bc

Kapitbahay - Supernatural Series I Completed

book_age18+
1.2K
FOLLOW
11.3K
READ
others
dark
forbidden
friends to lovers
drama
tragedy
comedy
twisted
gxg
bisexual
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Sa mundo ng supernaturals, hindi tanggap ng mga pure blooded vampire ang mga hybrid o half-human half-vampire. Kaya kinailangan magtago ni Amor at iwanan ang kababatang si Eva sa Marion City.

Sampung taong nagtago si Amor at pamilya nito, ngunit ng mapatay ang mga magulang nya sa pagtatanggol sa kanya'y bumalik si Amor sa Marion City para maprotektahan ng ibang angkan nya.

Nagkita silang muli ni Eva ngunit nakamove-on na ang dalaga sa kanya. Ang masaklap pa, nalaman nyang si Eva ang mate nya. At si Eva lamang ang pwedeng tumalo sa ultimate villain, na walang iba kundi ang Tito nya.

Tunghayan ang istorya nina Eva at Amor. At kung paano nila isasalba ang mundo ng mga supernaturals.

+++

A/N:

Book II is titled Now Hiring: Kasambahay. :)

chap-preview
Free preview
Kabanata I: Ang Pangako
"HUWAG kang mag-alala," pagsisiguro ng anim na taong batang babae sa kausap na isa ring anim na taong batang babaeng serena. Nasa tabing dagat sila sa malalaking batuhan na 'di kalayuan sa bahay ng batang tao. Doon sila nagkakilala ng batang serena at naging matalik na magkaibigan ng walang sinumang nakakaalam. Hagod-hagod ng batang tao ang likod ng batang serena dahil ayaw tumigil sa kaiiyak. "Babalik naman kami kaagad sabi nila mommy. Sandali lang kami dun sa states. May importanteng lakad lang kasi sila doon." malungkot na sabi ng batang tao. "Bakit.ngayon.pa? Wala ng makikinig sa akin? Wala.na.a-akong.matatakbuhan. Pagpinagagalitan ako nila Ina." sabi ng batang serena sa pagitan ng pag-iyak. "Sandali lang naman kami doon, Ev. Tsaka magpapagamot na rin daw ako doon. Magiging malakas na ako. Hindi na ako hihikain. Ayaw mo nun, makakapaglaro na tayo." sabi nito na pinipilit maging masaya ang tono. "Okay. Sige. Basta babalik ka agad, ha? Mamimiss kita." sabi ng batang serena na umiiyak pa rin. "Shhhh. Tama na, please. Babalik ako rito ng 'di mo namamalayan. Magkakasama tayo ulit tapos maglalaro hanggang magsawa ka dahil gagaling na ako." nanghihinang sabi ng batang tao. Pinupunasan nito ang mga luha ng batang serena sa papamagitan ng maliliit na mga kamay. Tumango lang ang batang serena pero patuloy pa rin sa pag-iyak. Sa murang edad, hindi maipaliwanag ni Eva kung bakit napakaespesyal ng batang tao sa kanya. Siguro dahil tinanggap sya nito kahit na serena sya. Walang takot na kinaibigan sya nito kahit pa alam nitong 'di sya tao. Ang tapang nga nito, 'di ba? Sa isang taon, simula ng magkita sila sa malalaking batuhan sa tabi ng dagat, naging matalik silang magkaibigan at laging palihim na nagkikita. Mabait ang batang tao, si Amor, makikita mong kung anong ginanda nya sa panlabas na anyo, ganun din kaganda ang panloob nito. Napakaespesyal nito sa batang serena na hindi naman mapaliwanag ng murang isipan nito. Ang alam lang nya, masayang-masaya sya pagmakasama sila at sobrang lungkot naman kung nagkakahiwalay na sila pagdating ng hapon. At ngayon, aalis ito. Parang dinudurog ang puso ng batang serena habang nakatingin sa mala-anghel na mukha ng batang tao. May sakit kasi si Amor. Hindi nya rin sinabi sa batang serena kung ano pero 'di sya pwedeng mapagod ng sobra dahil madali syang manghina. Kaya 'di sila nakakapaglaro ng matagal, kahit mag-swimming man lang ay 'di pwede. Tsaka 'di rin pwede yung takbuhan kasi nga wala syang paa. Serena nga ito, remember? Pero kung ang pag-alis nito ang paraan para gagaling ito, dapat maging masaya na rin ang batang serena para sa batang tao. Yan ang rason na tinanim ng batang serena sa isipan. "Ngiti ka na. Ayoko namang umalis na ganito ang kalagayan natin. Sige na, ngiti na." sabi ng batang si Amor na para na ring iiyak at nakahawak sa magkabilang pisngi ng batang si Eva. Pero sa halip na ngumiti ang batang serena, niyakap nya ng mahigpit ang batang si Amor. "Maghihintay ako sa'yo, Amor. Kahit abutin pa ako ng ilang taon. Basta wag mong kakalimutan, mahal kita. Mahal na mahal." sabi ng batang serena. Napaiyak na rin ang batang tao. Sa totoo lang di nya rin alam kung kailan sila babalik. Kung hanggang kailan ang aabutin ang pagpapagamot nya. Hindi alam ng batang tao kung bakit may iba syang nararamdaman sa batang serena. Noong una nyang nakita ito, nagfreak out ang batang tao. Kakaiba kasi ito. May buntot na pareho sa isang isda! Pero kalaunan nalaman, ang batang tao ay nakilala ng lubos ang batang serena na napakabait at maalalahanin. Simula noon, 'di na napigilan ng batang tao na makipagkaibigan dito at simula noon, minahal na rin ng batang tao ang batang serena ng higit pa sa kaibigan. Weird nga, 'di ba? Alam ng batang tao na against all odds ang nararamdaman nya sa batang serena pero 'di nito mapigilan ang sarili. Kahit pareho silang babae at serena pa ito, 'di napigilan ng batang taong mabighani sa malaanghel na serena. Basta ang alam ng batang tao, napakaespesyal ng batang serena sa buhay nya. "Mahal na mahal din kita, Ev. Promise mo yan ha, na hihintayin mo ako kahit ilang taon pa ang abutin ng pagbabalik ko." sabi ng batang tao na si Amor. "Promise, Amor. Promise." sabi ng batang serena. +++ 10 years later... EVA "Mine!" sigaw ko ng papalapit na ang bola sa akin. Tie na ang score namin laban sa friendly match sa Roman High School Girl's volleyball team at nasa last set na. 'Ayoko ng another set.' sabi ko sa sarili ko. Tinignan ko ang lahat ng myembro ng team at tumango lang ang mga ito. Alam na nila kung anong ibig kong sabihin. Hindi ako ang klase ng tao na nagbibigay pa ng chance. Pinalo ko ang bola sa kabila pero nasalo ng libero nila. 's**t! Tignan natin kung masasalo nyo pa 'to.' sabi nyang naiinis sa liberong nakakalokong nakangiti ngayon sa kanya. Nasa kanila na ang bola at nasalo ng libero nilang si Kim, nasinet naman ng setter nilang si Jane papunta sa kanya. 'Saluin mo to, bitch.' sabi nya sa sariling sure na sure sa spike nya. "And that's it, folks! Panalo na naman ang Lady Crushers dahil sa nakakamatay na spike ni Evangeline Damian!" sigaw ng announcer. Sigawan ang madla. Frustated naman ang Roman students. "Eva! Eva! Eva!" sigaw ng cheering squad ko. Oo, cheering squad ko. Haha! Di naman sa pagmamayabang pero sobra-sobra ang suportang binibigay ng mga babae ng Marion High School. Pinapanguluhan ito ni Amber na walang kiyeme sa pagpapakitang may gusto ito sa kanya. Haaayyy, ang hirap maging maganda. Hindi lingid sa kaalaman ng mga taga-Marion High School ang sexuality ko. Isa ako sa nabibilang sa mga femme lesbians. Yun bang babaeng-babae pa rin manamit at gumalaw pero babae rin ang gusto. Nalaman nilang lesbian ako nung sophomore year ko sa Marion. Hiyang-hiya ako nun dahil di ko alam kung i-jajudge ako ng mga estudyante. Pero takot lang nila sa mga bestfriends kong sina Anton, Joma, Miko at Jon, kaya walang nakabully sa akin. Oo, puro lalake at mga pogi ang mga barkada ko. Si Anton na Soccer captain ng school, si Joma na pinakaweird at nerd ng school (sya ang pinakamatalino sa aming lima), si Miko ang chickboy na Band Singer at si Jon na napakagentleman at Basketball team captain. Nasa mga familiar circles kami ng school. Ako lang ang nag-iisang rose between the torns pero mas matinik pa ako sa kanila dahil ako ang pinakaplayer sa aming lima. Ako si Evangeline Damian ang team captain ng volleyball women ng Marion high school at certified girl magnet. "Congrats, Ev." salubong ni Miko sa akin sabay akap at binuhat ako pataas. "Bitiwan mo ako, Mik! Ano ba?" sabi kong natatawa sa ginawa nito. "Ibaba mo na sya, Mik. Magcocongrats din kami." sabi ni Jon na nakangiti rin. Nasa likod nito si Anton at Joma. Binaba nga ako ni Miko at akmang susugurin rin ako ng yakap ni Jon ng pinigilan ko ito. "Oops! Group hug na lang pwede? Para naman akong bata nyan, eh." himutok ko habang nakapigil ang dalawang kamay sa dibdib nito. "Group huuuugggg." sabi ni Anton na nakalapit na pala sa amin. At naggroup hug nga kami at naipit ako ng mabuti. Potek naman ng mga lalaking ito, ang lalaki na ng katawan, ang tatangkad pa. Ako ang pinakamaliit sa aming lima sa height na 5'8". "Arrraaayy! O sya tamaaa naaa!" sigaw ko at agad naman silang kumalas. Ang childish talaga ng mga bakulaw na 'to. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa gym. Bukod kasi sa matatangkad ang mga bakulaw na kasama ko eh, ang pogi rin. Syempre ako nama'y 'di patatalo. Nagkatawanan na lang kami ng lumapit si Jane sa kumpol namin. "Hey, Ev. May victory party mamaya sa bahay. Punta ka, ha? " sabi nitong nakatingin nga sa akin pero nagnakaw naman ng sulyap kay Joma. Ang Joma nama'y nakaconcentrate sa phone nito. Napangiti ako sa nakita ko. Hindi lingid sa akin na may crush si Jane kay Joma since freshmen pa kami. Alam ni Joma ngunit kibit balikat lang ito. "Sure, Jane. Pwede ko ba silang isama?" At nanunudyo akong ngumiti sa kanya. "O nga Jane, sama kami, 'di ba Joms?" sabi ni Jon sabay siko sa busy na si Joma. "Ah. Ano yun?" patay malisyang sabi nito. "Sama tayo sa baby girl natin sa party kina Jane kasi baka marape pa 'to ni Amber dun." Nakangising akbay sa akin ni Anton sabay gulo ng nakapony tail kong buhok. "Ano ba? Galawin na lahat, wag lang buhok ko!" himutok ko sabay piglas sa pagkakaakbay nito pero malakas ito at hindi man lang natinag sa ginawa ko. "Pupunta kami, Jane." sabi ko na lang kay Jane na natulala na naman kay Joma. Haha! Kawawang nilalang. "Jane?" tawag ko sa kanya. "Ah oo. S-sige, see you all tonight." pero kay Joma nakatingin. "All ba talaga, Jane?" nanunudyong sabi ni Miko. Nagblush lang si Jane, tumango at nagpaalam ng aalis. Haayyy, yan ang mahirap sa inlove. Natutunganga na lang. Haha! Kaawa-awa. Mabuti na lang natapos na ako sa stage na yan. Nagtagal pa kami sa gym dahil madaming nagpapicture na mga fans sa akin. Natatawa na lang ang mga kaibigan ko ng tumingin na ako sa kanila with that familiar look. Alam na nilang humihingi ako ng saklolo. Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na ang mga fans ko. Sya namang paglapit ni Amber. "Hi, babe. Sorry ngayon lang ako nakalapit kasi inayos ko pa yung squad. Congratulations!" sabi nito na pinulupot ang mga kamay sa leeg ko at hinalikan ako sa labi. Nagulat lang ako, hindi dahil sa first time nyang ginawa yun, kundi nagulat lang ako kasi 'di ko lang inexpect na gagawin nya yun sa madla. Nasa ganoon kaming eksena ng mapansin kong may parang nakatingin ng mariin sa amin. Hindi ko alam pero tumayo balahibo ko sa batok. Nagawi ang tingin ko sa exit ng gym. Naaninag ko ang isang pigura ng babae pero dahil madilim ang parteng yun, hindi ako sigurado. Ang hindi ko maipaliwanag ay biglang parang nakita ko ang nanlilisik nitong mga mata sa kabila ng kadilimanan na yun. Naitulak ko palayo si Amber. "Babe!" sigaw ni Amber. Siguro nasaktan sya sa ginawa ko kaya napatingin ako sa kanya pero saglit lang. Nilingon ko ulit ang direksyon ng babae kanina pero wala na ito doon. 'Ang mga mata nya. Pamilyar na pamilyar. Saan ko ba sya nakita?' "Ev, ba't mo naman tinulak si Amber?" natatawang tinulungan ito ni Miko. Tumaas ang ngusong nakacrossed arm si Amber na nakatayo na sa harapan ko. Pigil na pigil naman ng mga bruho ang mga tawa nila. "Eh, sorry. Ikaw kasi eh bigla-bigla ka na lang nanghahalik. Pwede ba Amber 'di ba sabi ko sa'yo wag mo na akong binibigla sa madla?" apologetic kong sabi. "Eva, naman. Alam mo namang gusto kita. Bakit ba ayaw mo akong subukang mahalin? " sabi nitong naiiyak na. "Ah. Eh." 'di na ako madadala sa mga iyak-iyak na yan tsaka 'di ko feel makipaglaro ngayon. "Tigilan mo na kasi ako." sabay walk out ko. "Eva!" narinig kong tawag nito sa akin. Buntong hininga akong lumingon. "Akin ka lang! Walang ibang magmamay-ari sa'yo kundi ako lang!" mariin na sabi nito na may pagbabanta sa tono nito. Natawa lang ako ng nakakaloko at tuloy-tuloy na umalis. Sumunod na din ang mga bakulaw. "Parang seryoso si Amber sa banta nya, ah." sabi ni Jon. "Kailan ba naging totoo yung banta nya? Hayaan nyo na yung psycho na yun." sabi ko na tuloy-tuloy sa paglalakad. "Eh bakit ba ayaw mo kay Amber, Ev? Maganda naman at sexy ah. Tapos patay na patay pa sayo." tudyo ni Miko habang flirt ng flirt sa mga babaeng dumaraan. "Edi sayo na lang. Tsaka ako ang mamamatay kung papatulan ko yung freak na yun. Buti sana kung no strings attach eh higit pa ang gusto nun. Maawa naman kayo sa akin!" exaggerated kong sabi na parang nahaheart attack. Tawanan ang mga ito. "Don't worry baby girl babantayan ka namin. Hindi naman namin papayagang may mangyari sa'yong masama." nakangiting sabi ni Anton sabay akbay sa akin. "Alam ko naman yun, ehh." sabay halik sa pisngi nito. "Oops! Nababakla na ba si Evangeline Damian sa akin?" sabi nitong nakangisi. "Hahaha! Wish mo lang!" sabay belat ko dito. Natawa kaming lahat. "Shower ka na nga. Ang baho mo na eh." sabi pa nito na tinakpan pa ang ilong na parang totoong nababahuan talaga ito sa akin. "Baho pala, ha? Kayo nga tong yakap ng yakap eh." himutok ko. Syempre joke na himutok rin. Baby girl nga kasi nila ako kaya na sanay na sanay din akong magpababy sa mga ito. Alam ko naman din kasing tinutudyo lang nila ako. Wala pa nga yang biruan na yan. Pagnagbiro ng totohanan ang mga bruho na 'to, nakow! Siguradong maiiyak ang makakarinig. Humiwalay muna ako sa mga ito at tinungo ang locker at shower room ng Lady Crushers para makapagshower at makapagbihis. Pagkatapos ng 20 minutes, sabay-sabay na kaming umalis. Hinatid nila ako sa bahay dahil mamayang 8pm ang start ng party. As usual magpapasundo na naman ako, tinatamad kasi akong magdrive. Nandyan naman sila eh. Hehe. Napasalampak ako sa sofa ng two-storey na bahay namin. Simple lang naman ang bahay namin pero elegante. Kasama ko sa bahay ang totoo kong ina. Si Mama Fe ay isang doktor kaya alam nyo na, parati ring ako lang mag-isa ang naiiwan sa bahay. Busy si Mama Fe pero hindi naman ito naging pabayang ina sa akin simula ng magdecide akong manirahan sa lupa. Half tao, half serena ako. Tumira ako sa lupa nung gusto kong mag-aral at matuto ng gawi ng mga tao. Eleven years old ako nun. Nagkita kami ng totoo kong ina nung umalis si Amor patungong States. Aaahh! Si Amor. Nasaan na kaya ito? Pero erase-erase na sya dapat sa isip ko. Ang tagal kong naghintay. Hindi ko alam kung buhay pa sya. Ni ha, ni ho 'di sya nagparamdam. Ang dami ng nangyari sa technology pero wala itong ginawang move para makipagcommunicate sa akin. Hinintay ko sya sa araw-araw ng buhay ko sa tagpuan namin pero taon ang lumipas at para akong tangang naghintay. Nalaman ni Ama ang ginawa kong pakikipagkaibigan sa tao pero 'di ito nagalit. Sa halip iyon ang simula na nakilala ko ang tunay kong ina, na tao pala. Hindi ako pangkaraniwan na serena. Prinsesa ako sa kaharian ng Serenity. Ang Ama kong Hari na si Haring Adam ang matagal ng hari sa Serenity at ako ang susunod sa trono dahil ako lang ang nag-iisang anak. About naman sa sexuality ko, eh hindi naman issue sa Serenity yun kasi normal lang ang pananaw ng kaharian namin sa mga homosexuals. Dito lang naman sa lupa ang maraming homophobes. Ewan ko nga ba kung bakit sila ganun. Pero bahala sila kung ganun ang pag-iisip nila. Hindi rin naman sila ang concern ko. So, para makalimutan ko si Amor dahil talagang nagalit ako sa kanya, nagpasya akong mag-aral sa lupa na 'di ko akalaing maeenjoy ko. Naging magaling akong volleyball player at nag-eexcel din naman sa school. Nagkaroon ako ng mga poging kaibigan na inihahalintulad sa F4 kaso nga lang 'di ako counted as San Cai dahil never akong magiging lover ni Dao Ming Shi. Eh tomboy nga ako, 'di ba? So, sabi nila player daw ako pero 'di naman yun totoo. Yung mga babae naman ang lumalapit sa akin at sinisigurado ko namang naintindihan nila ang status ko sa kanila. Pero yung iba na hindi nakakakilala sa akin, yun ang nagkakalat na player ako. Pumayag naman si Ama na mag-aral ako sa lupa basta pagdating ko ng 18 babalik ako sa Serenity para kunin ang trono ko. Haaayy, sa isiping yun eh parang nastress na ako. Parang hindi ko pa kayang maghandle ng ganoong kabigat na responsibilidad. Minsanan umuuwi pa rin naman ako sa kaharian namin pero iniiba ko ang ruta ko at hindi dumaraan sa dako ng tagpuan namin noon ni Amor. Sa kabilang hangganan ng dagat lang naman yung bahay ni Mama Fe pero sapat na ang layo para hindi na ako magawi sa tagpuan namin noon. Apat na taon na rin akong umiiwas sa rutang yun. 'Pero nakamove on na ako.' kumbinsi ko sa aking sarili. Paano nga pala ako nakasurvive sa lupa? Hi-tech na rin naman kami sa Serenity. Kung gugustuhin ng mga sereno at serena na magkaroon ng mga paa eh uminom lang ng potion at tsaran! May paa ka na. Pero syempre dapat may consent ng hari. Nagkakaroon ng chance ang mga ito kung pinahihintulutan ng hari na makipagmeet ang mga ibang sereno at serena sa mga business partners namin. Oo, nagventure na rin kami sa lupa. Nacivilize na ng mabuti ang mga sereno at serena. Actually, hindi nag-iiba ang technology ng lupa sa kaharian namin. Mas hi-tech pa nga kami doon kasi censor at holograms na ginagamit namin. Dito sa lupa mahina ang usad ng technology. Pero hindi ko rin hinanap si Amor via technology kasi may sumpaan kami, 'di ba? Eh sa ganun pala sya katagal mawawala. Alangan namang tapusin ko buhay ko dahil lang sa hindi sya tumupad sa usapan. Kaya nakapagpasya akong mag-aral sa lupa dahil layunin ko rin na matutunan ang gawi ng mga tao dahil magagamit ko ito sa pagpapatakbo ko sa aming kaharian. Pero 'di ko rin naman napigilan na 'di mag-enjoy. Ang dami rin kasing magagandang tao na nahalina sa kamandag ko. Ika nga 'if you can't beat 'em, join 'em'. At hindi na yun babalik si Amor. Yun ang tinatak ko sa isip ko. Pero sa isang parte ng isipan ko'y ang masakit na katotohanang hanggang ngayon may kaunti pa syang pagmamay-ari dito sa putanginang pusong 'to. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. Itinuon ko na lang sa party ang isip ko. Sigurado akong babaha na naman ang mga chicks doon. Sa isipin pa lang na yun, naglalaway na ako. Magiging masaya ang gabing ito, ramdam na ramdam ko. At dahil dun nakatulog akong nakangiti.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

A Night With My Professor

read
498.3K
bc

The Sex Web

read
134.5K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
242.1K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
563.0K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook