bc

Mighty has Fallen (on hiatus)

book_age18+
223
FOLLOW
1.1K
READ
billionaire
age gap
arrogant
student
bxg
humorous
city
small town
enimies to lovers
first love
like
intro-logo
Blurb

Tagged as the Mighty Mayor of famous magazines and leading newspapers, heartless for criminals, ruthless with women but selfless when it comes to public service. Sky Forrest Montecarlos is not just your typical politician and he will never be. He may be a devoted public servant but a follower of his own rules and falling inlove will never be his choice.

chap-preview
Free preview
01
"Ingat paguwi Riley! Bukas ng gabi ulit!" Paalam ni Audrey sakin ng papalabas na ako ng Bar na pinagtatrabahuhan ko. "Thank you! Babay!" Kinawayan ko pa sya bago ako naglakad patawid sa pedestrian lane papunta sa sakayan ng jeep pauwi. Ilang minuto pa ako naghintay bago may dumaan na jeep na may sign board papunta sa uuwian ko. "Manong bayad po!" Ako mismo ang nag-abot ng bayad ko kasi sa likod ng driver ako pumwesto. Hirap pa naman mag-abot ng bayad kapag iilan lang ang pasahero. Dahil sa laki ng space ng bawat isa ayaw nilang iextend ang kanilang mga braso para mag-abot ng sukli. Mga ugali talaga ng tao. Tss. Lima lang ang pasahero ni Manong Driver kasi alas dos na ng madaling araw. Alam kong hindi ito uwi ng matinong babae pero galing ako sa trabaho at ito ang normal kong uwi. Isa kasi akong singer sa Auratistic Bar. Ganda ng pangalan diba? Maawra kasi ang may-ari na si Mr. Austin Casimiro. Mabait syang Boss kaya siguro blessed na blessed sya ni Lord. Meron na kasing 3 branches ang Bar nya. "Ibaba nyo ang trapal!" Nagulantang ako sa sigaw ni Manong Driver. Natulala kasi ako bigla. Napatingin ako sa labas at nakita ko ang pagbuhos ng ulan. Mabuti nalang at nakasakay na ako ng jeep bago pa umulan. Ibinaba naming mga pasahero ang trapal dahil medyo malakas ang ulan at may kasamang hangin kaya mababasa kaming mga pasahero sa loob. Mabuti nalang din at may dala akong payong lagi sa backpack ko. Girl scout yata ako. Pinilit ko ding labanan ang antok na nararamdaman ko dahil sa pagod. Napakabed weather pa naman ng panahon ngayon. Naexcite na tuloy akong makita ang kama ko. "Manong para po!" Sabi ko agad kay Manong nang makita ko ang Jollibee sa may kanto na bababaan ko. Agad kong binuksan ang payong ko dahil malakas padin ang ulan. Dali-dali akong bumaba para makarating sa terminal ng tricycle. Isang sakay pa kasi ako papunta sa apartment na tinutuluyan ko. Yureta yuganda sekai ni dandan boku wa Sukitootte mienakunatte... Mitsukenai de, boku no koto wo. Mitsumenaide. Dare ka ga kaita sekai no naka de Anata wo kizutsuketaku wa nai yo. Oboete te boku no koto wo. Nagmamadali na akong naglalakad papunta sa terminal ng marinig ko ang ringtone ng cellphone ko. Sino bang tumatawag ng ganitong oras? Hindi ako nagaksaya ng lakas para kunin ang phone ko sa bag ko, bukod sa nagmamadali ako alanganin pa ang sitwasyon ko. Mas mahalaga ang makasakay muna ako. Mamaya na kita bibigyan ng pansin Theo. Alam kong ikaw yan. Ikaw lang naman ang tumatawag sakin ng alanganing oras. "Kuya sa may Venus street!" "Yung apartment na pink Mam?" "Kuha mo Kuya! Tara na dali!" "Sige po Mam!" Narinig ko na naman ang ringtone ng phone ko at hindi ko na naman yun pinansin. "Mamaya ka na Theo. Hintayin mo muna akong makauwi." Mabilis lang naman ang byahe ko papunta sa apartment. Agad kong binuksan ang gate ng apartment 2, dito ako nakatira at nagrerent, magkakatabi ang Apartment 1 hanggang 5. Si Mrs. Macapagal ang may-ari nito, ok naman syang Land Lady pero depende sa mood at petsa ng buwan. At mukhang next week na ang pagbabago ng kanyang mood. Kinapa ko ang susi sa bulsa ng backpack ko saka binuksan ang pinto. "Nakauwi din sa wakas." Inayos ko ang payong ko saka sapatos sa may pinto. Kinuha ko muna ang basahan saka dun ipinatong ang basa kong sapatos. Nabasa na naman ang paborito kong Low cut na Chuck Taylor na itim. "Iblower na lang kita mamaya para mabilis kang matuyo, gagamitin pa kita mamayang gig eh." Sakto lang ang laki ng Apartment na to. Isa lang ang kwarto kasi ito lang ang afford ko. May banyo din naman to saka sala set. Wala lang aircon kasi hindi ko pa afford pero may electric fan naman ako saka mini ref. Meron din akong TV hindi nga lang Smart TV. Kumuha na ako ng isang oversize na tshirt na puti na may print na maskara ni Kaneki saka sweatpants na Gray kasama na syempre isang tuyong underwear, hindi na ako nagbabra kapag patulog na. Dumiretso na ako sa banyo saka naligo. After kong maligo at magayos saka ko kinuha ang phone ko sa bag. Nakailang missed call din pala si Theo. "Apartment na ko Brad. Kakauwi ko lang, lakas ng ulan." Sinendan ko na lang sya ng text message, nagexpired na kasi yung data subscription ko na may kasamang net. Yureta yuganda sekai ni dandan boku wa Sukitootte mienakunatte... Mitsukenai de, boku no koto wo. Mitsumenaide. Gusto ko pa sanang tapusin ang ringtone kasi favorite kong Opening song to ng paborito kong anime na Tokyo Ghoul. Crush na crush ko kasi si Kaneki Ken at si Ayato Kirishima. "Hello Theo." "Bakit hindi mo pa tinapos ang kanta? Nahiya ka pa." "Tss. Anong problema mo? Nasa bahay na ko Brad." "Why are you not answering my phone calls earlier?" "Una, naglalakad ako papunta sa terminal ng tric nung tumawag ka. Pangalawa, nakasakay na ako ng tricycle. Pangatlo, itetext naman kita pagkadating ko ng apartment. Pangapat heto na nga at kausap na kita." Paliwanag ko sa kanya. "Fine. Nabasa ka ba ng ulan? Naligo ka na dapat." "Tapos na lahat kaya nakakausap mo na ako." "Alright. Rest now Ry, matulog ka nang mahaba, gabi pa naman ang pasok mo mamaya." "IKR Brad, pero nasoaked yun sapatos ko kaya patutuyuin ko muna gamit ang kapangyarihan ng blower!" "Dami mong alam Ry. Magpahinga ka na after. Rest well, ok?" "Aye! Aye Sir! Aye Brad pala! Dudnyt and see you soonest!" "Goodnight and Sleep well." Pagkababa ko ng phone agad kong kinuha ang blower saka kinuha ang super wet ko na Chuck Taylor. Iniingatan ko to kasi wala pa akong pambili ng bago, pag nakaipon ako bibili naman ako ng pula nito. Bagay kasi ito sa mga gig ko. Theodore Asher Estrella is my bestfriend. Sya lang ang lalake kong kaibigan. Para na kaming magkapatid ni Theo, what we have is just platonic love. We value our friendship so much kaya hindi nadevelop ang feelings namin towards each other. Some people say that what we have is beyond friendship and we are just both in denial. Pinagusapan namin ito ni Theo at nagkaliwanagan kaming dalawa na kahit maghubad pa ako sa harap nya ay wala daw syang mararamdaman at hinding hindi daw tatayo ang dapat tumayo sa kanya. Nakakaoffend din minsan ang taong yun, porket magandang lalake eh mamaliitin na ako. As if namang may tatayo sa kanya. Mukha nya. Baka kasing size lang yun ng siling labuyo. Kakagraduate lang namin ni Theo ng course na Business Management. At dahil sya ang taga pagmana ng kumpanya nila, agad syang nagtrabaho dun. Sya din ang aming Summa c*m Laude kaya no doubt na mahahawakan nyang mabuti ang kumpanya nila. Ako naman ay saktong estudyante lang, hindi ganon katalino at hindi din naman bobo, nakagraduate nga on time eh. Yun nga lang ayaw ko pang magtrabaho sa kumpanya nila Theo, dun nya kasi ako pinagtatrabaho para magkasama padin kami. Gusto ko kasi ang trabaho ko ngayon. I enjoy every moment of it because it's my passion. I have this talent that's why I want to showcase it. I am blessed with this golden voice kaya ipaparinig ko ito sa madlang pipol. Pero sa Auratistic Bar lang ang teritoryo ko. Hindi ko pa kaya sa ibang platform eh. Minsan naisip ko magaudition noon sa The Voice Philippines at kapag pinalad ako at naging Four Chair turner pipiliin kong coach ang Idol kong si Bamboo yun nga lang umatras ako. Last minute na at kasama ko pa nun si Theo, kaya lang nilamig ang buo kong katawan nung tinawag na ako kaya ang ginawa ko, tumakbo ako palayo sa venue. Hinabol pa ako ni Theo at mukha kaming tanga na naghahabulan at nagikot ikot. Ang ending, nilibre nya ako ng Magnum Ice cream sa 7/11 malapit sa Venue. Hindi na ako tumuloy. At isa pa, uuwi pa ako sa Quezon para puntahan ang lolo at lola ko. Kapag nakauwi na ako saka ako magaapply ng trabaho sa kumpanya ni Theo. Dapat Executive agad o kaya Director, gamitan ko na aga ng connection para may position agad at mataas ang sweldo. Pektusan ko si Theo kapag pinahirapan pa nya ako. Friendship over kami agad. Riley Maven Sta. Maria Chief Executive Officer Ganda pakinggan ah. Tunog mataas ang posisyon at mataas ang sahod. Hintayin mo lang ako Theo, baka ako pa ang umagaw ng pwesto mo sa sarili mong kumpanya. "Tss. Taas talaga ng pangarap mo Riley Maven Sta. Maria." Kinapa ko ang loob ng sapatos ko at mukhang effective talaga ang kapangyarihan ng blower na to. Sulit ang pinambayad ko sa online store na yun ah. Legit pala ang products. Kinuha ko ang kapartner na sapatos at inumpisahan din iblower. "Blaggggg!" Agad akong napatingin sa pinto at pinatay ang blower. Nakarinig ako ng tunog sa labas na parang may bumagsak. "Nasara ko naman yata ang gate kanina pagpasok ko kanina." Napakamot ako ng ulo kasi hindi ko din maalala kung nasara ko nga. "Check ko na nga lang para sure." Binuksan ko ang pinto at sumalubong sakin ang malakas na hangin at ulan. "Ampota! Kakaligo ko lang eh!" Nabasa na naman ako dahil sa paghampas sa katawan ko ng hangin na may kasamang ulan. Badtrip. Ang tanga ko din kasi, hindi ko pa kinuha yung payong eh alam ko naman na naulan pa. At mas badtrip pa dahil bukas nga ang gate. Hindi ko pala talaga naisara kaninang pagpasok ko. Tuluyan na akong lumabas dahil useless na kunin ko pa ang payong eh basa na din naman ako. Isuggest ko nga kay Mrs. Macapagal na lagyan ng bubong etong space ng pinto at gate. Ang liit na nga ng pagitan hindi pa nagawang lagyan ng bubong. Pero baka pag sinabi ko yun ako ang pagbayarin nya ng labor at ng materyales, dehins nalang. Sabihin ko kaya kay Theo para sya nalang ang gumawa at sya nadin ang bumili ng materyales. "Tama!" Napapalakpak ako ng hindi oras dahil sa naisip ko. "Bright idea Riley! Matalino ka din talaga!" Tumawa pa ako dahil sa iniisip ko. Lumapit na ako sa gate at tiningnan ko pa ang labas, wala namang tao saka asong kalye sa labas. May kalakasan padin ang ulan na may dalang malakas na hangin. Hindi ako naiinform na may bagyo pala ngayon o LPA lang. Isinara ko na ang gate at inilock nadin mula sa loob. Pagpihit ko pabalik sana sa loob. Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata ng pagharap ko may isang matangkad na lalake na nakatayo sa harapan ko. May nakapasok sa loob ng Apartment! Baka magnanakaw to! Baka killer to! Baka rapist to!! Akmang sisigaw na sana ako nang takpan nya ang bibig ko gamit ang kanyang palad. Nanlalaki ang mga mata ko na nakatitig sa madilim na mga mata ng lalakeng nasa harapan ko. Sinalubong ko ng tingin ang mga mata ng lalakeng estranghero na walang pakundangan na pumasok sa loob ng apartment. "Help." Yun ang narining kong binitawang salita ng lalake bago sya tumumba sa harap ko at sabay pa kaming humilata sa sahig. Napaupo ako samantalang sya ay nakadapa sa sahig pero nasa tyan ko ang mukha. Naguguluhan ako sa nangyari. Sino ang lalakeng ito? Bakit sya nandito sa apartment ko? At bakit sya nawalan ng malay? "Teka. Buhay pa ba ito?" Napahawak ako sa ulo nya nang maramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy sa aking kamay. Nanlalaki ang mga mata ko kasabay ng panginginig habang tinitingnan ko ang kamay kong balot ng dugo. "D-dugo. M-may dugo." Inangat ko ang mukha ng lalakeng nakadapa sa akin at tinapik ang pisngi nya. "M-mister. G-umising ka. M-may d-dugo ang ulo mo." Pero hindi ito gumalaw. Hindi ako nakakilos. Pareho na kaming basang-basa ng ulan. Pinakiramdam ko ang ilong nya. May hangin pang lumalabas mula rito. Nakahinga ako ng maluwag kahit papano dahil buhay pa pala sya. Hinawakan ko ulit ang batok nya na may dugo, meron pa din. Muli kong tiningnan ang lalaki na walang malay sa aking kandungan. Sino ang lalakeng ito at anong nangyari sa kanya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook