bc

TOLENTINO BROTHERS 1: IN THE BED OF MR. CEO (Tagalog)

book_age18+
650
FOLLOW
3.6K
READ
possessive
sex
aloof
independent
confident
drama
sweet
bxg
serious
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

TOLENTINO BROTHERS SERIES 1

“IN THE BED OF MR. CEO”

Liam James Albert Tolentino ang panganay na anak ng mga Tolentino. Kilala ito bilang si Liam o Lj. Ang hot bossy and workaholic CEO ng Aristocrat Group Incorporation. Lahat ng empleyado ay pinapantasya ang panganay ng mag-asawang Tolentino ngunit kahit isang beses ay wala itong pinansin. Maliban doon ay may lungkot pa rin na bumabalot sa pagkatao ni Liam dahil sa masalimuot na nakaraan ng kanilang pamilya.

Ngunit nakatakda na palang magbago ang lahat sa buhay ng binata ng dumating sa buhay niya si Jane Sarah Mercado, ang bagong sekretarya ng binata. Hindi kagaya ng ibang naging sekretarya niya si Jas, hindi ito nagpakita ng kahit anong interest sa kanya. She is aloof and distance. At sa unang pagkakataon ay naging interesado sa isang babae si Lj. He promises that he will get her. At sa anniversary ng kompanya ay hindi na napigilan ni LJ ang sarili, he makes love with Jane Sarah.

Paano kung nalaman nitong nagbabalat-kayo lang pala ang babae? Na hindi pala ito ang babaeng inaakala niya. Kaya niya kayang patawarin ang dalaga lalo na at nalaman niyang ito pala ang nagbibigay ng impormasyon sa taong kinamumuhian niya?

© 2021

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
PINAGMAMASDAN ng mag-asawang Carmila at Arlando ang batang masayang naglalaro sa mga kasamahan nito. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Carmila ng makita ang masayang ngiti na iyon sa labi ng bata. He must be happy to play with those kids. "Mr. and Mrs. Tolentino." Ang pagtawag na iyon ng isang madre ang nagpalingon sa mag-asawang Tolentino. Agad na ngumiti ang mag-asawa sa kay Mother Kassandra. Ito ang superior ng bahay-ampunan na iyon. "Gandang araw po sa inyo, Mother Kassandra." Bati ni Carmila. "Masaya akong makita kayong mag-asawa. Ngayon niyo ba kukunin si Liam?" Nagkatingin ang mag-asawa bago tunungo sa madreng kaharap. Ngayong araw nila tuluyang aampunin ang batang si Liam. Ang batang kanina ay pinagmamasdan ni Carmila. "Kung ganoon ay halimuna kayo sa aking opisina habang pinapasundo ko si Liam." Sumunod ang mag-asawa sa madre ng maglakad na ito papunta sa opisina nito na hindi kalayuan sa kinatatayuan nila kanina. Isang simpleng opisina ang napasukan nilang mag-asawa. Ilang beses na silang pumunta doon para kausapin ang madreng kaharap. Ilang buwan na silang pumupunta doon para asikasuhin ang pag-aampon kay Liam. "Gusto niyo ba ng ma-iinum?" tanong nito ng maka-upo silang mag-asawa. "We are fine, Mother." Tanggi ni Arlando. "Kung ganoon ay hindi ko na patatagalin pa." May kinuha si Mother Kassandra sa drawer nito at ibinigay sa kanina ang isang folder. Tinanggap iyon ng mag-asawa. Si Arlando ang unang nagbasa ng nakasulat. Doon nasasaad ang legal na pag-ampon ng mag-asawa kay Liam Smith. Ang batang iniwan ng ina nito dahil sa hindi kayang buhayin. Isang taong gulang palang si Liam noon ng iwan ito ng ina sa bahay ampunan. Dahil sa hirap ng buhay ay walang nagawa ang ina ni Liam kung hindi iwan ang anak. Iniwan kasi ng forienger na nakabuntis dito ang ina ng bata. Batang-ina din ito at walang trabaho na kayang bumuhay sa kanilang mag-ina. Pitong taon palang si Liam pero nakikitaan na ito ng talino at galing ng mga madre. Kaya ng pumunta ang mag-asawang Tolentino ay si Liam ang isa sa binigay ng mga ito para pagpilian ng mag-asawa. At maswerte nga ang bata dahil ito ang napili ng mag-asawa. Pinirmahan ng mag-asawa ang papeles para pormal na talagang maging anak ng mga ito si Liam. "Maraming salamat po, Mother Kassandra." Ibinigay ni Carmila ang folder sa madre. "Ako ang dapat na magpasalamat sa inyong mag-asawa. Alam kong mapapabuti si Liam sa inyo. Wala akong ibang hangad sa batag iyon kung hindi ang magkaroon ng marangyang buhay." Ngumiti si Carmila. "Makakaasa po kayong hindi namin pababayaan si Liam. Ituturing namin siyang parang totoo namin anak. Ibibigay namin lahat ng kailangan niya. Kaya ipanatag niyo po ang kalooban niyo." Ngumiti si Mother Kassandra. "Maari ko bang maitanong sa inyo kung papalitan niyo ba ang pangalan ni Liam?" "Balak po namin na palitan ni Carminl ang pangalan ni Liam." Tumingin sa kanya ang asawa bago muling nagsalita. "Liam James Albert Tolentino na po ang magiging bago niyang pangalan." "Napakaganda naman ng pangalan niya. Sigurado akong matutuwa ni Liam dahil hindi niyo babaguhin ang nakagisnan niyang pangalan." "Wala po talaga kaming balak na baguhin ang pangalan niya, Mother." "Ganoon din ba ang gagawin niyo sa apat pang-bata na aampunin niyo sa ibang bahay-ampunan?" Napatingin si Carmila sa asawa. Hindi lingid sa ka-alaman ng iba ang balak nilang pag-ampon ng limang lalaki. Iyon ang balak nilang mag-asawa dahil nga sa hindi sila magka-anak. Kumuha sila sa iba't-ibang bahay ampunan ng batang aampunin. Ang mga batang iyon ay personal na pinili ng mag-asawa. Ang mag-asawang Tolentino ay walang taga-pagmana ng kanilang ari-arian dahil sa hindi kayang magbuntis ni Carmila. Tutol naman si Arlando na ipagbuntis ng iba ang magiging anak nila kaya napagdesisyonan ng mga ito na mag-ampon na lang. Carmila choose those kids according to her heart. Unang kita palang ni Carmila kay Liam ay agad ng napangiti ng bata ang matandang babae. Lalong nagustuhan ni Carmila ang bata ng ito ay maka-usap. Liam is smart, polite and friendly. Ang mga katangian nito ang siyang nagustuhan ni Carmila. "Mother, ang mga ba---" Hindi natapos ni Arlando ang sasabihin ng marinig nila ang malakas na pagkatok sa pinto ng opisina ng madre. Tatlong pares ng mga mata ang sabay na tumingin sa pinto. "Pasok." Sigaw ni Mother Kassandra. Bumukas ang pinto ang pumasok ang isang madre kasama ang isang batang lalaki. Isang ngiti ang sumilay sa labi ng bata ng makita ang mag-asawang Tolentino. Pumasok ang madre at Liam. Lumapit si Liam sa mag-asawang Tolentino at ini-abot ang isang kamay. Isa-isang nag-mano si Liam sa mga ito. "Kamusta po kayo?" tanong ni Liam kay Carmila. "Mabuti naman ako, hijo." Masayang sagot ni Carmila sa bata. Hindi mapigilan ni Carmila ang sarili at hinaplos ang buhok ni Liam. "Liam," tawag ni Mother Kassandra sa bata. Tumingin si Liam sa madre. Ngumiti ito at magalang na yumuko. "Magandang araw po, Mother Kassandra." "Magandang hapon din, hijo. Alam mo ba kung bakit kita pinatawag?" Umiling si Liam. Tumayo si Mother Kassandra at lumapit sa bata na magtatanong ang mga mata. Yumuko ang matanda para ipantay ang sarili. Hinawakan nito ang kamay ng bata at pinakatitigan sa mga mata. "Liam, naalala mo ba ang sinabi ko sa iyo noong isang araw tungkol sa magiging bago mong magulang?" Tumungo ang bata. "Opo. Ang sabi niyo po sa akin ay mabait sila at aalalagaan akong mabuti. Ituturing din nila akong parang totoo nilang anak. Magkakaroon din ako ng mga sarili kong kapatid." Ngumiti ang madre sa sagot ng pitong taong bata. Tumingin ito sa mag-asawang Tolentino. "Liam, gustong makilala mo ang bago mong magulang. Si Mr. at Mrs. Tolentino. Sila na ang magiging bago mong magulang mula ngayon." Napasinghap si Liam. Nanlaki ang mga mata nito at hindi gumalaw sa kinatatayuan. Na-iiyak na tumawa ng mahina ang madre. Nakita ni Carmina ang emosyon sa mga mata nito. Yumuko si Carmina at ipinantay ang sarili sa batang hanggang ngayon ng mga sandaling iyon ay nakatulala pa rin. Hinawakan niya iyon sa balikat at pinaharap sa kanya. "Liam, hindi ba sinabi ko sa iyo na gusto kitang maging anak at sinagot mo ako na magiging masaya ka kung ako ang maging bago mong ina. Ngayon ay magiging ina mo na talaga ako. Magiging anak na din kita." "M-magiging nanay po kita?" Tumungo si Carmila. Her heart touch by Liam's sad eyes. Hindi niya alam kung bakit malungkot ang mga mata nito. Kaya hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay nito. "Liam, wag kang mag-aalala. Aalagaan ka nila. Magiging maganda ang kinabukasan mo sa pamilya nila," wika naman ni Mother Kassandra. "Mother..." May pag-aalalangan sa boses ni Liam. Nasaktan si Carmila ng makita ang pagtutol sa mga mata at boses ng bata. Akala niya ay agad na sasama sa kanila si Liam dahil sa nag-usap na sila. Hindi pala ganoon kadali ang lahat. Tumayo si Carmila at tumingin sa asawa. Mabilis naman siyang niyakap ni Arlando. Carmila wanted to cry but she stops herself. "Liam..." Narinig niyang tawag ni Arlando sa bata. AFTER TWENTY-YEARS WALANG EMOSYON ANG mukhang naglakad si Liam sa lobby ng building na pagmamay-ari ng pamilya Tolentino. Ang building na iyon ang main office ng Aristocrat Group Inc. at pagmamay-ari ng pamilya niya. Liam, together with his secretary walk straight to the elevator. Walang ngiti sa labi ng binata. Nakikita ang kalamigan sa mukha nito pero kahit ganoon ay hindi pa rin mapigilan ng mga kababaihan na mapatingin dito. Nakasunod sa kanyang mga hakbang ang mga mata ng bawat tao sa lobby. May mga babaeng napapangiti at kinikilig. Sino ba kasi ang hindi kikiligin sa isang tulad ni Liam? Ang panganay na anak ng Tolentino ay siyang definition ng perfect handsome guy. Agaw pansin ang tangkad ng binata. May tangkad kasi itong 5'10 na talagang magpapalingon sa kahit kanino. Liam have a brown hair that gives him a foreign look. Ang mga mata nito ay brown din ang kulay pero may bakas ng kalamigan ang mga mata ni Liam. Ang dating nakangiting mata nito ay nawalan ng kulay pero kahit ganoon ay marami pa rin babae ang nais itong makuha. Matangos din ang ilong nito at hindi kakapalan ang kilay na kagaya ng kulay ng buhay nito ay kayumanggi. Ang labi nito na hugis puso ay kulay pink. Liam is tall but he is not a skinny guy like others. He is well-build man. Dalawang beses kasi sa isang linggo ay pumupunta ito ng gym para magbuhat. At tuwing umaga naman ay tumatakbo ito sa subdivision kung saan ito may sariling bahay. Si Liam lang ang bukod tanging may bahay sa apat na magkapatid. Ang apat kasi ay sa condo o penhouse nakatuloy. Isa din professional cook ang binata kaya alam nito kung anong dapat kainin at hindi. "Sir, you have late meeting later with Mr. Dela Costa." Narinig niyang sabi ng kanyang sekretarya ng makapasok sila sa elevator. Walang sumabay na tauhan nila dahil para lang sa kanilang magkakapatid ang elevator na iyon. Ganoon ang nangyayari kapag nandoon ang magkakapatid na Tolentino. Si Liam ang panganay sa magkakapatid kaya ito ang CEO ng Aristocrat Group Inc, ang kompanya na itinayo ng kanilang magulang. Ang sumunod sa kanya ay si Harry John Allan, sa ngayon ay ito ang may-ari ng Parameter Technology Corp. Ang PTC ang kompanya nilang gumagawa ng home appliances. Ang pangatlong ampon ng mag-asawang Tolentino ay si Zyan Jack Ammier. Si Zj ang tinaguriang genius sa magkakapatid, nakapagpatayo ito ng sariling kompanya sa mura nitong edad. Zj owns The Frequenxy Cosmetic Corp. Isang beauty cosmetic company na siyang nagbibinta ng mga perfume at cosmetic product. Ang pang-apat ay si Louis Jammiel Arthur, ito lang ang pinakasimple sa kanilang magkakapatid. Si Lj kasi ay isang kilalang mang-aawit. Ang bunso nilang lalaki ay si Niall Joshua Ashley, kagaya ni Lj ay nasa music industry din ito. Nj owns Musical Note Recording Studio. Isang kilalang recording studio sa bansa. Hindi nagkakalayo ang edad ng magkakapatid kaya halos sabay-sabay din nagtapos ang mga ito sa pag-aaral. Iba-iba man ang narating ng mga ito ay malapit ang lima sa isa't-isa at parehong pinagmamalaki ng magulang. Liam didn't speak to his secretary. Kahit hindi nito sabihin sa kanya ay alam niya ang schedule niya ng araw na iyon. Christina Cristobal was the name of his secretary. Iilang buwan palang itong sekretarya niya pero hindi na niya ito nagugustuhan. Hindi naman niya ito mapa-alis dahil siguradong magrereklamo na naman ang HR manager nilang si Patricia Neri, isang malapit na kaibigan ng pamilya. Sa loob kasi ng isang taon ay ilang beses siyang nagpalit ng sekretarya. Ang rason. They always tried to seduce him that makes him irritated. "Sir Tolentino, mayroon din po kayong meeting mamaya with Mr. Co---" "I already know my schedule for today, Ms. Cristobal. Sinabi mo na kaninang umaga kaya hindi mo na kailangan pang ulitin." Malamig niyang sabi dito. Nakita niya mula sa gilid ng kanyang mga mata ang pamumutla nito. Wala siyang oras para makipagmabutihan sa kahit kanino. They are there to work not to build anything. Trabaho lang ang dapat na meron silang dalawa ng babaeng ito. Pagkabukas ng elevator ay mabilis siyang naglakad. Sumunod sa kanya si Christine. Pumasok siya ng kanyang opisina at sinarhan ang pinto. Wala siyang paki-alam kung nakasunod ang babae. "She is trying to please me." Mahinang sabi niya at umupo sa mahabang sofa. Isinandal niya ang ulo sa sandalan ng sofa at ipinikit ang mga mata. Kalahati pa lang ng araw pero pagod na agad siya. Dalawang meeting ang pinuntahan niya ng araw na iyon. Being the CEO is very tiring. Marami siyang mga papeles na kailangang basahin at permahan pero kahit ganoon ay magaan ang loob ni Liam na gawin ang bagay na iyon. Para kasi sa binata ay responsibilidad niya iyon bilang panganay na anak ng Tolentino. 'Mommy and Daddy have been good to me. I need to repay them,' aniya sa isipan. Ilang oras din tutok sa pagbabasa ng mga papeles si Liam ng tumunog ang landline na konektado sa kanyang sekretarya. He picks it up. "Yes." Malamig niyang sagot. "Sir Liam, Sir Zj is here. He wanted to talk to you." "Send him in." Pagkatapos sabihin iyon ay ibinaba na niya ang landline. Ilang minuto din ang lumipas ng bumukas ang pinto at iniluwa ang kapatid na si Zj. Ngumiti siya sa kapatid at inayos ang papeles na binabasa. Lumapit siya dito at nakipag-brotherhood shake. "Hey! How are you?" Tanong niya sa kapatid. "Doing good, Liam." Sagot nito. Five of them called each other using their first name. Walang Kuya sa unahan dahil sa halos di rin nagkakalayo ang edad nila. Wala naman problema iyon sa kanila. Ang importante naman ay nirerespeto nila ang bawat isa. Dahil siya ang panganay sa lahat ay siya ang referee kapag nag-aaway ang mga ito. Kailangan din na mahaba ang pasensya niya dahil iba-iba ang ugali nilang lima. Sa kanilang magkakapatid si Zj ang malapit sa kanya. "That's good to hear. Upo ka muna." Itinuro niya ang mahabang sofa sa opisina niya. Umupo nga ang kapatid sa sofa habang siya ay lumapit sa personal refrigerator niya para kumuha ng ma-iinum. Pagkatapos kumuha ng dalawang water bottle ay lumapit siya sa kapatid at inilapag ang hawak na water bottle sa coffee table. "Napadaan ka yata dito sa main building?" tanong niya sa kapatid. Zj graduate as Chemical Engineer. At may plantasyon at laboratory ito sa Laguna. Kaya madalas doon ang kapatid. Mabibilang lang sa isang kamay ang pag-uwi nito sa mansyon sa loob ng isang linggo. Halos sa laboratory na nito umuuwi ang kapatid kahit pa nga na may maganda itong pen houses sa Taguig. "May kailangan lang akong ibigay kay Hj. Nagbabakasakali lang ako na nandito ka sa main building kaya ako umakyat," sagot ni Zj. Napangiti siya sa sagot nito. Hj is the second adopted child. Nasa 15th floor ang opisina nito, ang opisina ng Parameter Technology Corp. Nasa building din na iyon ang main office ng TFCC (The Frequenxy Cosmetic Corp.) at nasa 20th floor iyon. Ang opisina niya ay nasa 25th floor, ang siyang humahawak sa lahat ng kompanya na pagmamay-ari ng mga Tolentino. Nasa 10th floor naman ang Musical Note Recording Studio ni Nj. Ang T.L Televesion Company lang ang may sariling building na nasa Quezon City. Walang humahawak ng T.L dahil ang kapatid niyang si Lj ang dapat humahawak noon pero si Lj kasi ay abala sa pagiging singer. "Buti at na-isipan mong dalawin kami. Akala ko ay nalunod ka na ng laboratory mo sa Laguna." Natatawa niyang sabi sa kapatid. "Hindi naman ako luluwas kung walang kailangan gawin dito sa Maynila." Napa-iling siya. Zj loves to spend time experimenting. Iyon ang buhay ng kapatid. "Buti at hindi nagseselos si Alice Sandy sa mga chemical mo." Natatawang tanong niya. "She understands me." Sumandal si Zj sa sandalan ng sofa. "For how long?" Tanong niya sa kapatid. Hindi nakapagsalita si Zj. Humugot siya ng malalim na hininga. Tinapik niya ang hita ng kapatid. "Zj, alam kong wala akong experiences pagdating sa relasyon pero paalalahanan kita bilang nakakatanda mong kapatid. Treasure Alice. Spend more time with her. Don't take her for granted. Alice Sandy is a very nice woman. Wala ka ng mahahanap na babaeng kagaya niya. Kaya gawin mo ang lahat para mapasaya siya." Sa lima silang makakapatid pareho nilang pinapahalagan ang babae. They never play around like other man. He is twenty-seven but he got three relationship experiences. At lahat ng babae na dumaan sa buhay niya ay minahal niya. Sadyang priority niya lang ang kompanya at pamilya. They broke up because of lack of time from him. He let them go because he knows that he can't give them the time they asking. "Let's drink tonight. Punta na lang tayo sa Dark Club. Tawagan ko si Hj, Nj at Lj. Minsan ka lang lumuwas kaya susulitin na namin," aniya. Napansin niya kasing na-uwi sa malalim na pag-iisip ang kapatid. He doesn't want him to think to much. Zj maybe smart but he is dumb when it comes to love. At bilang nakakatandang kapatid ay kailangan nya itong pa-alalahanan sa ilang bagay. He loves act as big brother to his four siblings. At kung nabubuhay lang sana si Leona Jane. Sobrang saya sigurado ng pamilya nila. Napatingin si Liam sa isang larawan na nasa mesa niya. It's the picture of their little princess. She is smiling there. She is the most beautiful woman for her but a bastard took her to them. At habang buhay niyang dadalhin ang galit sa pamilya ng lalaking ito na naging dahilan ng maaga nitong pagkawala. Kinuha niya ang larawan ni Leona. Her sweet smile makes them happy. That sweet smile that they can't see anymore. They pay for what they did. Kahit gaano pakayaman at ka-impluwensya ang mga Gomez ay hinding-hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuh ang hustisya na para sa kanyang kapatid. Kilala niya ang mga Gomez. Nakakasama niya ang ama ng lalaking iyon sa mga patitipon pero hindi niya nilalapitan. The last thing he wanted is to associates himself to those criminal. Nag-iipon lang siya ng sapat na ebidensya at ipapakulong niya ang ama ng lalaking iyon. "Missing Leona again, Liam." Ang tanong na iyon ni Zj ang nagpagising sa naglalakbay niyang isipan. Napatingin siya sa kapatid bago muling napatingin sa hawak na larawan ng bunsong kapatid. "Always. She is our little princess. Our angel." "Yeah!" Mataman siyang tinitigan ni Zj. "Still plotting an act of revenge on them? It's been years since we lost her. You still can't forget what happened to her, Liam?" Hindi siya nagsalita. Tumaas lang ang isang sulok ng labi niya. Tumingin siya sa labas. Kahit di niya sabihin kay Zj, alam nito ang plano niya. Pababagsakin niya ang mga Gomez. Isa na lang ang negosyo ng mga ito. Ang Purity Santino Corporation, leading oil company sa bansa. Alam niya na hindi lang ang oil company ang negosyo ng matandang Gomez. Alam niya na galing sa masamang gawain ang ibang pera nito. Wala lang siyang sapat ng ebidensya pero di iyong dahilan para tumigil siya. Nag-iisa na lang din naman ang matandang Gomez, wala na itong pagpapasahan ng kasamaan nito. "No one forget in our family, Zj. Everyone suffer since we lost our princess. I know Mom still misses our little sister. So I won't stop until I get that revenge I want. Mr. Gomez will pay for what his son did. At kung sakali man na may anak siya sa labas ay kasama siya sa paghihiganti ko. Hindi pwedeng hindi sila magbayad sa kasamaang ginawa nila," aniya sa kapatid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.7K
bc

His Obsession

read
74.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook