bc

Love Beneath Your Lies (BXB)

book_age12+
23
FOLLOW
1K
READ
tragedy
Writing Challenge
bxb
small town
cheating
first love
twink
like
intro-logo
Blurb

Lies Beaneath Your Love

Love do not have guarantee, being loved didn't mean staying forever, being loved meant giving until pain came as a shade to blur the images of pleasure and peace, being loved meant opening doors and waiting for another to choose to stay or go.

Naranasan mo na bang magparaya? Naranasan mo na bang ibigay ang isang importanteng bagay at ipapaubaya ito sa iba dahil sa tingin mo ay mas ito ang makakabuti? Kahit dulot nito sa iyo ay labis na sakit at luha. Yung pakiramdam na para bang buhay ka nga pero patay ka na dahil naging manhid ka sa sobrang sakit. Ako si Tris at ito na siguro ang isa sa mga masasakit na nangyari sa akin.

chap-preview
Free preview
Lies Beneath Your Love
 Lies Beaneath Your Love Love do not have guarantee, being loved didn't mean staying forever, being loved meant giving until pain came as a shade to blur the images of pleasure and peace, being loved meant opening doors and waiting for another to choose to stay or go. Naranasan mo na bang magparaya? Naranasan mo na bang ibigay ang isang importanteng bagay at ipapaubaya ito sa iba dahil sa tingin mo ay mas ito ang makakabuti? Kahit dulot nito sa iyo ay labis na sakit at luha. Yung pakiramdam na para bang buhay ka nga pero patay ka na dahil naging manhid ka sa sobrang sakit. Ako si Tris at ito na siguro ang isa sa mga masasakit na nangyari sa akin. Ako si Tris, Tris Jocson isang bakla na mukhang babae. Ewan ko ba siguro kaya naging bakla ako dahil noong nag-aaral ako ay wala akong kalarong lalaki laging mga babae kasi ang mga kalaro ko. "Ace sige na" pagpupumilit ko kay Ace. To tell you honestly kay Ace lang ako ganito, ea paano binibaby niya kasi ako. This is the reason kung bakit mahal na mahal ko siya even in simplest thing nagiging special kapag sa kaniya galing o siya ang gumawa. "Ayoko! Ilang beses ko na bang sinabi sayo na ayoko! A-yo-ko! Ang dami namang iba diyan" masungit na wika nito. Maging si Ace ay hindi maintindihan si Tris kung bakit pilit siyang pinipilit ni Tris na maging huling kasayaw ni Marie sa debut nito. Si Marie ang bestfriend ni Tris sa katanuyan nga para na silang magkapatid dahil nagdadamayan sila anomang oras. "Wala pa siyang last dance, kawawa naman siya atsaka birthday niya naman yon" pagpapaliwanag nito. "Basta ayoko!" pinal na wika ni Ace na may pagkadisgusto sa boses niya. Bigla naman natahimik si Tris at umalis sa pagkakayakap kay Ace. Tumalikod ito sa kanya at naglakad papuntang kusina. Nagpakawala ng buntong hininga si Ace. He doesn't want Tris acting this way. Alam niya kasi when Tris was like this hindi siya magiging matinong kausap kapag lalo na kapag nagtatampo ito. Sinundan ni Ace si Tris at nakita niya itong nakatayo sa harap ng lababo habang umiinom. Nilapitan niya ito at ipinalupot ang mga kamay niya sanbewang nito pero hinfi man nagkaroon ng reaksyon si Tris. Talaga nga namang nagtatampo ito sa kanya dahil hindi niya maibigay ang ninanais ng mahal niya. Alam na ni Ace ang kasunod nito hindi kakain si Tris at hindi na niya ito makakausap ng matino dahil puro tango at gestures na lang ang ginagawa niya. Kaya kahit napipilitan ay wala na siyang magagawa kundi pumayag sa gusto niya kaysa may kasama nga siya pero hindi naman makausap ng matino. "Oo na, sige na payag na ako" wika nito na para bang nagpalabas ng hangin sa tenga niya. "Huwag na baka napipilitan ka lang atsaka baka ikasama pa ng loob mo ang hinihiling ko sayo" sambit ni Tris na hindi man lang tumitingin sa kanya. "Hindi po, pumapayag na ako ayoko lang naman na magtampo o magalit ang mahal ko sa akin" malambing na wika nito at hinalikan siya sa pisngi. "Talaga? Yiee maraming salamat talaga goys!" masayang wika ni Tris habang nakayakap kay Ace. Kaya goys ang tawag nito short for goyong, kung tinatanong niyo kung bakit? Wala lang naisip lang niya. "Ayoko naman atang magkatampuhan tayo tapos makikipaghiwalay ka" manuyang wika ni Ace. Last time kasi na nagkatampuhan sila ay nakikipaghiwalay si Tris, hindi niya alam bakit napunta sa paghihiwalayan ea ang pinag-awayan lang naman nila ay ang pagkain ng balat ng chicken joy. Masyado kasing protective si Ace gusto niya lahat ng kakainin ni Tris ay healthy. "Kaya mahal na mahal kita"  wika ni Tris at hinalikan si Ace sa labi. . . . Kasalukuyang nasa canteen si Tris, Tasha, Marie, Riguel at Ace. Si Marie at Ace ang nagprisintang bumili ng kakainin nila. "Ahmm Tris... May sasabihin sana ako pero huwag kang magagalit ha?" malumanay na wika at tanong ni Tasha. Ngumiti naman si Tris "Ano yon Tasha?" sagot naman ni Prim. Tris was so fascinated and at the same time nervous. "Kasi Tris last time I went to Mall nakita ko si... si Ace may kasamang babae" kinakabahang sambit ni Tasha. "Sinong babae naman? Baka nagpasama lang na pinsan o kaya naman kaibigan o kaya kapatid" malumanay na sambit nito. Nilapit ni Tasha ang mukha niya malapit sa may tenga ni Tris "Bakla ka ang kasama si-..." hindi matuloy tuloy ni Tasha ang sasambitin niyang pangalan dahil sa labis na kaba. "Sino?" kuryos na tanong nito. "-si Marie" sambit nito. Limang letra lang pero labis ang dulot na sakit ang impact sa kanya. "Tasha" sambit nito habang nakatingin ng malungkot kay Tasha "pwede bang kalimutan mo na lang ang nakita mo?" pakiusap niya rito. Alam niya rin yon pero iwinawaglit niya iyon sa kanoyang isipan at inisip na baka nagpapasama lang si Marie kay Ace. "Anong pinagbubulungan niyo diyan?" tanong ni Riguel. Naging seryoso naman ang mukha ni Tris habang tinitignan niya rin ng seryoso si Tasha. Tila nangungusap ang mga mata nito at parang nagsasabing huwag ng sabihin kay Riguel ang pinag-usapan nila ni Tasha. Sa totoo lang kasi ay may napapansin na si Tris kay Ace at kay Marie pero siyempre dahil parang kapatid na ang turing nito sa kaniya ay palagay na ang loob niya. Para ngang mag-kapatid si Ace at Marie minsan, naiintindihan naman niya at isinasawalang bahala na lamang niya. "Wala ka na don! Ikaw kalalaki mong tao ang chismoso mo" mataray na wika ni Tasha. "Ikaw nga kababae mong tao amazona ka" ganting wika naman ni Riguel. "Ea ano naman sayo? Gusto mo sampolan kita?" pagalit na wika nito. Sa puntong ganito naiinis na si Tasha dahil laging may banat itong si Riguel sa kanya. "Curious lang naman ako, paano kasi parang di niyo ako kasama kung magbulungan kayo kung hindi niyo ako kaibigan malamang iisipin kong ako ang pinagbubulungan niyo" malungkot na wika ni Riguel. "Hoy hampaslupa ka kung makpagdrama ka diyah ha! Ano to MMK? Magpakailanman?" nang-iinis na banat ni Tasha. Sinamaan siya ng tingin ni Riguel na siyang ikinatawa ni Tasha. Bigla naman tumingin si Riguel kay Tris na para bang nagpapa-awa. Lumipat naman ng puwesto si Tris at tumabi kay Riguel. "Alam mo Riguel may mga bagay kasi na dapat ay hindi na inopen pa sa iba kahit maari mong pagkatiwalaan ang isang tao maari kasing maging dahilan ng kaguluhan kung ipagsasabi pa ang mga bagay na wala namang katuturan. Kaya naman binubulungan ko si Tasha sinabihan ko siya na kung pwede ay sarilinin na lamang niya ang ibinalita at huwag ng ipagsabi pa baka may magalit at may masaktang tao, huwag mo sanang isipin na hindi ka namin pinagkakatiwalaan huwag mo na lang pansinin ang bulungan namin dahil wala din oyong katuturan" malumanay na sambit ni Tris. Sa totoo lamang ay labis ang kaniyang ligalig na nararamdaman dahil sa mga ala-alang bigla na lamang pumapasok sa kaniyang isipan. Napadako ang tingin niya sa kinaroroonan ni Ace at Marie. Habang bitbit ni Marie ang mga binili nila ay hinihipan naman ni Ace ang mata nito marahil ay napuwing ito habang naglalakad sila. Sa hindi malamang dahilan ay kumirot ang puso ni Tris. Bakit niya nararamdaman ang ganoon? Dahil ba sa nakitang tahpo ni Marie at Ace? O dahil sa sinabi ni Tasha tungkol sa dalawa? Selos ba ang nararamdaman niya? Bakit naman siya magseselos gayong parang magkapatid ang dalawa at parang kapatid na rin ang turing ni Tris kay Marie simula pa noon. Tukuyan na ngang naramdaman nito ang labis na pagkadisgusto ng magkaholding hands silang dumating sa table ngunit ayaw namang isipin ni Tris ang isang bagay baka lalong hindi maging kaaya-aya ang araw niya. "Babe oh" alok ni Ace kay Tris habang inilalapag ang mga pagkain na binili nito. Burger Steak at isang C2 ngunit parang nawalan siya ng gana. Ito ang pinaka-ayaw ni Tris sa sarili niya ang hindi mapigilan ang nag-uumaatikabong nitong mood swings. Ayaw naman niyang ipahalata ang pag-iiba ng kaniyang mood kaya naisipan niyang magpaalam na magbanyo. "Samahan na kita" sambit ni Ace. "Huwag na sandali lamang ako" sagot naman  ni Tris na hindi man lang tumingin kay Ace dahil sa pag-aayos ng bag. "Oh bakit mo pa dadalhin yang bag mo?" takang tanong ni Ace kay Tris. Malapit ng mainis si Tris pero pinipigilan lang niya. "Mag-aayos ako sa banyo. Bakit ang dami mo namang tanong!" naiirita namang wika ni Tris. "Oh bakit galit ka nagtatanong lang naman ako ha" seryosong sambit ni Ace "May problema nanaman ba tayo?" pagalit na tanong ni Ace. "Wala!" ganting sagot naman ni Tris. "Anong wala? Bakit naiinis ka?" tanong ni Ace. "You know what Ace pupunta lang ako ng banyo ang dami mo ng sinabi" wika ni Tris at tinalukuran sila matapos magpaexcuse. . . . Pilit mang inaalis ang ideyang nasa isip ni Tris tungkol kay Ace at Marie ay hindi pa rin mawaglit iyon. Nasa loob siya ngayon ng cubicle. Tris totally lose her mood. Kaya ang naisip na lamang nito ay lumiban sa klase. Napadpad siya sa isang baywalk at naupo roon. Nakita niya ang mga ibang naka-upo na magjowa. Bigla siyang nakaramdam ng ibang mood nagiging light na lang ang pakiramdam niya. Naisipan ni Tris na hintayin na ang sunset para naman masiyahan siya pag-uwi. Ang mga scenery kasi na scenario ang isa sa mga nagiging sanhi ng paggaan ng pakiramdam nito. Bigla niyang naalala kanina pa pala noya hindi tinigtignan ang cellphone nito malamang ay marami ng misscalls at text sa kaniya si Ace maging ang mga kaibigan nito. 63 miss calls... Nakalimutan niyang tanggalin sa pagkakasilent ang cellphone niya kaya hindi man lang niya narinig ngriring. From: Goys (Ace) Today 2:43 PM Tris nasaan ka na ba? Kanina pa kami tapos kumain pero wala ka pa rin. Saan ka ba nagbanyo sa SM pa? Maraming text ang natanggap niya kay Ace at halatang galit na ito. Maging ang mga kaibigan niya ay nagtetext na din sa kanya. Akmang tatawagan ninTris si Ace ng biglang nagdeadbatt ang cellphone niya. Wala naman siyang nagawa. Hihintayin na lamang niyang makauwi ng makapagreply siya kay Ace. Pasado alas sais y media ng unti unting lumulubog ang araw. Payapa ang isipan ni Tris dahil sa kaniyang nakikita. Bigla siyang napaisip. Kung totoo ngang may gusto si Marie at Ace sa isa't isa ano kayang mararamdaman niya. Kaya niya bang ipaubaya si Ace kay Marie para sumaya ang kaibigan at magdusa siya? Alas otso na nang makauwi si Tris sa bahay. Nasa pintuan pa lamang siya ay  naririnig niya ang usapan sa loob ng bahay nila. "Tawagan mo ulit Ace, naku ang batang yan talaga sinabi ko ng huwag magpapagabi sa daan ea pasado alas otso na wala pa rin siya. Naku kapag dumating ang kuya Mark non siguradong hahanapin agad si Tris" Narinig na wika ng kaniyang ama. Sila na lang kasing tatlo sa bahay siya ang Papa Jun niya at ang istriktong kuya nito si Mark. Ang nanay naman nito ay namatay dahil sa cancer sa dugo na hereditary. Akmang bubuksan na sana niya ang pinto ng  kusa itong bumukas at iniluwa nito si Ace. Galit ang unang rumehistro sa mukha nito. Bigla naman nitong iniluwa nito ang tatay Jun niya. "Oh anak andyan ka na pala! saan ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap ni Ace hindi ka raw pumasok nagpaalam ka lang na magbabanyo hindi ka na bumalik" mahabang sambit ng ama nito. "Mabuti na lamang at hindi pa dumarating ang kuya mo kapag nagkataon na na bauna siya sayo siguradong magagalit iyon pumasok ka na at magpalit na ng damit maghahain na ako" pagpapatuloy ni Tatay Jun sa sinasabi niya at nilisan na niya ang dalawa. Ibinalik naman ni Tris ang tingin kay Ace at galit pa rin ang mukha nito. "Saan ka ba nagbanyo? Sa Canada? Hindi ka man lang pumasok sa last subject natin" malamig na wika ni Ace. Pero imbes na sagutin ni Tris si Ace sa tanong nito ay iniba niya ang topic. "Kumain ka na? Teka lang ha magbibihis lang ako" pagpapaalam ni Tris hindi na niya hinintay na sumagot pa ito dahil baka lalo lang mainis sa kaniya si Ace. Ilang sandali lamang habang nagbibihis siya ay may kumatok. Sigurado ang kuya Mark niya ito at aayain na siyang kumain. "Kuya bababa na lang ako nagbibihis pa ako" sigaw niya pero nagpatuloy lang ang pagkatok nito. Wala siyang nagawa kundi buksan ang pintuan "Kuya sab-err Ace? Ahmm uhh hi! Ang akala ko umuwi ka na haha" nahihiyang wika ni Tris. Pumasok sa loob ng silid niya si Ace at umupo sa paanan ng kama. "Tris may problema ba tayo? You left earlier at nagdahilan kapa na magbabanyo lang pero di ka na bumalik. I was really absent minded kanina pa dahil sa kakaisip kung anong nangyari sayo! Kung may problema tayo tell me hindi yung nanghuhula ako kung bakit bigla bigla ka na lang umaalis" pagalit na turan nito. Nahiya naman si Tris kay Ace dahil sa ginawa niya. Tama nga si Ace nagiging ignorante na ito minsan. Selfish kumbaga. Bigla nalang tumulo ang luha sa mata niya. Lumapit naman si Ace at pinunasan ang luha niya. Bigla naman niyapos ni Tris si Ace ng mahigpit "S-sorry Ace, s-sorry" umiiyak na turan nito. "Shhhh hindi ako galit dahil you left me, galit ako dahil concern ako sayo dahil baka anong mangyari sayo. You know I can't afford to loose you" malambing na wika nito "Promise me kapag aalis ka isama mo ako para di ako nag-aalala." malambing na wika nito. "Napano ka ba kanina?" kuryos na tanong ni Ace. Sasabihin ba niya ang dahilan na nagseselos siya dahil sa napapansin niya kay Marie at kay Ace? o itatago na lamang niya iyon at iwawaksi sa kaniyang isipan? "Ahmm ano, ano kasi ahmm gusto kong tignan ang sunset dahil naiistress ako sa mga homrworks at projects, oo yung nga!" pagsisinungaling niya kay Ace. Maniniwala naman siguro ito dahil alam niyang paborito niya ang mga scenery na ganoon. Lumipas lamang ang ilang sandali ay nagpaalam na rin si Ace dahil nagtext na kapatid nito. Patay na kasi ang ama ni Ace habang ang ina naman nito ay nurse sa Canada. . . . Kakatapos lang nilang kumain ng paakyat na siya ng may mapansin ang kuya Mark niya. "Tris napano yan?" tanong nito at may itinuturo sa akin. "Ano kuya?" takng tanong naman ni Tris. Kaba. Ito ang unang naramdaman ni Tris. He doesn't even know what his Kuya Mark talking about. . . . "Nasaan na ba siya?" tanong ni Tasha kay Riguel habang nakatayo sa tapat ng entrance ng function hall kung saan idadaos ang debut ni Marie. Ang tinutukoy ni Tasha ay si Tris dahil kanina pa nila ito inaantay pero wala siya. Mayroong na din itong isang linggong hindi pumapasok sa school. Through online lang ang communication nila. Maging si Ace ay walang alam kung bakit hindi ito pumapasok. Ayaw ipaalam ni Tris kung nasaan siya. "Ayan na si Ace, bakit hindi niya kasama si Tris?" takang tanong ni Riguel kay Tasha. Naka black suit si Ace lalo itong gumwapo. Idagdag pa ang bearded face nito at makapal na kilay. "Nasaan si Tris? Akala namin kasama mo siya kasi wala pa siya dito?" tanong ni Tasha. Kumunot naman ang noo ni Ace "Ang sabi niya nandito na siya, is he joking around?" mababanaag na ang inis sa boses nito. Paano hindi maiinis si Ace ea ilang araw ng hindi nakikita si Tris. Pumupunta nga lagi ito sa bahay nila pero laging walang tao. Nag-aalala na ito. Hindi man nga lang niya sabihin kung may sakit siya o wala. Lumipas ang kalahating oras pero walang Tris ang dumarating. "Let's call on the last the dance of the debutant Mr. Ace Arcilla" wika ng host sabay banggit sa pangalan ni Ace. Hindi niya napansin na kanina pa nagsisimula ang program. Lutang kasi ang isip nito kakaisip kung darating ba o hindi si Tris. Habang isinasayaw ni Ace si Marie ay hindi nito mapigilang mapangiti. Kahit wala pa si Tris ay nawaglit sa kaniyang isipin iyon because he was mesmerized in the beauty of Marie. "Ang ganda mo talaga Marie" nakangiting wika nito habang ang kamay niya ay nasa baywang nito at mga kamay ni Marie ay nakalingkis sa leeg ni Ace. "T-Thank you!" nahihiyang sambit nito habang nakangiti. Sa kabilang banda ay iba ang tingin na ipinupukol ni Tasha sa dalawa. Masyado kasi silang sweet. Parang sila na ang magjowa. Bakit ba kasi pumayag si Tris na gawing last dance ang jowa niya asik ni Tasha sa isip nito. "Hoy asungot! Hoy! Riguel!" baling niya kay Riguel. "Maka hoy at asungot ka naman diyan" inis na sambit ni Riguel. "Wala ka bang napapansin?" takang tanong ni Tasha. "Wala pa si Tris" aniya. "Hindi yon ang ibig kong sabihin, tignan mo si Marie at Ace diba prang may kakaiba?" malisyosong wika nito. "Ang dumi naman ng isip mo Tasha syempre magkaibigan sila kaya sila ganyan" wika naman ni Riguel. Akmang sasagot na siya ng may biglang kumausap sa kaniya. "Ikaw po ba si Tasha?" tanong ng isang lalaki. "Ako nga, Bakit?" aniya "May ipinapabigay si Tris sayo, itong glash drive daw ay iplay kapag turn na daw po niya sa candles itong gift naman po atsaka ang card ay kay Marie daw po ibibigay. Ito naman po ang pinabibigay niya sa inyo sulat daw po. Atsaka daw po kung pwede sana kapag turn na niya sa 18 candles ay si Ace daw po ang magpepresent" mahabang paliwanag nito. Naguluhan naman si Riguel at Tasha. "Nasaan ba siya?" galit na tanong ni Tasha. "Ayy hindi ko po alam ipinaabot lang po yan ni Kuya Mark sa akin ea" paliwanag niya atsaka na umalis. "Baklang yan bakit hindi siya pumunta magtatampo niyan si Marie sa kanya" wika ni Tasha sa sarili. . . . Galit na galit na nga si Ace dahil wala pa si Tris. Ang sabi nito nung huli niyang makausap ay pupunta ito sa birthday pero hanggang ngayon ay wala pa ito. "Let's call on the last but not the least Tris Jocson" wika ng host pero walang umaakyat. Bigla na lang may nagplay sa malaking screen. Walang makita puro black lahat tanging boses lamang ang mga naririnig. "Hi bes, I hope huwag ka sanang magtampo kung wala ako ngayong birthday mo may inaasikaso kami kasi ngayon nila papa at kuya pero sana magustuhan mo itong kanta na kakantahin ko" malambing na wika ni Tris Bigla naman nagflash si Tris habang may hawak na gitara. Walk With Me (Bella Thorne) I wish I could stand on a star I wish I could be where you are They say "Don't you ever give up" It's so hard to be somethin' when you're not But I have walked alone with the stars in the moonlit night I have walked alone, no one by my side Now I walk with you, with my head held high In the darkest sky, I feel so alive Adrift a lonely, little cloud Above ground where I stand so proud My face glowing loudly through the crowd As I walk with the beauty of the night But I have walked alone with the stars in the moonlit night I have walked alone, no one by my side Now I walk with you, with my head held high In the darkest sky, I feel so alive But I have walked alone with the stars in the moonlit night I have walked alone, no one by my side Now I walk with you, with my head held high In the darkest sky, I feel so alive Lahat ay namangha sa boses ni Tris may nahinuha naman bigla ni Tasha that there was something wrong. "Ace ikaw daw ang magbasa at magbigay ng gift ni Tris. Wala naman nagawa si Ace kundi sundin ang sinabi ni Tasha kaysa mapahiya si Marie. Binuksan ni Marie ang regalo pero laking gulat nito ay wala itong laman. Binuklat niya ang sulat at binasa ito. Dear Marie, Siguro kapag hawak mo na ang sulat na ito ay hindi ko na kayo pwedeng harapin. Alam mo bigla kong naalala yung mga moments natin way back then. Hindi ko akalain na tayo ang magiging matalik na magkaibigan dahil mortal na magkaaway tayo noon. Ang sarap balikan ng mga moment na iyon. Siguro hanggang balik na lang iyon dahil we can't tell kung anong mangyayari sa atin the next day. You are one of the precious gem I had in my life. Your so genuine and fragile. I will miss you bestie! Happy birthday nga pala nasa legal age kna ingat ingat ka na dahil pwede ka ng makulong haha biro lang. Siguro nabuksan mo na ang regalo ko at wala kang nakita. Ang regalo ko kasi sayo ay ang taong nakatayo sa harapan mo. Oo si Ace, alam ko naman na gusto mo siya na mahal mo siya. Alam ko din ganoon siya sayo. That is why I am giving up and giving my boyfriend to you. Kasi ang boyfriend ko ay boyfriend mo when I am not around. Masakit oo pero I want you both to be happy. Huwag kang mag-alala magiging okay lang ako. Hindi ako manggugulo pero sana kapag nakita niyo na ulit ako let go the pain and set me free. Sana mahalin mo siya gaya ng pagmamahal ko sa kaniya now I will be fine dahil alam kong nasa mabuti siyang tao Hanggang dito na lang bestie happy birthday and I love you. Lovingly yours, Tris❤ Napahikbi naman si Marie. She can't believed na alam na ni Tris ang sikreto nila ni Ace. Hindi niya naman sinasadyang mahulog kay Ace dahil caring ito sa kanya pinabasa naman ni Marie ang sulat kay Ace matapos nitong basahin ang sulat ay tumakbo ito at ang sumunod na nanguari ay naguluhan ang mga mga tao. . . . 3 Months Later "Anak kain kana" wika ng ama niya. Nakahiga siya sa kama. Naghihina at namumutla. Ito ang dahilan kung bakit hindi na niya nakakasama ang mga kaibigan niya, ang boyfriend nito at hindi na rin siya nakakalabas para makapamasyal. Nasa palawan sila ngayon sa hometown ng ama niya. It's been 3 months nang madiagnosed siyang mayroong cancer sa dugo. Ang sabi ng doctor ay nainherit niya ito. Naalala niya pa na ito ang ikinamatay ng nanay niya at lolo niya. Kakatapos lang nilang kumain ng paakyat na siya ng may mapansin ang kuya Mark niya. "Tris napano yan?" tanong nito at may itinuturo sa akin. "Ano kuya?" takng tanong naman ni Tris. Lumapit naman ang kuya Mark niya at itinuro ang parte ng legd niya "napano to bakit may pasa ka?" pag-uulit na tanong nito. "Oo nga noh may bago nanaman?" wala sa sariling tanong ni Tris sa sarili niya. "Anong may bago nanaman bakit may iba pa ba?" pagalit na tanong nito. "Oo kuya" sagot nito sabay taas ng damit niya at ipinakita ang dalawa niya pang pasa malapit sa may rib cage at ang isa naman ay sa itaas na parte ng braso. "Kailan pa to bakit di mo man lang sinasabi?" galit na tanong ng kuya niya. "Last month pa may lumilitaw na pasa sa akin kuya baka natatamaan lang sa kung saan kaya nagpapasa pero okay lang ako" wika ni Tris sa kuya nito. "Anong okay Tris? Bakit hindi mo sinasabi sa min ito! Naturingan ngang kasama mo kami sa bahay oero wala ka man lang sinasabi!" galit na galit na turan nito. Sa puntong ito alam niyang galit na ang kuya nito. Hanggang kinabukasan ay nagpacheck up sila at nalaman nga nila ang sakit nito. "Tay busog pa po ako" aniya. Napabuntong hininga naman ang ama niya. Bigla naman pumasok ang kuya niya. "Ano ba Tris kainin mo yan, kami hindi namin alam kung paano ka gagaling tapos ikaw parang ayaw mo naman. Ano? Gusto mo na ba talaga kaming iwan!? Nakakapagod na" galit na turan ng kaniyang kuya Mark. Hindi na rin nito napigilan ang damdamin dahil sa sobrang pag-aalala Bigla namang naiyak si Prim "Napapagod na ba kayo tay? kuya? Sorry kung napapagod na kayo dahil sa akin, Kung pagod na kayo at hindi niyo na kaya sabihin niyo lang sa akin. Hindi niyo naman kailangang gawin ito ea gusto ko na rin magpahinga nahihirapan na rin kasi ako" sambit nito sa gitna ng kaniyang paghikbi. Bigla naman lumapit ang kuya nito sa kanya "Sorry bunso hindi naman sinasadyang sabihin ni kuya iyon ea gusto lang ni kuya na gumaling ka, wala kaming ibang hiniling ni Papa kundi gumaling ka kasi marami pa tayong bubuuing mga moments at gusto namin kasama ka pa" lumuluhang wika nito. "Sorry kuya, ayoko naman kasing maging pabigat sa inyo ni Papa ea" lumuluhang sambit nito. "Huwag mong isiping pabigat ka anak dahil responsibilidad kita at ito ang dapat kong gawin bilang ama mo. Ayokong mawala ka katulad ng nangyari sa mama mo mahal ka namin anak, mahal na mahal ka ni tatay" wika ng ama niya at niyapos siya ng mahigpit. Kalaunan ay kumain din ito at uminom ng gamot. Nagpakalbo na rin siya dahil lubusan ng nalalagas ang buhok niya. "Tay pwede ba akong magrequest?" tanong niya sa ama habng nakayakap siya rito "Kahit ano anak, ano ba yon?" tanong nito ng nakangiti. "Kantahan mo naman ako tay please para makatulog ako" nakangiting wika nito. Ang dating magandang ngiti niya ay naglalaho na dahil sa maputla niyang labi. Pero ang mukha niya ay maganda pa rin. "Cge anak" masayang sagot ng ama niya. Sa totoo lang ay sa ama nito galing ang galing niya sa pagkanta. Habang ang cancer naman ang namana niya sa ina niya. Father & Son (Cat Stevens) It's not time to make a change Just relax, take it easy You're still young, that's your fault There's so much you have to know Find a boy, settle down If you want you can marry Look at me, I am old, but I'm happy Ang boses ng ama niya ay parang isang cello sa pandinig niya. Nagiging mapayapa ang isip niya dahil sa boses ng ama niya. His father's voice bring him to a pavillion na puno ng paru-paro. I was once like you are now, and I know that it's not easy To be calm when you've found something going on But take your time, think a lot Why, think of everything you've got For you will still be here tomorrow, but your dreams may not Nalulungkot siya sa ideyang kapag nawala na siya ay tuluyan ng malulungkot ang ama niya. Pilit niya mang kalmahin ang loob niya ay umaatikabo pa rin ito. Hindi na nga siya sigurado kung aabutan pa siya ng liwanag. Ang mga pangarap noya ay unti unti ng naglalaho at gumuguho pati ang pag-asa na mayroon siya. How can I try to explain? 'Cause when I do he turns away again It's always been the same, same old story From the moment I could talk I was ordered to listen Now there's a way and I know that I have to go away I know I have to go Iniisip pa lang niya na mawalay sa ama ay masakit na ngunit natitiyak naman nito na magiging anghel siya ng ama niya na magiging bantay nito araw-araw. It's not time to make a change Just sit down, take it slowly You're still young, that's your fault There's so much you have to go through Find a boy, settle down If you want you can marry Look at me, I am old, but I'm happy Masakit isipin na ang ama ang maghahatid sa kanya anomang oras sa huling hantungan dahil alam ni Tris na malapit na siya. Bigla niyang naisip si Ace. Masaya kaya ito sa piling ni Marie? All the times that I cried, keeping all the things I knew inside It's hard, but it's harder to ignore it If they were right, I'd agree, but it's them they know not me Now there's a way and I know that I have to go away I know I have to go Dahil sa labis na pag-iisip ay napagod ang kaniyang isipan at bumigat ang talukap ng mga mata niya. Pagkasara ng mga mata niya ay isang tangis muna ang tumulo sa mata niya. Habang himbing na himbing siya sa pagtulog ay pilit namang ikinukubli ng ama niya ang sakit na nararamdaman nito. Mahinang hikbi ang pilit na kumakawala sa bibig nito. Kung maari sana ay siya na lang ang nagkasakit at hindi na ang kaniyang anak. . . . Kasalukuyang nasa dalampasigan si Tris habang naka-upo sa isang almpombra. Nagsusulat ng tula para kay Ace at sa mga kaibigan nito. Sa katunayan nga ay natapos na niya. Let Go the Pain and Set me Free (Gleise Methuselah) I never realized that our starting point would be our endpoint Sad to say that we both end up having hatred to the world I never thought that this would end up for nothing It's hard to accept but it's no longer my decision to deal with Let me tell you a story of love and sacrifices When I reached my road And the stars has sparks for me I want no rites in a gloom filled room Why cry for me? Let go the pain and set me free Your going to miss me for a little But your going to forget me in time And not with your head bowed low Remember the happiness that we shared Miss me, but set me free For this is a road that we must take And each must gone alone After all, it's part of the plan A step on the real home When you are lonely and sick at heart Go the frienda we know Laugh with all the things we used to do Let go the pain, and set me free Don't think of me as I gone away My journey has just begun Lifes hold so many facets This pavillion is but one Just think of me as resting From the sorrows and pains In a place of comfort Where there were no time Think of how I must be wishing That you could know today How nothing but your sadness Can I really go away The last thing I want Be happy for me Let go all the pain and Set me free Mabuti na lamang at bitbit niya ang kaniyang gitara at cellphone. Nais niyang magrecord at ipadala iyon kay Ace. Pinindot niya ang record button at nagsalita na. "Hi Goys, I missed you so much. Gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko. Ang pang-iiwan ko sa iyo at ang bigla kong pagkawala. I am sorry because I lost the chance to explain what happen to me. It's been three months pero masakit pa rin sa akin na ipaubaya ka dahil iyon ang makakabuti. God knows how much I love ypu but I need to let you go and ypu need to" wika niya at lumandas ang luha sa pisngi niya "I'm sorry if I didn't tell you my situation. Hindi na ako nakarating ng debut ni Marie because something just happend. Sorry kung naduwag akong sabihin sayo ang kalagayan ko, I know karapatan mo yon dahil boyfriend mo ako pero ayokong malungkot ka at mag-alala. Mas nanaisin ko pang kalimutan mo ako at kamuhian kaysa iyakan at magdusa. Sana mahalin mo si Marie gaya ng pagmamahal ko sayo at sa kanya at sana magustuhan mo ang kanta ko para sayo" sambit ni Tris at nagumpisa ng maniobrahin ang gitara. Patawad at Paalam (Moira dela Torre) Paano nalimutan ang lahat Na kahit konti, walang pasabi? Paano nalimutang banggitin Na nagbago pala ang pagtingin? Oh-ooh Oh-ooh Wala na rin naman kahit na balikan Wala na ang tamis nung ika'y nahagkan At sa huling paalam, naintindihan Na sa ating dalawa, may ibang nakalaan Paanong burahin ang sandaling Naiguhit sa panaginip? At kung sa paggising, ikaw pa rin Ang nasa isip, hindi maitanggi Oh-ooh Oh-ooh Wala na rin naman kahit na balikan Wala na ang tamis nung ika'y nahagkan At sa huling paalam, naintindihan Na sa ating dalawa, may ibang nakalaan Patawad Paalam Patawad, paalam Patawad kung ikaw ay aking nasaktan Hindi ko nabigay ang iyong kailangan At ang huling pangakong maibibigay Na sa ating dalawa ay wala nang sisihan Patawad, paalam sa 'ting nakaraan Pag-asa, nasaan ka? Ba't sumama sa paglisan niya? Kung babawiin ang mga nasabi Babalik ba sa 'king tabi? Oh, oh Saan ba magsisimula Kung ako'y umaasa pa? Naniniwala sa 'yong pangako Na hinding-hindi susuko Ba't 'di man lang nagpaalam? Oh, 'di lang ikaw 'yung nasaktan Hindi pa ba sapat Nung binigay ko ang lahat? Paalam Paalam Paalam Paalam Paalam Sa ating nakaraan (Paalam) Sa mga pinagsisihan (Paalam) Sa aking nadarama (Paalam) Kaya ko na ng wala ka Sa naging pagmamahalan (Paalam) Sa mga pangakong naiwanan (Paalam) Wala na 'kong pagsisisihan At sa wakas ay kakalimutan At kahit 'di nagpaalam 'Di bale na kung nasaktan Ika'y naging sapat Kahit tinapon ang lahat Paalam "Patawad at Paalam Ace! I love you until we meet again" huli niyang wika at pinatay na ang recording. Napahikbi na lang siya sa sakit. Alam niya nasaktan niya si Ace pero that was unintentional sana mapatawad siya nito. Gayunpaman ay ipinadala niya ang voice recording kay Ace. . . . Two Months Later Napaubo si Tris. Kasalukuyan siyang nasa veranda ng bahay nila habang tanaw tanaw ang paglubog ng araw nasa tabi naman nito ang tatay Jun at kuya Mark niya. Hindi na gumaling si Tris nasa terminal case na siya. Wala ng gamot ang tumatalab sa kanya pati ang radiation theraphy ay wala na rin epekto sa kaniya. Tinanggap na niya ang kapalaran niya. Hinihintay na rin noya ang oras niya. At hinihintay lang siyang bitawan ng kuya at tatay niya. "T-tay?" mahinang tawag niya. Sakto para marinig ni tatay June. "K-kuya M-mark?" tawag nito sa kuya niya. Wala na siyang lakas dahil patuloy ng kinakain ng cancer ang sistema nito. "M-mahal na mahal ko k-kayo, maraming salamat sa lahat ng ginawa niyo para sa akin. Ba-babantayan ko kayo lagi. Sa-sana ay mapatawad niyo ako, huwag sana kayong magpalamon sa lungkot kapag-kapag nawala na ako" sambit nito sa pagitan ng.paghabol ng hininga. Hindi naman makapagsalita ang tatay at kuya nito. Humihikbi lang sila. "K-kuya nasusuka ako" wika niya. Kinuha naman ng kuya nito ang lalagyan ng suka niya. *Gwarkk* *Gwarkk* Nabigla ang tatay at kuya niya ng biglang dugo ang isinuka ni Tris. Matapos noon ay ibinigkas niya ang kaniyang mga huling salita. "P-patawad Tay, Ku-kuya P-paalam" kapagkuwan ay bumagsak ang kamay nito at pumikit na ang mga mata niya. Tangis at hikbi lamang ang makikita at maririnig sa mag-aama. . . . Ace "Hello?" sagot niya sa cellphone niya. Naging mailap na siya simula nang iwan siya ni Tris. Parati namang nandiyan si Marie para damayan siya pero kulang pa rin. Hinahanap pa rin nito ang yakap at halik ni Tris. Matapos marinig ang mensahe ng kaniyang mahal ay lalong gumuho ang mundo nito at tumindi ang galit niya. Galit ito dahil hindi sinasabi ni Tris kung anong nagyayari sa kanya. Galit siya dahil wala siyang magawa para rito. Naguguluhan nga siya sa mga huling mensaheng binanggit niya "Patawad at Paalam Ace! I love you until we meet again" . May kakaiba sa mga sinasabi nito. Tama nga ito kapag wala siya sa paligid si Marie ang nagiging girlfriend niya hindi niya mapigilang mapa-ibig kay Marie. Naguguluhan siya dahil pareho niyang mahal ang dalawa at pareho silang importante sa buhay niya. "Si Riguel to Ace si Tris naka-uwi na" masayang pagbabalita nito. Bigla siyang nabuhayan ng loob. "Magbihis ka na pupuntahan natin siya" sambit nito. Ura uradang nagbihis siya at hinintay ang sasakyan sa harap ng bahay nila. . . "Excited na ako! ILang buwan ba namang hindi magparamdam, matapos ang debut ni Marie hindi na siya macontact! Malilintikan talaga sa akin yan ng halik at yakap!" excited na wika ni Tasha. "Ako rin miss na miss ko na ang bestie ko!" masayang sambit ni Marie. Pero si Ace hindi makapagsakita dahil sa sobrang kaba. Mga tanong na sumasagi sa kaniyang isipan at binabagabag siya nito. Kung mahal pa ba siya nito? Kung mapapatawad pa ba sila ni Marie? At kung tatanggapin pa siya nito. "Malapit na tayooo!" masayang wika ni Riguel habang nagmamaneho. . . Pagkarating nila sa bahay nila Tris ay nabigla ang mga ito dahil may tolda sa labas at may tarpaulin ng funeral homes. "Haluh sinong namatay sa kanila?" tanong ni Tasha. "Tara pumasok tayo" aya ni Marie. Pero si Ace parang wala sa sarili. Tahimik lang ito pero kinakabahan. Nilapitan ni Ace ang papalabas na si tatay Jun na nakaputing damit na hanes. "Tay mano po" pagbibigay galang niya kay tatay Jun. "Kaawaan ka ng diyos anak" wika nito at tinignan ito ng malungkot. "Tay nasaan po si- si Tris?" kinakabahang tanong ni Ace. Tumitig muna ito ng matagal sa kaniya bago nagwika "Nasa loob anak, tatagan mo ang loob mo" sambot nito at iniwan na sila upang asikasuhin ang ibang mga bisita. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya sa pagpasok. Pagkaapak noya pa lang sa unang rampa ng hagdan ay bumibigat na ang loob nito. Nang makapasok na ito ng tuluyan sa bahay ay may nakita siyang kabaong at sa gilid nito ay isang matanda at si Kuya Mark. "Kuya Mark?" tawag pandin niya rito. Tinignan naman siya nito. Halata sa kaniyang mga mata ang lungkot at hinagpis. "S-si Tris po?" tanong niya kay kuya Mark. Inalis naman nito ang tingin ni Kuya Mark sa kaniya at tumitig sa kabaong. Ibig sabihin-hindi! Hindi si Tris ang nadyan! Hindi ang mahal niya ang nakahimlay diyan pilit niyang pinapaniwala ang sarili na mali ang kaniyang mga naiisip. Lumapit siya sa kabaong at tinignan ito. Namutla siya sa kaniyang nakita. Hindi! Hindi maari! Buhay ang mahal niya! Sigaw nito sa kaloob looban niya. "H-hindi, hindi siya yan, niloloko mo lang ako diba kuya Mark?" sambit nito sa lalaki. Hindi niya kasi magawang paniwalaan na si Tris ang nakalagay sa loob ng kabaong. Tila nawalan siya ng lakas. Nawalan siya ng balanse ng biglang umiling si kuya Mark at umiyak. Nilapitan niya ang kabaong. Kahit na nanghihina ay pinilit niyang tignan muli ang mahal niya. Tris bakit? Bakit mo ako iniwan? Bakit?! sigaw nito sa kaloob looban niya. Bigla naman siyang nakaramdam ng paghaplos sa likod niya. Nakita niyang si tatay Jun yon. Napansin rin niyang humihikbi si Tasha, Marie at Riguel. Maging sila ay hindi makapaniwala. . . Nakaupo ngayon sila malapit sa kabaong. "Bago mawala si Tris ay hinabilin niyang ibigay ko sa inyo itong ginawa niyang tula para sa inyo" wika ni tatay Jun sabay abot ng papel sa mga barkada ni Tris. Ang tulang ginawa niya ang huling liham niya sa kanila. Ang Let go the Pain and Set me Free. "Five months ago nalaman namin na may cancer sa dugo si Tris. Namana niya sa ina niya. Ito rin ang sakit na ikinamatay ng ina niya. Nasa lahi na kasi nila ito. Si Tris mismo ang nagsabi na hiwag ipaalam sa inyo ang kalagayan niya dahil ayaw niyang masaktan ka Ace pati na rin kayo. Ayaw niyang mag-alala kayo. Sa loob ng limang buwan na nasa Palawan kami lagi niyang pinapanalangin na sana gumaling na siya ngunit parang nakatadhana na sa kanya ito hanggang wala ng antibiotics ang nagpapagaling sa kanya. Hindi na rin epektibo ang radiation theraphy. Hanggang isang araw sinabi niya lang na mahal niya kami at humihingi siya ng tawad at nagpapaalam. Wala siyang ginawa doon kundi panoorin ang paghampas ng alon at ang paglubog ng araw. Inaaliw niya ang sarili niya doon hanggang sa nagsuka na ito ng dugo at di na kinaya" mahabang paliwanag ni tatay June. Mababanaag sa oaniyang boses at mukha at lungkot "Nasakit sa amin dahil mahal na mahal namin siya ng kuya Mark niya pero ngayon iniwan na niya kami" tuluyan na nga itong napaiyak "masakit mang tanggapin na ihahatid ko siya sa hantungan niya ay tatanggapin ko dahil nais niya iyo at ayaw kong sumakit ang loob niya" tumigil ito at nagpunas ng luha "Hinabilin niya rin na huwag niyo na siyang bilangguin, pakawalan na daw natin ang sakit at palayain siya. Sinabi niya rin Ace na ibigay ko ang sulat na ito sayo. Alagaan at mahalin mo daw si Marie gaya ng ginagawa mo sa kanya o mas maganda ay higitan mo pa dahil iyon ang ikasisiya niya." sambot ni tatay Jun habang nakatingin sa ataul ng anak "maging matatag daw tayo para sa kaniya" wika ng ama ni Tris at umalis matapos magpaalam. . . . Last day na ni Tris at maghahandog na ng Eulogy sa kanya ang mga mahal niya sa buhay. Unang lumapit si Tasha at tumayo sa harap ni Tris "Baks ang daya mo naman ang dami pa nating hindi nagagawang mga bagay tapos iiwan mo lang pala kami. Baks huwag kang mag-alala itutuloy ko lahat ng gusto mo na nasa bucketlist para sayo" sambit nito sa pagitan ng paghikbi. Sumunod naman si Marie "Bestie, gising na! Akala ko ba hindi mo ako iiwan bakit ngayon wala ka na? Ang daya mo naman ea. Beatie humihingi ako ng tawad sa lahat ng kasalanan ko sana mapatawad mo pa ako. Mahal na mahal kita bestie" sambit ni Marie habang umiiyak. Nagbigay din ng kaunting message si Riguel. Sumunod naman si Kuya Mark "Bunso, mahal na mahal na mahal ka ni kuya. Hindi niya pinahsisihan na ibinuhos niya ang lahat ng panahon niya para sayo. Tatlo na nga lang tayo iniwan mo kami. Sana bantayan niyo lagi kami ni Papa kayong dalawa ni mama. Ikamusta mo kami sa kanya. Mahal na mahal kita bunso paalam" umiiyak na sambit ni kuya Mark. Si tatay Jun naman ang sumunod "It's not time to make a change Just relax, take it easy You're still young, that's your fault There's so much you have to know Find a girl, settle down If you want you can marry Look at me, I am old, but I'm happy ... Ayan anak kinantahan ka na ni tatay. Diba sabi mo ang boses ko ang paborito mo dahil nagihing payapa ang kalooban mo sinasabihan mo lagi ako na kantahan kita ng paborito nating kanta yung Father and Son. Masakit man anak pero kailangan kong tanggapin na wala ka na. Malungkot ang tatay kasi wala ng hahalik sa kanya kapag nakarating ng bahay, wala na rin magsasabing masarap ang luto ko at wala na rin akong mayayakap at mahahalikan na bunso. Mahal na mahal ka ni tatay anak paalam. Masaya si tatay dahil kapiling mo na ang Diyos wala ng sakit at hinagpis" wika ni tatay June binuksan nila ang ataul at hinalikan si Tris sa pisngi silang dalawa ni kuya Mark. At ang huling nagsalita si Ace "Tris, babe. I just wanted to asked for your forgiveness. Ikaw ang taong naging sandalan ko sa mga oras na madilim ako, ikaw ang ngsilbing tanglaw sa madilim kong mundo. You gave my life the real hue. Ang buong akala ko ay makakasam ulit kita pero hindi na pala I was late, Patawad mahal ko, mahal na mahal kita. Pinapangako kong maging masaya at iwasan ang malungkot gaya ng nais mo kahit masakit. Mahal na mahal kita Tris and you will always have a special place in my heart. Paalam mahal ko until we meet again" umiiyak na wika ni Ace. Matapos maihatid sa huling hantungan si Tris ay nagpalipad sila ng puting lobo. Love do not have guarantee, being loved didn't mean staying forever, being loved meant giving until pain came as a shade to blur the images of pleasure and peace, being loved meant opening doors and waiting for another to choose to stay or go. Ipinaubaya siya ni Tris dahil alm nitong ito ang maganda at mabuti. Hindi ibig sabihin nito na hindi na siya mahal nito. Ang pagkawala ni Tris ay naging isang permanenteng marka para kay Ace dahil sa tuwing naaalala niya ang mahal niya ay bumibigat ang loob niya. Kailangan na ba niyang palayain si Tris at pkawalan ang sakit? Ganiyan ang konsepto ng pag-ibig hindi sa lahat ng oras at istorya ay may happy ending. Kaialangan mong buksan ang ibang pintuan hanggang sa mahanap mo ang kapayapaan at pag-ibig Hanggang sa muli Tris... List of Songs used: Walk With Me by Bella Thorne Father and Son by Cat Stevens Patawad by Moira dela Torre Paalam by Moira dela Torre POEM: LET GO THE PAIN AND SET ME FREE (Gleise Methuselah) I never realized that our starting point would be our endpoint Sad to say that we both end up having hatred to the world I never thought that this would end up for nothing It's hard to accept but it's no longer my decision to deal with Let me tell you a story of love and sacrifices When I reached my road And the stars has sparks for me I want no rites in a gloom filled room Why cry for me? Let go the pain and set me free Your going to miss me for a little But your going to forget me in time And not with your head bowed low Remember the happiness that we shared Miss me, but set me free For this is a road that we must take And each must gone alone After all, it's part of the plan A step on the real home When you are lonely and sick at heart Go the frienda we know Laugh with all the things we used to do Let go the pain, and set me free Don't think of me as I gone away My journey has just begun Lifes hold so many facets This pavillion is but one Just think of me as resting From the sorrows and pains In a place of comfort Where there were no time Think of how I must be wishing That you could know today How nothing but your sadness Can I really go away The last thing I want Be happy for me Let go all the pain and Set me free 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.3K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.6K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.6K
bc

Fight for my son's right

read
147.2K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
832.4K
bc

Stubborn Love

read
98.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook