bc

THIRDY (SA TORE NG MGA LEON BOOK 2)

book_age18+
448
FOLLOW
1.7K
READ
friends to lovers
drama
bxb
coming of age
enimies to lovers
friendship
secrets
mxm
like
intro-logo
Blurb

Ikalawang yugto mula sa estorya ng Sa Tore ng mga Leon Kung saan ang protagonistang mababasa ninyo ay patungkol sa anak ni Roman na si Thirdy.

Mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa kaniyang paglaki ay malalantad pa ang ilang lihim ng pamilya Monleon na babago ng kaniyang buhay at pag-ibig.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 ANG PAMILYA
"Are we there yet Tatay?" Tanong ni Thirdy sa nagmamaneho ng saksakyan. "Iho, konting hintay pa huh..." Nakangiting sinulyapan ni Roman ang anak habang nakakandong naman ang bata kay Arch Angelo " Ikaw talaga masyadong excited." Pangigigil na yakap ni Arch sa bata. Ngayon ay ika-9 na kaarawan ni Thirdy. Masaya ang tatlo dahil sa isang bahay ampunan nila ito iseselebra kasama ng mga ulilang bata. Sa tulong ng tiyuhing pari ni Roman ay nagkaroon sila ng pagkakataong doon ito ganapin upang mabigyan ng kasiyahan ang mga batang kapus-palad sa kahilinginan na rin ni Thirdy. Matapos ang isang taon mula ng maging CEO si Roman ng Monleon Tower Hotel ay nagsama na sila ni Arch Angelo bilang live-in partner. Bagamat may halong pagtutol pa si Don Juancho sa kanilang relasyon ay hindi ito naging hadlang sa kanilang pag-iibigan. Isang taon din inabot sa korte ang paghahabol ni Roman sa kustodiya para sa bata. Maraming proseso ang dinaanan para lang mapatunayan ang totoong relasyon nilang mag-ama. Bagamat hindi tunay na Monleon si Thirdy ay makukuha pa rin niya ang kaniyang mamanahin mula sa naiwang kinilalang ama noong una. Napilitan na rin si Don Juancho na payagan sina Arch at Roman na magsama upang matiyak na makukuha nga ni Thirdy ang kaniyang mamanahin at upang maalagaan ito ng maayos at hindi ilalayo ang bata sa matandang Don. Isang pabor na ikinasiya ni Roman at Arch Angelo at ngayon ay isang taon na nga ang kanilang pagsasama. Sa ikalawang pagkakataon ay kasama muli Roman si Thirdy sa kaniyang kaarawan na masayang binabagtas ang daan patungo sa bahay ampunan. "Gising na iho, narito na tayo." Yugyog ni Angelo sa balikat ni Thirdy na nakaidlip na pala sa biyahe. Iminulat ni Thirdy ang kaniyang mga mata at nakita niya na papasok na ang kanilang sinasakayan sa isang malaking bakuran ng bahay ampunan. Naroon ang ilang mga bata sa harap ng gusali kasama ng mga volunteer na tagapag-alaga sa mga iyon. Lahat sila ay naghihintay sa kanilang pagdating. Sa pangunguna ni Father Robert ay masaya ang pagsalubong sa bisitang dumating. Siya ang nag-alaga at nagpaaral kay Roman noon. "Mano po Tiyo. Anak magmano ka sa lolo Robert." Sinunod ng bata ang pinagawa ng ama at masaya itong nagbigay galang sa matandang pari. Tuwang-tuwa naman ang pari dahil nakita na rin niya ang apo sa pamangkin. Nakangiti naman si Thirdy ng sulyapan ang mga batang ulila na nagpatuloy na sa paglalaro sa playground ng bahay ampunan. "Tatay can I play?" Hila ni Thirdy sa sinturera ng pantalon ang ama. "This is your party anak, go play with them." Agad na tumakbo si Thirdy sa mga batang naglalaro at hinatid na lang siya ng tanaw ng dalawang ama. Ipinakilala ni Roman si Arch Angelo na kaniyang fiancé. Hindi naman tutol ang pari sa kung ano ang namamagitan sa dalawang magkasama dahil naniniwala siya na ang lahat ay may karapatang magmahal ng kung sino ang gugustuhin. Nagpatuloy naman ang dalawang magkasintahan sa pag iistima ng mga hinanda ng caterer na kanilang napili para sa party. Chineck ang programang gaganapin, nagpatulong sa mga dala nilang regalong ipamimigay para sa mga bata ng ampunan. Bukod sa araw ng kasiyahan ay may plano na rin ang dalawa na patuloy silang tutulong sa iba pang kailangan ng mga bata ng bahay ampunan. Dala nila ang Demetria Monleon Foundation na tinatag ng ina ni Arch Angelo na magbahagi pa ng donasyon na makakatulong pa ng higit sa bahay ampunan at sa mga batang naroroon. Isang regalo ito na hiling ni Thirdy na tumulong sa kaniyang kapwa gaya noong huli niyang kaarawan kung kaya't agad na nilapitan ni Roman ang tiyuhing pari sa magandang balitang hatid nila. Masaya ang tanghaliang dinaos ang kaarawan ni Thirdy. May mga palaro, patawa ng mga clown magician, pagpapapicture sa photo booth, mga mascot at pagbabahagi ng mga regalo. Parang pasko at nagmukhang ninong si Thirdy na inabot ang mga ito sa mga kalaro. Walang kapaguran si Thirdy dahil hindi na ito maawat sa pakikipaghabulan sa mga kaedaring bata. Hinayaan na lang ni Roman at Arch Angelo ang bata sa paglalaro kahit sa malayo ay mukhang amoy pawis na. Masaya nilang pinanood si Thirdy na nakikipaglaro ng dodge ball. Napatayo naman si Arch Angelo ng madapa si Thirdy, lalapitan sana niya ito ngunit pinigilan siya ng katabi. "Hayaan mo lang, kasama yan sa laro." Nakangiti si Roman na pinaupo muli si Arch Angelo. Sabay nilang pinanood si Thirdy na tumayo at pinagpag ang mga tuhod. Tumingin pa ito sa kanila at sumenyas na okay lang siya sa pagkakadapa. Gumanti ng okay sign ang dalawang ama at sabay pang ngumiti sa bata. Kahit sa malayo ay tanaw ang pamumula ng mga tuhod nito mula sa pagkakadapa subalit naroon pa rin ang kasiyahan ni Thirdy na pinapatuloy ang masayang laro ng batuhan ng bola. "Mana sa iyo ang anak mo...matapang din." Wika ni Arch habang pinapanood mga batang aglalaro. "Mana sa atin...anak mo na rin siya no?" Kakaiba ang ngiti ni Roman ng sabihin niya ito kay Arch Angelo. Hindi maitatangi na mahal na mahal nila ang isa't isa dahil ibinigay na ni Roman ang karapatan bilang pangalawang ama sa kaniyang anak kahit hindi pa sila kasal. Ilang buwan na lang ba at magiging lehitimo na silang mag-asawa dahil pinagahandaan na nila ang kanilang pag-iisang dibdib. Natapos na ang problema nila sa Hotel,ang kaso laban kay Margott sa pagkakabaril kay Thirdy at ang pagkilala sa karapatang tunay siyang ama ni bata. Isa na lang ang kulang. Ang malaman ni Thirdy na siya ang tunay na ama nito... Panahon na lang siguro kung kailan ang dapat malaman ang kanilang tunay na koneksyon sa isa't isa. Bata pa si Thirdy para maunawan niya kung sino talaga ang kaniyang tunay na ama. Kung okupado sa paglalaro si Thirdy kasama ng mga batang ulila ay abala din si Roman at Arch Angelo sa pakikipag-usap sa mga tagapamahala ng bahay ampunan. Naroon sila sa opisina ni Father Robert. Pinag-uusapan ang ilang mga detalye sa mga bagay na kailangan pa ng bahay ampunan at para sa mga batang naroroon. Marami ang kakulangan ng bahay ampunan dahil araw-araw ay may dumarating na mga batang nagangailanagn ng tulong. May pansamantalang nakikituloy, mga batang naligaw at pansamantalng doon muna kinupkop hangang sa makita ng mga magulang nanaghahanap, mga batang lansangan at yung mga sanggol na inabandona ng mga magulang. Nahabag naman ang dalawa sa mga hinaing ng ampunan kayat napagkasunduan nila na agad silang magpaabot ng tulong. Bukod sa ibinigay na tseke ay nangako silang sa lalong madaling panahon ay muli silang magpapabot ng tulong upang mas lumawak pa ang kanilang pagsagip sa mga batang ulila. Siyang-siya ang mga tauhan lalo na si Father Robert sa kaniyang narinig mula sa kaniyang pamangkin. Natapos sila sa pakikipagkamay at yakapan bilang pagsasara ng kanilang napagkasunduan. Muli, bumalik sila sa kasiyahan upang kumain at ipagpatuloy ang pakikisaya sa mga bata. Mula sa larong dodge ball ay taguan naman ang laro ng mga bata at si Thirdy ang naging taya. Ilang bata na ang nahuhuli niya. Isang challenge ito kayat pinaghusay niya ang paghahanap sa mga batang kasali. Nilibot niya ang buong paligid hanggang sa makarating siya sa likod bahay ng ampunan kung saan naroon ang ilang mga punong nakatayo. Dahan-dahan siyang pumasok sa kakahuyan dahil naramdaman niyang may mga bata na naroon na nagtatago. Habang naglalakad ay unti-unti siyang nakakarinig ng isang tila batang umiiyak. Dahan-dahan siyang lumapit. Patago sa likod ng puno ng sampaloc ng makita kung sino ang naiyak. Tama ang hinala niya na may batang nagtatago nga dito at hindi napansin ang kaniyang pagdating. Pinakinggan niya ang dalawang bata. "Di ba sabi ko sa iyo Wag kang pupunta sa kainan? Ang kulit mo no!" "Hindi naman ako pumunta doon ah!Nandito ako para magtapon ng basura hu hu hu!" Patuloy lang na nakinig si Thirdy sa diskusyong ng dalawa. "Nagtapon ng basura? Kabago-bago mo lang dito akala mo kung sino ka na? Bagay nga lang sa iyo diyan! Mukha kang basurero!" "Isusumbong kita kay Father Robert! Akala mo! Susumbong kita na tinulak mo ako dito sa balon! HU HU HU!" "Sige magsumbong ka!Nakikita mo tong bato na to? Gusto mo ipukol ko sa iyo ito ha?!" Hindi na nakatiis si Thirdy sa ganitong pangyayari ng pang-aapi kaya't mula sa kaniyang pinagtataguan ay agad siyang lumabas upang saklolohan ang batang umiiyak. "Sige subukan mo lang batuhin, i will tell my lolo! Don't you know na lolo ko si Father Robert?!" Nagulat naman ang batang siga at ang batang naiyak. Nakita ni Thirdy ang kalagayan ng batang inapi na nasa lambak ng basurahan na ilang talampakan ang lalim. "You're so mean! Tinulak mo siya sa basurahan at di mo siya pinapunta sa party ko!Party ko yun at lahat ay invited! Salbahe ka!" Pumulot pa ng sanga ng kahoy si Thirdy . Sa takot ng batang siga ay napatakbo ito palayo sa kanila. Naiwan ang dalawa at nagkatitigan. Lumapit si Thirdy sa batang patuoy na umiiyak. "Are you Okay?" Tanong sa bata na kaedarin lang niya. Nagpunas naman ang batang nasa balon ng basurahan ng kaniyang mga matang basa ng luha kakaiyak dahil sa takot sa bulyador na bata. Iniabot ni Thirdy ang sangang tangan upang dito mangunyapit paakyat ang bata mula sa balon. Naiahon ni Thirdy ang bata. Pinanood na lang ni Thirdy ang pahikbi ng isa. Awang-awa si Thirdy sa sinapit ng batang tinulungan. Madumi mula sa tambak ng basurang pinagbagsakan. Putikan ang mga paa at nangangamoy pa. "Don't cry, okay na. wala na yung bully na yun. Isusumbong ko talaga siya sa tatay at papa ko!" "Wag-wag! Huwag ka magsusumbong kasi pag-iinitan na naman ako nun!" Makaawa ng batang tumahan na sa pag-iyak. "Ang salbahe niya talaga! Kung hindi lang siya taller than me baka tinulak ko rin siya sa basurahan e." "Ganun talaga si Jordan, siga yun dito." Natahimik ang dalawa. Pinanood na lang ni Thirdy ang batang nagtatanggal ng putik sa kaniyang mga paa gamit ang mga natuyong palapa ng dahong ng saging. "Im Thirdy, ano name mo?" "Ako si Silang...Salamat ha. Ang tapang mo. Pinadugo mo ilong ni Jordan ha ha ha!" "Pinadugo? I didn't do anything, he just ran." Halatang hindi naintindihan ni Thirdy kung ano ang pinadugo ang ilong na joke. Dahil hindi nakakaintidi si Jordan ng ingles. Natawa siya ng ipaliwang ito ni Silang kung bakit ito tumakbo. "Bakit Silang ang name mo?" "Sabi kasi ng nakapulot sa akin noong baby pa ako, sa silang daw ako nakita. Basta sa silang kaya ayun silang na pangalan ko." Masaya ang dalawang batang nagkakilala. Sinamahan ni Thirdy si Silang sa poso upang tulungan ang batang kilala na maghugas at linisin ang sarili mula sa putik ng basurahang dumikit sa katawan. Pansamantala niya itong iniwan at nagtungo sa buffet table ng kaniyang handa. Nagpakuha ng dalawang plato,pinalagyan ng ibat-ibang pagkain at muling binalikan ang bagong kakilala. Katatapos lang ni Silang sa paglilinis ng katawan. "Silang! Come over here! May dala akong pagkain!" Sigaw ni Thirdy na hirap sa pagbitbit ng dalawang malaking plato. Doon sila sa lilim ng puno umupo at magkatapat na hinain ang dala. Pinakain niya kay Silang ang lahat ng kaniyang handa. Anim na putahe ng manok, baboy,baka at isda. Minatamis,cake at prutas. Ngayon lang nakakita ng ganitong pagkain si Silang kayat sabik siyang tinikman ito isa-isa. Si Thirdy namay tahimik lang na pinanood ang batang kanina lang ay umiiyak. Natawa pa siya ng mahirinan ito at agad na tumakbo ng poso upang uminom. Bumalik at muling pinagpatuloy ang pagkain. "Ang sarap ng handa mo Thirdy! Sana laging birthday mo, para lagi ganito pagkain namin...at siempre lagi kang nandito. Kasi mamaya baka awayin na naman ako ni Jordan pag umalis ka." Walang malay na sinabi ito ni Silang na abala sa pagkain at pagkukuwento. Si Thirdy namay masaya ngayon bukod sa birthday ay may isang bata siyang natulungan ng lubos. "What if-maging brother na lang kaya kita Silang? What do you think?" Napatigil si Silang sa kaniyag pagsubo at tinitigan ang batang nasa harapan niya na nakangiti sa isang suhestiyong posibleng mangyari. ***** Paano nga kaya kung magkaroon ng aganapan ang sinabi ni Thirdy? ABANGAN!!!!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
365.0K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
781.3K
bc

Love Donor

read
87.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook