bc

Paano Ba Mainlove

book_age12+
38
FOLLOW
1K
READ
brave
drama
comedy
sweet
mxb
city
betrayal
lies
affair
actor
like
intro-logo
Blurb

Paano kung hindi pa tumitibok ang puso mo sa isang lalaki? Mawawala ka na din sa calendaryo pero wala ka pa ring karanasan sa pag-ibig.

Ano na lang mangyayari sa kanya? Forever na ba siyang magiging single o makakahanap siya ng lalaking magpapatibok ng puso niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
Dear Diary,     Paano nga ba mainlove? Sa tanan ng buhay ko hindi pa tumitibok ang puso ko sa isang lalaki! Anong gagawin ko? Forever na lang na akong single? Gusto kong magkaasawa at magkaanak pero bakit hindi ako mainlove-inlove? Please sana naman tumibok na yung puso ko sa isang lalaki! "JULIEEE! BUMABA KA NA DYANG BATA KA! MAG TATANGHALI NA PERO NANDYA KA PA RIN NAKAHILATA!" napasabunot ako sa sarili kung buhok dahil sa sigaw ni nanay. Daig niya pa ang alingawngaw ng sirena sa lakas ng boses akala mo nakalunok ng mega phone sa lakas eh baka nga umabot na sa kabilang kanto yung boses niya sa lakas. "Opoo andyan naa!" labag man sa kalooban ko na bumangon pero wala akong magawa. Aba takot ko lang na mabuhusan ng nagyeyelong tubig iba pa naman mainip ang nanay ko talagang bumubuhos ng may yelong tubig para diretsyo gising ang diwa. Ahh nakalimutan ko nga palang magpakilala, ako nga pala si Julie Pearl Bucsit ang nag-iisang perlas ng silangan ang pak na pak sa kakyutan pero walang jowa since birth. Keri lang sana kung walang jowa pero wala na ngang jowa wala pang manliligaw s***h wala pang nagkakagusto. Saan na lang mapupulot ang perlas ng silangan ko? Sa bangketa na lang ba ang beauty ko? Oo may beauty naman ako kahit papaano no, Maganda kaya ang mga lahi ng mga Bucsit. Oo sa twenty-eight years na nabubuhay ako never pa akong nainlove s***h wala akong experience sa love life. Pero kahit na ganon napuno naman ako nag pagmamahal at panenermon ng maganda kong nanay pero sa tatay ko pure na pagmamahal lang 'di naman kasi yun nanenermon nambabatok nga lang. Ewan ko nga ba sa mga nababasa at napapanood ko lagi na lang silang naiinlove ng mabilis. Yung sasabihin nilang 'ninakaw mo ang puso ko kaya panindigan mo ako' sa akin na walanh karanasan sa ganyan imbis na kiligin ako ay nandidiri pa ako minsan dahil ang corny lang. Pero sabi nga ng ate kong nagmamaganda ganon daw talaga pag inlove ka sa isang tao. Kahit ata iharap mo sa akin ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa hindi ako mahuhulog. Maski ata pagtibok ng puso ko sa isang lalaki waley as in wala. Oh kaya ang maihi sa kilig hindi ko pa nararanasan kahit ang tumalon sa tuwa makita lang ang crush wala din abnormal na nga ata akong tao eh. Buhay nga naman parang life mahirap makahanap ng lalaking mamahalin o sadyang abnormal na talaga ako? May ganon ba? Kung meron sabihin niyo nga baka kailangan ko lang ng check up. Napadaldal na ba ako? Sorry madaldal talaga ako kasi isa akong reporter na maganda simpre hindi natin ibababa ang sarili natin no maganda tayo kaya maganda ang buhay natin. Nang matapos na ako maligo ay nagtungo na ako sa baba para kumain baka mahuli pa ako sa pasok ko. "Bakit ba ang tagal-tagal mong maligo? Malalate ka na naman sa trabaho mo!" sermon ni nanay sa akin isa kasi akong tv reporter pero ok lang naman na mahuli ako dahil wala ngayon ang superior ko. Pero simpre yung nanay ko hindi tumigil sa panenermon nito. "Bawas-bawasan mo na kasi yang pagbabasa mo sa gabi. Puyat kana nga tapos may oras ka pa para magbasa kaya nahuhuli ka lalo sa trabaho mo dahil sa ganyang ugali mo eh." dagdag ni Nanay na ikinailing naman ni ate Lyn sa tabi habang nagkakape pa ito. Oa lang talaga ang nanay ko. "Nay pakainin niyo muna ako dahil kung hindi niyo ako pinakain mahihimatay ako sa daan at pag nahimatay ako sa daan mawawalan ako ng trabaho at pag nawalan ako ng trabaho wala tayong pambili ng pagkain at pag wala na tayong pambili ng pagkain magugutom tayo at pag nagutom tayo mamamatay tayo—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng binatukan ako ni Tatay. "Ang dami mong sinasabi kumain kana lang dyan dahil pag na late ka mawawalan ka ng trabaho pag nawalan ka ng trabaho wala tayong pambibili ng pagkain natin at pag wala na tayong pambili ng pagkain magugutom tayo at pag nagutom tayo mamamatay tayo." gaya ni tatay sa sinabi ko. Nag tumbs-up naman ako sa sinabi ni Tatay. "Tatay nga kita." ngiti kung sabi. Sobrang saya ko talaga dahil kakampi ko si Tatay. "At anak nga kita." nagyakapan pa kami pero pinahiwalay kami ng ate ko. "Ang oa niyong dalawa kumain na lang kayo."  napanguso naman ako pero kumain na din ako. Kahit kailan talaga panira sila sa amin ni Tatay. Kung kami ang magkakampi ni Tatay si ate at Nanay naman ang magkakampi oh diba pares pares lang ang peg namin dito. Pero simpre 'di kami magpapatalo sa kanila magaling kaya ako. Pagkatapos kung kumain ay nagpaalam na ako para pumasok. Baka mas mahuli pa ako sa trabaho ko kung sakaling magtagal pa ako masyado sa pagkain. Isa pa hindi din naman ako nakakain ng maayos dahil sermon ng sermon si nanay sa akin. Agad akong nagtungo sa sakayan ng jeep mabuti na lang at hindi traffic dahil hindi ako na late sa opisina. Pero may rules kasi dito sa PBC News dapat mas maaga ka ng 30 mins sa mismong work hour dahil may mga biglaan kasing trabaho. "Wala pa ba si boss?" tanong ko kay Sasha. Para naman siyang nakakita ng multo ng makita niya ako. Natataranta din siyang hinampas ako sa braso. "Oo kanina pa siya naghihintay sayo."  kinakabahan niyang sabi sa akin nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ano akala ko ba nakaleave siya?" natataranta ko ding tanong sa kanya akala ko ay nakaleave ito dahil may mahalaga naman itong meeting pero mukhang nagkamali ang source ko huhu! Mabilis kung inayos ang sarili ko pati na rin ang damit ko para magmukha akong disenteng tignan kahit papaano "Mamaya ko na ipapaliwanag pumasok kana sa office niya!" at ang gaga tinulak pa ako. Wala na din naman akong nagawa dahil nasa tapat na ako ng pintuan ng office ni sir huminga ako ng malalim at kumatok na lang ako ng marahan sa pintuan. "Pasok!" napasign of the cross ako dahil sa tono ng boses niya. Halata kasing wala ito sa mood dahil sa lamig nagpagkakasabi niya bakit ba kasi hindi ako nakinig kay nanay kanina? Mukhang masesermonan din ata ako sa kanya ahh. "Diyos ko bigyan niyo na po muna ako ng jowa bago ako mawala sa mundong to!" Dahan-dahan kung binuksan ang pintuan ng opisina niya at abala ito sa pagtingin ng isang report paper. Dahan dahan ko pang pinasok ang sarili ko isinara ko din ng dahan dahan ang pintuan. "Hinahanap niyo daw po ako sir?" magalang kung sabi sa kanya. "BAKIT KA LATE HA?! GUSTO MO BANG ITAPON KITA SA LABAS NG BINTANAA!" napapikit na lang ako sa lakas ng sigaw nito. "Ehh traffic sa edsa sir eh anong magagawa ko." dahilan ko pero ibinato niya sa akin ang isang vase pero agad ko iyong nasalo bago pa tumama sa akin. "Nagdahilan kapaa!" akmang ibabato niya ulit sa akin ang isang vase pero agad ko siyang pinigilan. "Hep! hep! hep!  Pag binato mo yan mabibitawan ko tong paborito mong vase!" saka lang niya napansin na ang paboritong vase niya pala ang nabato nito sa akin. "Walanghiya ka talagang babae ka hindi porque pamangkin kita lagi ka na lang late kung wala ako!" napanguso naman ako sa sinabi niya. "Lagi kaya akong puyat pagnandito ka." bulong ko pero narinig niya ang sinabi ko. "Isa pa hindi naman ako late ah ewan ko ba sa inyo gusto niyo mas maaga ako ng kalahating oras bago ang pasok ko." "Wag kana lang sumabat kung ayaw mo isuspende kita." tumingin ulit siya sa binabasa niya. "May mahalaga akong ipapagawa sayo." bigla itong sumeryoso kaya naman lumapit ako sa upuan sa harap ng mesa niya, inilapag ko muna ang vase bago umupo. Kilala ako bilang isang sikat na reporter dahil sa pagiging diterminado ko sa trabaho ko. Lahat ng mabibigat na news ay sa akin pinapahawak. Highschool pa lang ako ay gusto ko ng maging reporter. Hindi lang basta basta isang reporter kundi isang sikat na reporter. Madami na din akong nalagpasan na pagsubok bilang isang tv reporter pero masaya ako sa ginagawa ko. May inilahad itong folder sa akin na agad ko naman inabot at tinignan. Napakunot ako ng makita ko ang mga details tungkol sa isang sikat na actor na si Ash Vladimir ano naman kay ang ipapagawa sa akin ng matandang to? "Gusto kung manmanan mo si Ash Vladimir alam mo naman na may kinakasama ito ng halos limang taon na pero hanggang ngayon lihim pa rin kung sino ito. Alam mo din na hit pa rin ang movie nito na 'I'll Love You Untill the End' gusto kong ilabas ang identity ng babaeng kinakasama nito. Magiging hit ito sa social media at lalakas ang ratings natin." "Hmm. 'yun lang ba ang ipapagawa mo?" tanong ko sa kanya. Sumimangot naman ito dahil sa sinabi ko. "Napaka confidence mo talagang bata ka. Siguraduhin mo lang na may malalaman ka tungkol sa kanya dahil mahalaga yan." ngumiti naman ako sa kanya sa pagiging reporter ko masasabi ko talagang mataas ang tingin ko sa sarili ko dahil ganito ako lumaki eh. Ayoko ng natatapaktapakan ako dahil sa kung ano anong bagay. "Simpre ako kaya ang pamangkin mo." tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko. "Sige aalis na ako kailangan ko pang malaman kung sino ang girlfriend ni Ash Vladimir." "Ikamusta mo ako sa papa mo, sabihan mo din siya na tawagan ako dahil hindi naman niya sinasagot ang mga tawag ko." bilin sa akin ni tito sumaludo naman ako sa kanya. "Kilala niyo naman po si Tatay may pagkabingi din pero sasabihan ko po siya na tawagan kayo. Ikamusta niyo din po ako kay Dymple tito ah." bilin ko din sa kanya si Dymple ay matalik ko na kaibigan na inampon ni Tito dahil hindi sila magkaanak ng asawa niya kaya inampon nila si Dymple pero kahit na ganon ay hindi nila pinapalitan ang pangalan ni Dymple dahil iyon na lamang daw ang natitirang alala niya sa mga magulang nito na bigla na lang nawala. "Oo sige ikakamusta kita, dumalaw kana din kasi sa kanya dahil malamang wala naman siyang nagagawa sa bahay dahil puro kpop ang lagi niyang inaatupag sinabihan niya din ako na magpakabait sayo." umiiling pa si Tito. "Ang batang yun talaga parehas lang kayo ng ugali ng mga bata pa kayo ay hindi na kayo mapaghiwalay. "Ganyan po talaga kung magaganda tito laging magkasama. Sige na po Sir aalis na talaga ako napachika pa ako sa inyo eh." Nagpaalam na muna ako ng tuluyan bago umalis sa opisina ni sir Roland. Naalala ko tuloy yung mga panahon na magkasama kami ni Dymple nakakamiss pero mag kanya kanya din naman na kaming buhay ngayon lalo na ako na may trabaho pa. Magiging madali lang sa akin ang alamin kung sino ang girlfriend ng isang Ash Vladimir dahil ako si Julie Pearl Bucsit ang magiting na reporter na maganda pa. Si Ash Vladimir ay sang sikat na actor dito sa pilipinas maging sa Hollywood. May twenty-four movies na din ito at walong teleserye. Sino ba naman ang hindi sisikat kung sobrang gwapo ng lalaking yun kahit sinong babae ay mahuhulog sa kanya pero sa kaso ko malabo. Malabong malabo kasi yata mag h***d siya sa harapan ko ay hindi ko pagkakainterisan ang katawan niya. Ilang beses ko na din itong nakaharap pero walang epekto sa akin ang gwapong mukha nito maging ang matitipunong pangangatawan niya. Ewan ko ba sa sarili ko pag nakakakita ako ng abs imbis na matuwa ako ay nandidiri pa ako ano na self? Gusto mo ng magkajowa pero nandidiri ka naman? Shunga lang? "Buti buhay ka pa! Akala ko nilamon kana ng buhay ni Sir Roland biruin mo umabot pa sa elevator yung sigaw niya." niyakap pa ako ni Sasha ng makita akong nakaupo sa desk ko. Tinapik ko naman siya sa balikat dahil hindi ako makahinga. "H—hindi ako makahinga!" pinakawalan na din naman niya ako kaya nakahinga ako ng maluwag. Grabe sa payat niyang yun nagawa niya pa akong yakapin na to the point hindi na ako makahinga. Sabagay nag gy-gym siya kaya hindi na nakakapagtaka pero akala ko talaga malalagutan na ako ng hininga dahil sa ginawa niya. "Haha sorry na carried away lang ako pero anong nangyari? Himala at buhay kapa akala ko nga bangkay na kita makikita o kaya nasa kabaong kana eh." napasimangot naman ako sa sinabi niya. Grabe naman sa kabaong at bangkay. "Hindi naman halata na gusto mo akong mawala eh no?" mas napasimangot pa ako dahil ngumiti lang siya sa akin ng nakakaloko. "Hindi naman alam mo naman na ikaw ang una kung naging kaibigan dito kaya worried lang naman ako pero mas nag-aalala si Josh sayo yieee haba ng hair girl." sinuklay pa niyo ang imaginary hair ko kuno. Si Josh kasi ay kaibigan ko din dito well close friends napaka gentlemen ba tao biniro ko din siya na gusto ko ito pero agad ko din namang binawa dahil baka seryosohin niya. Sinabi ko din sa kanya na hindi pa ako nakakaranas na kahit na anong infatuation o love man yan. Naintindihan din naman niya ako dahil ganon din daw ang ate niya pero ngayon ay may asawa't anak nak. "Mag tigil ka ng Sasha baka mahagis kita paalis dito eh. Saka girl hindi ka ha busy? Busy ako dito ohh." tumingin pa ako sa nakabukas kung computer at may tinitipa na ako doon kanina ng sumulpot siya na parang kabute kung kabute nga lang siya baka kanina ko pa siya nabunot sa inis ko. "Ehh nandito lang naman ako para natungin kung ano pinag-usapan niyo ni boss? Alam mo na ikaw lang naman lagi niyang pinapatawag pag may big event o anong chukchukan ang alam niya." halata sa mukha niya na curious ito sa kung anong pinag-usapan namin pero mas mabuting wag ko munang sabihin sa kanya dahil baka mapurnada pa ang gagawin kung plano wala naman din sigurong masama kung manmanan ko muna si Ash ng palihim hindi ba? "May pinapagawa lang siya sa akin kaya ayon hindi ako namatay doon kagaya ng gusto mo. Alam mo na hindi naman yun magpapagawa sa akin ng kung ano ano kung hindi mahalaga kaya umalis kana muna kasi may gagawin na ako oh." napa ahh naman siya sa sinabi ko. Ang loka hindi pa ata naintindihan ang sinabi kung umalis dahil nanatili pa ri siya sa tabi ko. "Eh ano ngang pinagawa niya?" tanong niya ulit pero tumayo na ako at hinila siya paalis ng desk ko. "Alis na istorbo ka lang dito ehh." reklamo ko itinulak ko pa ito kaya wala na siyang nagawa kundi ang samaan ako ng tingin habang naglalakad papalayo bumuka din ang labi nito kaya binasa ko kung anong sinabi niya. 'Humanda ka sa'kin mamaya!' dumila naman ako sa kanya at ginalaw ko din ang labi ko para sumagot. 'Hindi ako takot sayo.' Bumalik na ulit ako sa desk ko at nag-umpisa na akong mag research tungkol kay Ash Vladimir para kahit papaano ay may alam din ako sa mga ginagawa niya. May daily vlog din ako na nakita sa youtube at pinanood ko iyon. Nalaman ko na sobrang talaga na talaga ng secret relationship nito sa mga tv shows na napanood ko pero wala talagang nakakaalam kung sino ng iyon. Kailangan kung paghandaan ang gagawin ko mukhang mapupuyat na naman ako para lang sundan ang isang Ash Vladimir. 'Humanda ka Ash Vladimir sisiguraduhin ko na malalaman ko kung sino man ang babaeng kinababaliwan mo' NAPASANDAL ako sa pader ng makita ko si Ash na papalabas ng condominium building nito kasama niya ang P.A nito at manager mukhang may pupuntahan silang shooting. "Wala na naman akong nakuha." bulong ko sa sarili ko. Ilang araw na akong pabalil balik dito sa condo niya pero wala pa rin akong nasasagap na balita kaya naman minabuti ko na lang munang umuwi sa ngayon. Ilang gabi na din kasi akong puyat para lang sa pagmanman sa kanya at talagang bibigay na ako kung hindi pa ako uuwi ngayon. "Bakit ba ang ingat-ingat ng lalaking yun? Wala man lang akong nakuha ni kahit na isang lead kung sino yung girlfriend niya. Ito talag ang mahirap sa pagiging isang reporter Julie Pearl hindi ka lang isang reporter dahil isa ka ding pulis na nagiimbestiga na parang baliw." kausap ko sa sarili ko pasalamat na lang talaga sila dahil gusto ko at mahal ko ang trabahong pinasukan ko dahil kung hindi malamang matagal ng sumuko ang katawan ko. "Julie Pearl?" napalingon naman ako sa likod ko ng marinig ko ang pangalan ko. Nakita ko naman si Josh na nakangiti sa akin habang kumakaway. Patakbo pa itong lumapit sa akin. "Ikaw nga akala ko nagkamali ako, ano nga palang ginagawa mo dito umagang umaga?" tanong niya sa akin tumingin naman ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Halatang kakagaling niya lang sa pagjogging. "As usual trabaho pa rin ikaw ba? Hindi kaba papasok ngayon? " takang tanong ko sa kanya umiling naman siya sa akin. "Hindi diba nga day off ko ngayon ikaw halatang pagod na pagod ka hatid na kita sa bahay niyo malayo pa naman ang bahay niyo dito." alok niya sa akin hindi na din naman ako tumangi dahil hinahatid naman niya ako dati pa. Iginiya niya ako pabalik sa condominium building kung saan nakatira si Ash. "Teka dito ka nakatira?" gulat kung tanong sa kanya pagmamahalin kasi ang mga condominium dito. "Ahh oo si mommy kasi eh mapilit saka binili nila sa akin to nung 21st birthday ko eh ayoko na din naman tangihan kasi nagustuhan ko agad ang condo ko." napangiti ako sa naisip ko. Pwede akong magmanman dito lalo na dahil nandito si Josh! "Hmm pwede bang malaman kung anong room number mo at floor number?" naguguluhan man ay sinagot niya ang tanong ko. "Eleventh floor, room 673." napangiti ako lalo sa nalaman ko. Eleventh floor din si Ash at room 670 lang siya!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.6K
bc

A Night With My Professor

read
495.5K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
453.4K
bc

Contract - Tagalog

read
753.3K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook