bc

Tyrant 7: The Possessive player

book_age16+
734
FOLLOW
1.6K
READ
dark
love-triangle
possessive
playboy
student
twisted
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

Ang mahanap ang nawawalang kapatid ni Ashley ang tanging pakay niya sa pagtapak niya sa loob ng unibersidad ng Weithermer. Hindi niya inaasahang mapukaw ang atensyon ng isa sa miyembro ng disciplinarian na kung tawagin nila ay tyrant 7.

Lingid sa kaalaman niya ang masamang intensyon nito sa pakikipagmabutihan nito sa kanya. Mahulog kaya siya sa mapaglarong miyembro ng tyrant 7 na si Zerred Larena? Paano kung magbackfire ang plano ng lalaki sa sarili nito?

Will She be his karma? his love? Or his lesson?

chap-preview
Free preview
Prologue
Ipinanganak akong wala akong kinikilalang tatay hindi gaya ng ibang bata pero ayos lang, nandyan naman ang mom ko na ni minsan hindi ako pinabayaan. I met my father when I was a kid. Akala ko isa lang siya sa boss ng mom ko hanggang sa isang araw sinabi na nila sa akin ang katotohanan na siya ang tatay ko. Sobrang saya ko ng araw na yon. Walang paglagyan ang nararamdaman kong saya na nakilala ko na ang tatay ko. Nakuha ko na yung isa sa hiniling ko. Na mabuo ang pamilya ko. Anak ako sa pagkadalaga ng mommy ko. Nasa ikalawang taon sa kolehiyo ang mom ko ng ipagbuntis niya ako noon. Inalagaan niya ako mag isa ng walang tulong galing sa ama ko. Ang malungkot non, ni hindi alam ng tatay ko na may nag-eexist na siyang anak non--at ako yon. I felt so empty. Ramdam ko ang kakulangan sa pagkatao ko. He told me that I can have everything I want. And I want everything. And right now, I am in Weithermer University. I can do everything I want. I can get what I want. I'll have whatever I want, whatever it takes. By hook or by crook. "Who's that chick?" Napatigil ako sa paglalaro ng lollipop sa bibig ko ng marinig ko ang tanong ni Clyde. Napatingin ako sa tinitignan nila ni Ares. Oh, what a pretty chick. I like her legs. "Don't temp me, Clyde. I have a girlfriend. And right now. She is the most beautiful girl in my eyes.." Ares said. I almost throw up. "So romantic" Puno ng sarkasmo kong ani. Ares was the sadist. Yeah,that's right. WAS. Past tense. Nagbago na kasi ito simula ng makilala nito ang nobya nito. Oh come on! "Stop pestering me guys. Have a life.." Inis na sabi ni Ares na lukot na ang mukha sa pagkairita dahil sa pangungulit namin ni Clyde. "I have life. But I want those skinny legs.." Manyak na sabi ni Clyde. Tinitigan ko yung babae. Well, kung titignan ko. Pasado naman siya sa standards ko. "I want her" sabi kong tipid. Bumusangot si Clyde. "You want everything" "No. I want her" Tipid kong sabi. Tumaas ang kilay ni Ares. "Ano? Hindi pwede yan Zerred! Ako ang unang nakakita sa kanya!" Reklamo ni Clyde na nagpupumilit pa. Nakangisi inilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa. "Okay lang. Then Wendy is mine? Is that a call?" Pang-iinis ko. Biglang natigilan si Clyde. Namumula na ito. Namumula ito kapag naiinis. I smirked. I won. "Edi sayo na! Saksak mo sa lalamunan, balunbalunan at sa atay mo! Stay away from Wendy!" Gigil na sabi nito sabay nagwalk out. Napatawa ako. Second cousin ni Hara si Wendy. Napatigil lang ako ng batukan ako ni Ares. I didn't see that coming. "What was that for?" Taka kong tanong dito. "Wala lang. Sarap mong batukan eh" Sabi nito sabay ngumiti bago umalis. Napairap ako. "Go to hell!" Inis na sigaw ko. "Okay, I'm going to hell!" Sagot nito na hindi lumilingon. I know what he's talking about. Not literally hell. But to our master Hell. His name is weird right? HELL? Sound like inferno. LOL. Well, he wraths like it sounds. Napangisi ako ng mapatingin ulit ako dun sa babaeng tinitiganan namin kanina. Nakaputing uniform siya, looks like Medtech. Napangisi ako. May kilala akong medtech. Sound like..BURN! Sinundan ko siya ng tingin. "Miss!" Sigaw ko. Napahinto ito. Akmang lilingon na ito kaya sinuklay ko ang buhok gamit ang kamay ko at inihanda ko na ang pang one billion dollar smile ko ang kaso hindi pa ito nakakalingon ng biglang may tumawag dito. Seriously? "Babe!" I froze. Babe? May boyfriend na siya?Napatingin ako dun sa tumawag sa kanya. Lalaking..uh. May hitsura naman..pero wala siyang palag sa akin. Napabusangot ako. Pero sabagay..maganda siya at sexy siya, no doubt. Napangisi ako. "Oh? Saan ka galing? Kanina pa ako naghahanap sayo eh.." sabi nito sa malambing na boses. Ewan ko ba kung bakit tinitignan ko pa ang kasweetan ng dalawang to. Nangalumbaba ako sa malapit na railings. Pinanood ko sila habang halos kagatin na ako ng langgam sa kasweetan nilang dalawa. Napangisi ako. Cringe. "Parang aso ngumisi. Huwag ganun pre.." Biglang sabi ng isang bagong sulpot na kupal sa gilid ko. Bumusangot ako. "Ano na naman?" Asar na tanong ko kay Chain. Anak ng Tito Cloud. Kaibigan ng Daddy Grey ko. Pareho sila ni Tito Cloud, weird na manipulative. Buti nga nasasakyan namin ang trip nitong lalaking to minsan. Sobrang talino, buhay na ng tao ang pinaglalaruan eh "Ang panget mo dun ka nga.." Sabi ko sabay tulak sa kanya. Napangisi ito ng mapatingin sa tinitignan ko. "Who are they?" Tanong nito. Ngumuso ako. "Ewan ko..bakit ako tinatanong mo?" Sabi kong walang gana "Ang landi ng dalawang yan..PDA masyado..sitahin mo nga.." Utos ko dito. Tinulak ko pa to ng mahina. "Tch, Why not do it by yourself?" Sabi nito with matching taas kilay. "Tinatamad ako eh.." sabi ko sabay lumabi ako. Nagulat ako ng biglang iniwan ako doon ni Chain na walang sabi sabing lumapit dun sa dalawang naglalandian. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Cloud pero nakita kong namutla yung lalaki tapos umalis na. Nagulat ako ng biglang maya maya ay hila hila na ni Chain yung babae. Nanlaki yung mata ko sa gulat. Muntik na akong magmura ng biglang itulak ito ni Chain sa akin. Muntik pa kaming magkauntugan nung babae "What the--?" Inis na may pagkahalong gulat na bulalas ko. "Sa susunod wag mo kong inuutusan. Is that clear? Matuto lang kuhain ang mga bagay na gusto mo sa sarili mong mga kamay" Sabi ni Chain sabay biglang umalis. Napanganga ako. Ano yun? Ang sungit talaga non. Nagbibiro lang naman ako kanina. Tss. "U-uh. Excuse me..pakibitawan na po ako.." Malumanay na ani nung babae. Napabitaw ako sa braso niya. Napahawak ako kanina kasi baka mamaya magkauntugan kami eh. Nakatitig lang ako sa mukha niya. Napangisi ako sa naisip ko. Gusto ko siya. She have a boyfriend? No problem. Then I'm going to steal her away from that mudblood. I like it.This is so exciting...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
177.1K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
330.1K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

NINONG II

read
619.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook