CHAPTER 3

1044 Words
“ISUNOD NA ang individual cosplay competition pagkatapos ng isa pang band performance.  Ayusin na rin ang uupuan ng mga judges.”  Isa-isang pinakilos na ni Arianne ang mga assistants niya.  “Ibigay na ninyo sa mga hosts at judges ang listahan ng mga contestants para mapag-aralan na nila iyon bago pa man magsimula ang pagrampa ng mga cosplayers sa stage.” Mabilis na nagsisunod naman ang mga ito.  Inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng jam-packed na Megatrade Hall para sa Otaku Fest ‘07.  Isang event iyon na idinaraos para sa mga mahilig sa Japanese anime na sponsored ng iba’t ibang cable channels upang i-promote ang mga anime programs ng mga ito.  Punung-puno ng mga anime lovers at costume players, o cosplayers as popularly known, ang buong lugar.  Cosplayers ang tawag sa mga participants na naka-suot ng costume ng paborito nilang Japanese anime.  At siya ang event organizer ngayon doon.   “Ma’m, ready na ho ang lahat,” wika ng isa sa mga alalay niya roon.  “Puwede ng magsimula ang cosplay competition any moment.” “Good.” Napatingin siya sa stage nang magsimulang tumugtog ang isa limang banda na inimbitahan nila para sa naturang okasyon.  At dahil upbeat ang kanta, hindi niya mapigilang mapasabay sa pagsasaya ng mga tao roon kasabay ng tugtugang iyon.   “Good to know you’re having fun now.” Napalingon siya sa nagsalita sa kanyang tabi.  Ilang sandali rin siyang nagtaka kung sino ang istorbong iyon dahil nakasuot ito ng costume.  He was unusually taller than the rest of the participanting cosplayers.  But she had to admit that the man who wore the costume of Uchiha Itachi from the anime Naruto, looked really dashing.  If there was such a word to describe a cosplayer.  Hindi niya ito makilala dahil ang pinaka-kuwelyo ng suot nitong costume na trenchcoat-like ay umabot hanggang sa kalahati ng mukha nito.  And he even had his long hair covered most of his face.  Still, his costume really looked good on him, enhanced with that forehead protector. “Hindi mo na ba ako natatandaan, Miss Arianne?” “And who the heck are you?” Tumawa lang ito.  He leaned towards her since he was way taller than her.  “Remember that day at the hotel?  When you cried your heart out and my girlfriend broke up with me?” Saglit na kumunot ang kanyang noo.  Pagkatapos ay bumalik lahat ng alaala ng araw na nalaman niyang ang lalaking minahal niya sa loob ng tatlong taon ay pareho pala niyang girl.  Ang araw na nakilala niya ang lalaking sandaling naging distraction niya sa kanyang naging kabiguan. “Daboi?” He zipped down his trenchcoat-like costume and revealed a handsome smiling face.  “Hello there, pretty lady.” Lumagutok ang hawak niyang clipboard nang ipukpok niya iyon sa forehead protector nito.  “Huwag mo nga akong mabanat-banatan niyang mga pambobola mo at baka banatan kita.  Anong ginagawa mo rito?  At bakit ganyan ang suot mo?  Ang laki-laki mo na, kung ano-ano pang kabulastugan ang pinaggagagawa mo.” “Hey, watch the forehead protector.  Asset ko iyan.”  Isang beses pa niya itong pinalo sa noo.  Ngunit nakailag na ito.  “Alright.  Just so you know, aksidente lang na nakita kita rito.  Hindi kita sinusundan.” “Bakit?  May sinabi ba akong sinusundan mo ako?” “Wala naman.  Pero mabuti na ang malinaw.  Oo nga pala, update lang kita sa nangyari sa buhay ko.  Hindi na talaga kami nagkabalikan ni Claire.  I told you it wouldn’t work out.  Nasampal pa tuloy ako ng dalawang beses pa.”  Napalatak na lang ito.  “Hindi na talaga dapat akong nakinig pa sa iyo na sundan ko siya.” “So, kasalanan ko pa ngayon kung ginusto ko mang maging maayos ang relasyon ninyo?” “O, teka, hindi ako nakikipag-away.  Nagpapaliwanag lang ako.”  He brushed up his hair and adjusted the wide collar of his costume.  “At oo nga pala, kaya ako naka-costume ay dahil kasama ito sa trabaho ko.  I was involved with the cable channel who sponsored this event.  Naisipan namin ng mga kasamahan kong mag-costume habang nagsu-supervise ng event para mas cool.” “You’re with the Otakuzone TV?” “Yeah.  And you’re here…?” “Ako ang event organizer.” “Really?  Bakit hindi ko yata alam iyan?” “Why do you have to know?  Empleyado ka lang naman ng kumpanya ninyo.” Ngumiti lang ito.  “You’re right.  By the way, ngayon pa lang kino-congratulate na kita.  This event is a success.” “Tsaka mo na ako batiin kapag natapos na ang event.”  Hindi niya maiwasang hindi ito tingnan.  She has always been fascinated with the Japanese anime kaya nga kahit umabot na siya sa edad niya ngayon ay hindi pa rin niya maiwanan ang nakahiligang mga anime noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo.  At paminsan-minsan ay nanonood din siya ng mga bagong anime sa Otakuzone TV kaya kahit paano ay updated siya sa mga bagong labas na programa.   Daboi cosplayed one of her most favorite anime character. “Bagay sa iyo,” wika niya rito.  “Kahit wala na sa age mo ang nagsusuot ng mga costumes.” ‘I’m still young at heart.”  May kung sinong tinawag ito mula sa mga nagpapalakad-lakad na mga cosplayer.  Ibinigay nito sa lumapit ang hawak nitong digital camera.  “Kuhaan mo kami ng picture.” “Yes, Sir.” Lumapit nang husto sa kanya si Daboi.  Ewan niya kung bakit tila siya naalarma sa presensiya nito.  “Teka, hindi naman ako cosplayer—“ “Wala namang rules dito na sa mga cosplayers ka lang dapat magpakuha ng picture.  Come on, Arianne.  Be a sport.” “Ewan ko sa iyo.”  Wala na siyang magawa kundi ang manatili na lang sa kinatatayuan niya habang hinihintay na mag-click ang camera.  “At bakit kailangan natin magpa-picture?” “Obvious.  Para souvenir.  O, smile na.”  Clicked.  “Isa pa, boy.” “Yes, Sir.” Nagulat siya nang umakbay ito sa kanya saka nakangiting nag-peace sign sa camera.  Hindi na siya nakapalag pa nang muling umilaw ang camera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD