CHAPTER 3

520 Words
SATURDAY morning. Iyon ang kauna-unahang Sabado ng umaga na hindi nagmamadaling kumilos si Sam. Tapos na ang kanyang mga klase, naasikaso na rin niya ang lahat ng papers niya sa unibersidad. Hinihintay na lamang niya ang graduation sa susunod na buwan. Kaya magre-relax muna siya nang araw na iyon. Suot ang kanyang tight-fitting Adidas outfit, nag-jogging siya sa paligid ng kanilang subdivision. Kahit medyo mataas na ang araw ay wala siyang pakialam. It was her way of unwinding. Isa pa malilim naman ang mga kalye roon dahil maraming puno. Nawala lang siya sa pagmumuni-muni niya nang maramdamang tila may sumusunod sa kanya. At kahit bigla siyang kinabahan dahil nasa bakanteng bahagi na siya ng subdivision ay lakas-loob pa rin siyang lumingon. Tumigil siya sa pagtakbo at biglang kumunot ang kanyang noo. Humarap siya sa nakahinto nang sasakyan. Kilala niya ang itim na BMW na nakabuntot sa kanya. Lalo na ang lalaking umibis mula roon. Hindi lang niya ang pangalan nito. Well, she never bothered to read the name on the license. Ibinigay lang niya iyon sa Kuya Roger niya. He smiled at her as he took off his sunglasses. Sa ilalim ng sikat ng araw, tila ito diyos na bumaba mula sa kalangitan. Hoy, Samantha Adriano, maghunus-dili ka. Kailan ka pa nagkainteres sa lalaki, ha? Nabuhos tuloy rito ang iritasyon niya sa sarili. "Mamamatay-tao ka talaga, ano? Noong una, binangga mo ang sasakyan ko. Ngayon naman ay gusto mo akong mamatay sa nerbiyos." "You're exaggerating," sagot nito. "Besides, hindi ako pumapatay ng mga alaga ni Venus." Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. At hindi niya iyon nagustuhan. Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Alaga ako ng daddy ko at hindi ng kung sino mang mama san diyan sa tabi-tabi," aniya. "At puwede bang tigil-tigilan mo iyang pagpapa-cute mo dahil hindi ka cute?" Lumapad ang ngiti nito. Hmm, nice smile. "You just find me irresistibly attractive kaya ka nagkakaganyan. Well, hindi kita masisisi." "Ang kapal mo, ha! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo dahil naririnig kita." "Alam mo, Miss—" "Adriano. Samantha Adriano. But call me 'Sam' kung gusto mong umuwi nang buo pa rin ang katawan." "Okay. I'm Nathan." Inilahad nito ang kamay ngunit tiningnan lamang niya iyon. "Alam mo, Sam, dapat nga ay magpasalamat ka sa akin kaysa iniinsulto mo ako nang ganyan. Dahil ako ang nagtaboy sa mga m******s mong kapitbahay na sinusundan kang mag-jogging kanina." Look who's talking! gusto sana niyang sabihin. "May sinabi ba akong gawin mo iyon?" Nilagpasan niya ito ngunit nang maamoy ang pabango nito ay napatigil siya. "Kung hinihintay mong magpasalamat ako, naghihintay ka lang sa wala." Hinarap siya nito. Napakalapit na ng mukha nito sa mukha niya. She couldn't help but notice his attractive face. May dahilan itong magyabang. Medyo may kahabaan ang buhok nito ngunit lalo lamang iyong nakadagdag sa appeal nito. A few strands of his hair fell on his face, creating attractive dreadlocks. Great eyes, nice nose, very sensual lips... "I want..." And he wants to kiss me. "I want my license back." Inirapan niya ito. "Manigas ka." Tinalikuran niya ito at taas-noong ipinagpatuloy ang pagdya-jogging.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD