CHAPTER 1

2045 Words
"Heart dun ka muna sa bahay niyo ni Dave mag stay, aalis kami kasama ang parents niya. Bawal mag sama dun, ang kuya mo naman ay may inaasikaso kaya di ka rin niya mababantayan , ang mga maids naman ay naka day off at ang bestfriend mo naman  ay Busy din." "Mag hohotel nalang ako mommy, ayoko kasama sya sasaktan niya lang ako mommy." nag umpisa na mag patakan ang mga luha galing sa mga mata ko ayaw ko siya kasama sasaktan lang niya ako, mas mabuti pa mag isa ako kesa masama niya. "No. Hindi ka niya sasaktan nakausap na namin siya at pag sinaktan ka uli niya tawagan mo lang kami." sabi ni Mama jen, umiling-iling lang ako. "No buts. Mamaya lalabas na kayo, mauna na kami baka malate pa kami sa flight. Dave pagkakatiwalaan ka namin." sabi ni Dad at tumingin kay Dave, tumango naman si Dave. sinungaling! Mabait lang yan dahil nandyan ang parents namin. Alam ko na ang ugali niya sa isang taon na pag sasama namin. Umalis na sila mommy at kami nalang ngayon dalawa, tahimik lang ang kwarto walang nagtangkang mag salita. "Maam, Sir. Bayad na po lahat sa baba, pwede na rin po kayong lumabas." sabi ng Nurse na kakapasok palang. "Sige, salamat."  Si Dave na ang sumagot napansin niya ata na wala akong balak na mag salita. "Halika, mag bihis ka na ako na mag aayos ng mga gamit mo" hinawakan  niya ang braso ko agad ko itong hinila. "Bitawan mo ako." malamig kong sabi at dahan dahang tumayo papunta sa cr ng kwarto ko, nag bihis na ako bago humarap sa salamin. Ang payat ko na, ibang iba na ang katawan ko noon sa ngayon. Namumutla rin ako, ang mga mata ko na mugtong mugto sa kakaiyak. Ibang iba na nga ako, ibang iba na ako sa dati. ngumiti ako ng mapakla bago lumabas ng CR, nakita ko ang taong minahal ko pero walang ginawa kundi ang gawin akong hayop na kung maltratuhin ay di naig pa ang demonyo. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, pero agad ko itong hinablot. "Halina" maigsi pero malamig kong sabi. Dave point of View Galit ako sa sarili ko, galit na galit. Dahil sa akin nawala ang anak namin at natatakot dahil 80% na posibleng mawala sa akin si Heart, pero diba sana masaya ako dahil nasaktan ko na siya pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Nasa likod niya lang ako nakasunod. 'Ang payat pala niya' bulong ko,bat ba ngayon ko lang napansin yun' Nang nasa  harap na kami nang sasakyan ay sumakay na agad siya na walang sinasabi na kung ano, binagtas na namin ang daan papunta sa bahay namin. Lumabas siya at binuksan agad ang pinto ng bahay, wala pa rin sa aming nag sasalita. "Wag kang mag alala, aalis na ako sa buhay mo" malamig niyang sabi na dahilan kung bakit biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Nakaramdam ako ng TAKOT? Nag lakad nalang ako papuntang kusina at mag luluto baka gutom na siya. Nag luto lang ako ng adobo para sa aming dalawa, ngayon ko lang pala siya napagluto dahil dati puro nevermind. Nag sandok ako ng pag kain niya, ihahatid ko nalang sa kwarto niya. "Heart kain na." sabi ko at binuksan ang pinto at nakita ko siya dun naka tulala. "Kain ka muna." sabi ko sabay upo sa gilid ng kama niya, umiling lang ito. "Kain ka na." sabi ko at susubuan siya "AYOKO NGA SABI!" sabay tabig niya ng kamay ko dahilan kung bakit natapon ang pagkain biglang nag init ang ulo ko. "MAARTE KA NA NGAYON HA!?" inis kong sabi at tinaas ang kamay ko akmang sasampalin siya. " Sige ituloy mo dahil huli na yan."  tuloy tuloy ang pagtulo ng luha niya at dun lang ako natauhan. "Sorry, sorry wife."  yayakapin ko na sana sya pero bigla siyabg lumayo. "Umalis ka dito" malamig niyang sabi "UMALIS KA DITO."  sigaw niya, tumayo ako upang ligpitin ang kalat at siya tuloy pa rin sa pag iyak, lumabas na ako ay siyay tulala nanaman habang may umaagos na luha sa mga mata. ANG TANGA MO TALAGA DAVE!       Heart Point Of View   "Mom, sasaktan niya ako please Mommy ilayo niyo na ako dito." umiiyak kong sabi, kausap ko si Mom sa phone ngayon. Alam kong di sila papayag na umalis ako dahil gusto nilang maayos pa namin itong relasyon na to pero para sa akin tapos na. Tapos na ang relasyon na ito, pinatay niya ang anak namin, gumawa siya ng paraan para mawala ako sa landas niya pati ang anak namin dinamay niya na. Isa na ring senyas yun upang matauhan na ako na kahit anong gawin kung pagmama kaawa ay hindi niya ako mamahalin. "Maayos niyo pa yan anak please kayanin mo, pag nakipag hiwalay ka hindi lang pangalan natin ang masisira pati na sa kanila." mas lalo akong napaiyak, ibig nilang sabihan na mas mahalaga ang pera at pangalan nila kesa sa sarili nilang anak, hindi na ako sumagot pa at pinatay ko nalang ang tawag saktong pumasok si Dave na may dalang tray na may lamang pag kain. "Kumain ka na heart." sabi niya bago nilapag ang tray na hawak niya sa side table at umupo sa kama ko. Wala pa ring balak ma umalis, naka tulala lang ako habang may mga luha na umaagos sa mata ko. "Kumain ka na heart nung nakaraang araw ka pa di kumakain ng matino baka mag kasakit ka na niyan." tumigil ang mga luha ko sa pag patak at tumingin sa kanya. "Kailan ka pang nag alala na baka mag kasakit ako? Wag ka nang mag panggap Dave wala sila Mom ngayon dito kaya tigilan mo na yan at kung nakukonsensya ka ka dahil na wala ang anak ko kaya mo ginagawa ito pls tigilan mo na." malamig kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya, kung dati pinaramdam niya ay sana ang pag-alala na ginagawa niya ay malamang tuwang- tuwa na sana ako. Pero ngayon, ngayon na ang laman ko ay puro galit.  Galit sa kanilang lahat mas lalo na sa lalaking kaharap ko ngayon na dahilan kung bakit nawala ang anak ko at ang mga natitirang pag asa ko. "Lumabas ka na." sabi ko "Pero di ka pa kumakain -" "LUMABAS KA NA!" nagulat siya sa pag sigaw ko, tumayo siya na may lungkot sa mukha? huh! lungkot hindi ako naniniwala nag papangap lang siya. "Tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka." sabi niya bago lumabas ng kwarto ko, ilang minuto akong naka- tulala at napag pasyahan ng kumain. Kinain ang dala niya, ito ang unang beses ko na kumain na luto niya, dahil sa tagal na pag sasama namin hindi niya man lang ako inasikaso kahit na hinang hina na ako. Naubos ko na ang dinala niya pero gutom pa rin ako, ngayon lang ako nakadama ng dalawang araw ko na hindi pag kain at di ko rin lubos maisip na kaya ko palang hindi kumain ng ganon katagal. Pag kababa ko ay nakita ko siya sa sala tahimik na nanunuod pero nung napansin niya ako ay bigla niyang pintay ito at lumapit sa akin. "May kailangan ka ba? Dapat tinawag mo nalang ako." sabay kuha niya ng tray na hawak ko. "Hindi ako baldado nawalan lang ako nang anak." Nang sinabi ko yun ay natahimuk siya at napayuko o bakit ganyan reaction niya wag niyang sabihing nasasaktan siya. "Nagugutom ako" sabi ko at nilag pasan siya at tumuloy na sa kusina. "Maupo ka nalang diyan, ipag hahanda na kita. " naupo nalang ako at tahimuk na hinihintay ang pag kain. "Ito na kain na." Sabi niya at umupo sa harap ko at kumuha ng pag kain.  "Anong ginagawa mo." malamig kong sabi. "Kakain sasabayan na kita." sabi nita tinitigan ko lang siya hanggang makakuha siya. "Doon ka sa sala kumain, di ako sanay na may kasabay" napatigil siya sa pag kain at tinitigan lang ako. "Umalis ka." napatungo siya sa sinabi ko at kinuba ang plato niya bago umalis at pumunta sa sala. Sa tagal naming mag asawa never pa kaming nag kasabay kumain, dahil bukod sa lagi siyang ginagabi ng uwi lagi niya akong pinapaalis sa hapag pag kakain. Nawawalan daw siya ng gana pag nakikita niya ang isang katulad kong malandi. Kinain ko ang lahat nang hinanda niya, kailangan kong mag palakas. Wala akong kakampi dito. Lahat sila ay tinalikuran na ako kahit ang sarili kong magulang na mas mahalaga pa ang pera at pangalan nila. Natapos na akong kumain at ililigpit na sana amg aking pinag kainan ng bigla siyang mag salita "Ako na mag liligpit." prisinta niya, tinignan ko lang siya bago nilag pasan at pumunta sa kwarto ngayon alam kong siya nalang ang makakatulong sa akin, naligo na ako at nag bihis bago siya tinawagan. "Hello christian busy ka?" tanong ko "No. why? miss me." alam kong naka ngisi na siya ngayon , kilala ko na tong lalaking to dahil nung time na tanga pa ako at sinasaktan ako ni Dave ay isa siya ang laging nasa tabi ko para patahanin. "Asa ka, payag na ako sa alok mo free pa ba yun?" tanong ko.   "Oo naman para sayo lang yung posisyon ba yun." napangiti ako , mauumpisahan ko na ang plano ko. "Good. kita tayo sa Angels Resturant." sabi ko bago pinatay ang tawag. "San ka pupunta?" tanong ni Dave sa akin, tinignan ko lang siya ng malamig na parang nag dadalawang isip pa kung sasagutin siya. "Mag shoshoping." sabi ko at nag patuloy na sa pag lalakad "sasama ako." huminto ulit ako sa pag lalakad. "May kasama na ako, kung gusto mo umalis ka rin wala akong paki-alam." hindi pa rin mawala wala ang lamig ng boses ko. Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko, dumiretso ako na ako sa Angels Resturant at katulad ng inaasahan ko nandito na nga siya. "Condolence Heart." nalungkot ako sa sinabi niya, pero pilit akong ngumiti. "Christian gusto ko mag labas ng sama ng loob dalhin mo ako sa tahimik at makakapag isip please." sabi ko at pilit na pinipigilan ang luha na gusto pumatak. "Pero bago yun, may sasabihin ako sayo." sumeryoso ang mukha niya "Ano yun?" "Papayag na ako sa alok mo pero gusto ko ayos na ang lahat next week." "Yan ang maganda, order muna tayo bago tayo umalis mukhang kailangan mong mag refresh." um-order na kaming dalawa kwentuhan lang kami ng kwentuhan. "Tulog ka muna, malayo pa ang pupuntahan natin." tumango ako at nag salpak ng Earphone.   Dave Point of View "Makapag luto na nga lang baka dumating na siya." tumayo na ako sa pag kakaupo at pumunta na sa kusina, nag luto ako ng paborito niyang adobong manok at Chicken curry. Siguradong kakain siya at hindi niya matatanggihan to. Natapos na ako sa pag luluto pero wala pa rin siya, alas- syete na na dapat alasais naka uwi na siya. Tumingin ako sa bintana nandyan na ang sasakyan niya. Tatakbo na sana ako palabas ng biglang may lumabas galing sa sasakyan niyang lalaki , pinag buksan siya ng pinto nag usap lang sila saglit. s**t! Sino ba yun hayop na lalaki na yun at niyakap ang asawa ko.   Tumakbo na ako papunta sa sala ng makitang papasok sa bahay. "Sino yun?" bungad ko sakanya pero tinigman niya lang ako  "tinatamong kita , SINO YUN?!" Tinaasan niya lang ako ng kilat "Paki mo ba?" "May paki ako heart, dahil asawa kita!" "Baka nakakalimutan mo rin ang sinabi mo Dave na mag asawa lang tayo sa papel." natigilan ako sa sinabi niya. "Baka naman hindi talaga ako ang anak ng nasa tyan mo dati at pina -ako mo lang sakin." Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko, what the Ef! tumulo ang mga luha sa mata niya, napaiyak ko nanaman siya. "Wag na wag mo na pag hinalaan  na hindi mo anak  ang bata dahil  una sa lahat ikaw lang ang naka galaw sa akin." pinunasan niya ang mga mata niya na punong puno ng luha. "Mas binibigyan mo lang ako  ng dahilan  para iwan ka." Nanigas ako sa huling sinabi niya. iiwan? Di ko alam kung paano ako mabubuhay kung wala siya. "Tsk tsk hindi na ako mag tataka kung sa susunod na araw wala ka siya sa puder mo." nilingon ko ang pinang galingan ng boses, ang kuya ni Heart . Si Kuya Red. "K-kuya kanina ka pa dyan?" tumango siya at lumapit. "Hindi ko masisi ang kapatid ko kung iiwan ka niya, dahil bukod sa p*******t mo at pag babalewala sakanya puno na ng sakit at galit ang puso niya." Pag katapos niyang sabihin iyo ay tumalikod na siya at lumabas na paupi sa sofa at napahilamos ng mukha.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD