SYPNOSIS
Jupiter Nitrion Caruso
Book 2 of 2 of Beast in Tuxedo Duology
Simple lamang ang buhay ni Gizani Hermes Khalil, bago magkrus ang landas nila ni Jupiter Nitrion Caruso. Isang 23 years old half-filipino half-lebanese si Gizani kaya may taglay itong kakaibigang ganda. Mula sa kaniyang matangos na ilong, arab-looking fierce eyes, manipis na labi, makinis na morenang balat, at balingkinitang katawan ay mapapalingon ka. Hindi man pansinin si Gizani dahil hindi ito pala-ayos, may naiitatago itong kakaibang ganda.
Nagtatrabaho ito sa sarili nilang peryahan at circus kasama ang kaniyang pamilya kung saan, ang lupang pinaglalagakan ng kanilang peryahan ay balak bilhin ni Jupiter. Ngunit kahit palugi na ito, wala silang balak ibenta ang lupa. Ito na ang kanilang ikinabubuhay at marami na ang nabuong memorya.
Ngunit sa bawat pagkikita ni Jupiter at Gizani dahil sa usapin sa lupa, mahuhulog ang loob sa kaniya ng babae ngunit dahil hindi nagtagumpay ang unang pag-ibig ni Jupiter, wala ng balak muling pumasok sa relasyon ang lalaki. Tanging laro na lamang upang wala na siyang maling desisyon pang magawa. And his number one rule, no commitments.
Ito nga ba ay ikagaganda ng buhay ni Gizani o ikakasama? Magsisi kaya si Gizani na nakilala niya ang isang Jupiter Nitrion Caruso?
_
Author's Note:
This story is about romance, drama, and general fiction.
Ito ang 8th story ng Heat Series. Read Heat Series 1-3 first before reading this one, including Sister Loves Me ni Niveya (spin-off) maging Heat Series Second Generation (HSSG). Masospoil po kayo if hindi sunod-sunod ang basa, athough pwede pa rin naman. Also, tapusin niyo rin po muna ang kwento ni Mission, Levi, at Zyair sa Heat Series Second Generation para masaya!
Ito po ang unang book ng Beast in Tuxedo. Please read Beast in Tuxedo: The Sexy Trial after this one!
Ideya itong lahat ng author. Ang lahat ng lugar, pangyayari, at tao na nasa kwento ay likha lamang ng imahinasyon.
If may makikita po kayong nangopya o kumuha ng story na ito at ipinost in any kind of multimedia, kindly message me. Hope you enjoy the story of Jupiter Nitrion Caruso.
'Yon lang love lots!
Always remember, plagiarism is a crime!
All rights reserved.