bc

Wishing Girl

book_age0+
26
FOLLOW
1K
READ
drama
twisted
like
intro-logo
Blurb

It started when Mazelyn Reyes wish in a fountain. She wishes her boss Shilo Wang to get falling in-love with her. Because of that simple wish her life change. She meets her real mom which is the business partner of Shilo's dad.

Naging magkaibigan si Shilo at Mazelyn bago pa man nakilala ni Maze ang totoong ina. Akala ni Maze ay iyon na ang simula ng magandang buhay pag ibig niya ngunit nagkamali siya. Dahil may taong magbabalik para muling tuparin ang pangako nito kay Shilo.

Paano na ang pagsinta niyang inabot ng tatlong taon?

© 2019

chap-preview
Free preview
PROLONGUE
NASA waiting area ng mga applicant si Mazelyn. Kanina pa siya kinakabahan. Nanlalamig din ang kanyang mga kamay. Mag iisang buwan na siyang naghahanap ng trabaho. Halos lahat ng pinag-applyan niya ay rejected siya, kahit nga iyong hindi umabot sa minimum wage ay pinatos na niya para lamang makakuha ng trabaho ngunit talagang hindi siya pinalad. Nawawalan na talaga siya ng pag-asa na makakapasok sa isang kompanya at maging isang office staff. Kaya kapag hindi pa siya makapasok doon ay maga-apply na lang siya na kahera o sales lady sa mga mall. Wala naman siyang magagawa. Hindi pwedeng hindi siya magkaroon ng trabaho sa loob ng dalawang buwan. Kawawa ang kanyang ina na may sakit. Papasok na ng kolehiyo ang bunso nila ngayong pasukan. Natigilan si Mazelyn ng tinawag ang pangalan niya. "Ako po iyon." Sabi niya. Ngumiti ang babae. "Good morning Ms. Reyes. Follow me please!" Kinuha niya ang bag na dala pati ang isang folder bago sumunod sa babae. Isang nakasarang pinto sila huminto. Kumatok muna doon ang babae. "Come in!" sigaw mula sa loob. Binuksan ng babae ang pinto at pumasok doon. Sumunod naman siya. Tumambad sa kanya ang napakagandang kwarto. Napakalinis ng office na iyon. Napatingin siya sa unahan. May lalaking naka upo sa isang malaking mesa. Nakatutuk ang mga mata nito sa monitor na nasa harap nito. "Sir, narito na po ang isang applicant." Napatingin sa kanila ang lalaki. Nagulat pa siya ng magsalubong ang mga titig nila. Ang gwapo ng lalaki na nasa harap niya. Kamukha nito ang paborito niyang anime na si Sasuke. Umupo ng tuwid ang lalaki. "You can leave us now, Anniza." Seryusong sabi ng lalaki. Yumuko ang babae. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Good luck." She said in a low voice. Lumabas na ang babae at naiwan siya doon na nakatayo pa rin sa gitna ng opisina ng lalaking nakatitig nang mataman sa kanya. "Have a seat, Ms. Reyes." Basag nito sa katahimikan. Yumuko muna siya bago sinunod ang sinabi nito. Umupo siya paharap dito. Seryuso pa rin ang lalaki habang binabasa ang resume niya. Lalo tuloy na dagdagan ang kabang naramdaman niya. "Okay! Let me introduce myself first." Sabi ng lalaki nang mag-angat ito ng mukha. "I am Joshua Wang, I am the Human Resources manager. You can call me Josh or Mr. Wang." "Nice to meet you Mr. Wang." Sabi niya at nilahad ang kamay. Nagulat ang lalaki sa ginawa niya pero agad din itong nakabawi. Tinanggap nito ang kamay niyang nakalahad. Magpapakilala na sana siya dito ng bumukas bigla ang pinto at pumasok ang isang lalaking galit na galit. "I told you to look for a new secretary for my brother. Bakit na sa kanya si Carila ngayon?" galit na galit na sigaw ng lalaki. Nakasunod dito si Anniza na sobrang putla. Kalmadong tumayo si Joshua at hinarap ang lalaking kararating lang. "Wow!!! Calm down, Shilo." "How can I calm down? You let my brother took Carila to me. Bakit secretary na ng kuya ko si Carila?" "Your brother requests it. He is the president of the company. May karapatan siyang mamili kung sino ang magiging secretary nito." Nakita niyang lalong nainis ang lalaki sa naging sagot ni Joshua. Namumula na ito sa galit. Ang puti kasi ng lalaki. Super cute ng mga mata nitong maliit. Hindi ganoon ka kapal ang mga kilay nito. Matangos din ang mga ilong nito na pinarisan ng mapupulang labi. Ang gwapo nito at the same time ay cute din. Kahit galit na galit ito ay hindi niya pa rin napigilan na hindi hangaan ang gwapong mukha nito. Sa buong buhay niya ngayon lang siya naging interesado sa isang lalaki. Iyong lalaking nasa harap niya ngayon ay iba sa mga lalaking nakakasalamuha niya. At habang nakatitig siya sa mukha nito ay pakiramdam niya nakakita siya ng mga angel na nag-aawitan. Nasa langit na ba siya ng mga sandaling iyon. Bakit may angel siyang nakikita? "Gawan mo ng paraan na maging secretary ko ulit si Carila kung hindi ay matatanggal ka sa trabaho. Kahit pinsan kita ay kaya kitang alisin sa trabaho mo." May pagbabantang sabi nito at lumabas ng kwarto. Malakas nitong isinara ang pinto na ikinagulat niya. Umangat pa siya sa pagkaka-upo sa sobrang gulat. Hindi niya napigilan ang mapasimangot. Umalis na ang angel. Para naman nagising sa isang panaginip si Mazelyn. Napakabastos naman ng mukhang angel na lalaking iyon. Mukhang angel na ugaling demonyo. Pumasok ng opisina ni Joshua ng hindi kumakatok at umalis ng hindi nagpapaalam. Well, nakita naman niyang galit na galit ito. Nakakatakot naman itong magalit. Parang kulang nalang ay ihagis nito lahat ng gamit. Ngunit hindi niya alam kung bakit hindi siya na turn off sa ginawa nito. Instead she finds him interesting. Ngayon palang ay gusto na niyang makapasok sa kompanyang iyon. Gusto niya ulit makita ang lalaking iyon. Gusto niya ulit masilayan ang gwapong mukha nito na kahit galit ay ang sarap titigan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.5K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.8K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.4K
bc

That Night

read
1.1M
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook