Chapter 2

1170 Words
Chapter 2 HANGGANG ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari dahil biglaan ang lahat, kahit pa kakalibing lang kahapon, pakiramdam parang kanina lang nangyaring nahimatay si tita sa harapan ko at litong-lito kung anong gagawin sa kanya. Sa sampung taon na ‘yon, siya ang tumayong ama’t ina ko at matalik na kaibigan. Masakit sa ‘kin na mawala siya, napakaliit ng pamilya namin at alam kong malalayo sila sa amin para mahagilap ng tulong. Sa loob din ng sampung taon, ininda lang niya at tinago ang sakit sa ‘kin, siguro para hindi ako mag-alala katulad ng nakalagay sa sulat, sabi pa niya, hindi niya ako iiwan kung hindi ko pa talaga kaya at hindi pa handa. Namatay siya sa breast cancer, mukha siyang maayos ngunit may tinatago na pala siya, stage IV breast cancer, huli na ang lahat at kumalat na sa buong katawan niya ang cancer cell, sabi ng doctor. Katulad ng huling habilin niya sa sulat, hindi nagkaroon ng lamay at agad din siyang nilibing. Kakaunting tao lamang ang nakiramay dahil kakaunti rin ang nakakakilala sa amin sa Roseville, ang katrabaho niya sa isang kinder garden malapit sa bayan at ilang kapit-bahay sa village. Sa sampung taon na ‘yon, hindi rin kami masyadong nagpapasok ng tao sa buhay namin, lalo na ako. Naging iwas ako sa mga tao, iba ang tingin nila sa ‘kin, hindi rin ako marunong pumansin ng tao at may napapansin silang aura sa ‘kin kaya sila na mismo ang lumalayo. Pero kung ako ang masusunod, mas gusto ko ang ganito dahil ayoko ng pakiramdam na iiwan ako ng taong mahalaga sa ‘kin, nakakatakot, katulad ng nangyari sa mga magulang ko na pilit ko pa rin tinatakasan at dumagdag pa ang nangyari kay tita. Sa sampung taon na ‘yon, nasanay akong tumayo sa sarili kung mga paa, may ilang kakilala sa kolehiyo pero hindi ko sila tinuring na kaibigan at naging part-timer sa isang coffee shop na labas ng village at nag-aaral sa kursong IT. Sa una wala akong balak mag-continue sa kolehiyo nong makapagtapos ako sa senior high, dahil wala akong napupusuang kursong babagay sa ‘kin, ngunit pinilit ako ni tita Tabitha at nagbigay inspiration para ipagpatuloy pa rin ang nasimulan. Habang nag-aalmusal sa counter sa may kusina, napasulyap ako sa litrato namin ni tita Tabitha, kuha nong grumaduate ako at ‘yon din ang huling ngiti ko kasama siya. Dapat sa mga oras na ‘to nag-iingay na siya at kasabay ko siyang mag-agahan. Makikita ko siyang umiinom ng paborito niyang tsaa, kaya kahit ayaw ko ng lasa, nagtimpla ako para sa sarili ko at para lang maalala ko ‘yong amoy na andyan siya. Bigla na lang akong nawalan ng gana at hindi na inubos pa ang pagkain ko. Hinugasan ko na lamang ito at kailangan ko pang mag-asikaso para sa ‘king pag-alis. Pagkatapos kong magligpit, lumabas ako ng kusina, sumalubong sa ‘kin ang isang maroon na maleta na nakatabi sa sofa at nakapatong doon ang puti kong canvas bag. Dinouble check ko muna ang mga pinto at bintana kung nakasara na ito ng maayos bago ako lumabas ng bahay. Napabuntong-hininga ako sabay bulong ng, “masasanay din ako,” saka ko ni-lock ang pinto ng bahay bago ako tuluyang namalaam at umalis. ISANG oras ang biyahe bago ako nakarating sa mismong lungsod ng Roseville, ang napakaingay na lugar, maraming nagkalat na tao, samu’t saring nagtitinda ng pagkain sa side walk at kailangan kong gawin ay maglakad patungo sa grand terminal ng bus patungong Caroline Province. May limang oras ang biyahe at sa tingin ko aabutin ako ng hapon bago ako makarating. Maraming nagmamadaling makapasok sa grand terminal, nagkalat ang mga vendor ng mga kung ano-anong pagkain o ano pa mang kailangan sa biyahe. Mas pinipili ng ilan na bumili sa labas kesa sa loob dahil mahal ang bilihin do’n. Agad akong pumila para sa x-ray scanner ng mga bagahin at chineck ng security guard na babae ang aking ticket bago niya ako pinapasok. Pagkakuha ko ng mga bagahe agad na akong dumiretso sa bus na sasakyan ko dahil nakaparada lang ito mismo sa di kalayuan, tinulungan ako ng konduktor na mailagay sa ibaba ang gamit ko, bago niya kinuha ang kalahati ng ticket ko at saka niya ako pinasakay sa loob ng bus. Nang agad kong nahanap ang numero ng upuan, naupo na ako ro’n malapit sa bintana at sinalpak ang earphone ko sa tenga. Binuksan ko ang phone ko at pinatugtog ang musika ro’n. “MISS, gising na po, andito na po tayo.” Kinusot-kusot ko ang mata ko nang magising ako sa pagtawag sa ‘kin ng isang boses. Hindi ko namalayan na sa loob ng limang oras ay tulog lang ako sa biyahe. Do’n ko lang napansin na hindi na maayos ang pagkakaupo ko sa upuan, wala na ang ibang pasahero at nakaparada na sa terminal ang bus ng makita ko ito sa labas. Napasulyap ako sa konduktor. “Maraming salamat po at paumanhin,” sabi ko at saka ako bumaba ng bus habang dala ko ang bagahe ko. Ramdam ko agad ang malamig na klima sa Caroline, ang kakaiba nitong aura, ang nagtataasan nitong pine tree at mga kakaibang bulaklak na dito mo lang makikita. Napakatahimik ngunit maraming nagbago. Makulimlim ang kalangitan ngunit hindi naman uulan. Naamoy ko ang malinis na simoy ng hangin. Saka ako nag-umpisang maglakad papalabas ng maliit na terminal. Kakakunti lang ang naglalako ng paninda kesa sa Roseville. Makailang beses din silang nag-alok at hindi sila pinansin sa tuwing lalapit sa ‘kin dahil wala naman akong balak bumili. Naupo ako sa isang waiting shed at binuksan muli ang phone ko para i-messages sila Nikita, ang tagapagbantay ng mansyon namin simula nong umalis kami ro’n. Nalaman ko lang din ito ayon sa sulat ni tita Tabitha at numero kung paano ko sila makontak para masundo ako. Ngunit hindi ko kayang magtagal sa waiting shed kaya muli akong tumayo at naglakad. Hindi naman malayo ang mismong bayan sa terminal, ang Portga Vaga, tawag ‘yon sa bayan at mismong palengke sa Caroline. Habang papalapit ako ro’n ang dami ko nang nakakasalubong na mga galing do’n sa pamimili. Iilan lang ang kotse dumadaan nang masaktuhan kong may dumaan na black BMW. Hindi ko maiwasang hindi mapasulyap do’n, nakabukas ang bintana nito sa passenger seat, kitang-kita kung sino man ang pasahero nitong nakadungaw sa labas, napansin ko agad ang binatang nakaupo ro’n, wavy ang bahagyang mahaba nitong buhok, asul at malalim na pares ng mga mata. Habang papalayo sila, napasulyap din siya sa ‘kin at segundo ang tinagal ng pagtititigan namin sa hindi malamang dahilan hanggang sa tuluyan na silang nakalagpas. --- Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copies. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo sa Dreame mababasa ang kwento na ito. Kong malaman ninyo, makita o mabasa sa ibang site ang kwento na ito, please pakisabi agad sa totoong author nito. Maraming salamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD