bc

Waiting Area (Short, COMPLETED)

book_age12+
11
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
brave
drama
tragedy
mystery
small town
disappearance
secrets
special ability
like
intro-logo
Blurb

Isang babaeng hindi makabitaw dahil sa pangakong pagbalik ng kanyang minahal ng sobra sobra. Hanggang sa makita niya ang kanyang minamahal sa piling ng ibang babae.

chap-preview
Free preview
Waiting Area
Ako nga pala si Cass. Cassandra D. Francisco. Ako yung tipong may pagkaisip bata at laging nakatawa. In short masarap akong kasama. SWEAR! Totoo yan! Kapag ako nakasama mo hindi pwedeng hindi ka tatawa – maglalock ang jaw mo. Haha! Mahilig akong kumanta at gumala. Writer din ako – pero sa dami ng nagawa ko ee konti palang ang napapublish. Haha! Hindi yata nagustuhan yung iba. Masyado na yatang mahaba ang pagkukwento ko sa sarili ko. Naiinip na kase ako dito sa kinalalagyan ko ngayon. Nakakaboring. Kahit maraming taong pabalik-balik sa harapan ko ee hindi naman nila ako pinapansin. Kahit nga mga kaibigan ko hindi rin ako pinapansin. Minsan nga nakaupo na sa harapan ko ee hindi parin ako kinakausap. Masyado yatang nagdamdam sa ginawa ko dati. Alam ko naman masakit para sa kanila yung naging disisyon ko pero ginawa ko lang naman yung makakapagpasaya sakin. Ok lang siguro to. Tablado ako. Mapapatawad din siguro nila ako. Ilang taon narin na ganito ang nangyayari. Paulit-ulit. Pagkagaling ko sa bahay, didiretso na ako dito, uupo at mag-aantay ng taong kakausap sakin. Madalas ibang tao pa nga ang bumabati sakin. Nangangamusta at mabilis din agad umaalis. Ganoon na ba kabusy ang mga tao ngayon? Hindi man lang magawang magkwentuhan at makapag-usap ng matagal. Minsan habang nakaupo ako sa tapat ng bahay namin ay may biglang naupo sa tabi ko. Hindi ko sya kilala. Bagong lipat lang yata. Ang alam ko malapit lang sa bahay namin ang bahay nila. Pamilya nya yata yung madalas kong marinig na nagsisigawan. Nung nakita ko kasi ang mukha nya ay naalala ko sya. Siya yung madalas umuwe ng gabing-gabi at lasing. "Bakit? Ano nangyari?" sabi ko sa kanya. Hindi ko na nagawang itanong ang pangalan nya kasi ramdam ko na babagsak na ang luha sa kanyang mga mata. "Lagi nalang ganito sa bahay namin. Hindi na naging maayos. Si Tatay walang tigil sa sugal at si Nanay naman ay halos hindi na umuuwe ng bahay" Hindi ako nakaimik nun. Hinahayaan ko lang sya magkuwento. Wala kasi akong masabi. "Hindi ko na nga alam kung anong gagain ko. Ayokong umuwe samin. Alam ko naman na hindi nila ako hahanapin" iyon ang huling sinabi nya sakin hanggang sa tumayo na sya at lumakad palayo. Naiwan nanaman ako mag-isa. Akala ko makakausap ko sya ng matagal para may makakwentuhan naman ako. "Lagi ka nalang ba dyan pupwesto? Hindi ka ba pupunta man lang sa ibang lugar?" Bigla akong napatayo nung narinig ko yun. Hinanap ko kung saan nanggaling yun. Nakita ko siya sa bubong namin. Nakatawa. Ang aliwalas ng mukha nya. May hawak-hawak na pisi at nagpapalipad ng saranggola. Umakyat ako dun. Tutal wala naman si mama kaya makakaakyat ako ng walang magagalit kahit mag-ingay pa ako sa bubong. Pinaupo nya ako sa tabi nya. "I'm Jeric and you are?" "Cass" maikling sagot ko. "Bakit ka nanjan palagi sa tapat ng gate nyo?" tanong sakin ni Jeric. "Wala naman. Dyan kasi ang pinakapaborito kong lugar." "Ako naman kahit saan ako mapunta basta may napapalipad akong saranggola, okay na sakin yun" Lalo nyang nilubayan ang pisi ng saranggola at lalong bumabakas sa mukha nito ang saya. "May boyfriend ka na?" Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan. May parang kuryenteng dumaan sa pagitan ng dibdib ko. "Oh bakit ka namumutla? Ikaw talaga" "Wala...wala ako nun.." iyon ang naisagot ko sa kanya. "Kwento ka naman. Matagal na kasi ako walang nakakakwentuhan dito. Kahit magpalipat-lipat ako ng bubong ee wala ako matyempuhan. Tahimik parin ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang ikukwento ko ee. "Sige, ako nalang muna ang magkukwento" "Alam mo Cass, matagal na ako sa lugar na ito. Hindi mo lang siguro ako napapansin. Lagi kong hawak tong saranggolang ito. Hindi ko ito pinapabayaan..." Tumigil siya sa pagkukwento at naupo sa tabi ko. Hawak parin nya ang tali na naguugnay sa saranggola. "..sabi kasi nya dati sakin, Sa twing hawak ko ang saranggolang ito ay walang makakapaghiwalay saming dalawa. Siya daw ang magsisilbing saranggola at ako naman daw ang hahawak ng tali" "Eh nasaan sya?" Iniangat nya ang kanyang ulo. Tumingin sa itaas at itinuro nya sakin ang saranggolang sumusunod sa ihip ng hangin. "Kahit hindi ko sya kasama ngayon alam ko babalik sya – babalikan nya ako. Kaya hindi ko bibitawan ang tali nito. Ito ang patunay na alam kong mahal nya ako at mahal ko rin sya" Pagkasabi nyang iyon ay bumalik ang sigla sa kanyang mukha at tumatawa ng malakas. Nadadala na nga ako sa tawa nya ee. "Oh ee ikaw naman? Bakit lagi ka nandun?" sabay turo nya sakin sa tapat ng bahay namin. "May inaantay kasi ako..." "Sino? Mama mo?" "Hindi.." "Papa mo?" "Hindi rin.." "Wag mo na ngang gawing pinoy henyo to, sabihin mo na" Tumayo ako at humarap sa pinapalipad nyang saranggola. "Inaantay ko ang pagbalik ng taong pinili ko..." sagot ko sa kanya habang nakangiti ako. "Saan ba sya nagpunta?" "Nandyan lang yun.. Baka nagbabasketball o maraming ginagawa" "Sigurado ka bang babalik sya?" "Oo naman. Mahal na mahal ako nun ee – hindi ako ipagpapalit nun" Bigla syang tumayo at pumuwesto sa gilid ko. "Naalala ko pa nga, ang saya-saya namin palagi. Sabay kaming nakain ng almusal nun. Dun sa kanto kina Aling Caring, napakasarap ng luglog dun! Sobra!" Tahimik parin si Jeric na nakikinig sa masayang kwento ko. "Nagsisimba rin kami twing linggo at nabili kami ng mani sa gilid ng simbahan at magsisindi kami ng kandila. Sabay kaming magwiwish na sana kami talaga at hindi na kami maghiwalay pa..." "...ang saya-saya ko kapag kasama ko sya, masaya rin sya. Tapos naalala ko rin na dyan kami sa tapat ng gate namin nagsimula, dyan din nya sinabi sakin na mahal na mahal daw nya ako at pinangako nya na kahit anong mangyari ay babalikan daw nya ako kung sakaling magkahiwalay kami" Inakbayan ako ni Jeric. Nakatawa sya at sabay na kaming nagkatawanan. "Pareho pala tayong may inaantay ee" "Oo nga ee" "Tara! Gala muna tayo?" "Ayoko. Baka kasi biglang dumating ang inaantay ko tapos wala ako, baka isipin nun pinagpalit ko na sya" Sabay ulit kami nagkatawan. Hawak nya parin ang tali ng kanyang saranggola. Ang sarap naman sa pakiramdam ng may kakwentuhan. Namimiss ko na tuloy ang mga kaibigan ko. Hihingi ako sa kanila ng sorry kapag nakita ko sila. Hihingi ako ng sorry kasi mas pinili ko si Jeffrey. Yung boyfriend ko. "Sinong kasama mo?" tanong ko kay Jeric. "Ako lang. Ayoko sila isama rito. Sigurado ako matatakot sila sa taas ng bubong nyo" kasunod noon ang malakas na pagtawa nya. "Tara na kasi.. Lakad lakad lang muna tayo. Promise babalik tayo agad" Pumayag na ako. Makulit kasi sya ee. Hindi naman siguro ako papagalitan ni mama. Malapit lang naman ang pupuntahan namin. Bago kami umalis ay itinali nya muna ang saranggola sa bubong namin. Hindi nya iyon ibinaba. Gusto daw nya na laging nalipad iyon. Bumaba kami ng bubong at nagsimulang maglakad-lakad sa kalsada. Nakarating kami hanggang sa malapit sa simbahan. Ang daming tao! Parang fiesta! Ang daming nagtitinda ng mga cotton candy at lobo. Kita ko rin sa mukha ng kasama ko ang saya. Yung ngiti sa tuwing napapadaan kami sa maraming tao. "Alam mo namiss ko to" sabi nya sakin habang hawak-hawak ang kamay ko. Dinala nya ako sa parke. Mas maraming tao dun. Parang ngayon lang ako nakapunta dun aa. Pero Parke ng bayan namin yun. Hahaha! Naririnig ko pa nga ang kanta ni David Pomeranz na Got to Believe in Magic. Ang sasaya ng mga tao dun. Bigla akong natigilan. Hindi ko maihakbang ang paa ko sa nakikita ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o kung ano magiging reaksyon ko. Ang sakit sa dibdib. Ang sakit sa kalooban. Ang sakit sa puso. Tatakbo na sana ako palayo nang hinigpitan ni Jeric ang pagkakahawak sa aking kamay. "Tingnan mo silang mabuti – titigan mo" Tumulo na ang luhang namumuo sa mga mata ko. Hindi ko na iyon napigilan. Gustuhin ko man humagulgol ng iyak pero hindi ko iyon magawa dahil maraming taong pabalik-balik sa harapan namin. Kitang-kita ko ang taong sobra kong minamahal na may kasamang iba. Ang saya-saya nilang dalawa. Kita ko sa mga mata ng mahal ko ang ngiti at sayang dulot ng kanyang kasama. Sumisikip ang dibdib ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hanggang sa napahagulgol ako ng iyak at niyapos ako ni Jeric. Wala na akong pakialam sa mga taong pabalik-balik sa harapan namin. "Lapitan natin sila?" mahinang bulong sakin ni Jeric. "Ayoko. Huwag na. Sapat na ang nakita ko. Masasaktan lang ako lalo" sinabi ko iyon habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko. "Akong bahala" Nilapitan namin silang dalawa. Umupo sa gilid ng inuupuan nila. Hindi nila kami pinapansin. Abalang-abala ang dalawa sa paglalaro at kuringgian. Lumipas ang ilang oras na ganoon ang sitwasyon namin. Katabi ko si Jeric samantalang may katabi naman ding iba ang taong sobrang matagal ko ng inaantay. "Hindi bale – babalik din sya sakin. Mag-aantay parin ako. Alam ko mahal ako nyan" sabi ko iyon kay Jeric. Nginitian lang nya ako at hindi na muling nagsalita pa. May dumaang nagtitinda ng bulaklak – puti at pulang rosas. Tinawag iyon ng taong mahal ko. Bumili ng tatlong puting rosas. Lalo akong nasaktan. Alam ko para iyon sa kasama nya. Muli tumulo nanaman ang mga luha sa mata ko. Ganito pala kasakit ang makita sila. Dapat hindi nalang ako umalis sa bahay. Dapat pala inantay ko nalang sya. Tumayo ang dalawa. Sinabi ni Jeric na sundan daw namin sila. Ayoko sana gawin yun kasi nakakahiya kapag nakita kami. Pero wala na akong nagawa dahil masyadong mapilit ang kasama ko. Nawili ako sa kwentuhan namin ni Jeric habang sinusundan namin yung dalawa. Napansin ko nalang na nasa isang lugar kami. Lugar kung saan tahimik at tanging ingay lamang ng puno ang maririnig dahil sa hampas ng hangin. "Magpopropose na siguro, bakit ba kasi sinundan pa natin sila. Ayan tuloy naiiyak nanaman ako" sabi ko iyon kay Jeric. Tahimik parin sya habang nagtatago kami sa isang malaking puno ng mangga. "Lapitan mo sila" sabi sakin ni Jeric. "Ayoko nga! Dyan ka na nga, babalik na ako samin. Dun ko nalang sya aantayin" Bigla akong hinaltak ni Jeric. Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa dalawang taong nakatayo. Pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Nahihirapan yata akong huminga. Pakiramdam ko ay nanlalamig ako sa sobrang kaba. Narinig kong nagsasalita sya. Mahina iyon. Pero alam kong naiintindihan ko. Nasa likuran nya ako. "Alam ko marami akong nagawang kasalanan sayo. Ang dami kong pagkukulang. Ang dami kong nagawang pagkakamali. Hindi ko nga alam kung mapapatawad mo pa ako..." Ako ba ang kausap nya? O yung kasama nya? Bakit parang ako? "...mahal na mahal kita...  totoo yun.." "KUNG MAHAL MO AKO HINDI MO DAPAT GINAGAWA ITO! LALO MO AKONG SINASAKTAN!" hanggang sa tumulo na ang luha ko. Hindi ko na iyon napigilan. Hindi nya sinagot ang sinabi ko bagkus nagpatuloy lamang ito sa pagsasalita. Nakatingin lamang samin dalawa si Jeric. "Kaya Cass, kung ano man ang mga nagawa ko dati sayo sana mapatawad mo na ako. Hinding-hindi kita makakalimutan. Kahit naghiwalay tayo tandaan mo mahal na mahal kita" Bigla akong napahagulgol ng iyak at niyapos ako ni Jeric. Ang tagal ng ganoong sitwasyon namin. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Tanging sakit lamang ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Gustong sumabog ng puso ko sa sobrang sakit. Biglang humarap sakin ang taong araw-araw kong inaantay. Araw-araw kong inaatay sa gate namin. Kaharap ko ang taong pinili ko kaysa sa mga kaibigan ko. Kaharap ko na sya. "Cass, mahal na mahal kita. Salamat" Lalo akong natigilan at hindi nakapagsalita. Yumuko sya. Inilapag nya sa harapan ko ang tatlong puting rosas. Kasabay ang pagsabing mahal na mahal daw nya ako. Nakatitig lamang sakin si Jeric. Lalong bumuhos ang luha ko. Humahagulgol na ako ng iyak. Nilapitan ako ni Jeric. "Anim na taon na Cass. Anim na taon ka na sa tapat ng gate nyo na nag-aantay. Anim na taon narin itong paulit-ulit na nangyayari" Nakayapos parin sakin si Jeric. Kitang kita ko parin na nakaupo ang taong mahal ko at hawak-hawak ang inilapag na rosas. Nabasa ko ang pangalan ko doon. Cassandra D. Francisco Born: September 11, 1981 Died: October 26, 2010 In loving memory   "Namatay ka sa car accident Cass. Hindi mo natanggap ang pagkakahiwalay nyong dalawa kaya umalis ka ng araw na iyon. Nabangga ka at hindi ka na umabot sa ospital..."     …BubeiYebeb

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
826.6K
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
685.3K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
317.5K
bc

My Favorite Subject

read
218.6K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
476.2K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook