Chapter 2

1671 Words
Kabanata 2 Katatapos lang ni Ellory na mag-ayos para sa kanyang pag-alis, pababa na sana siya sa unang palapag nang makita niya ang nakaharang na matanda paakyat sa daraanan din niya, tumigil pa ito sa mismong harapan niya, nagtaka naman siya at nagtaas ng isang kilay, ‘bakit palagi na lang may humaharang sa daraanan ko? Baka malate pa ako nito sa trabaho ko,’ sa isip-isip niya habang nakatingin sa matanda. May puros itim itong kasuotan, sumulyap ito sa kanya, kalmado ang mukha nito pero nang matitigan siya bigla itong nagbago, hindi niya maintindihan ang matanda kong natatakot ‘to sa kanya o nagulat sa hindi malamang dahilan. “May problema po ba?” Tanong ni Ellory sa matanda. Pero unti-unti itong nanginginig sa takot dahil sa kanyang presensya. “Hindi ka dapat na andirito,” sabi ng paos na boses ng matandang babae. “Huh?” Napailing si Ellory, “hindi ko po kayo maintindihan.” “Hindi ka dapat na andirito, hindi ka ligtas, hangga’t kaya mo pa umalis ka na,” sa pagkakataon na ito’y pabulong nang sinabi ng matanda kay Ellory kaya nakaramdam ng kaunting takot dahil sa matanda. “Ma,” isang binata naman ang lumapit sa matanda na halos kaseng edad lang ni Ellory, “ma sabi kong wag kang lalabas ng bahay,” napaisip si Ellory na ina ng binata ang matandang nanakot sa kanya. “Nakikita mo ba ‘yong dalaga,” nagtaka naman na humarap ang binata kay Ellory dahil sa sinabi nito. “Opo,” saka muling binawi ng binata ang tingin kay Ellory, “ma bumalik na tayo sa loob, kayo ang hindi ligtas.” Umiling-iling ang matanda, “hindi, hindi ligtas ang babaeng yan sabihin mo sa kanya na umalis siya dito, ngayon na.” Huminga ng malalim ang binata, “halika na mama, magpahinga ka na po sa loob, kong lahat ng tao sasabihin mong umalis, magagalit sa atin si Simon, tayo ang papaalisin niya,” saka inalalayan ng binata ang ina nito. Pagkababa nito sa hagdan, hindi maiwasang sumunod ni Ellory kong saan ito nakatira, sa unang pintuan sa tabi ng hagdan na binabaan niya, narinig pa niya ang pag-uusap nito, saka niya nakitang muling lumabas ang binatang may suot din ng salamin katulad niya. Ngumiti ito sa kanya ng tipid, “pasensya kana sa mama ko, ga’nun talaga ‘yon sa lahat ng nakatira dito, sana hindi ka magalit, bulag din kasi siya.” Hindi maiwasang magulat ni Ellory sa nalaman niya, “bulag siya? Pero bakit alam niya ‘yong kasarian ko bulag siya?” Nagkipit-balikat ang binata, “hindi ko alam, minsan nagkakamali rin siya, ngayon lang siya tumama pero bulag talaga ang mama ko, siguro bago ka dito, kong sakaling makita mo uli si mama at sabihin ka ng ga’nun sana alam muna kong bakit.” “Ok,” ‘yon na lamang ang tanging sinabi ni Ellory at saka siya nagpatuloy sa paglalakad niya, nawala rin agad ang tungkol sa matanda, dahil na rin sa paglalakad at pagdating niya sa kanyang trabaho ay wala na siyang inisip kong di ang matapos ang lahat ng trabaho niya. Nasa mismong cashier area siya nag-aasikaso minsan naman pagkulang ng crew ay siya mismo ang tumutulong sa iba sa paglalagay ng pagkain sa tray para sa costumer, minsan ay waiter din para linisin ang ibang lamesang kailangan magamit ng iba, ga’nun lang ang routine nila sa trabaho. Kailangan niyang pumasok ng 9 ng gabi at uuwi siya ng 4 ng madaling araw bilang pahinga niya, mas madalas na mas maraming kumakain sa gabi dahil may mga katabi silang call center company at mga internet shop na magdamagan din kong magbukas. Sa halos walong oras na trabaho, kailangan na naman bumalik si Ellory sa kanyang bagong apartment unit, iniisip niya habang pauwi ang iilang gamit na hindi pa niya naayos, pero dahil sa pagod gusto na muna niyang magpahinga at pag-gising na lamang sa umaga niya ayusin ang mga natira. Kalahating oras na paglalakad bago siya tuluyang nakauwi sa apartment building ng Chris. May ilang bukas pang tindahan at mga tao sa kalsada patungong sa nasabeng gusali, tahimik naman ng makarating siya doon, wala sumasagi sa kanyang isipan kong di ang magpahinga, sa wakas makakahiga na siya sa malambot na kama niya. Pagkarating niya sa ikatlong palapag, agad siyang huminto sa harapan ng pintuan para buksan ang apartment unit na tinitirhan niya, habang kinukuha niya ang susi sa bag, isang pares ng sapatos na pang lalaki bata ang natanaw niya mula sa paanan din niya, nakaharap ito sa kanya. “Ate,” rinig niyang may tumawag sa kanya, pagharap niya sa puwesto ng nakita niyang paa ng bata, wala na ito sa harapan niya, alam niyang may narinig din siyang boses, palinga-linga siya sa paligid at nagtataka kong saan nang galing ang boses na ‘yon. Nawala ang pagod ni Ellory sa nangyare, iniisip niya kong guni-guni lang din niya ang sapatos ng bata, pinakiramdam niya ang paligid ngunit wala naman siyang nakita, kong di siya lang ang na andoon, nagmadali siyang pumasok sa silid nang mabuksan niya ang pintuan. Agad niyan sinara at ni-lock ang pintuan, nakita niya ang nagkalat na gamit niya sa sala nang mabuksan niya ang ilaw ng bahay, inalis niya ang bag na dala niya at isa-isang binuksan ang butones ng uniporme niya habang siya’y papasok sa silid niya kong saan na andoon ang banyo at kamang tutulugan. Nang mahubad niya ang lahat ng damit, naghilamos at naghugas ng katawan, pagkapalit niya ng damit, hinayaan niyang sando at panty lang ang suot niya, ga’nun siya kong matulog, nagmadali siyang humiga sa kama niya, nakaramdam siya ng kaginhawaan dahil sa wakas makakapagpahinga na siya galing sa mahabang trabaho. Agad na pumikit ang mga mata niya para makapagpahinga, agad din siyang dinalaw ng antok, sa kalagitnaan ng ala-singko nakaramdam si Ellory ng init sa buong katawan, hanggang sa may pares ng braso ang yumakap sa kanyang katawan, para bang hinihila siya pailalim sa kanyang kama, hindi makahinga si Ellory dahil naiipit ang kanyang sikmura. Gusto man niyang idilat ang mga mata ay hindi niya magawa, may mga naririnig din siyang sigawan, ingay ng ambulansya, lalong umiinit ang higaan niya, nakakaramdam siya ng para bang pinapaso siya sa pamamagitan ng mga brasong yumayakap sa kanya, nagpupumiglas na siya pero hindi niya magawa, mga boses na humihingi ng tulong at sigawan na hindi niya maintindihan kong ano sinasabi. Pero may isang boses ang nangingibabaw sa kanya, pinaghalong babae at pang lalaking boses, “mamamatay ka.” Doon siya tuluyang nagising, hingal na hingal, pinagpapawisan ng malamig at malakas ang kabog ng dibdib. ‘Buti naman at nagising na ako,’ sa isip-isip ni Ellory dahil sa wakas nagising na rin siya sa masamang panaginip, hindi rin niya masabi kong masamang panaginip o isang bangungot sa kanya ang bagay na ‘yon. Kinuha niya ang salamin niya sa mata at sinuot, napakunot noo siya nang may marinig siyang ingay mula sa labas, kinuha at sinuot niya ang jogging pants na kulay gray at lumabas ng apartment unit, hinahanap niya kong saan nang gagaling ang ingay, nang gagaling pala ito sa kaliwang pintuan kong saan katabi lang rin ng tinitirhan niya, agad niya itong kinatok. Mas naririnig niya ang ingay nang makalabas siya, ingay na animoy may nagpa-practice na banda sa loob, ang tugtug ng electric guitar, drums, piano at kong ano-ano pang instrumentong pinaghalo-halong naririnig niya ngayon, muling kumatok si Ellory hanggang sa may magbukas na binata. Bahagyang nagulat si Ellory sa itsura ng binata, puros itim ang suot at animoy miyembro ng banda kong manamit, may malaki itong butas ng tenga sa kanan na tinatawag nilang tunnel at malaking higaw na kulay itim, nakataas ang buhok nito, may makapal na eye-liner at itim na lipstick, meron din itong piercing sa butas ng ilong, kanang kilay at labi. Nangangamoy din ang pinaghalong alak at sigarilyo, “ano ‘yon miss?” Para tuliro nang tanungin si Ellory. “Pwede bang itigil niya yan na ginagawa ninyo, natutulog ako, kailangan ko ng pahinga at saka ang aga pa ah, hindi pa ninyo alam na nakaka-istorbo kayo ng mga kabit-bahay,” nagtaas ang isang kilay ng binata nang sabihin niya ang reklamo. “Sa tingin ko ikaw lang ang nagsasabi niyan, wala namang nagrereklamo sa jam namin ng barkada ko, hindi mo ba alam na ikaw ang istorbo dito sa ginagawa namin,” nagulat si Ellory sa sinabi ng binata na animoy siya pa ang mali. Hindi naman niya na pansin na kakarating pa ng isa pa niyang kabit-bahay na pinagmamasdan siya habang nakikipag-usap. “Adik ka ba? Hindi mo ba ako naiitindihan, ang sabi ko, itigil ninyo yan, kong hindi irereklamo ko kayo,” inis na saad ng dalaga. Pero wala naman paki alam ang binata kay Ellory at pinagsarhan lang ito ng pintuan. Muling kinatok ng dalaga ang pintuan ng unit nito pero hindi na siya pinagbuksan pa, “mga bwisit kayo!” “Masasayang lang yang pinag-gagagawa mo kasi hindi ka naman nila papansinin,” napasulyap naman si Ellory sa binatang ngayon lang niya na pansin. Pero pamilyar ang mukha nito sa kanya, siya rin ‘yong binatang nakita niya kahapon paglipat niya. Hindi siya nagsalita. “Alam mo hindi ka naman nila bibigyan ng special treatment kahit na bagong lipat ka dito, madalas na nilang gawin yan ng grupo nila, lahat ng nakatira rito sanay na sa kanilang ingay,” wika ng binata sa kanyang may kulot na buhok. Hindi makapaniwala si Ellory na may magiging kabit-bahay siyang ganito, “porket, wala ba kayong konsidirasyon para sa iba.” Ngumisi naman ang binata sa kanya, “teka lang hindi ako ang kaaway mo dito.” “Ay ewan,” binuksan ni Ellory ang pintuan ng bahay niya at binagsak niya ito ng isara niya, para malaman ng iba kong ga’ano siya na iinis sa araw na ‘yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD