CHAPTER 1

2581 Words
Aria's POV "Aria!" Ay pusang gala! Muntik na akong mahulog sa makitid kong kama nang pakiramdam ko ay nasira ang eardrum ko. Sino ba 'yong sumisigaw? Ang aga-aga pa. "Ariaaa!" Ay leche! Itinakip ko ang unan sa mukha ko. Si Mama ba 'yon? Bakit parang nakalulon ng microphone ang Nanay ko? Ignore her, Aria. Matulog ka pa. Hindi ko pinansin ang nagwawala kong nanay. Ang sarap pa kasi ng tulog ko. Besides, nag-di-date na kami ng Prince Charming kong si Jonathan sa panaginip ko with matching fireworks sa isang napakagandang park tapos luluhod siya at may hawak na singsing at aalukin ako ng isang bonggang kasal. Ay! Panaginip pa ba 'yan, Aria o binabangungot ka na? Ambisyosang palaka ka talaga! "Aria, Anak. Gising na." Ang Nanay ko na yata ang pinakamakulit na nanay sa mundo. Mahirap ba'ng intindihin na napuyat ako kagabi kakalaro ng Dota tapos ngayon, ang aga-aga niya pa akong gigisingin? Ma naman! Hindi na makatarungan 'yang ginagawa mo! "Mamaya na po, Maaaaaa," pag-iinarte ko at saka ako nagtalukbong ng kumot. Ayaw kong imulat ang mga mata ko kasi hindi na ako titigilan ni Mama kapag gano'n. "You have to wake up, Aria." Aba! Nagsalita ng english ang nanay ko?! Pero teka, bakit nag-iba yata ang boses niya? "Ma, kung sa tingin niyo po ay babangon ako kasi nag-english kayo, sorry po pero inaantok pa talaga ako. Mamaya na ako babangon, Ma. One hour na lang." Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Mama. Siguro ay sumuko na rin siya sa kagustuhan niyang gisingin ang natutulog kong kaluluwa. Ang galing mo talaga, Aria! Pero ang weird lang. Bakit parang may naririnig akong nag-uusap sa loob ng kwarto ko? Sigurado akong si Mama 'yong isa. E sino 'yong kausap niya? Wala naman akong matandaan na kasama namin sa bahay. Dalawa lang kami ng nanay ko rito kaya imposible namang may iba kaming kasama. "Hayaan na po muna natin siyang matulog." "Pero Gale, kailangan na nating maipaliwanag sa kaniya 'yong dapat niyang malaman. Mahabang paliwanagan ang mangyayari. Knowing her, hindi agad siya maniniwala sa sasabihin natin sa kaniya. Kilala ko ang anak ko. Baka tumambling muna siya bago siya maniwala sa mga sasabihin natin sa kaniya." Alam kong boses ni Mama 'yon at lalo kong nakumpirma na siya nga iyon dahil umaarangkada na naman ang kabaliwang namana ko sa kanya. Jusmiyo! Totoo ba ito o nasa dream land pa rin ako? Kahit gustong-gusto ko nang tanggalin 'yong kumot sa mukha ko ay hindi ko ginawa. Paano kung nananaginip lang ako tapos nandiyan si Mama at hinihintay lang pala akong magising? Edi epic fail ang drama kong antok. "Ayos lang po. Wala naman po siyang ibang pagpipilian kung hindi tanggapin ang totoo." Hanudaw? Bakit ba wala ako sa panaginip ko? Nakakaloka na 'to! "Alam ko pong nalulungkot kayo kasi ngayon na ang ikalabing-walong kaarawan ni Aria." Ano? 18th birthday ko na? Wow, Aria! Ano 'yan? Sarili mong birthday, hindi mo maalala? E bakit naman daw malulungkot si Mama? Dahil ba ganap na ang pagkadalaga ko at pwede na akong mag boyfriend? Nako naman! Mama, si Matteo Doo lang po ang magiging ama ng mga anak ko. Hangga't hindi niya ako nililigawan, hindi po ako magboboyfriend! Itaga mo po 'yan sa bato! Pero syempre, joke lang. May Jonathan na ako, Mama! "Nalulungkot ako kasi mawawala na ang anak ko sa akin." Parang bigla kong naramdaman ang lungkot sa boses ni Mama. Feeling ko may mangyayari ngayon na hindi ko alam. Pakiramdam ko may kakaiba. Ang feeler mo talaga, Aria. "Pero 'yon po ang kinakailangan para na rin po sa kaligtasan ni Aria." Teka nga, ano ba 'to? Panaginip pa rin ba 'to o totoo na? Kaligtasan ko? Bakit? Nasa panganib ba ako? May dumating bang mga Alien para i-abduct ako? "Lalo na po at anak siya ni Aire. Hindi na po siya maaaring manatili rito at mamuhay bilang isang mortal." Aire? Sino 'yon? Anak ako ni Aire? Aire ang pangalan ng tatay ko? Bakit ngayon ko lang nalaman 'yon? Ay ang taray! Dahil nga hindi na matanggap ng nalilito kong mga lamang-loob ang mga naririnig ko, inialis ko ang pagkakatalukbong ng kumot sa mukha ko. "Sinong Aire ba 'yong —-Ahhhhhhh!" Bigla akong napa-upo sa kama ko at kinuha ang unan ko saka ko ito itinakip sa mukha ko. "Aria! Kumalma ka!" sigaw ni Mama. "Jusko po! Mama, sino 'yan?! Ano 'yan?! Saan 'yan nanggaling?! Mama, nananaginip pa rin ba ako?! Sino 'yang tutubing 'yan?!" Diyos ko na mahabagin, hindi na po ako magpupuyat! Just wake me up from this nightmare! Utang na loob lang po! "Ako? Tutubi? Grabe ka naman, Aria." "Ay leche! Kinakausap ako ng tutubi! Ano ba naman 'to?!" "Aria, manahimik ka nga!" Lumapit sa akin si Mama para hampasin ako ng unan. "Aray naman, Ma! Bakit ba kayo nanghahampas?" tanong ko habang hinihimas ko ang ulo ko na hinampas ni Mama. Ang brutal talaga ng nanay ko na 'to. "Ang oa mo kasing bata ka!" Pumikit ako. Ayaw kong makita 'yong tutubing taong lumilipad sa kwarto ko. Jusko naman! Sino bang hindi maloloka kapag bigla ka na lang makakakita ng isang tao na maliit na parang isang dangkal lang yata ang laki at mayroon pang pakpak at galak na galak na lumilipad sa kwarto mo?! Susmarya! "Ma! Nananaginip ba ako?" tanong ko kay Mama habang nakapikit ako. "Hindi," sabi ni Mama. So totoo? May tutubing tao talaga akong nakikita? Ay nakakaloka! "Ma, 'wag ka namang gumawa ng ganitong joke. Masyadong nag-uumapaw sa effort para lang gisingin ako!" singhal ko. Hindi man lang sumagi sa nagmamatalino kong neurons na kayang maging creative ni Mama nang ganito kabongga. Jusme! "Sana nga panaginip na lang ang lahat ng ito, Anak para hindi mo na kailanganin pang umalis." Doon naman ako napamulat ng mata ko. Si Mama parang any minute ay iiyak na. Teka, kailangan kong umalis? Bakit? "Ma, what's going on?" I asked. Kahit na kinikilabutan ako, tiningnan ko na rin ang tutubing tao na kasama namin dito sa loob ng kwarto ko. Kulay abo ang suot niyang maliit na damit at gano'n din ang kanyang pakpak. Leche! May ganito ba talaga? "Your time has come, Anak," sabi ni Mama na hindi na napigilan ang umiyak. My time has come? Ano'ng ibig sabihin no'n?! Biglang nag-activate ang OA hormones ko at hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Mama. "Ma, may hindi ka ba sinasabi sa akin? Mamamatay na ba ako? May cancer ba ako? Tumor? Tapos last day ko na ngayon? Ano Ma?! Tell me!" Bigla akong binatukan ni Mama. Aray ha. "Para saan naman 'yong pagbatok mo na 'yon sa akin, Ma?" tanong ko na kunwari ay nasaktan talaga ako sa ginawa niyang pagbatok sa akin. Kaartehan mo talaga, Aria! "Lalo kitang mamimiss sa kakaganyan mo e. Loka-loka ka talagang bata ka." Aba! Ang ganda ko kaya, Ma! At kung loka-loka man ako aba ay alam na kung kanino ako nagmana! "Pero seryoso, Aria. Your time has come. You have to leave this human world," My mom said. "Teka lang, Ma." Pumunta ako sa bathroom ko at kumuha ng towel. "Sige, Ma. Panindigan mo na ang pag-english mo," sabi ko kaya natawa si Mama saka niya ako niyakap. Nakakaloka na talaga ang mga nangyayari. Parang sinasapian yata ang Nanay ko. "Ma, seryoso rin. Wala akong maintindihan. Nagdadrama ka ba ngayon kasi hindi nagbayad ng utang si Aling Lucia? Gusto mo, pasabugin na natin 'yong junkshop niya?" Natawa na naman si Mama. Natatawa siya habang umiiyak. Hindi ko na nga napansin na kasama pa rin namin 'yong tutubing tao dito sa kwarto ko e. "Aria, anak, makinig ka." Hinawakan ni Mama ang kamay ko at saka siya nagbuntong-hininga. Ay ang taray ng eksena na 'to! Nasa anong drama series ba kami ng Nanay ko at may ganitong pangyayaring nagaganap? Jusko! "Lahat ng sasabihin ko sa'yo ngayon ay totoo at dapat mong paniwalaan." Okay. Sasabihin ba ni Mama na ang ganda ko? Matagal ko nang alam 'yon e! "Okay, Ma. Makikinig ako. Go, spill it." Tiningnan ni Mama 'yong tutubing tao na ngayon ay nakaupo sa lampshade ko na nandito sa bedside table ko. Hanep ang tutubing 'to ah! Masyadong feel at home! "Gale? Ikaw na lang ang magpaliwanag." Oh. So Gale pala ang pangalan niya? Ay hindi mo ba narinig, Aria? 'Yong totoo? Bingi lang, 'te? "Hi Aria. Finally, nakita mo na rin ako," galak na galak na sabi niya at lumipad siya papunta sa harapan ko. Ano raw? Bakit? Bulag ba ako para hindi ko siya makita? Praning ba ang tutubi na 'to? "Gaya nang narinig mo, ako si Gale. Ako ang iyong Zana," she muttered before she smiled at me. "Zana? Anong Zana?" nalolokang tanong ko sa kaniya. "Mas maiintindihan mo siguro kapag sinabi kong, Fairy?" Aba matindi! Niloloko ba ako ng tutubi na 'to? Siya? Fairy ko? Jusme! Nilingon ko si Mama na naka-upo sa tabi ko. "Ma, pati ba ang kalokohan na ka-uri ng tutubi na 'yan si Tinkerbell ay kasama sa sinasabi mong katotohanang dapat paniniwalaan ko?" Jusko naman! Naglolokohan yata kami ngayon e. Ano ba'ng meron? "Oo, Anak. Nagsasabi nang totoo si Gale. Isa siyang Zana," sagot ni Mama. Ay ang taray! Nawindang ang kidney ko! "Teka nga lang sandali, kanina pa ako naloloka e. So, fairy kita? Kasamahan ka ba ni Tinkerbell?" Medyo natawa pa si Gale sa sinabi ko. In fairness, maganda ang tutubing 'to. "Hindi. Si Tinkerbell ay hindi totoo pero ang mga Zana na katulad ko, totoo," aniya. Mga? Edi marami sila? "Lahat ng elemental people dito sa mundo ng mga mortal ay may Zana." Elemental People? "Isa ka na do'n, Aria. Tungkulin naming siguraduhin ang kaligtasan ninyong mga elemental people dito sa mundo ng mga tao." "Teka! Information overload! Ano'ng sabi mo? Ako? Isa sa Elemental people chorvaness? Ano 'yon? Ma, ano ba'ng sinasabi nito?!" Nakakainis na ha. Hindi ko na kayang sakyan ang mga kapraningan nila Mama. "Just listen to me, Aria. Daughter of Aire, the god of air." Ano raw? "Say what?! I am the daughter of Aire? God of air?! Ano ba'ng sinasabi—-" "Aria..." Biglang may tumawag sa pangalan ko. Boses ng lalaki. Teka, paanong may boses ng lalaki e puro kami babae rito? 'Yong totoo? Minamaligno ba kami ngayon?! Undas na ba at bakit may mga ganitong kababalaghan?! "Aria, anak." Hanudaw?! Anak?! Kinikilabutan ako sa mga nangyayari. Kulang na lang ay tumindig ang mga balahibo ko sa kaba. Buti nga at umaga ngayon kasi kung gabi ito nangyayari ay baka kanina pa ako nag-planking palabas ng bahay namin. "Aire, ikaw ba 'yan?" saad ni mama saka biglang humangin ng malakas sa loob ng kwarto ko. Jusko naman! Ano ba'ng nangyayari? "Aire, ikaw nga!" sabi ni Mama habang feel na feel niya 'yong hangin na dumadampi sa balat nya. Hibang na ba ang Nanay ko? Aire? Sino 'yon?! "Aria, paniwalaan mo ang sasabihin ng iyong Zana. Hihintayin kita sa ating kaharian." At biglang nawala 'yong malakas na hangin sa loob ng kwarto ko. "Tell me that I am just dreaming!" I said habang sinasampal-sampal ko ang sarili ko. Anong kababalaghan ang nangyayari sa paligid ko?! "Handa ka na bang tanggapin ang iyong totoong pagkatao, Aria?" tanong ni Gale. Wala na akong lakas na makipagtalo pa. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Totoo ba talaga 'to? May ganito ba talaga? Akala ko, sa mga pelikula ko lang mapapanood 'to?! Ito na ba ang epekto ng pagka-adik ko sa anime? Sa Harry Potter? Sa Fairy Tail? Sa Inuyasha? Sa Spongebob?! Bakit naman nasingit ang spongebob e wala ka naman sa dagat, Aria! "Gaya nang sinabi ko kanina, ako ang iyong Zana. Ako ang naatasan na magbantay sa'yo simula noong ipinanganak ka sa mundong ito," aniya. Lumipad si Gale palapit sa akin. Napalunok ako noong nasa harapan ko na siya at talagang face to face ang drama naming dalawa. "E bakit ngayon lang kita nakita?" tanong ko. Kung totoong mula noong ipinanganak ako ay kasama ko na siya para bantayan ako, bakit ngayon lang siya nagpakita?! So ano 'yon? All this time ay naglalaro kami ng taguan?! "'Yon ay dahil wala ka pang kakayahang makita ako o kahit na sinong Zana sa paligid mo. Sa loob ng labing-walong taon ay namumuhay ka bilang isang normal na tao. Ikaw ay walang kapangyarihan dito, Aria. Ang iyong kakayahan ay mag-uumpisa kapag dumating ka na sa iyong ika-labing walong kaarawan. At ngayon ang araw na iyon, Aria. Kaya nakikita mo na ako ngayon at may kakayahan ka nang marinig ang iyong Ama," mahabang pagpapaliwanag ni Gale. Wow ha! Ang astig sana kung magiging movie ang eksena na 'to. Feeling ko ay parang bebenta 'to sa mga mahilig sa fantasy. Nakakaloka! Kapangyarihan chorvaness?! Nang-uuto yata ang isang 'to e! "So, may kapangyarihan ako?" tanong ko. "Oo, Aria. Lahat ng kapangyarihan na mayroon ang ating kaharian ay nasa iyo dahil anak ka ni Aire." Hanudaw?! Ang taray naman! Ako? May powers? Niloloko ba ako ng isang 'to?! "Hindi ako naniniwala. Tao lang ako!" I said. Kung isang malaking joke lang ito, pwes, hindi nakakatawa! "Gusto mong masubukan ang iyong kapangyarihang taglay, Aria?" tanong niya. Kinabahan naman ako. Ako talaga, may powers? Wow ha! "Paano?" I asked her back. E sa na-curious ang katawang lupa ko e! "Nakita ko si Jonathan na hinahalikan ni Stephanie kanina." Parang biglang kumulo ang dugo ko at talagang nagulat ng bongga ang small intestine ko sa sinabi ni Gale at ang nasabi ko na lang ay ang isang makabagbag damdamin na, "What?!" O 'di ba? Muntanga lang. Jonathan is my suitor. Malapit ko na nga siyang sagutin kasi may gusto rin naman ako sa kaniya. Hinihintay ko lang ang 18th birthday ko para hindi na kumontra si Mama. Tapos hinalikan niya si Stephanie?! Seriously?! "Mga walang hiya! Walang hiya ka, Jonathan!" Nagagalit ako. Pakiramdam ko, niloko ako! Nilingon ko ang picture ni James Reid na nakapost sa wall ko dahil nga kahit masakit sa ngala-ngala ay iniisip ko talagang kamukha ni Jonathan si James kahit hindi naman talaga totoo. Pampalubag-loob lang talaga sa sarili ko 'yon. "Magbabayad kang bisugo ka! Magsama kayo ng mukhang kuhol na Stephanie na 'yon!" sigaw ko. Bigla kasing napalitan ni Jonathan ang mukha ni James Reid at talagang na-realize kong hindi talaga tao si Jonathan. Lamang dagat ang hinayupak na 'yon! "Anak tama na!" Bigla akong natigil sa pag-iisip ng galit ko kina Jonathan no'ng sumigaw si Mama. Nakakaloka! Nag-eemote pa nga ako e tapos eeksena agad ang nanay ko?! "Ma naman e! Nagdadrama pa ang puso kong sawi tapos pinagbabawalan mo agad ako!" sabi ko habang nakanguso. Ang hilig kasing manira ni Mama ng moment e. "Kung hindi ako umeksena, baka liparin na ang buong bahay natin! Kaloka kang bata ka!" sabi ni Mama. Ano raw? Liparin ang buong bahay namin? Patawa talaga 'to si Mama. Pero halos mapanganga ako noong nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko, nagsitumbahan na 'yong mga cabinet ko. Pati mga picture frames na nakasabit sa wall ko, nalaglag. "Anong nangyari dito?!" sigaw ko. May bagyo ba? Lumindol? E bakit wala akong naramdaman na yumanig ang kwarto ko? Hala! Anyare?! "Ikaw ang gumawa nito, Anak. Sa galit mo kanina, hindi mo namamalayan, pati hangin ay kasama mong nagalit," pagpapaliwanag ni Mama. Really? Ako ang may gawa nito?! Tumingin ako kay Gale na lumilipad sa tabi ko. "Welcome to your real world, Aria," she said while smiling. Naloka ako ng bahagya. Ni minsan ay hindi sumagi sa imaginative brain cells ko ang ganitong pangyayari. Ano ako? Si Aang? The Last Air Bender lang ang peg? Gano'n?! Aba matindi! Kailangan kong pumunta sa bathroom at maghilamos. Baka sakaling mahimasmasan ako. Baka sakaling pagbalik ko ay wala na ang tutubing Gale na yon at bumalik na sa ayos ang kwarto ko. "Teka lang, Ma. Magbabanyo lang ako," sabi ko bago ako tumayo at dumeretso sa bathroom ko. Agad akong naghilamos ng mukha ko. "Hindi ito totoo. Panaginip lang 'to!" sigaw ko sa sarili ko. Tinapik ko pa ang mukha ko para lang magising ako sa katotohanan. Ipinikit ko nang madiin ang mga mata ko at nagbabakasakaling pagmulat ko ay back to normal na ang lahat pero pagmulat ko... Ang kulay brown kong mga mata ay naging kulay abo na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD