Chapter 2

3556 Words
Chapter 2 Nagising ako mula sa katok na nagmumula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Kinusot ko ‘yung mga mata ko bago ko inabot ‘yung cellphone ko sa maliit na mesa sa gilid ng kama at tinignan ‘yung oras. 7:30 pm na pala, mukhang napahaba ang tulog ko. Dahan-dahan akong bumaba sa kama at pumunta sa pintuan para buksan ‘yon. Bumungad sa’kin ang nag-aalalang mukha ni Kenzie at nung nakita nya akong maayos ay lumiwanag ang mukha nya. "Shienne, okay ka lang ba?" nag aalalang tanong nya kaya tumango lamang ako. Pumasok siya sa loob ng kwarto ko habang ako ay pumunta sa Banyo para maghilamos at mag tooth brush. Lumabas ako ng Banyo at nilapitan siya habang abala ito sa kanyang phone at nag tipa sandali bago niya inangat ang tingin sa’kin. "Uhm, sorry kanina ha? Kasi iniwan ko kayo ni Kamila," mahinang sabi ko at tumingin sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa kama ko. Bumuntong hininga ito bago ako hinila sa tabi nya. I stiffed when she suddenly embraces me. "I’m so sorry Shienne, kung ‘di ka lang sana namin tinulak ‘di mangyayari ‘yon," bulong nya sa’kin. Humiwalay ako ng yakap sa kanya at tinitigan siya bago ako tumawa. Si Kenzie ang pinaka-close ko sa lahat, hindi lang dahil sa pinsan ko siya kung ‘di dahil siya ang pinaka best friend ko. Sabay kasi kaming lumaki dalawa kaya siguro ganito kami kalapit sa isa’t-isa. Mabilis lumipas ang oras at nagising na lamang ako sa tunog ng alarm clock. 5 am na kaya agad akong bumangon para gumayak kasi may klase pa ako. 6 am nung nakapag-ayos na ako at bumaba na para kumain sa dining room. Si Daddy lang ang nakita kong nakaupo sa dining table namin habang nagbabasa ng newspaper. I went to him and kissed him on the cheek. "Hi Dad, good morning po. Where's Mom? And Kuya? And Kenz?" I asked. Sumimsim muna siya sa basong nasa harapan niya na sa tingin ko ay kape ang laman bago niya ako tapunan ng tingin. "Your Mom is preparing our breakfast with the maids, your Kuya and Kenzie, I don't know, maybe she's still sleeping Munchkin," Dad said before looking back at the newspaper. Nagpaalam ako sa kanya na pupuntahan ko si Kenzie kasi baka malate kami. I was knocking on her room but no one’s opening so I entered her room to find out that Dad is right. Kenzie is still sleeping. I walk straight to her and pinch her cheeks. "Hmm," she whispered and turned her back at me. I laughed at her reaction. "Hoy gaga, gumising ka na! Ma l-late na tayo sige ka! Iiwanan kita diyan!" pag babanta ko sa kanya at mukhang effective naman dahil bumangon siya ka agad at dumeretso na sa Banyo. Ngumiti ako at iniwan na siya doon. Bumalik ako sa dining table at nakita kong nandoon na si Mommy. I went to her and kissed her cheeks just like what I did to Dad. Ilang sandali ay umupo na rin si Kuya sa hapag. “Nabalitaan ko ‘yung nangyari sa’yo kahapon,” sabi ni Kuya kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Epal na ‘to! Hindi ko na nga sinabi kila Mommy at Daddy tapos uungkatin niya pa ngayon! “What happened to you, Munchkin?” Mom asked kaya tinignan ko ng masama si Kuya. Tumawa lang ito. “Nothing, Mom. Nabuhos lang po ‘yung frappe sa damit ko kaya umuwi ako ng maaga,” paliwanag ko. Mukhang naniwala naman si Mommy dahil nakita ko siyang tumango. “Next time, be careful Munchkin, okay?” Daddy said. “Yes Dad,” sabi ko na lang at nagpatuloy na sa pagkain. 6:30 nung nakababa na si Kenzie at nagmamadaling humalik sa pisngi ni Mommy at Daddy bago nag-madaling kumuha ng pinggan at kutsara para kumain. Patapos na rin ako habang siya ay ang bilis lunukin ‘yung kinakain nya. Hindi na nga yata nginunguya e. “Be careful Mackenzie. Hindi ka naman namin iiwan,” Kuya said kaya nagdahan-dahan siya sa pagsubo. 6:45 nung naka-alis kami sa bahay at for sure late na kaming dalawa dahil 15 minutes na lang ang natitira sa oras namin. Hay nako, sino ba kasi gumawa sa schedule namin at napakaaga naman? I went to my Trailblazer and sit on the driver seat while Kenzie sit on the shotgun seat. Pinaandar ko na ng mabilis ‘yung sasakyan ko ngunit medyo na-traffic pa. 7:10 nung nakarating kami sa school at agad tumakbo si Kenzie papunta sa room nila. Dumating ako sa room namin ngunit wala sila doon kaya agad kong binuksan ‘yung phone ko para mag online sa messenger. Nakita ko ‘yung chat ni Kamila na nasa main building pa lang daw siya kaya sinabi ko kung nasaan ako at hinintay ko na lang siya para may kasama rin akong late. Habang hinihintay siya ay tumingin sa Group Chat ng section namin para alamin kung nasaan na sila. Kasi hindi naman pwedeng late kaming lahat, nakaka-pagtaka naman ‘yon. Oo may group chat na kami ngunit ngayon ko lang binuksan. Hindi ko alam kung saan nila nakuha iyong f******k ko pero baka nakita nila doon sa ni fill-up naming form kahapon nung pumila kami sa linya bago mag campus tour o kung si Kamila ang nag add sa akin sa Group chat na ito. Nabasa kong nasa Gym pala sila dahil Physical Education ‘yung una naming subject para sa araw na ito. Dumating si Kamila na hingal na hingal at agad kaming nagmadaling pumunta sa may Gym. Hindi lang kami ang nag-kaklase dahil maraming kumpulan ng mga estudyante sa mga bleachers kaya nahirapan pa kaming hanapin ‘yung mga block mates namin. Inilibot ko ‘yung paningin ko at namukhaan ‘yung babaeng humawak sa’kin kahapon na napagkamalan ako ‘yung kaibigan nyang si Janella? Or Jamella? Basta ‘yon. Agad kaming pumunta ni Kamila doon at nagtanong kung LegMa 1-1 ba ‘yon at tama nga ako. Kaya agad kaming umupo ni Kamila sa first step ng bleachers sa pinaka dulo sa left side dahil ‘yon ang pinakamalapit na vacant kung nasaan kami nakatayo kanina. Nung napansin kami ng teacher namin ay agad kaming pinatayo ni Kamila para magpakilala dahil tapos na pala silang lahat magpakilala. Unang tumayo si Kamila at nagpakilala. "Hi, my name is Kamila Viktoria Ibarra, 18 years old. Just call me Kam. Hope we can be friends," sabi nito bago umupo sa tabi ko. Agad naman akong tumayo sa harapan nilang lahat, sa tabi ng prof namin at tumingin sa kanila. Nanlaki iyong mata ko nung namukhaan ko ‘yung lalaking nakabanggaan ko kahapon at napansin kong nakatunganga lamang siya sa’kin. So block mates pala kami? Iniwas ko ‘yung paningin ko sa kanya at nagpakilala na. "Hello, I'm Rheekshienne Artemis Navarro, 18 years old," maikling sabi ko at bumalik doon sa upuan ko. May maluwang na space doon sa tabi nung lalaki at sapat na doon ang dalawang tao ngunit ayaw kong umupo doon. Pero sa kasamaang palad ay tinawag kami ng prof namin para umupo doon. Agad tumayo si Kamila at umupo sa space ngunit hindi siya tumabi doon sa lalaki kahapon kaya wala akong choice kung ‘di tumabi sa kanya. "Okay, so before we start our discussion, I want you guys to play a game," sabi nung prof namin at agad namang sumang-ayon iyong mga block mates ko. "I will give you 10 minutes to know your block mates name. Ang pinakamaraming masasaulo ang pangalan ay siyang bibigyan ko ng points, ano? Game?" mahabang paliwanag nung teacher namin at mukhang game na game naman sila. Nag-umpisang mag-tanungan ang mga ka-blocks ko ng mga pangalan ng bawat isa at ako ay agad tumingin sa kanila. Dalawa lang naman kasi ang alam kong pangalan dito. Si Kamila at Leucas lang. Tapos iyong Janella or Jamella hindi ko pa sure kung sino siya diyan sa mga kaibigan nung babaeng pinagkamalan akong siya. Nagpangalumbaba ako at pinagmasdan silang abala mag-tanungan ng mga pangalan. Nagulat ako nung kalabitin ako ng lalaking katabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Tipid siyang ngumiti at tinanong ang pangalan ko. "Rheekshienne Artemis Navarro po," mahinang sabi ko ngunit sapat na para marinig nya. "Ang haba naman, wala ka bang nickname?" reklamo niya. Nakita kong lumabas ‘yung dimples nya sa magkabilaang pisngi. "Huh? Ah e, Shienne na lang itawag mo sa’kin," sabi ko tumango siya at biglang bumulong sa katabi niya. Nakatitig lamang ako sa katabi niya nung may naalala ako. "Excuse me? Puwede ko rin bang tanungin ang pangalan mo?" sabi ko ngunit hindi siya lumingon sa’kin, kaya ang ginawa ko ay hinila ang I.D. niya para makita ko ‘yung pangalan nya. Nagulat naman siya sa ginawa ko kaya napatingin siya sa’kin, pati na rin ‘yung mga kasama nya. "Maxence Benedict R. Dela Cuesta," bulong ko. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakataas ang isang kilay niya sa akin. I can see some amusement on his face. Ngumiti ito ng tipid. Napangiti ako nung ma-realized kong ka-pangalan niya ‘yung isa kong crush na actor sa Paris. Omg! Maxence ng Skam France!!! Kinikilig-kilig ako habang iniisip ko ‘yung gwapong mukha ni Maxence sa Skam France ngunit napatigil ako sa pag-iisip nung inabot niya ‘yung kamay nya sa’kin. Tinitigan ko ‘yung kamay nya habang nagtataka kung bakit iniaabot nya sa’kin ‘yon. Sa sobrang tagal ko sigurong nakatitig sa kamay niya ay siya na ‘yung kumuha sa kamay ko para makipag kamay. Nanlaki ang mata ko. s**t! Makikipag-kamayan pala akala ko kung ano! "Maxence," sabi niya at iniyug-yog pa ‘yung kamay naming dalawa. Agad kong binitawan ‘yung kamay niya ng may naramdaman akong kakaiba ngunit ipinag-sawalang bahala ko na lang 'yon. Uminit ang pisngi ko habang tumatango-tango sa kanya. Shit! Ang awkward naman nito. Tumawa lang siya sa’kin nung napansin niya sigurong nakatunganga lang ako kaya siya na ang nagpakilala sa mga kasama nya. "This is Terrence Hikarus," ituro nya doon sa lalaking kasing tangkad niya na seryoso palagi at gwapo. "Bro, no need to mention the second name," reklamo nya kay Benedict kaya natawa ako. Tumingin naman ito sa’kin at tumango kaya nginitian ko siya. Ang gwapo nya naman! "This is Cagin Tucker," sunod niyang itinuro ‘yung lalaking may dimples din at kulot ang buhok na akala mo ay hindi nagsusuklay dahil nagmumukhang sobrang gulo. Kagaya kahapon ay ngiting-ngiti parin ito kaya lumilitaw ‘yung dimples niya, at katulad ni Benedict ay iniabot niya sa’kin ‘yung kamay niya kaya tinanggap ko naman ‘yon. "Shienne," pagpapakilala ko sa kanya. Binigyan niya ako ng isang ngiti bago siya bumaling sa iba para makipag-kilala. "And also, this is Melik Jace," sabi ni Benedict at doon sa isang kasama niyang makulit. Nagulat ako kasi inabot niya ‘yung kamay ko at hinalikan ‘yung likod ng palad ko. "Hi Miss Beautiful, it was nice meeting you," sabi pa niya at tumawa kaya sinapak siya ni Benedict. Nagkibit-balikat lamang siya saka umalis para makipag usap sa iba kaya natawa na rin ako sa inasta niya. Tinalikuran ko si Benedict at lumapit na rin sa iba ko pang block mates’ para makipag kilala. Ka-kaunti rin ang nakilala ko dahil na rin sa naubusan ako ng oras. Isa-isa kaming pinatayo ng teacher namin sa harap para ituro ‘yung mga kablock namin na natandaan namin ang pangalan. Unang-unang pinatayo ‘yung lalaki sa likuran ni Kamila na ang pangalan ay Herron. Mukha siyang matalino at tahimik. Nagsimula na itong mag-turo ng mga kablock namin at isa-isang binigkas ang pangalan nila. He got 37 points out of 54. Kasi 54 kami sa klase maliban pa doon sa mga irregular naming kaklase na walang klase sa P.E. Magpalakpakan ‘yung mga kablock namin kaya pumalakpak din kami ni Kamila. Sunod na pinatayo ‘yung kaklase kong babae mula sa taas na bahagi ng bleachers at nagpakilalang si Trasha. Ayos din pala ‘to, kasi nasasaulo ko ‘yung mga pangalan nila dahil na rin sa mga nag r-recite. Trasha finished her recit and she got 43 points. Mas lalong nagpalakpakan ang mga tao at nakipag apiran pa ito sa mga katabi niya bago umupo. "Shienne, ang bilis naman nilang magsaulo ng pangalan ‘no? Ako nga wala pa yatang sampo ang nakikilala at natatandaan ko," bulong sa akin ni Kamila. I rolled my eyes at her "Tsk. If I know, yung iba dito ay magkaka-kilala na, kaya marami silang points, hindi naman natin alam kung saang school sila nanggaling ‘di ba? Pero look at them? Halata namang magkaka-kilala sila, syempre kung kakilala ko na ‘yung isang tao, e di doon na ako magtatanong sa mga hindi ko pa kakilala. Kaya madali lang sa kanila mag saulo ng mga pangalan kasi dati na nilang kakilala ‘yung iba," mahabang paliwanag ko sa kanya. Naisip ko kasi na parang nakapa-unfair ‘di ba? Because when I entered in this school, all I know is Kamila and Leucas. Dalawa lang. Damn unfair. Napa-titig ako sa nag r-recite sa harap at namukhaan ko agad ito. Nanlaki ang mga mata ko nung nakilala ko siya. Lumingon ako kay Kamila at nakita kong ganun din ang reaksyon niya. I looked at the girl in front of me and she just winked at me. I chuckled. Damn si Claudett! Block mate ko!!! Nung natapos siya ay sumunod si Kamila sa kanya, she got 33 over 54. Kamila got 22 at natawa pa ako sa kanya kasi sinasabi niyang ang baba nya. Pagka-upo niya ay ako naman ang tinawag, isa-isa kong itinuro ‘yung mga kakilala ko, like Kamila, Leucas, Claudette, Melik, Cagin, Terrence and the other block mates of mine and of course, "Benedict," sabi ko bago ako umupo na sa tabi nya. I got 28 points. Napansin ko ‘yung pagkunot ng noo niya at ang pag-tawa ni Cagin at Melik sa kanya. Siya ang sumunod na tinawag at seryoso lamang siya habang binibigkas ‘yung pangalan ng bawat isa. Nagpalakpakan lahat nang masaulo niya ‘yung pangalan ng lahat. What the heck? He got perfect score! 54/54. Hanggang sa nag dismiss na ‘yung prof namin. Agad akong hinila ni Kamila papalapit kay Claudett at hinila kaming dalawa palabas ng gym dahil taeng-tae na raw siya. We went to the nearest mall and Kamila did her thing on the Public Comfort Room. Pagkatapos ay kumain kaming tatlo sa KFC. Nag-text ako kay Kenzie at sinabi kung nasaan kami at ilang saglit lang ay sumunod na rin siya. Tumingin ako kay Claudett na nakangiti ngayon sa’kin. Magka-tabi kami habang sa harap ko ay si Kenzie na katabi naman si Kamila. Claudett hugged me so I hugged her back. "Goodness! Sis, I missed you so much! Bakit hindi mo sinabing sa EDMU ka pala mag c-college? I thought sa DU ka parin?" I asked her after we let go of each other. Tumingin lang siya sa mga pagkain na nasa harap namin at ngumiti na akala mo ay in love na in love sa mga pagkain na tinititigan niya. "Change of plans e, basta! I have so many reasons, and besides, sawa na ko sa DU! I need new environment," masayang sabi niya at nag-umpisang kumain. Tumawa na lang kaming tatlo sa sinabi ni Claudett at kumain na rin. Me, Kenzie, Kamila and Claudett are best friends since Junior High School, nagka-hiwalay lang kami nung senior high dahil si Kamila ay sa isang Academy sa Quezon City, while Claudett is on DU, habang kami ni Kenz ay sa isang Catholic School. After lunch ay bumalik na kami sa EDMU kasi may klase pa kami sa Human Resource and Management ng 1 pm. Humiwalay na sa amin si Kenz dahil may pasok din siya. Pag-pasok namin sa room ay halos lahat ng mga kaklase namin ay nandoon na. Umupo ako doon sa pangatlong line ng upuan sa first row at tumabi sa’kin si Kamila. Si Claudett ay umupo doon sa tabi ng mga kaibigan niya from DU rin na nasa second raw. May tumabi sa’kin na nagpakilalang si Demi pero ang totoong pangalan nya ay Derick Michael at ayaw niya raw na tinatawag siya sa totoong pangalan niya dahil masyado raw siyang maganda para sa pangalan niya. Ang seating arrangement namin ay, sa right side ko si Demi habang si Kamila sa left side ko at tumabi sa kanya si Cagin. Sa likuran ko naman ay dalawang babae na nagpakilalang Trixie at Maicka, tapos ‘yung katabi ni Maicka sa left side ay si Benedict at sa left side naman ni Benedict ay si Terrence. Ang nasa likod ni Cagin ay si Terrence at sa likod ni Kamila ay si Benedict. Sa harapan naman ni Cagin ay doon umupo si Melik. Apat na upuan per line. Walang masyadong importanteng nangyari sa buong araw dahil puro pagpapakilala lamang ang naganap at ‘yung ibang Prof ay may pa riddle pa. “Marami akong pinatay na tao, pero hindi ako magawang hulihin ng Pulis, ano ako? Answers this for 5 points,” sabi ng Prof namin. Aliw na aliw ‘yung iba samantalang ako ay nakatunganga lang dahil hindi ko alam ang sagot. “Ma’am, ako ang sasagot,” confident na sabi ni Melik habang nagtataas ng kamay. Hindi pa siya pinapatayo ng prof namin pero tumayo na siya. “Okay, answer the riddle for 5 Points Mr. Del Agua,” Bumuntong hininga ito bago tumayo ng maayos. Nag-aabang kami sa isasagot niya pero bigla itong nag dribble at nagshoot na akala mo ay may hawak siyang bola kaya nagtawanan kaming lahat. Anong natira nito? “Hmm. Humele humele” sabi ni Melik kaya nagtawanan kaming lahat ulit. “Are you on Drugs Mr. Del Agua?” tanong ng prof namin. Puno ng tawanan ang buong classroom dahil sa mga ginagawa ni Melik. “No Miss,” sabi niya at nag-seryoso na. Natahimik din kaming lahat. “Then what’s the answer?” Ma’am Blas asked. “Covid-19. Humele humele,” sagot ni Melik at tumalon talon pa. Melik got the right answer. Tawang-tawa ako dahil hindi ako makapaniwala na ‘yon nga ang tamang sagot sa gawa-gawang riddle ng prof namin sa Purposive Communication. Seriously? Tuwang-tuwa ako nung nag dismiss na ‘yung last naming subject para sa araw na ito. Agad akong nag-ligpit ng mga gamit at itinaas ‘yung dalawang kamay ko. I yawned. Nakita kong nakatingin sa akin si Benedict kaya tinaasan ko siya ng kilay pero binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti kaya lumabas ‘yung dimples nya. I rolled my eyes at him. E kung butasin ko kaya pisngi niya? Tumawa siya sa reaksyon ko at nag ayos na rin ng gamit bago lumabas ng classroom. Mabilis lumipas ang mga araw at friday na ngayon. May orientation kami kaya 8 am ang pasok namin ngayon na ikinatuwa ko naman. Nakaupo kami sa bleachers kasama ‘yung mga ka-blocks ko na nakapalagayan ko nang loob. Tawang-tawa kami kay Demi dahil siya lang itong naka uniform kahit na sinabihan na nga kami kahapon na purple day ngayon. Nasa gitna ako ni Kamila at Demi habang nakatunganga ako sa phone ko at nag b-browse sa twitter. Na b-bored na kasi ako sa dami ng sinasabi nung guess speaker at napaka-init pa rito dahil ang daming tao kahit air-conditioned naman. Mayroon pa ngang malalaking electric fan pero nakatutok ‘yon sa mga naka-upo sa monoblock. Tumaas ‘yung kilay ko habang tinititigan ‘yung electric fan dahil init na init na rin ako. Wala sa sarili na tumayo ako at inikot ‘yung malaking electric fan at ini-steady sa amin. Nag sigawan iyong mga block mates ko at tumawa dahil sa wakas ay hindi na kami naiinitan. Napansin kong nakatingin sa amin ‘yung mga babae at binabae na nasa monoblock at ‘yung isa na may ribbon sa ulo ay tinaasan ako ng kilay bago inirapan. I frowned and look at him. Wala akong pakialam kahit mailang siya kaya tinitigan ko lang siya. Nagbubulungan sila ng mga kasama nyang gays at tumitingin tingin pa sa gawi namin. Mas lalong kumunot ang noo ko nung tumayo ‘yung isa sa kanila na may hawak na pamaypay at lumapit sa’min. "Excuse me? Anong course niyo?" mataray na tanong niya sa amin kaya tinitigan ko siya. I raised a brow. "LM po," mataray ko ring sabi sa kanya. Bumalik siya doon sa mga kasamahan niya at nagbulungan silang muli pero naririnig naman namin ‘yung pinagbubulungan nila. "Beshy, elem daw? Baka elementary education," natawa ako sa bulungan nila kaya sumigaw ako na ikinabigla ng mga kablock ko. "L.M. po hindi Elem, it’s Legal Management," matigas na sabi ko. Natawa ‘yung mga kablock ko at pinuri pa ako. Napa-ayos ng upo ‘yung grupo ng mga gays at tumahimik na. Bumalik ako sa pag c-cellphone nang may lumabas na notification sa f******k. Binuksan ko ‘yon at nagulat ako sa nabasa ko. Maxence Dela Cuesta send you a friend request. Tumili bigla si Demi na ikinagulat ko, pero mas nagulat ako ng inagaw niya ‘yung phone ko at pinindot ‘yung confirm button sa friend request ni Benedict at nag-wave pa ang gaga, agad kong pinatay ang data ng phone ko para hindi ma-send ‘yung wave niya, at mabuti na lang hindi nga ito na send. Sinamaan ko siya ng tingin pero binigyan nya lang ako ng peace sign. Almost 12 nung natapos ang orientation at umalis na kami sa venue para mag lunch. Sabi ng prof namin ay wala na daw muna kaming klase ngayon kaya pwede na kaming umuwi, nagka-yayaan kaming magkaka-block na tumambay muna sa mall para magpalipas ng oras. Sumama ‘yung iba pero marami ring tumanggi dahil may kanya-kanyang lakad. Tumambay kami sa sports zone dahil gusto daw nilang mag-laro ng basketball at mag videoke. Bumili pa si Demi ng maraming token para sa amin. 4 pm na nung napagod kami at nagkayayaang umuwi. Nag-text ako kay Kenzie na uuwi na ako at agad naman siyang nag reply na mamaya pa siya uuwi kaya pinabayaan ko na lang. Siguro ay mag book na lang siya ng grab o mag commute. Pinabayaan ko na lang dahil Malaki naman na siya. Pagkarating ko sa bahay namin ay agad akong nag-linis ng katawan para deretso na akong matutulog mamaya. Hindi na ako kakain ng dinner dahil bago kami umuwi ay kumain muna kami sa buffalo wings. Nagsuot lang ako ng racerback na gray at pajama na purple bago humiga sa kama ko at nag online sa social media. Halos mabitawan ko ‘yung phone ko nang tumunog ang messenger at nakita ko ‘yung message. Maxence Dela Cuesta Wave back! OH MY GOD DEMI I’M GOING TO KILL YOU!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD