CHAPTER 2

1327 Words
PAGPASOK NI Zia sa restaurant ay napansin niyang agad na napalingon sa kanya ang karamihan ng mga customers doon, lalo na ang mga lalaki.  Pero wala siyang nilingon kahit isa man lang sa mga ito.  Sa isip-isip niya, mga sira ulo ang mga lalaking iyon.  May mga kasama ng ngang babae, kung saan-saan pa lumilingon.   Ang sarap kutusan, wika niya sa isip.  Kunsabagay, hindi niya masisisi ang mga ito.  She wasn’t on her usual garb of jeans and shirt.  Tonight, she was wearing a black and lacy cocktail dress that emphasized the curves of her body.  Ang mahaba niyang buhok na lagi lang niyang pino-ponytail ay alun-alon na ngayon nakalugay sa mapuputi niyang balikat.  She even had a make-up on.  Maaaring hindi siya ang tipo ng babaeng mahilig gumala at gumimik pero hindi naman ibig sabihin nun ay wala siyang kaalam-alam kung paano aayusan ang kanyang sarili.   If she wanted to be beautiful, she could be beautiful.   Nakita na rin niya sa wakas si Kai.  Kung halos lahat ng lalaki roon ay nakatingin sa kanya, ang kumag, ni hindi man lang nagtaka kung bakit ang mga lalaking nasa katabi nitong table ay iisang direksyon lang ang tinitingnan.  Sa unang pagkakataon ay hindi niya alam kung matutuwa siya rito o maasar.  Matutuwa dahil hindi ito gumaya sa mga unggoy na lalaki roon na nakakita lang ng magandang babae ay kinalimutan na ang kani-kanilang dates.  Maaasar dahil hindi nito inalis ang mga mata sa kasama nitong babae.  Well, not that she wanted him to look at her direction— Tama ng drama iyan, Zia.  Baka kung saan pa mapunta ang kuwento mong iyan. Naglakad na siya patungo sa direksyon ng mga ito.  Si Kai ang unang nakapansin sa kanya.  At parang gusto niyang batukan ito habang titig na titig na nakamasid sa paglapit niya.  Napagsabihan na niya itong hindi bago ang magiging damit niya ngayon, parang takang-taka pa rin ito sa itsura niya. “Good evening,” buong pormal niyang bati.  Gaya ng madalas nilang drama. Sa biglang pagtayo ni Kai ay lumikha ng ingay ang silya nito.  Kung hindi lang nila ito madalas ginagawa, baka isipin niyang totoong nagulat nga ang binata sa pagdating niya.  Kunsabagay, ganito naman lagi ang inaasal nito sa tuwing darating siya sa eksena.  Akala mo totoong sising-sisi sa ginawang ‘pagtataksil’.  But he looked acting like this. “Z-Zia…you look…” “Thank you.”  Iba yata ang dialogue ng kumag ngayon.  “Fancy meeting you here, Kai.  May kasama ka?  Who is she?  Another client?” “Ahm…”  He just couldn’t stop looking at her.  Kaya pati tuloy ang paliwanag nitong alam niyang matagal na nitong kabisado ay hindi na masabi.   What the heck’s wrong with you, Kai?  Don’t tell me ngayon ka pa nakukunsensiya.   But when she looked at the woman who was now dabbing a tissue on her cheek, she realized what’s been keeping him distracted.  The woman was crying.  Gusto na niyang sipain ang binata.  Ano kaya ang mga pinagsasasabi nito sa babae at ngayon lang nangyari na may umiyak sa mga naka-date nito?  Mabuti na lang at nakaya pa rin ni Caroline na harapin siya ng pormal.   The woman has pride.  And she admired her for that. “Pasensiya na,” anito.  “May importante lang kaming pinag-usapan ng…f-fiance mo.  Pero tapos na kami kaya mauuna na ako sa inyo.  Mukhang may date pa kayo…Ayoko ng makaistorbo pa.  Goodnight.” Habang sinusundan niya ito ng tingin palabas ng restaurant, hindi niya maiwasang maawa rito.  Ganito na lang lagi ang eksena kapag gumagawa sila ng drama ni Kai para makawala ito sa mga babae nito.  Nakikita niya ang bawat isa sa mga ito na nasasaktan.  At iyon ay dahil sa pagiging selfish ni Kai at pagkunsinti naman niya sa mga kalokohan nito. “Kai.” “Zia?” “Ito na ang huling beses kong gagawin ito.”  Then she went out. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa pinaparadahan ng mga taxi.  Kai went after her. “Zia, sandali.”  Huminto na rin siya upang harapin ito.  “Pag-usapan natin ito ng maayos.” “Wala ng pag-uusapan.  Na-distract ka nang makita mong umiyak ang babaeng iyon.  Ako rin.  Sa wakas ay kinampihan na rin ng kunsensiya ko ang mga kabaro ko.  Matagal na akong naging traydor sa kanila dahil tinutulungan ko pa ang isang playboy na gaya mong gumagala-gala.  Kaya ayoko na.” Pinigilan siya nito sa braso.  Napilitan tuloy siyang huminto at harapin ito.  Once again, she noticed he was looking at her quite differently tonight.  Binawi niya rito ang kanyang braso at kinuha ang ponytail sa kanyang purse bag at itinali ang buhok.  Isinuot na rin niya ang kanyang eyeglasses. He blinked his eyes as if he had just gotten out of his dreams.  Sabi na nga ba.  Nanibago lang ito sandali dahil matagal-tagal na rin naman siyang nakapag-ayos ng ganito ka-daring.  Tinampal niya ang noo nito. “When will you stop playing around, Kai?  Hindi ka na bata.  Matalino ka rin naman kaya alam kong alam mong nakakasakit ka na ng damdamin ng maraming babaeng dumaan sa mga kamay mo.” Hinaplos nito ang noo.  “Pareho lang naman kami ng purpose ng mga babae kung bakit nakikipag-date.  To find the right person for us.  Kapag hindi ang taong naka-date mo ang taong hinahanap mo, natural lang na magpatuloy ka lang sa paghahanap.  Hindi ba?” “Right person?  There’s no such thing as a right person, Kaiser.  There’s not even a left one, for God’s sake.” “Corny mo naman—aray!”  Pinalo na naman niya ito sa braso.  Tumawa lang ito saka siya inakbayan at hinila siya palapit dito.  Hindi na niya sinubukan pang magpumiglas dahil alam naman niyang hindi siya nito basta-basta pakakawalan.  “Sorry kung nasasaktan ko ang mga kabaro mo.  Pero gaya nga ng sinabi ko, lahat ng single ay ganon ang mentality kaya sila nakikipag-date.  Nang pasukin nila ang ganong sitwasyon, alam din nilang kasama na roon ang masaktan.  Tanggap nila iyon.  Tanggap namin.” “Ako hindi.” “I know.  Kaya nga gusto kita.  Napaka-inosente mo.” “Nang-iinsulto ka ba?” “I’m just stating a fact.  Nakita mo kaninang umiyak si Caroline.  And I understand how you feel.  Medyo natigatig din ako, pero ganon talaga iyon.  In your quest to find the right person for you, hindi maiiwasang masaktan ka o makasakit ka ng ibang tao.  Natural na talaga iyon.  Kaya hindi mo kailangang kumalas sa kontrata natin.” In its twisted way, he has a point.  Pero nakapagdesisyon na siya.  “Kahit ano pang dahilan mo, ayoko na talagang makakita ng mga babaeng umiiyak dahil sa isang lalaki.” “Hey, hey.  This is the first time na may umiyak sa mga naka-date ko.”  Napakamot na lang ito ng ulo.  “It wasn’t my intention to make her cry either.  Wala sa maharlika kong dugo ang magpaiyak ng babae.” “Kasalanan mo pa rin iyon dahil ikaw ang dahilan ng pag-iyak ni Carol.” “Caroline.” “Whatevah!” pag-iinarte na rin niya.  “Ngayon puwede na bang pakitanggal ang braso mo sa balikat ko?” “Mukhang mainit na talaga ang ulo mo.”  Napabuntunghininga na lang ito saka hinawakan siya sa kanyang kamay at hinila pabalik ng restaurant.  “Come on.  Ililibre na lang kita ng dinner.” “You can’t change my mind, Kai.” “I heard masarap ang relyenong bangus nila rito dahil iyon ang especialty nila.”  He looked back at her, smiled and winked.  “Its your favorite, right?” “You’re the devil incarnate, Kaiser Montezor.” “Devil?  Hmmm.  Puwede na rin.  Nakakasawa na rin namang maging anghel sa bawat araw na ginawa ng Diyos.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD