CHAPTER 2

1993 Words
“HOY.  BAUTISTA, laya ka na.” Napangiti si Kass nang makita kung sino ang tinutukoy ng pulis na nagbukas ng selda kung saan ilang oras din siyang nakulong, matapos niyang makisali sa rambulan ng mga kasamahan niya sa superbike racing club kanina.   “Icen.  I knew you’d come to fetch me—“ “Shut up.”  Bigla na lang siya nitong sinaklit sa kanyang braso saka kinaladkad palabas ng presinto. “Uy, ang bango natin ngayon, ah.  Mukhang naligo ka ng pabango.  May date ka, ‘no?” “Yeah, I had a date.” “Had?  Tapos na agad?”  Sinulyapan niya ang relong pambisig.  “Alas otso pa lang, ah.  Dati-rati, inaabot ka na ng umaga sa mga dates mo, hindi ba?  Ang bilis nyo namang—“ “Kasalanan mo ang lahat kung bakit bigla na lang natapos ang date namin ni Erica.  Kung hindi mo ako binulabog—“ “E, di sana, bukas pa ako makakalaya.  Ayokong matulog sa presinto, ‘no?  At kung si Daddy naman kasi ang tatawagan ko, baka pagbabarilin nun ang mga pulis dun sa presinto.  Alam mo naman ang tatay kong iyon, laging ako ang tama sa paningin niya.  Kapag nakita niya akong naghihimas ng rehas na bakal, naku, lagot ang mga pobreng pulis.  Gusto mo bang—“ “I said shut up, Kassandra.” “Hey, wala kang sinasabing ‘shut up’.  Kanina pa iyon, doon sa loob ng presinto—“ “Kassandra Bautista!”  Nasa tapat na sila ng kotse nito sa labas ng presinto. “Hey, dude.  Don’t shout.  Naririnig naman kita.”  Pabiro pa niya itong sinuntok sa dibdib nito.  “Ikaw naman, hindi ka na mabiro.  Cool ka lang, dude.” Nakita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito.  Napangiti na lang siya.  Ewan niya pero naging fascination na para sa kanya ang itsura nito kapag nagagalit.  Not that she wanted him to get mad everytime.  Basta lang lumalambot ang puso niya kapag nakikita nitong nagagalit.   “You just ruined my date.  Kaya kung puwede, huwag mo na akong asarin pa dahil kapag hindi ako nakapagpigil, itatapon kita pabalik ng selda mo.”  Binuksan nito ang pinto ng passenger seat.  “Get in.” “Salamat na lang.”  Binuksan niya, halfway across her chest, ang suot na leather suit.  “Pero sayang naman ang superbike ko kung hindi ko sasakyan.  Isa pa, pag iniwan ko iyon dito, baka pag-trip-an lang ng mga buwayang pulis na iyon.”  Dinukot niya sa bulsa ng leather suit niya ang susi saka tinapik-tapik ang pisngi ni Ice.  “Sige na, balikan mo na ang date mo.  May panahon pa naman siguro kayo para mag-happy-happy.  Oo nga pala, magkano ang ibinigay mong piyansa sa akin?” “Nevermind that.  You will come with me tonight.”  Natigilan siya.  Pagkatapos ay malakas na tumawa.  Napakunot naman ang noo nito.  “Anong nakakatawa?” “Ikaw.  I’m not going to have s*x with you.  Hello!  Hu-hu!” “Tigilan mo nga iyang kahuhuni mo riyan.  At sino naman ang nagsabi sa iyong makikipag-s*x ako sa iyo?  Hindi ako pumapatol sa mga hindi babae.” Nagkibit lang siya ng balikat.  “O, e bakit kailangan kong sumama sa iyo?” “Kung magsalita ka, parang s*x lang ang gagawin namin ng mga babaeng sumasama sa akin, ah.” “Hindi ba?” “Hindi.”  He zipped up her leather suit zipper and forced her to get inside the passenger seat.  “We need to talk.” “Bukas na lang—“ “Shut up!”  saka malakas nitong ibinalibag pasara ang pinto.   “O…kay.”  Masama nga yata talaga ang mood nito.   Habang nasa biyahe ay wala na silang imikan.  This has always been their drama since the day their fathers appointed Icen to be her bodyguard, guardian, and boyfriend.  Pero ni minsan, wala sa kanilang dalawa ang sumeryoso sa kasunduang iyon.  Ngunit kapag nariyan ang mga ama nila ay wala silang magawa kundi ang magpanggap.  Sa kanilang paglaki, nagkaroon na sila ng sarili nilang mga buhay.  Siya ay pinili ang delikadong mundo ng professional superbike racing.  Ngayon ay kilala na siya hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.  Subalit kahit ganon, hindi pa rin siya makuntento.  She had to go somewhere and do something.  Habang si Icen ang nag-take over ng pamamahala ng university na ipinatayo ng ama nito noon.  Ngayon ay may apat na annex na ang university nito at tulad niya, mukhang wala rin itong balak na tumigil sa pagtatrabaho dahil kung ano-ano pang negosyo ang nababalitaan niyang pinapasok na rin nito. Kahit kailan ay hindi niya ito naging kasintahan at hindi ito naging kasintahan sa kanya.  Ngunit dahil sa kanilang mga ama, kinailangan nilang pagtiyagaan ang isa’t isa na lagi na lang nagkakasalpukan.  Noon iyon.  Ngayon, sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan madalas, natuto naman silang mag-adjust sa isa’t isa.  Kapag mainit ang ulo ng isa, tulad ni Ice ngayon, ang isa naman ang magba-backdown.  They don’t have to be with each other because they both have their own lives to live.  Pareho silang gustong maging malaya kaya sa unang pagkakataon, kaya kinailangan nilang magkasundo at some point.  In short, puwede nitong ligawan ang lahat ng babaeng gusto nito basta lang huwag itong magpapahuli sa kanilang mga ama.  In return, hindi rin nito isusumbong sa kanyang ama ang paglabas niya ng bansa para sumali sa mga international competition.  Sa Pilipinas lang kasi siya nito pinayagang mag-compete.  So far, ayos naman ang lahat.  Liban na lang sa paminsan-minsang pagkakasangkot niya sa g**o, gaya ngayon, at si Ice ang nabubulabog niya.  Dahil nakatali pa rin ito ng pangako sa ama na magiging tagapangalaga at tagapagtanggol niya, sumusugod ito kahit nasaan pa siya para ilabas siya sa mga gulong kinasasangkutan niya nang walang kapalit.  Ang parteng iyon lang ng setup nila ang hindi niya gaanong maintindihan pero dahil siya naman ang nakikinabang, hindi na lang niya kinukuwestiyon. “’Yung superbike ko,” mayamaya’y wika niya.  “Bayaran mo iyon kapag nawala iyon doon sa presinto.” Hindi pa rin ito nagre-react.  Himala yata na matapos itong halos maputulan ng litid kanina sa galit nang kunin siya sa presinto e wala naman itong imik ngayon.  Seryoso pa masyado ang mukha. “Ice, may problema ka ba?” “Oo.  Ikaw.” “E, bakit mo naman ako pinoproblema?  Sasakit lang ang ulo mo.  Ewan ko ba naman sa iyo kung bakit paborito mo akong gawing sakit ng ulo mo—“ “Kassandra.” “Okay, sorry na kung nagulo ko ang date mo ng kung sino mang VAlentina’ng nadampot mo ngayong gabi.  But look on the bright side, you could always do it again.”  Masamang tingin ang ibinigay nito sa kanya.  “What?  Nagsa-suggest lang naman ako since nakukunsensiya ako na hindi ka magkakaroon ng hot s*x ngayong gabi.” “Kassandra…” Hinilot nito ang sintido ngunit hindi na ito nagsalita pa.  Wala nga talaga ito sa mood makipag-espadahan ng salita sa kanya. “Sige na, sige na.  Sorry na.  sa susunod na makulong uli ako, hindi na kita tatawagan.  Siguro…iti-text na lang kita.”  Nang hindi pa rin ito sumagot ay bumuntunghininga na lang siya.  “Hay.  Sige na, hindi na rin kita iti-text—“ “I want you to meet Erica.” Napalingon siya rito.  Ngayon lang kasi ito nag-open up ng topic sa kanya tungkol sa kagustuhan nitong makilala niya ang mga naging girlfriends nito.   “Erica who?”  Hinubad niya ang suot na leather boots upang hayaang makahinga ang kanyang mga paa.  “Iyan ba ang bagong mong girlfriend?” “Three months na kami.” “Oo nga.  Bago nga.  Hindi ba’t nung nakaraan, Veronica ang pangalan ng girlfriend mo?” “Dolores.” “Ay, ang layo.”  Hinilot niya ang kanyang paa.  “Pero ano naman ang pumasok sa isip mo at gusto mo ng magpang-abot ang official girlriend mo at ang itinatago mong girlfriend?”  Napangisi siya nang mapabuntunghininga na lang ito.  “Yo, dude, I said relax.” “I’m trying to say something here.  Umayos ka nga.” “Maayos naman ako, ah.”  Ang isang boots naman niya ang kanyang hinubad.  “Well, anyway, kailan mo naman ako gustong makipagkilala sa kanya?” Matagal bago ito nakasagot, tila pinag-iisipan kung ano ang isasagot.  O kung paano siya itatapon sa labas ng kotse nito. “The next day,” sagot nito sa wakas.  “Pagpunta natin sa Stallion Riding Club.” Napataasan ang kanyang mga kilay.  “Stallion Riding Club?  Talaga? Dadalhin mo ako doon?  Akala ko ba bawal doon ang tulad kong walang finesse sa katawan?  Kaya nga ayaw na ayaw mo akong isama.  Bakit biglang nagbago ang isip mo?  Anong nakain mo?  Pautang nga.” “Kassandra.”  Kinamot nito ang noo, halatang nagpipigil pa rin itong masakal siya dahil sa kanyang kadaldalan.  “Kalimutan mo na iyon.  For now, I just want you to meet Erica.” “Hmm, masyado ka yatang atat ngayon na makilala ang isa sa mga babae mo—“ “Don’t talk about Erica like that, Kass.  She’s…different.” “Ow?  May sungay ba siya at limang pangil?”   “Kassandra.” “Fine, fine.  O tapos?” “Gusto kong makilala mo siya nang maayos bago…bago ako mag-propose sa kanya.” “Propose ng ano?” “I’m gonna ask her to marry me.  And the Stallion Riding Club will be the perfect place for me to pop up the question.” Itinaktak niya ang leather boots at nahulog ang isang piso sa sahig ng kotse.  Dinampot niya iyon at hinipan.  “My lucky charm…” She was about to kiss it when Ice took it from her.  “What the heck are you doing?  It just came from your shoes!” “Shoes?  Icen, naman.  Lumabas ka nga sa lungga mo paminsan-minsan.  This is called boots, okay?  And give me back my lucky charm.” Pero hindi nito iyon ibinalik sa kanya.  Instead, he just clenched it in his palm.  “Did you even listen to me, Kassandra?” “Oo naman. Ang sabi mo, kailangan kong makilala si Monica—“ “Erica.” “Erica.  Bago ka mag-propose ng kasal sa kanya.  Okay.” Huminto ang sasakyan nila sa isang stop light at lumingon ito sa kanya.  “Is it really fine with you?” “Hey, if you love her, then go ahead and make my day.  That’s your life.”  Hindi ito umimik.  “Sina Daddy ba ang inaalala mo?  Don’t worry about it.  Malakas ako kay Daddy at makikinig iyon sa lahat ng sasabihin ko.  Ako ang magpapaliwanag sa kanya and then siya na ang magsasabi sa Daddy mo.  You’ll get to marry the woman you love, I’ll get to live my life the way I wanted it, we’ll all be happy, be in nirvana, and the hell with everyone else!  Shing!  Shing!” For the first time that night, she saw his smile again.  Its always been his greatest asset and she could only agree more.   “Can I have my lucky charm back now?” Ibinalik naman nito iyon sa kanya.  For quite a while, tinitigan lang niya sa kanyang palad ang lumang piso na iyon.   “Luma na iyan, ah,” wika nito nang umandar na uli ang kanilang sasakyan.  “Bakit hindi mo pa itapon iyan?” “Yo, dude, walang pakialamanan.  Ito ang nagbibigay sa akin ng suwerte kaya cool ka lang diyan, okay?” “Saan mo ba napulot iyan?” “Secret.”  Ibinalik na niya iyon sa kanyang boots.  “Hey, nagugutom na ako.  Pakainin mo naman ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD