Unang Kabanata

1251 Words
    Nagising ako na nasa ibang kama na ako. May dumaang sakit sa aking ulo dala siguro ng nainom ko kagabi. Nilingon ko ang paligid. No traces of anyone hanggang sa makarinig ako ng boses ng lalaki. Nagsitayuan ang balahibo ko doon. s**t!      May nangyari kagabi. Sinilip ko ang hubad na katawan. Ramdam ko ang paglalakad ni papalapit sa akin kaya naman humiga muli ako at nagpanggap na tulog.     "Hold them for me, Ron. I'll be there in 30." Maging ang boses niya ay buo. Napapikit ako ng mariin lalo na nang lumapit siya ng husto sa akin. Ramdam ko ang paghinga niya. Nagbukas ang pintuan ng cr at pumasok siya doon.     ko kilala ang lalaking iyon. Ni hindi ko nakita ang hitsura niya. I had s*x with a stranger, basta ang naalala ko na lang ay ang nakita niya ako sa bar. Pilit kong inalala ang hitsura niya pero walang pumasok sa utak ko. Damn! Virgin pa ako kagabi. Well, kagabi lang.     Tumayo ako at sinikop ang dress sa sahig. Sinuot ko iyon at nagmamadaling umalis. Lagaslas ng tubig ang naririnig ko mula sa cr. Tumakbo ako papalabas ng condo at pumara ng taxi. Nang dumating sa bahay ay higit higit ko ang aking hininga, patay ako kay Mommy.     Pagkabukas ko ng main door ay di ako nagkamali. Naroon si Mommy, nagbabasa ng magazine habang may kape sa harapan niya.     "Where have you been, Therese Gabrielle?" Tanong niya.     Kinabahan ako. Hindi ko naman pwedeng sabihing nakipag-s*x ako sa ‘di ko kilala kaya di ako nakauwi. Besides, baka patayin ako ni Mommy doon. Ngumiti ako ng nanginginig.     "Nakitulog po ako sa isang friend ko. Sobrang lasing kasi po ako kagabi. Hindi ko na kinayang magdrive pauwi. I'm sorry, Mom."     Binaba ni Mommy ang hawak na magazine. Doon ay napamura ako. Walang emosyon ang kanyang mga mata habang tinitingnan ako.     "Hindi mo pinaalam kay Clyde? Tumawag siya dito kagabi! He's worried. Umakyat ka na at maligo. You smell! Ipaalam mo kung nasaan ka. Tawagan mo si Clyde and say sorry."     Tumango ako at umakyat na para gawin ang inutos ni Mommy. Matapos maligo ay umupo ako sa harapan ng vanity mirror ko at dinial ang numero ni Clyde.     "Hello?" Narinig ko ang singhap ni Clyde sa kabilang linya.     "s**t, Therese! Saan ka natulog kagabi?" Tanong niya. Ngumuso ako. Maging ako ay hindi ko alam.     "Uh, sa friend ko. Pasensya na Clyde, ‘di ako nakapagpaalam."      "Friend? Babae o lalaki? Nakakahiya kay Tita. Nangako akong babantayan kita kagabi. Pinag-alala mo ako." Singhal niya. Umiling ako at umirap. Masyado na naman siyang protective.     "Syempre babae!" Pagsisinungaling ko. Baka lalo nang magalit si Clyde pag nalaman niya ang totoo. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.     "Okay, ready ka na mamayang 3pm?"      Naestatwa ako doon. Oo nga pala! May interview ako doon sa company na pinag-aaplyan ko.     "Shit." Mura ko.     "Wag mong sabihing nakalimutan mo? Therese naman! Kaka-text ko pa lang na pupunta ka. ‘Wag mo akong ipahiya doon sa koneksyon ko." pangaral niya. Mabilis akong naghanap ng isusuot sa closet.      "Oo na. Sige na bye! Magreready muna ako." Nang makahanap na ako ay mabilis akong nag-ayos ng sarili at ni-reprint ang resume ko. Naglagay ako ng light make-up.     Hinatid ako ng driver sa Sheer Advertising ng bandang alas dos y media. Kabado ako. Ito na ang final interview ko. Gusto ko talaga dito. Giniya ako noong isang babae papasok sa isang room. Pumasok agad ang isang matandang babae na may hawak na folder.     Tumayo ako at naglahad ng kamay. Tinanggap niya iyon.     "I'm Ms. Lina nga pala. Senior HR." Ngiti niya. Ngumiti rin ako pabalik.     "Therese po. Therese Cepeda."     Nag-umpisa ang interview sa akin. Tinanong niya ako tungkol sa pamilya. Nasama rin sa tanong kung bakit hindi na lang ako sa aming business nag-apply. Gusto ko kasing gumawa ng aking sariling pangalan. Ayokong umasa sa mga magulang ko.      Nagkakatuwaan na kaming dalawa. Medyo nawala ang aking kaba ng biglang sumungaw sa pintuan ang sekretarya ni Ms. Lina.      "Ma'am," Tawag niya. "Nasa labas po si Sir Silvestre."     Tumango si Ms. Lina at tumayo para puntahan muna kung sino man ang nasa labas. Nang makailang minuto ay bumalik si Ms. Lina kasama ang isang matipunong lalaki. Nagkatinginan kami. Napamura ako sa hitsura niya. Sobrang tangos ng ilong at napakaganda ng panga. Naka-three piece suit siya at may hawak na fountain pen.     Nag-iwas ako ng tingin. Tumikhim siya at tiningnan si Ms. Lina.     "Ms. Lina you may go back to your office. I will talk to her."      Naiwan kaming dalawa doon. Magkaharap kaming dalawa at tinutuktok niya ang kanyang pen sa lamesa habang nakatitig sa amin. Bumalik ang kaba ko. He's the boss here. Nasa harapan ko lang naman at tinititigan ako ng lalaki sa harapan ko.      "How are you related to Mr. Clyde Luna?" Iyon ang tanong niya. Marahil ay nagtataka kung bakit kinukulit siya si Clyde na bigyan ako ng special interview. Lumunok ako at tumingin sa kanya.     "He's my friend, Sir. We were college buddies." Sagot ko. Tumango siya at naglaro ang ngisi sa kanyang labi. "Anong magagawa mo para sa kompanya? Hanggang kailan mo balak na magtrabaho dito, Ms. Cepeda?"     Nakipagtitigan ako sa kanya. "Hanggang kailangan niyo po ang serbisyo ko." I honestly answered.      Nagulat siya at lalong ngumisi sa akin. Natuyo ang lalamunan ko sa tingin niyang iyon. Parang nakita ko na iyon sa kung saan. Nilagay niya ang kanyang hintuturo sa kanyang labi at pinaglaruan niya iyon. Napakagat ako sa labi ko at nag-iwas ng tingin.     "Anong serbisyo naman iyon, Ms. Cepeda?" Tanong niya. Nalaglag ang panga ko sa tanong niya. Medyo kinilabutan ako sa tono niya. Parangm,ay kung anong halay iyong kasama. Sumandal siya sa swivel chair.     "Anything related to work." I said. Tumawa siya at tumango,     "Alright."     kaming dalawa. Biglang pumasok ang isang babae na may dalang dalawang kape at pinatong iyon sa table. Ngumiti ako pero hindi iyon pinansin ng boss na nanatili pa ring nakatingin sa akin. Nang makalabas iyon ay mabilis namang nag-tanong ulit siya.     "Are you a virgin?" Halos masamid ako sa sariling laway. This is my first time pero alam kong walang ganito sa interview. Lumunok ako at nag-angat ng tingin. Hindi na. Hindi na simula pa kagabi. Kinagat ko ang labi ko at piniling hindi sumagot.     Lalo siyang ngumisi at tumayo na. "You cannot answer. But silence means yes. At least, naramdaman mo pala ako kagabi." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tiningnan ko siya at humalakhak siya habang nakahalukipkip sa aking harapan. Nilapit pa niya ang labi sa aking tenga.     "Surprised?" Ngumiti pa siya.      "You really have the guts to apply. Gayong iniwan mo na lang ako bigla kanina." Nabato ako sa kinauupuan. I don't know na siya iyon. Hindi ko nga maalala. Tumayo siya at umalis na doon. Naiwan akong tulala.     Inisip ko iyon. Hindi talaga maalala. Pero kaboses niya iyong kagabi. Sigurado akong siya nga iyon. Huminga ako ng malalim at napatingin lang sa kinauupuan niya. I had s*x with the boss. Napahilamos ako. Bumukas ulit ang pintuan. Si Ms. Lina na iyon. May malaki siyang ngisi at naglahad ng kamay sa akin. Tinanggap ko iyon kahit hindi ko maskyan ang mga nangyayari. Gulat pa rin ako.     "Welcome to Sheer!" Bati  niya. Napanganga ako. What the? Tanggap na ba ako?      "Po?" Hindi ako makapaniwala. She smiled at me.     "The confirmation just came straight from the boss. You can start on Monday, Ms. Cepeda." Ngumiti ako at nagpasalamat. At least, nakapasok ako. Huminga ako ng malalim at pumikit.  Shit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD