bc

SA IYO NA LANG SI KUYA

book_age18+
4.4K
FOLLOW
12.5K
READ
friends to lovers
drama
comedy
sweet
humorous
first love
like
intro-logo
Blurb

"Langit ka,lupa ako. Yung kuya mo Impyerno. Kung di lang kita kaibigan nasapak ko na yan! Ang hangin, maarte,suplado, alaskador,at bully. Lahat na yata ng ayaw ko sinalo niya.Dahil mahal kita bilang kaibigan sige na.Titiisin ko na lang yang kuya mo."

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 ANG NAKARAAN?
First day of second semester Excited ako dahil makakasama ko naman ang aking mga barkada. Actually ilan lang naman ang kaibigan ko dito sa klase. Lahat close ko pero ilan lang ang maituturing kong talagang malapit sa akin. Nawala na pala yung isa dahil umuwi ng Long Beach California at next year pa babalik. Isa sa natira,si Eros. Si Eros ang kasabayan ko sa pila noong enrollment. Nasakto pa na pareho kami ng birthday. Close kami, nga lang dahil sa nagkagirlfriend kaya medyo nabawasan na ang trip namin. Sa loob ng school kami magkadikit pero pagdating sa labas kay Mika na siya nakabuntot. Ayaw ko namang magdidikit sa kanila dahil asiwa ako sa mga away-bati nilang drama. Nakakasawa kaya ang maging mediator kahit sa maliliit na bagay na pagtatalo nila. Mukha nga silang adik kung magtabi at sabog kung mag-aaway. Sabi nga sa Genetics class namin na pag-inlove daw nag po-produce ang katawan natin ng pheromone kaya masayado tayong nalalasing sa pag-ibig. Letseng pag-ibig na dapat inuunang ipatokhang! Okay sana kung di mag-aaway e. Kaso lahat affected. Lahat damay. Kaya sabi ko sa sarili ko na kung sakaling ma-inlove, di ako gagaya sa kanila. Sinabi ko nga yun. Akalain ko bang kakainin ko din ang mga binitiwan kong salita. Yun yung nakilala ko si Rupert. Paano nga ba nangyari yun? Tanda ko noong First semester sa klase ng makilala ko si Rupert. Isang irregular student na palipad-lipad ng class room dahil wala siya talagang pirmihang section. Classmate ko siya sa physics. Dahil irregular kaya wala siyang masyadong naging kaibigan sa klase. Sa physics laboratory lang namin siya kasama. Hindi rin namin siya kasabay sa physics lecture subject kaya sa loob ng isang lingo, isang araw lang namin siyang nakikita at nakakasama sa labaratory. Tahimik at hindi palaimik. Ngingiti lang kung bibiruin. Hindi tuloy siya gaanong napapansin sa klase dahil parang barangay din ang mga classmates ko. May kanikaniyang grupo. Grupo para sa hip-hop, yung bawat kilos sayaw ng sayaw, may grupo ng maarts. Yun yung "oh my gosh! You go gurl! Wateber!"-as in maaarte po. May grupo na wala lang. At ako? Wala akong grupo. Tama na sa akin ang panoorin sila at makihalubilo sa kanilang usapan. I'm a friendly type of person kaya sa kanilang grupo, welcome ako. Kung baga, serbisyong totoo lamang ang dating kaya lahat ng grupo, belong ako. Balik tayo kay Rupert. Mabait ang pagkakakilala ko sa kaniya. Sa sobrang bait hindi mo siya mapapansin na kasama pala siya sa klase. Minsan tuloy nahahalata ko na na-a- out of place siya. Kaya madalas dun siya sa dulong mesa nakapwesto at malayo sa ibang kasama. Nakakahawa ang ganun lalo pa at madalas ang tingin ko sa kanya na nag-iisa sa dulo ng mesa. Lima na nga lang silang nakaokupa sa lamesang pangsampuan, di pa siya napapansin para kwentuhan o kausapin. Mahiyain talaga. Sa ilang araw naming pagsasama sa klase ay di ko natiis na di siya samahan at tabihan sa kaniyang pwesto. Siempre abala si Eros sa prospect niyang girlfriend type classmate namin - na girlfriend nya na ngayon. Dalawang oras ang physics lab kaya kung wala kang makakausap, either antukin ka sa klase o mabaliw kahihintay sa oras ng uwian. A boring subject matching a boring professor. Tapos katabi mo ay isang pipi pa ata. Hindi na ako nakatiis at ako na ang nakipagkwentuhan. Sa simula ako lang ang bangka ng mga pag-uusap namin. Marami sana akong topic na pwede naming pagusapan pero isa lang ang aming pinagksuduang pagkwentuhan. Ang Physics subject namin at ang aming professor na nakakaantok magturo. Lalayo pa ba ako? Okay din si Rupert kausap, may hugot konti at hindi siya tindero ng mais sa ka-corny-han. Masasabi ko na hindi lang siguro namin ma-gets ang character niya kaya siya tahimik. Unti-unti ko na lang naeenjoy kausap si Rupert. May lalim ang mga sinasabi at puno ng sinseridad ang mga pananalita niya. Akala mo mamatay na bukas kaya ganito kabait. Sa loob ng apat na buwan ay naging secondary tropa ko siya. Kung wala ang close friends, sa kaniya ako nagsasasama. Sa loob ng Physics lab lang naman kami madalas magkita at magkausap. Pero sa iksi ng mga panahon na yun naging higit sa pa secondary friend ang turing ko sa kaniya. Naging one of my most close friend dahil pwede ko siyang sumbungan ng mga problema ko. Hingahan ng boredom sa klase. Maging siya ay open na rin sa akin kung kailangan niya ng tulong. Ako ang official artist niya pag may kailangang idrawing sa laboratory manual. Yung time na yun di pa ako nakakapasok bilang cartoonist ng campus journal namin. Hindi alam sa klase na may alam ako sa pagguhit at sikreto lang namin ni Rupert ito. Mahirap na baka dumami ang magpagawa sa akin kaya si Rupert lang ang binibigyan ko ng ganitong pabor. Naging madalas ang aming pagkikita. Bukod sa laboratory, kasabay namin siyang kumain sa canteen kasama Eros at Santi. Si Santi yung nasa California na. Apat kaming magbabarkada. Iba-iba man ang aming mga ugali ay nagclick kami bilang magtotropa. Si Eros ang playboy, si Santi ang Nerd, si Rupert ang introvert at ako? Ako ang pasaway. Masyado akong bokal sa mga naiisip at nararamdaman ko. Ako lang ang nagkakastigo sa kanila kung may nagagawang mali o pumupuri kung may nagagawang tama. Kung panget ka sa pangin ko, panget ka talaga, kung maganda ka maganda ka talaga. Ganun lang ako magsalita. Nagsasabi lang ako ng totoo kaya enjoy din ang mga kolokoy na kasama ako na walang pagkukunwari. Sa pagiging pasaway ko napagtripan ko pa si Eros. Kinuntsaba ko pa si Santi at Rupert. Gumawa ako ng tsismis na minsang nasa banyo kunyari kaming tatlo ay narinig namin na siya ang paksa sa kwentuhan ng mga kasabayan naming umuiihi. Narinig kunwa namin na mayabang at butas daw ang brief ni Eros. Galit na galit si Eros ng kinuwento ko ang aking pekeng narinig. Ilang linggo naming hindi maituro kung sino ang nagsabi dahil gawa-gawa lang talaga ang kwento. Ilang linggo din niyang tinatanong kung sino ang nagsabi na mayabang at butas ang brief niya. Naging paranoid siya sa paghahanap kung sino talaga ang nagsabi. Katagalan ay nagsawa na kami sa kakakulit niya kaya sinabi na namin na imbento lang namin ang lahat. Galit na galit siya sa aming biro. Natawa pa kami na halos ilang araw din siyang hindi nakatulog kakaisip kung sino ang dapat niyang iskoran. Kaya mula noon "Butas" na ang tawag namin sa kaniya. Ilan lang iyan sa mga kalokohan ko kaya lalo akong napalapit sa kanila. Sa aming batch,isa ako sa mga siga in the making. Sa aking pananaw lang ha. Ako yung tipo na hindi madaling daragin dahil sayang naman ang turo sa akin ng tatay sa pakikipagbuntalan. Pero ang respetong nakuha ko ay sa pagiging seryoso at kwela. Exam week. Nagrereview ako sa isang kubo na tambayan ng mga mag-aaral sa school. Napaaga ang aking dating ng isang oras kaya hinihintay ko ang pagdating ng aking mga kaklase. Kasabay kong nagrereview ang ibang section. Maya-maya ay may mga nagdatingang mga ahead sa aming mga estudyante. Mga third year student. Halata sa kilos dahil maangas na ang seniority na binabandera nila. Mga matatangkad at nakakaintimidate ang kanilang mga tingin na akala mo ay kakain ng tao. Sa takot ng ibang mga kasabayan kong nagrereview ay kani-kaniya silang nag-alisan sa kubo. Maliban sa akin. Hinayaan ko silang umupo. Inokupahan nila ang dalawang mahabang upuan na may mahabang lamesa sa gitna Nasa 13 silang magkakatabi at ako sa dulo. Tahimik akong nagbabasa habang sila ay nag-uusap. Na-curious ako dahil tungkol sa frat initiation ang kanilang paksa na gaganapin pagkatapos ng exam week sa isang resort. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Nakatingin siya sa akin at nagtama ang aming mga mata. Busy ako kaya balik review. Walang napasok sa utak ko dahil sa kanilang usapan. Parang hindi nila ako nakikita. Bakit ako aalis sa kubo? Hindi naman kanila yun. Kasama sa binayaran ko ang prebilehiyong makagamit ng pasilidad ng school. Parang toilet yan. Maghintay ka sa pila, hanggat di ako tapos. Hati ang taenga ko sa nangyayari. Usapang brotherhood at review. Sa dami ng napasok na information sa akin nakakalimutan ko na ang formula ng math 1 subject ko. Kasama pa ang nakaw na tingin ko s lalaking nasa harapan ko na nakakaangas. Labing limang minuto ang nalalabi at naroon na siguro ang mga kaklase ko sa room kaya naisipan ko ng umalis. Tumayo ako, natahimik ang nagmimeeting. "Sorry ha, wala kasi kaming mapwestuhan eh." Sabi ng mukhang leader ata nila. "Hindi Okay lang, No harm done." Kaswal kong sinabi. Akala ko mga sanggano ang mga iyon, mali pala ako. "Hay salamat, Umalis din!" Nilingon ko ang nagsalita. Ang lalaking nasa harapan ko sa mesa. Nakatingin siya sa akin. Sa inis ko ay pinanglakihan ko siya ng butas ng ilong. Pinarinig ko sa kaniya ang aking buntong hininga at saka tumalikod. Sa akin, balewala ang ganung pang-aasar. Wag lang akong sasaktan at talagang lumalaban ako. Dalawa lang ang schedule na exam ang aming gagawin. Half day kaya makakauwi ako ng maaga. Ang problema masyado magulo sa bahay. Nagpapatiles pa ng sala ang tatay kaya pihadong maingay ang langitngit ng grinder na humihiwa sa tiles. Baka dito na lang muna ako sa school magpapalipas ng oras o di kaya'y makikitambay sa dormitory ni Butas. Natapos ang ikalawang exam at saktong alas dose na para sa aming pananghalian. Kaming dalawa lang ni Rupert ang magkasalong kumakain sa isang carinderia sa labas ng school. Wala si Santi, nagpunta ng US embassy, si Eros kasama si Mika, nagdate na agad sa kalapit na mall ng school. Ang ending, kina Rupert muna ako magpapalipas ng oras. Malapit lang sa school ang kanilang bahay. Kung estudyante ka at sanay ka sa init ng araw pwede. Sa ayos ni Rupert,malabong maglakad ito pauwi. Isang pirma na lang ata ng bulate baka sa bumigay na siya sa kapayatan. Kung mataba lang si Rupert paniguradong papansinin ito sa klase. Mestiso ang dating at makinis ang mukha. Papabol ang dating pero patpatin nga lang. Nakarating kami sa isang simple at maayos na bahay. Pumasok kami at naroon ang mga magulang na naghahain ng kanilang pananghalian. Pinakilala niya ako sa kaniyang Mama at Papa. Natuwa ata sa akin dahil ngayon lang nagsama ng kaibigan si Rupert sa kanilang bahay. Sa sobrang bait ay di na ako nakatanggi na muli akong makakakin ng pananghalian nga yayain ako. Ang hirap tumanggi sa Mama niya dahil talagang natuwa na may bisita ang anak nila. Wala naman kaming panahon para manood ng tv. Isa pa kailangan ko lang talaga ng lugar para makapagreview. Pareho kami ng course ni Rupert kaya alam niya ang susunod na exam at dapat review-hin. Nagpalitan kami ng aming mga aralin upang i-check ang mga notes na maaring nakaligtaan habang nagkaklase. Masarap tumambay sa kwarto ni Rupert lalo pa at magiliw ang kaniyang mga magulang sa pag-estima ng bisita. May pambara at panulak na snacks pa. Hindi ako nailang kaya't feel at home ako beh. Hindi ko nga namalayan na gabi na pala kaya oras na para magpaalam. Kahit sa pag-uwi ay ganun pa rin ang kaniyang Mama. Affectionate at talagang kakaiba siya sa mga magulang ng mga naging kaibigan ko. Halos ayaw pa akong pauwiin dahil gabi na. Pero alas siete pa lang ng gabi? Kung ka-wierdo-han ang pagiging ganito kabait na nanay, naku sana lahat ng nanay maging weirdo na. Nangako na lang ako na babalik muli upang sabay kaming magreview ni Rupert. Hindi na ako nagpahatid at nilakad ko na lang ang labasan patungo sa sakayan. Sa kanto pumara ako ng jeep pauwi sa amin. Huminto ito at sumakay ako ng biglang may pababa pala na pasehero. Sa malas ay nagkauntugan kami. Masakit ang noo ko na tumama sa ulo ng pababang pasahero. Pinagbigyan ko siyang bumaba. Namukhaan ko ang nakauntugan ko. Yung lalake sa kubo na nagparinig sa akin. Sapo ang noo na nakatingin sa akin. "Di muna kasi maghintay eh." Inis na sabi niya sa akin "Sorry, di ka rin naghintay eh." Kahit paano may kasalanan din ako. "Ang dami-daming makakasalubong ikaw pa!" Ha? Ano daw? Kanya ba nag mundo at dapat hindi ako ang kaniyang makasalubong? "Mayabang ha." Sinadya ko parinig sa loko na ito kung ano ugali niya. Sumakay ako agad ng jeep na naghihintay para makauwi na. Umusad ang sasakyan at sinilip siya na nakatingin sa akin. Natawa pa ako ng ambaan niya ako na parang may araw na gaganti siya sa akin. Dahil nasa jeep na ako kaya malakas ang loob ko na ambaan din siya. Natuwa ako na nalungkot dahil nakasakit naman talaga ako ng kapwa. Sabihin na maloko ako pero di talaga ako bayolenteng tao. Pero sa inis ko sa lalaking iyon,bagay nga sa kaniya. Pareho naman kaming nasakatan di ba? Kaya Tabla lang! Wag na siya magreklamo. Second day of exam. Physics exam at katabi ko si Rupert habang hinihintay ang proctor na magbibigay ng pagsuslit namin. Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin ni Rupert, pumasok ang namumukhaan kong lalake sa loob ng laboratory room at umupo sa tabi namin. Ang lalaking inangasan ako sa kubo at nakauntugan ko kahapon. "Ginagawa mo dito?" Sabay pa kami ni Rupert na nagtanong sa mayabang na umupo. "Wow Duet?" Nangiting sagot ni yabang. Napatingin si Rupert sa akin. "Kilala mo kuya ko? Magkakilala kayo?" Palipat-lipat pa ng lingon si Rupert sa aming dalawa. Nagulat ako dahil ngayon ko napansin na magkahawig silang dalawa. Ayshaaa!!!! Magkapatid ang dalawa!!!! "Justin,kuya ko si kuya Jobert. Kuya, si Justin. Siya yung kinukwento ko sa iyo kagabi." Nakipagkamay si Jobert sa akin. Puzzled ako dahil iba kung makangiti ang kuya ni Rupert na akala mo goons na kinakausap ang sarili at may binabalak na hindi maganda. "Ikaw pala kinukwento ng kapatid ko na bisita kahapon. Okay...Hinahanap-hanap ka ng mama e. Gusto raw niya sa bahay ka maghapunan pagkatapos nyo magreview uli ni Opet. Pwede ba?" Para akong papasok sa isang lunga ng isang malaking buwaya. Napangiti at napilitang tumango ako sa alok ng kuya ni Rupert. "ha-Sige...m-mamaya s-samahan ko uli si Rupert" Patay! Kuya pala ni Rupert ang mayabang na to.Bakettttt!!!!! ***** ABANGAN!!!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.8K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

NINONG III

read
365.0K
bc

OSCAR

read
227.7K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

A Night With My Professor

read
498.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook