CHAPTER 2

999 Words
“PANSAMANTALA, IKAW na muna ang mamahala rito, Jazzy.  I’ll be out for a while.” “Out where?” “Somewhere.” Pinagmamasdan lang ni Jazzy ang pagliligpit ng mga gamit ng Kuya Bucho niya sa table nito.  They run a security and detective company, the best in the country, and her older brother was the head of it.  Siya ang kanang kamay nito.   Itinaas niya ang hawak na sobre.  “This is from the FBI.  Bakit hindi mo muna basahin?” “I’m not interested.” “Kuya—“ “I know you already read that one, Jazzy.  At alam mo na rin siguro kung ano ang sagot ko.”  Itinaas nito ang paborito nitong maliit na cactus na nasa paso sa ibabaw ng table nito.  “I’m not interested to work for any organization.  Alam mo iyan.  I’m through working for other countries.  Mayaman na rin ako kaya hindi ko na kailangang magtrabaho pa para lang kumita.  Sa ngayon, I just want to enjoy my life and the work that I really wanted.” “To be a barangay captain of an unknown place?” “Calle Pogi.”  Isinara na nito ang bag.  “Now you know, little sister.  And don’t you go running after me.  you don’t have to.  Babalik din naman ako dito ‘yun nga lang, hindi na iyon magiging regular.  I have other responsibilities now.  Isa pa, alam ko namang kaya mo ng pangalagaan itong agency kahit wala ako.  Sa iyo ko ipagkakatiwala ito, Jazzy.  Huwag mo akong bibiguin.” Gusto pa sana niyang magreklamo.  Marami siyang gustong sabihin.  But it has never been her way of life to talk back to her brother or to question his actions.  Isinuot na nito ang mailman bag at bullcap.  Kung titingnan ito ngayon, walang mag-aakala na isa ito sa pinaka-in demand na tao pagdating sa military intelligence.  Even his exceptional skills in any form of martial arts were unbeatable.  Pero sa ngayon ay mukha lang itong binatang manonood ng sine sa mall.  Na may bitbit na cactus. “Or better yet,” patuloy nito.  “Kung nagsasawa ka na rito sa agency, isara mo na lang ito.  I won’t mind.” “Hindi pa ako nagsasawa.  Isa pa, ang Conan Agency ang pinakamagaling na detective and security agency sa bansa.  Nakakapanghinayang kung bigla na lang nating isasara.  Kawawa rin ang mga empleyado nating mawawalan ng trabaho.” “Well, ikaw lang naman ang inaalala ko.  Wala ka ng social life mula nang magtrabaho ka rito.  I just want you to enjoy your life more.” “This is my life and I’m enjoying it.” “Adik ka.”  Nilapitan siya nito at ginulo ang kanyang buhok.  “Puwede mo akong dalawin sa Calle Pogi kung gusto mo.  Basta huwag kang magdadala ng b***l.  Maraming bata roon.  Sige, mauna na ako.  Kung may problema, tawagan mo ako.  Huwag lang madalas.  Gusto ko ring mag-enjoy sa buhay ko.” Hindi na siya umimik nang tuluyang umalis ang kanyang kuya.  She had never been this irritated her whole life.  Naiinis siya dahil sa malaking opportunity na pinakawalan ng kuya niya dahil sa responsibilidad nito sa isang barangay.  Bata pa lang sila ay pangarap na nito ang makapagtrabaho sa FBI.  Iyon ang lagi nitong sinasabi sa kanya.  Kaya nga tinanggap nito ang offer na mag-training ng military intelligence sa ibang bansa.  Para raw mas mapalapit ito sa pangarap nito.  Ngayong dumating ang pagkakataong iyon, ni hindi man lang nito tiningnan ang laman ng sulat na iyon. “What was so great about Calle Pogi na ipinagpalit mo ang pangarap mo roon, Kuya?”  Naupo siya sa puwestong binakante ng nakatatandang kapatid.  “That place rubbed you off your greatest dream.  Bakit hindi mo makita iyon, Kuya?” Matagal siyang nag-isip at nagmuni-muni ng susunod niyang gagawin.  Pero wala siyang maisip.  Paano’y wala na roon ang tanging taong pinagkukuhaan niya ng inspirasyon sa kanyang trabaho.  Gumagaling lang naman siya dahil sa gusto niyang pantayan ang galing ng kuya niya.  Pero wala siyang balak na lagpasan pa ang kakayahan nito.  Ngayon, ano na ang gagawin niya? “Jazzy, may request na security escort si Cong. Santillan,” wika ng sekretarya ng Conan Agency na si Sherry.  “He wanted you to take the job.  Kukunin mo ba?” Napabuntunghininga lang siya.  “Sige.” “Teka, nakita ko si Bossing na dala ang kanyang precious Vani, ah.  Saan pupunta iyon?” Ang Vani na tinutukoy nito ay ang cactus na alaga ng kuya niya.  Oo, may pangalan ang inosenteng halaman na iyon.   “Sa Calle Pogi,” tinatamad niyang sagot.   “Calle Pogi?  Ano iyon?” “Just a small barangay in Laguna.” “Calle Pogi,” ulit nito.  “Doon ba ang bagong residence ni Bossing?  Bagay na bagay sa kanya ang pangalan lugar na iyon, ah.  Marami bang pogi dun?” “Sherry.” “Okay, okay.  Sorry.  Pero babalik pa ba rito si Bossing?  Kung hindi na kasi, magre-resign na ako.  Siya lang naman kasi ang dahilan kung bakit ako nagtrabaho rito.” “What?” Tumawa lang ito.  “Joke, joke, joke!”  ngunit nang hindi man lang siya naki-join in sa biro nito ay unti-unti na lang itong tumahimik.  “Ah, sige, iko-confirm ko na sa secretary ni Cong. Santillan ang pagdating mo.  Kailan mo gustong mag-report sa kanila?” “Mamayang alas tres.” “Okay.” Iyon lang ang lumabas na ito ng silid.  Naiwan siyang bumalik na naman sa sarili niyang problema.  She should do something about this.  Kailangang mabalik ang kuya niya sa agency.  Hindi niya makakayang i-operate ang kanilang negosyo ng mag-isa.  She needed his older brother. Tinawagan niya ang sekretarya sa intercom at pinablik sa kanyang silid.  “Si Jeremy na lang ang ipadala mo kay Cong. Santillan para maging escort niya.  May importante lang akong aasikasuhin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD