggan ang love story nila. I will never will. Inignora ako ng Mama ko habang nagtetext na naman ito. Kinailangan ko pa syang pilitin at magpuppy eyes dito para lang makumbinsi ko, sa katagala'y bumigay na rin ito. Yes! Excited naman akong nag-imagine sa mga nangyari noon habang nagkwekwento ito... Flashback starts, 25 years ago... "Dad! Tell me hindi totoong nagkaroon ng relasyon si Mommy at si Tito Henry. Tell me Dad na hindi nagtaksil si Mommy sa’yo. Tell me Dad na kasinungalin ang lahat ng sinasabi ni Tito Henry!" umiiyak na sigaw ni Dani, na basta-basta na lang pumasok sa library o study room ni Sergio Lopez. Natigilang, nagulat naman ang ama nito sa ginagawang trabaho sa mesa. Hindi alam ni Sergio ang sasabihin sa anak. Basang-basa ang mukha ni Dani ng kanyang luha habang tahimik namang nagmamasid ang halatang nagpipigil ding mapaiyak na si Mayumi sa likod nito. "Dad? Please, tell me the truth. H-hindi p-po ‘di ba totoo yun?" napasinok na tanong ni Dani sa ama. Hindi na nakatiis si Yumi at nilapitan ang kasintahan upang patahanin. Galit na galit si Dani and she was trembling. Para namang nalulon ni Sergio ang dila nito. Hindi nya alam kung anong isasagot sa anak. "Damn it, Dad! Answer my question, please!" hysterical na sigaw ni Dani dito. Dahil dun, napapunta din ang kambal na Lopez sa study room na naroon rin pala sa mansion. Rinig na rinig kasi nila ang malakas na boses ng kapatid kaya humahangos silang pumunta sa pinanggalingan ng sumisigaw. "What's going on here?" matiim na tanong ni Crispin. Papalit-palit ang tinging ipinukol sa ama at sa dalawang babae. Si Basilio naman ay nakasalamin sa expression ng mukha ni Crispin pero tahimik lang ito. "Dad?" baling ni Crispin sa ama. Sergio let out a deep sigh. "It's true, Dani." Maya-maya'y sagot nito na hindi makatingin sa anak. Nakayuko ito at pinipigalan ang luhang nagtatangkang dadaloy sa mga mata. Nanghihina namang napaupo si Dani sa couch, umiiyak pa rin ito pero mahinang impit na iyak na lang. Pinapatahan sya ni Yumi pero ito rin ay umiiyak. Hindi makapaniwala sa naririnig. Takang-taka naman ang kambal. "Alin ang totoo, Dad?" sa wakas ay lumabas na rin ang boses ni Basilio. Pero bago pa makapagsalita si Sergio ay naunahan na naman ito ni Dani. "Totoo bang anak ako ni Henry?" mahina ang pagkakasabi ni Dani ng mga katagang yun. Punong-puno ng pag-asam ang boses nito na sana'y panaginip lang ang lahat. "Hindi ko alam, anak. He is claiming, he is your father pero malakas ang lukso ng dugo ko sayo kaya I don't think he is your real father." Bakas ang kalituhan sa mga sagot ni Sergio. "What the-- anong nangyayari dito? What is this 'anak thing' all about?" litong tanong ni Crispin. "Dad? Come on, spill it." Medyo inis na rin na sabi nito. Hindi gusto ni Crispin na nakikitang nahihirapan ang mga mahal nito sa buhay. Bakas na bakas ang tension sa loob ng kwarto na yun. Tanging hagulhol ni Dani ang maririnig, kasabay ng mahinang iyak naman ni Yumi na kumukonsula dito. "Seventeen years ago, Daniela and I had a big fight..." panimulang kwento ni Sergio sa mga anak. Pinahid nito ang butil ng luhang nakalabas sa kaliwang mata bago nagpatuloy sa pagsasalita, "naging workaholic kasi ako at hindi na kayo nabigyan ng panahon." Tumingin ito sa kambal. Ngayon lang din nakita ng kambal na ganito ka helpless ang kanilang ama. "Kaya lagi na kaming nag-aaway ni Daniela. Sinusuyo ko lang naman ito at pinapangakuang babawi ako sa susunod. Napaamo ko naman ito at nagiging okay na ulit kami. Laging ganun yung nangyayari sa amin. Gabi-gabi nalang, araw-araw na umuuwi ako, lagi nya akong inaaway. Lagi ko naman syang sinusuyo hanggang sa isang araw napagod na rin ako. Mas dumami ang naging contract ko at mas naging madalas ang pag-a-out of country ko. I ask Henry, isa sa matalik kong kaibigan, to look out sa inyo. Dahil sa malaki rin ang utang na loob ni Henry sa akin at magkasosyo kami sa negosyo'y naging okay lang sa kanya kahit na nga may pamilya ito." He choked, halo-halong emosyon ang mababanaag sa mukha nito. "That was the routine for how many months then I surprised them sa pag-uwi ko at yun nga, nahuli ko ang kaibigan kong matalik na nasa ibabaw ng misis ko at pareho silang nakahubo't hubad. Muntikan ko ng mapatay si Henry ng mga oras na yun at kung hindi dahil sa pagpigil ni Daniela sa akin ay baka sa kulungan nga ako pupulitin ng mga panahong yun. I was so angry. Nagpapakahirap akong magbanat ng buto para sa future ng pamilya ko at sa negosyo rin namin pero nagawa pa akong pagtaksilan ng dalawang taong mahalaga sa buhay ko." Kuyom ang kamaong tumigil muna si Sergio. Bakas naman ang awa sa mga mukha ng apat na naroon. Awa para kay Sergio pero mas kaawa-awa ang lagay ng mag-irog na mga babae. Natigil na sa pag-iyak si Dani at tahimik na nakikinig sa masasakit na rebelasyon ng ama. She thought na purong matino talaga ang nanay nya dahil yun lagi ang sinasabi ni Sergio sa kanila. Na si Daniela Lopez, ay isang mabait, maunawain at mapagmahal na asawa at ina. "Nagpasya akong lumayo, ilayo kayo sa mommy nyo, Cris at Basil, pero nagmakaawa sya. Nagmakaawa si Daniela na gagawin ang lahat para wag ko lang kayong ilayo sa kanya. Nagmakaawa sya at humingi ng tawad sa akin. I was hurt, so hurt sa mga nangyari. Sinabi nyang pinagsisihan nya na yun, natukso lang daw sya. Pinigilan nya pero hindi nya nakayanan ang tukso. Sinabi nyang one time lang daw yun pero hindi ako naniwala dahil ayaw ko ng magpakatanga." Galit naman ang mababanaag sa mukha ni Sergio. "Pero mahal ko ang mommy nyo." Tuluyan ng bumagsak ang luha nito. His voice was still firm but now it trembles. "Pinatawad ko sya. Tinanggap ko pa rin sya pero hindi na gaya ng dati. Ginawa ko syang alila, pinahirapan ko sya. Tinanggal ko ang lahat ng katulong sa bahay at hinayaang sya ang gumawa ng lahat ng mga gawain. Tinanggap nya yun ng buong puso, nagtrabaho sya kahit pa hirap na hirap na sya. Nagbabantay sya ng bata, nagluluto, naglalaba, naglilinis ng buong bahay. Minsan, sinasadya kong dalhin ang mga pokpok ko sa bahay para saktan ito at pagselosin pero tahimik lang ito sa isang sulok habang umiiyak. Sinaktan ko sya ng higit pa sa sakit na ginawa nya sa akin. Pero isang araw, I realize na mali ang lahat ng ginawa ko. I beg her for her forgiveness and ask her if we could start again. She happily accepted me again at naging masaya kami ulit. Tapos nabuntis sya ulit. There are some doubts in me na akin ang batang dinadala nya dahil nga nagalaw rin sya ni Henry pero mas pinairal ko ang pagmamahal ko sa mommy nyo at kahit pa nga anak yun ni Henry, tatanggapin ko pa rin ang bata ng buong puso." "Sa kasamaang palad, namatay si Daniela ng pinanganak ka nya, Danica. Nalaman yun ni Henry at dahil mahal pa rin siguro nya si Daniela'y tinangka nyang ipakidnap ka and he succeeded. But odds are, nawala ka rin sa kanya at ang karma sa amin, walang nag-may-ari sayo kahit ni isa sa amin. Pero hindi ako tumigil sa paghahanap. Pinaniwala ko naman si Henry na nakuha rin kita noon ng pinakidnap ka nya at tinago sa isang malayong lugar out of the country para hindi ka na nya hanapin sa Pilipinas. Napaniwala ko sya at yun nga, patuloy pa rin ako sa paghahanap sayo at nahanap naman kita sa awa ng Diyos." Hindi alam ni Dani kung anong dapat nyang sabihin. Gulat na gulat sya sa mga isinisiwalat nito sa kanya ngayon. "It's true, sis. We saw how Dad suffered when you were away from us." Sabad naman ni Basilio. Dani look up to him. Namumugto na ang mga mata ng babae at nagtatangka na namang iiyak. "H-hindi pa naman sure na a-ama ko si Henry ‘di ba, Dad? H-hindi pupwede, Dad. Ayoko." Umiiling na sabi ni Dani. Nagbabadya na naman itong maiiyak habang napatingin sa chinitang katabi. "Baby, hindi tayo magkapatid 'di ba? Hindi tayo pwedeng magkapatid ‘di ba, baby?" Luhaan namang hinawakan ni Mayumi ang pisngi ng nobya habang pinapahid ang mga luhang dumadaloy sa pisngi nito. "Ssshhh. Hindi mangyayari yun." Yumi choke when she said that. Sa loob-loob nya'y 'di rin sya sigurado sa sinasabi. Tumango naman ang probinsyana at mahigpit na niyakap ang chinita habang mahina na naman silang nag-iiyakan. "Is there something I need to know, girls?" tanong ni Sergio sa dalawa. Nagpahid muna ng luha si Dani bago sumagot sa ama. Hawak hawak ang kamay ng mahal na chinita. "Daddy, Yumi and I can't be sibling because we love each other, not as sisters but as lovers. I love her, Dad. Please, hindi kami pwedeng maging magkapatid. I can't live without her." Tears are visible again in Danica's eyes. Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Sergio pero hindi ito nagsalita. The twins are so proud to their sister because finally, their sister fought for that someone she wanted to be with. They knew their father na may pagkacontrol freak sometimes but determination was on Danica's eyes and Sergio knows na wala syang laban sa bunsong anak. "Sir, I love your daughter. Kaya please po, enable us to know what the truth is; we must do the right process. Magpapa-DNA test po sila. Kakausapin ko po ang ama ko." Yumi stated while looking straight to the man. He saw na sincere naman ang dalawa sa feelings ng mga ito sa isa't isa, kaya tumango na lang ang lalake bilang pagsang-ayon dito. End of flashback... Peep... peeeeppp... Busina ng sasakyan ang nagpabalik sa amin ni Mama sa kasalukayan. "Oops, usad na pala tayo, nak. Napasarap tayo ng kwentuhan ah." nakangiting sabi ni Mama at nagpatuloy na kami uling maglakbay papuntang studio. "Oo nga. Dun pa talaga natapos sa bad ending." Nakangusong sabi ko. Hanggang ngayon affected much pa rin ako sa eksenang yun. Natatawa namang sumulyap ang mama ko sa akin. "Yuca anak, wag ng dibdibin. Tapos na naman yun eh." Sabi pa nya. "Eh basta. Grr, kainis. Bakit pa kasi kailangang mangyari yun?!" Ika ko. Naiiling na lang na tinawanan ako ng mama ko at maya-maya pa nga'y nakarating na kami sa studio nya. Pagkatapos naming bumaba ay hinawakan ni mama ang kamay ko sabay sabing, "Paraan rin siguro yun ng Diyos para malaman nya kung hanggang saan namin kayang ipaglaban ng Mommy mo ang pagmamahalan namin. Dahil kung hindi nangyari yun, our relationship will not be as strong as this. Ganun talaga ang nagmamahal anak, malalaman mo ring tama ang sinasabi ko kung magmamahal ka na." Nakalma naman ako sa sinabi ng nanay ko. May point naman ito. Sabi pa nga ni Mama, you need to risk sometimes pagdating sa pag-ibig pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan pang-masaktan pag-umiibig. Hindi ba pwedeng masaya lang always at walang hurt-hurt? But like what she said, malalaman ko lang daw yun pag nagmahal na ako. Well, matagal pa siguro yun, medyo focus rin kasi ako sa pag-aaral and sa photography. Nakarating na nga kami sa loob ng studio as Mama, instructed me on what to do. Natuwa ako sa mga bagong client nya ngayon, ang kukulit at ang bibibo ng mga magagandang babae, tsaka ang tatangkad pa nila at ang kikinis.  The first time I look at them, I thought they were angels kaya naman natuwa pa ako ng malaman kung saan silang magazine ipe-feature. Guess where? Sa isang sikat at kilalang fashion magazine ng mga naggagandahang dilag pero proud homosexuals, none other than... CHERUB'S.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Wife (R-18)

read
339.1K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.3K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
321.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook