bc

SA TORE NG MGA LEON

book_age18+
1.7K
FOLLOW
5.4K
READ
revenge
others
family
inspirational
drama
mxm
like
intro-logo
Blurb

Gagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay.

Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at paghihiganti. Magawa kaya ni Roman na mapaluhod ang isang Monleon sa kanyang harapan at ganap na makamit ang katarungang kaniyang pinapangarap? Kwento ng pasakit, paghihihaganti, pag ibig at pagpapatawad sa buhay ng isang nagmamahal.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 Ang Manlalakbay
Lulan ng isang taxi si Roman patungo ng Maynila. Pitong na taon na rin siyang nawala sa pilipinas ng mangibang bansa at makipagsapalaran sa America. Pitong taon siyang lumayo upang makalimot sa kaniyang kasintahang si Mia Rosa na nagtaksil sa kaniya at ipagpalit sa isang mayamang binata. Isang Monleon ang umagaw sa kaniyang pangarap na magkaroon ng isang tahimik at masayang buhay sa piling ng kaniyang mahal na nobya. Kasabay ng pagtulo ng kaniyang pawis ang luhang pumatak sa kaniyang mga mata kasabay ng mga alaalang pinagsamahan nila noon ni Mia. "Pangako hindi tayo magkakahiwalay." Isang sumpaan nilang dalawa noon at mga plano ng isang payak na kasal. Yumuko siya at tinakpan ng kaniyang mga kamay ang mga mata upang ikubli ang sakit na nararamdamang pagsisinungaling at pagtataksil ni Mia Rosa. Para na rin siyang pinatay sa ginawang paglayo ng walang paalam ng babae. Hanggang ngayon ay naroon pa rin ang galit at kirot sa puso sa ginawang kataksilan ng babae. Kung pwede lang kalimutan ang nakaraan ay matagal na niyang nagawa. Ngunit ang multuhin siya ng nakaraan nila ni Mia Rosa ang bumuhay para bumangon at lumaban. Pitong taon siyang nagtrabaho bilang balasador ng baraha sa mga casino ng Las Vegas sa Amerika at pinalad na maging Manager doon dahil sa sipag,katalinuhan at "diskarte". Kung naghintay lamang si Mia Rosa, naibigay na sana niya ang pangarap ng isang magandang buhay. Ngunit binigo siya ng kaniyang pag-ibig at tinalikuran na lang ng basta basta. Ulila si Roman sa magulang at tanging tiyuhing pari ang naging suporta niya para mabuhay. Lumaking mahirap ngunit mayaman sa pangarap na makaahon sa kinagisnang buhay. Dahil sa pangarap na iyon ay iniwan niya ang siyudad ng Tagbilaran at pansamantalang lumayo sa kasintahan upang mag-aral sa isa sa pinaka sikat na paaralan ng Cebu. Matalino si Roman kaya’t nakapagtapos siya ng Business management bilang scholar. Sa kaniyang pagtatapos, akala niya ay ito na ang unang hakbang para sa katuparan ng kaniyang mga plano para sa sarili at para sa babaeng naghihintay sa kaniya. Kabaligtaran ng siya ay bumalik. Iniwan na siya ng kaniyang nobya at sumama pamaynila ng alukin itong maging isang sekretarya. Nasilaw si Mia Rosa ng mapanghalinang kwento ng buhay Maynila at yaman ng lalaking nakilala. Ilang linggo na pala siyang niloloko nito kahit noong nakakapagbakasyon siya sa piling ng kasintahan. Balita niya ay pinakasalan ng isang lalaking umagaw sa kaniyang mahal na kasintahan. Sa kanilang baryo ay may kaya ang pamilya ni Mia Rosa na nagmamay-ari ng isang maliit resort sa Isla ng Panglao. Dahil isang ulila at mahirap ay tutol sa kaniya ang mga magulang ng babae kayat nagsumikap siya,nagtapos ng kolehiyo upang patunayang kaya niyang buhayin at bumuo ng pamilya. Ngunit huli na pala ang lahat. Wala na si Mia Rosa. "Isang buwan ng buntis si Mia ng umalis siya dito.Roman sa iyo ang batang dinadala niya." Lihim na kwento sa kaniya ng pinakamalapit na kaibigan ni Mia Rosa. Dalawang linggo lang nagkakilala sina Mia Rosa at ng lalaki.Binilang niya ang araw ng huling nagsiping sila at napagtanto niyang kaniya nga ang dinadala nito. Nagbalak siyang bawiin si Mia Rosa subalit kahit anong impormasyon kung saan siya nagtungo ay ipinagkait sa kaniya ng mga magulang ni Mia. Ang tanging alam niya ay mayaman ang umagaw sa babaeng pinakamamahal. Walang laban ang diploma laban sa isang Monleon na nagmamay-ari ng Monleon Tower Hotel sa Makati. Isa lamang siyang alikabok sa kanilang paningin para pag-aksayahan ng panahon. Nalaman din niya na ang dalawa ay ikinisal sa Paris at doon nanirahan. Dahil sa pagkabigo, lumayo siya upang makalimot. Iniwan siya ng kasintahan dala ang lihim na sa kaniya ang anak sa sinupupunan nito. Gusto niyang magsimula muli at iwan ang lugar na sinilangan at kabiguan.Tinulungan siya ni Father Robert na kaniyang tiyo upang makapagsimula at sa amerika siya nakipagsapalaran. Inilabas niya ang kaniya leather wallet at kinuha ang isang tarheta. Naalala niya ang isang insidente na nag-udyok sa kaniya na muling bumalik ng pilipinas. "Salamat sa pagtulong iho, balang araw matutulungan kita dahil sa ginawa mong kabutihan sa akin." Isang calling card ang inabot sa kaniya noong may isang matandang lalaki na nawalan ng malay dahil sa diabetes na kaniyang tinulungan. Monleon Tower Hotel ang nakasulat sa business card. Pitong taon ang nakalipas, akala niya ay nakalimot na siya ngunit sinundan siya ng kahapon upang isakatuparan ang paghihiganti. Nagplano siyang umuwi upang bawiin ang nararapat sa kaniya. Nais niyang bawiin ang kaniyang anak. Nagtungo siya sa maliit na parokya na kaibigang pari ng kaniyang tiyo Robert. Dito siya mamalagi pansamantala. Mag-iipon ng impormasyon. Magbabantay,magmamatyag at maghahanda. Nagkalap ng mga bagay tungkol sa pamilya Mon Leon. Don Juancho Benitez Monleon Jr.-65, ang patriarkal ng pamilya,mayaman,isa sa may ari ng hotel Donya Demetria- deceased, Asawa ni Don Juancho Arch Michael Escobar Monleon - 25,anak, car racer,golf player,surfer,at pilantropo,tagapagmana ng maiiwang yaman ng ama. Mia Rosa Monleon- 23, asawa ni Michael Juancho Escobar Monleon III -6,anak ng mag-asawang Arch Michael at Mia Rosa. Ilan lamang sa mga impormasyon na kaniyang nakalap. "lalaki ang anak ko..." Lumuluha ang mga mata na makita niya ang larawan ng anak sa isang magazine. Dapat ay pangalan niya ang dala ng batang ito. Isang junior na kaniyang palalakihin sana ngunit inilayo ng kaniyang ina para sa kayamanang alok ng mga Monleon. Isang linggo palang siyang namalagi sa tinutuluyang parokya ng isang balita ang kumalat. Bumagsak ang pribadong eroplanong sinasakayan ng dating kasintahan kasama ang asawa nito. Isang balitang bumago ng kaniyang paghihiganti. Naulila ang bata sa kaniyang ina at hindi alam ng bata na narito lamang ang kaniyang tunay na ama. Ilang araw na laman ng balita ang pagkamatay nila subalit hindi nagpaunlak ang pamilya sa mga interview. Patay na ang sanhi ng kaniyang paghihiganti at tanging pagbawi na lang sa anak ang kailangan niyang gawin. Isang pagpaplano ang kaniyang gagawin upang mapalapit sa kaniyang anak. Nagpalipas siya ng Tatlong buwan upang humupa ang balita ng kanilang pagkamatay. Sapat na ang panahong iyon upang simulan na ang kaniyang paghihiganti. Nakabili siya ng condo na malapit sa Monleon tower upang maisagawa ang kaniyang plano.Pinaayos niya ng ayon sa kaniyang kagustuhan at plano kayat hindi pa maaring lipatan. Doon muna sa Monleon Tower siya mamalagi na tatlong araw. Tatlong araw para makakuha ng pagkakataong masimulan ang kaniyang mga balak. Sa lungga mismo ng mga leon siya magsisimula. *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
608.5K
bc

NINONG II

read
618.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.8K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
47.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook