bc

Who's The Killer?

book_age18+
182
FOLLOW
1K
READ
revenge
love-triangle
powerful
brave
tragedy
bxg
mystery
supernatural
spiritual
affair
like
intro-logo
Blurb

Isang lugar na nababalot ng misteryo at mga krimen.

Paano kung magising ka isang araw at matagpuan mo ang sarili mo sa lugar na ito? Ano ang gagawin mo? Hanggang kailan ka tatakbo? Hanggang saan mo kayang labanan ang takot mo?

Sino ang nasa likod ng mga pagpatay at ano ang motibo nya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
[SAHARA UNIVERSITY] Nakatitig lang ako sa malawak na gate ng eskwelahang nasa harapan ko ngayon. Maraming estudyante sa loob at napatingin ako sa unipormeng nakasuot sa akin. Kulay maroon naman ang palda ko ngunit ang ibang estudyante na nandito ay kulay asul ang palda. Bakit ako nandito? Binasa ko ang malaking pangalan na nakalagay mula sa itaas ng gitnang building. Halatang pinasadya pa iyon at mababasa mo agad kapag tumapak ka sa gate ng paaralan. "Sahara University," mahinang bigkas ko at kapagkuwan ay may humila sa kamay ko papasok sa loob. "Hindi ka pa ba papasok?" tanong ni Lucas sa akin, nagulat ako pagkakita sa mukha nito. "A-anong ginagawa mo dito Lucas?" "Ha? Ano bang klaseng tanong yan Selena syempre mag-aaral," anito at nakangising umakbay sa akin. Iginiya na ako nito papasok sa loob ng malaking gate ng paaralan. Naglakad kami at pagkatapos ay lumiko naman papasok sa isang room na mayroon ng mangilan-ngilang estudyante. Natanaw ko sila Klint at Elisha, masayang nag-uusap ang mga ito kasama ang iba pa naming kaibigan na sila Stanley, Trinity at Jackie. Bakit nandito rin ang mga ito? Hindi ko alam kung bakit tila magulo ang isip ko. Isang bahagi ng utak ko ang nagsasabing hindi naman ito ang paaralang dapat ay papasukan namin. Elite University ang pangalan ng eskwelahang papasukan ko at iyon ang alam ko. Iyon ang bagong Unibersidad na gusto ng aking ina para sa akin. "Hey Selena!" sinalubong ako ni Trinity at tila natauhan ako sa pag-iisip ng hilahin ako nito sa isang upuan katabi ng mga ito. Puno pa rin ako ng pagtataka habang inililinga ang paningin sa paligid. Tiningnan ko yung nakapakat sa itaas ng pisara namin. Nakasulat iyon sa parisukat na kahoy. SECTION SAMPAGUITA. Bakit may pangalan na ganitong section kahit college na kami? Parang pang high-school lang naman ang ganito. "Lucas anong ginagawa natin dito? Hindi ba't sa Elite University ang paaralan natin? Bakit nandito rin kayo?" punong-puno ng pagtataka ang mga mata ko habang nakatingin kay Lucas. "Hindi ko rin alam kung bakit ako narito Selena, basta ang sabi ng lalaking nasa guard-house kanina ay ito raw ang pinakamaganda at sikat na eskwelahan sa Nueva Ecija. Ayaw mo ba yun? Sikat tayo kapag nalaman nilang dito tayo nag-aaral. Huwag ka na lang tumutol ang mahalaga ay magkakasama tayo," sagot ni Lucas. Nagtataka pa rin ako sa paligid, hindi ko naman naalala na nag-enrol ako sa eskwelahang ito. "Pero sa Elite University tayo naka-enrol hindi ba?" bulong ko kay Lucas. Ngumiti lang ito sa akin. Nagkausap-usap na kasi kaming magkakaibigan na sa Elite University din papasok ang mga ito upang magkakasama pa din kami. "Naka-enroll daw tayo dito sabi nung lalaking nakausap ko kanina sa guard-house." Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Lucas. Naka-enroll kami sa paaralang ito? Paanong nangyari yun? "Shhh, hayan na si Ma'am huwag ka nang maraming tanong." Napa-ayos ako ng upo nang pumasok ang isang matandang babae sa loob ng classroom namin. Masyadong seryoso ang mukha nito at sinisipat-sipat kaming mga estudyante. Inisa-isa nito ang tingin sa mga mukha namin, pati ang mga kaibigan ko ay naramdaman kong kinakabahan dahil sa paraan ng pagtingin ng guro. Pero ilang saglit lang ay ngumiti ito sa amin. "Takot kayo no? Joke joke lang yun!" anito at tumawa, narinig kong nagtawanan ang iba pa naming kaklase. Ganoon din si Stanley. "Grabe! Kinabahan ako dun ha!" sabi ni Stanley at bumuntong-hinga sabay ngisi. Napailing na lang ako at ibinaling ang tingin sa apat na kalalakihang huling pumasok sa loob ng room namin. Literal na napalaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ang mga ito, lalo na ang isang lalaki na agad sinalubong ang tingin ng mga mata ko. Ito yung lalaking maraming marka sa katawan, muli ako nitong kinindatan habang bitbit-bitbit nito sa kanang balikat ang bag na dala nito. Nakita ko sya kanina sa labas malapit sa gate ng school at nakatitig sya sakin kaya nailang pa ako kanina. Hindi ko na lang sinabi kay Lucas. Kasunod ay ang pinsan ni Trinity na si Mike, wala man lang itong pakialam sa lahat ng estudyanteng nasagi nito at tila boss ito na pinatayo ang isang estudyanteng nasa harapan dahil hindi daw nito makita ang guro nila. Kilala ko si Mike dahil nababanggit sya sa amin ni Trinity. Napasimangot ako dahil sa sama ng ugali ni Mike. Ang dalawang lalaking kasama nito at yung isang maraming marka sa katawan ay naupo rin sa tabi nito. Nag-alisan ang ibang kaklase namin at binigyan ng malawak na space ang apat na lalaki. "Ibang klase," naiiling na bulong ko sa sarili. "Huwag mo na lang silang pansinin," sabi ni Lucas dahil narinig pala ako nito. Nasa third-row kami at nasa kanan ko si Lucas habang si Jackie naman sa kaliwa. Sa Second row ay nandoon sila Trinity at Stanley. Katapat namin ang mga ito. Si Elisha at Klint naman ay nasa likod namin. Nasa first-row naman ang apat na lalaking pumasok kanina at wala ng ibang estudyante na naupo sa mga bakanteng upuan sa first-row. Nag-lipatan ang mga ito sa pinakadulong mga upuan sa likod namin, hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil natatakot sa itsura nung apat na lalaking mukhang mga siga. Katulad ng laging ginagawa kapag unang araw ng klase, isa-isa muna kaming pinatayo ng guro namin sa Filipino na nagpakilalang si Ms. Marina Cortez. Matandang-dalaga ito kaya "Miss" pa rin daw ang dapat na itawag sa kanya sabi nito. Maaliwalas na ang mukha nito at nakangiti na sa aming lahat kaya nawala na ang takot namin kanina. "Sige simulan nyo ng magpakilala isa-isa. Sunod-sunod na ha para mapabilis tayo," anito at tumango sa mga kaklase naming nasa unahan. "My name is Hunt Alvaro," sabi ng kasamahan nung Mike. Sumunod na tumayo ang isa pang katabi nito. "I'm Jerron Tenorio," Isa-isa na rin tumayo ang iba pa. "Bruno Espinosa," pagpapakilala ng lalaking maraming marka sa katawan. Lumingon na naman ito sa akin pero inirapan ko lang ito ng tingin. "Mike Delgado," sabi naman ng pinsan ni Trinity. Ang mga kaibigan ko ang sumunod na nagpakilala. "Trinity Delgado," "Stanley Denimsoun," "Lucas Olivario," Kinalabit ako ni Lucas saka lang ako natauhan. Hinihintay na pala ako ng iba pa naming mga kaklase dahil nakatulala ako. Nahihiya akong tumayo at nagsalita. "Selena Treasure Fierro," sabi ko at biglang nagsalita yung lalaking maraming marka sa katawan. "Nice name my Treasure," muli itong kumindat sa akin. Nakita kong sinamaan ito ng tingin ni Lucas. "Gunggong," mahinang bulong ni Lucas sa gilid ko. Naupo na ako at sumunod na nagpakilala si Jackie. "Jackie Lacsamana," "Elisha Riley Santiago," "Klint Howard Ramirez," Hanggang sa napunta na sa iba pang kaklase namin na nasa pinaka-likod mga nakaupo. Isa-isa rin tumayo ang mga ito at nang matapos lahat ay muli kaming binalingan ni Ms. Cortez. Sinimulan nitong magturo sa amin pero wala naman akong masyadong maintindihan sa mga sinasabi nito. Punong-puno pa rin kasi ng mga katanungan ang isip ko. Natapos ang oras ni Ms.Cortze nang nakatulala lang ako sa isang sulok. Umalingawngaw ang ingay ng mga estudyante nang lumabas na si Ms.Cortez mula sa classroom namin. "Dito talaga ang section natin? Bakit kaklase natin ang mga 'yan?" inginuso ko kay Jackie ang apat na lalaking nasa harapan. Nagkibit lang ito ng balikat. "Hindi ko rin alam Selena, hayaan mo na lang. Nabasa ko nga ang pangalan nila kanina sa papel na nakapakat sa labas ng pinto ng classroom. Dito talaga ang section nila," ani Jackie at kumuha ng ballpen sa bag. Sinimulan nitong sulat-sulatan ang notebook ng pangalan nito. Mukhang naboboring na ito agad. "Sino naman kaya ang susunod na teacher natin? Excited na ako, sana maganda at sexy," rinig kong sabi ni Stanley at pangisi-ngisi pa. Ang hilig talaga sa chicks ng kaibigan kong ito. "Huwag ka ng umasa, mukhang puro matatandang hukluban ang nasa eskwelahang ito eh," sabi ni Lucas, natawa naman si Klint sa sinabi nito. "Hanggang dito ba naman Stanley ay dala mo pa rin ang kamanyakan mo? Tsk tsk!" umiling-iling ito at ihinilig ang ulo sa nobya nitong si Elisha. Maya-maya ay may lalaking huminto sa tapat ng classroom namin. May binasa muna ito sa pintuan at pagkatapos ay pumasok sa loob. Awtomatikong napako ang mga mata naming lahat sa lalaking bagong dating. Matangkad ito, maputi at matangos ang ilong. Makapal ang kilay ngunit bumagay lang iyon sa mukha ng lalaki. Mapula ang labi nito at daig pa yata ang labi niya. Para bang kaylambot-lambot niyon. Seryoso ang mukha nito bago humila ng isang upuan mula sa tabi nila Trinity. Bakante pa kasi ang upuan sa isang tabi ni Trinity. Nasa kaliwa nito si Stanley at nasa kanan ang bagong dating na lalaki. Ang ibang kaklase naming babae ay hindi maalis-alis ang tingin sa lalaking bagong dating. Maging ako ay napako na yata ang mga mata sa lalaki, saka lang ako nag-iwas ng tingin dahil inasar ako ni Klint mula sa likod. "Ang gwapo 'no Selena?" nakangising sabi nito. Umirap lang ako sa kanya. "Mas gwapo pa ako dyan eh," bulong ulit ni Lucas sa gilid ko. Hindi ko alam kung nadinig iyon ng lalaki dahil bigla itong lumingon sa amin. Hindi mabasa ang ekspresyon sa mukha nito ngunit aaminin kong gwapo ang lalaki. Napansin ko ang ID nito nang lumingon ito sa amin at nabasa ko ang pangalan doon. "Valorous Grant. L. Dare," bigkas ko sa utak ko. Napalunok ako dahil maging ang pangalan nito ay tila napaka-misteryoso sa pandinig. Tumingin ako sa mga babaeng nagbubulungan, kulay asul ang mga palda nito. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang nagtataka ang mga ito dahil iba ang kulay ng palda naming magkakaibigan kaysa sa palda ng mga estudyante sa school na ito. Maging si Ms.Cortez ay hindi man lang kami pinuna kanina. May mali talagang nangyayari pero hindi ko magawang ipaliwanag iyon. Iba ang pakiramdam ko at naguguluhan ako. Naputol muli ang pag-iisip ko nang pumasok ang isang magandang babae. Nakasuot ito ng unipormeng katulad ng suot ni Ms. Cortez kanina. Ito na siguro teacher namin para sa second subject. Tumahimik ang lahat at tila naestatwa ang mga kalalakihan dahil sa ganda ng gurong nasa harapan namin ngayon. Napakaamo ng mukha nito, mahahaba ang pilikmata at maliit ang labi. Mukha itong anghel sa ganda. "s**t ang ganda nya!" manghang sabi ni Stanley habang titig na titig sa guro namin. Napailing na lang ako sa kaibigan ko at tulad ni Ms. Cortez hiniling muna ng guro na magpakilala kami isa-isa bago ito magturo, kaya naman muli ay isa-isa kaming tumayo upang magpakilala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.8K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.1K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook