Chapter Three

1614 Words
Mula Manila Bay ay mag-isang naglayag si Terrence sakay ng kanyang yate. At siya mismo ang nagpapa-andar niyon. Gano'n siya kayaman. Matapos pumanaw ang mga magulang sa isang plane crash ay sa kanya lahat napunta at naiwan ang mga properties nila. Solong anak at solong taga-pagmana ng Daza Group of Companies. A chain of fastfoods restaurant, beach resorts sa ibat-ibang panig ng South East Asia at may-ari rin ng isang sikat na condominium builder and developer company na located sa iba't-ibang lokasyon sa buong Metro Manila. In short business tycoon sa napaka-batang edad. He just turn thirty one years old. At siya na halos nagpapatakbo niyon. Meron siyang team na kaagapay at lahat iyon ay pinagkakatiwalaan niya. Busy siya lagi at kung saan-saang key cities nagpupunta. Siya mismo ang nag-iikot at nagche-check personally. Gusto niyang masiguro na maayos ang takbo ng mga negosyo niya, na okay ang lahat at walang problema. He also wants transparency at dapat updated siya sa lahat. Mahigpit din siya pagdating sa negosyo. Ayaw niya ng kapalpakan at mga empleyadong tatamad-tamad. He wants to provide good services through his businesses. At walang lugar ang mga gumagawa roon ng kalokohan. Tinatanggal agad at kinakasuhan o 'di kaya ay ipinapakulong. He had the best lawyers in the country kaya lahat ay kayang mapanagot at magbabayad kapag napatunayan. Kakagaling lang niya ng Thailand kung saan nagkaroon ng aberya sa beach resort nila roon. Naayos naman niya agad ang gusot. Nang masiguradong okay naman ang lahat ay bumalik agad siya ng Pilipinas. Tatawagan na lamang daw siya para sa update. Kahapon lang siya dumating and he's up for his two weeks break. Kailangan niya ring mag-relax. Pampatanggal ng stress sa walang tigil na trabaho. He want to spend his vacation at their family privately own island sa Barcelona. Isa pa 'yon sa property nila at 'yon ang pinaka-favorite niya sa lahat. Bukod na nasa Pilipinas lang iyon ay wala ring katulad ang islang iyon. Bakasyonan nilang magpamilya iyon no'ng nabubuhay pa ang parents niya. Kaya marami siyang masasayang alaala roon. He can stay and settle there kahit na mag-isa. He enjoy it's peacefulness. Malayo sa mundong ginagalawan niya. Walang stress, walang pressure, walang polusyon, walang maingay na mga sasakyan meron lang peace of mind. It's almost sunset at mag-isa niyang pinagmamasdan iyon while sipping wine. He really loves sunset. At isa siyang certified opacarophile. Naa-appreciate niya talaga iyon at never siyang nagsasawa na panoorin iyon. Nasa ganoon siyang tagpo ng tumunog ang kanyang phone. It was Vincent. Ang kanyang kaklase at kabarkada niya noong college. Parang kapatid na niya ang turing dito. They still have contacts and once in a while ay nagkukumustahan sila. Sinagot niya iyon. "Hey, man! Whats up?" bungad ni Terrence. "Okay lang. Kailan ka pa dumating? Ni hindi ka man lang nagpasabi." May himig nang pagtatampo ang boses nito. "Sorry. I forgot. Kahapon lang ako dumating. Akala ko kasi busy ka kaya hindi na kita tinawagan. I'm on my way to Barcelona." "Barcelona? As in Spain?" gulat niyang tanong. Natawa si Terrence sa tanong nito. "Nope. Barcelona, Philippines," pagtatama niya. "Pupunta ako ng isla. I'm having my vacation break," dugtong pa niya. "Ah okay. Enjoy. Call me if pabalik ka na ng Manila. Let's hang-out kasama sina Edward at Dennis. Dating gawi." At tumawa. Alam na niya ang ibig sabihin nito. Puro kalokohan na naman ang nasa isip nito. Gano'n sila kapag kompleto ang kanilang grupo. "Sure. No probz," sagot niya at naputol na ang tawag. Konti lang ang kanyang circle of friends at masaya na siya roon. Subok na niya ang mga kaibigan niyang iyon. Nakasama na niya ito sa mga kalokohan, sa saya at maging sa kanyang lowest time noong parehong nawala ang mga magulang niya. Hindi siya iniwan ng mga ito. Napaka-thankful niya having them in his life. Lahat pa sila ay single at ready to mingle. Pero sa ngayon ay hindi pa siya available because of his busy schedule. Wala pa siyang time to entertain love. At kung meron man ay gusto niyang naiintindihan nito ang sitwasyon niya. He was a busy person at maya't-maya ay may kausap siya sa phone. Mga biglaang business meeting at pati na mga out of the country travels. Gano'n ka-hectic ang sked niya. Kaya susulitin niya ang bakasyon para magre-fresh. Kaka-daong lang ng yate ni Terrence sa isla niya. Pasado alas-onse na ng gabi. Matapos na patayin ang makina at ma-secure na okay ang lahat ay agad na siyang bumaba sa pampang. Feels like home again. Na-miss niya ang isla nila. Nilingon niya pa ang dagat and the water was like crystals. Kumikinang sa bawat alon dahil sa bilog na bilog na buwan. Maraming bituin sa langit na parang mga christmas light. Perfect for stargazing. Napapangiti siya na makita iyon. Tuluyan na siyang nagtungo sa beach house niya. Nakalimutan niyang tawagan si Mang Cardo at ipaalam na darating siya. Sa umaga lang kasi ito nagpupunta at umuuwi rin sa hapon. Buti na lang at may spare key siya. Medyo inaantok na siya. Medyo may tama na rin siya dahil sa wine na ininum niya kanina. Naaamoy na niya iyon sa hininga niya. Nang mabuksan niya ang pinto ng beach house ay nagtuloy-tuloy na siya sa loob. May dalawang kwarto roon. Isa ay 'yong sa kanya at 'yong isa ay sa parents niya dati. Pumasok siya sa dati niyang kwarto. Nahiga sa kama at hindi niya namalayang nakatulog na siya. Maagang nagising si Uela. Balak niyang maglakad-lakad sa labas. Kailangan niyang makalanghap ng sariwang hangin para refresh ang utak niya. Para maraming ideas na pumasok. Mas marami siyang maisulat ngayon. Ilang araw na lang ang natitira sa hinahabol niyang deadline. Kailangan na niyang matapos iyon. 'Yon lang ang medyo nagpapahirap at nagpapagulo sa utak niya. 'Pag napasa na niya iyon ay pwede na ulit siyang mag-relax. Lumabas na siya ng bahay. Mamaya na lang siya kakain at magka-kape pagkabalik niya. May naisip na siyang magandang pwesto para magsulat mamaya. Maganda ang araw at parang nasa paraiso siya. Kay sarap maglakad sa puting-puti at pinong-pinong buhangin. Dala niya ang kanyang phone kaya nagpicture-picture din siya. Pati mga footsteps niya ay hindi niya rin pinalampas. Kahit anong kunan niya yata ay lahat pang-Instantgram worthy. Parang wala siya sa Pilipinas. Sobrang nag-e-enjoy siya sa tanawin at mga nakikita. Sobrang ganda talaga at ang kaisipang siya lang ang nag-iisang tao roon. Solong-solo niya at walang istorbo. Para siyang castaway sa isang napakagandang isla. Namulot pa siya ng mga shells at nagtampisaw sa tubig. Para siyang bata habang ginagawa iyon. Nagulat pa siya nang maka-receive siya ng text mula sa pinsan niya. Kinukumusta siya nito. Agad siyang nag-reply. Mabuti na lang at may signal doon. Perfect talaga ang lugar. Parang gusto na niyang tumira roon. Isang text muli ang natanggap niya galing uli sa pinsan niya. Sabi roon sa text ay baka mamayang tanghali pa raw makakapunta ang kanyang Tiyo Carding. Mas pabor nga iyon sa kanya. May time siyang ma-solo at ma-enjoy ang isla habang wala pa ang tiyuhin. Medyo mataas na ang sikat ng araw. Pabalik na siya sa beach house nang mapansin niya ang yate na nakadaong sa may pampang. Nagtaka siya. Parang wala namang yate kahapon doon noong dumating sila. Napapa-isip siya. Baka may ibang tao roon maliban sa kanya. Imposible! Agad niyang kinalimutan ang kaisipang iyon. Baka hindi niya lang napansin iyon kahapon kasi nawili siya sa magandang tanawin. Binalewala na lang niya iyon at tuluyan nang bumalik sa beach house. Kakadilat lang ng mga mata ni Terrence. Sumilay agad ang ngiti sa mga labi niya. Ngayon lang uli siya nakatulog nang mahimbing ng walang istorbo. Hindi na niya matandaan kung kailan pa ang huli. Bumangon siya at nag-inat. At agad na nag-push up. Morning routine niya iyon at exercise na rin pero kapag hindi pa siya kontento ay nagjo-jogging pa siya. That's his secret why he has the perfect tone and proportioned body. Balak niyang libutin ang isla gamit ang kanyang yate mamaya. He needs to check the other part of the island. Baka may mga nakapasok ng mga trespasser mula sa ibang isla at hindi namalayan ni Mang Cardo. Kahit sabihin na wala itong katabing isla hindi naman twenty four hours nakabantay ang caretaker niya. Kaya may chance pa rin na may makapasok doon. Kailangan niya lang siguraduhin ang mga pag-aari niya. Mahirap na. Mabuti na ang sigurado. After ng ilang counts ng push up ay pinagpawisan na siya. He needs to take a shower. Walang banyo sa loob ng kwarto. Nasa labas ang shower katabi ng comfort room. Communal iyon. He takes off his shirt and his pants including his underwear. Now he was totally n***d. Siya lang naman ang tao roon at bahay naman niya iyon. He can do whatever he wants. Kumuha siya ng towel sa cabinet saka isinukbit sa balikat at lumabas ng kwarto. Hindi na siya nag-abala pa na takpan ang kahubdan. Wala naman siyang pakialam. Wala namang sisilip sa kanya roon. Dumaan siya ng sala at binuksan ang mga bintana. Pati na rin ang pintuan palabas ng terrace kung saan ito nakaharap at kitang-kita ang malawak na dalampasigan at dagat. Pumasok ang sariwang hangin. Sinalubong niya iyon. Gusto niya ang hanging dagat. He really miss it. Pagkatapos niyon ay maliligo na muna siya. Saka niya kukunin ang stock ng pagkain niya na nasa yate pa pala. Nakalimutan na niya iyong bitbitin kagabi. Nagtuloy siya sa may kusina kung saan nandoon ang shower. Papasok na dapat siya nang may napansin siyang babaeng nakatalikod sa may lababo. Nagulat pa siya nang bigla na lamang itong humarap. Nalaglag ang tuwalya sa balikat niya. Samantalang napasigaw ng ubod lakas ang babae sa sobrang pagkabigla nang makita siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD