bc

Stallion #11: KAI MONTEZOR

book_age0+
4.1K
FOLLOW
20.1K
READ
friends to lovers
playboy
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Kai was a freakin’ playboy, that is, according to Zia. Kilala niya ang lalaki hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng pagkatao nito. Saksi kasi siya sa mga adventures nito sa mga babae. Paano’y bahagi siya niyon.

Siya ang tagapagligtas ni Kai sa tuwing gusto na nitong makipaghiwalay sa mga girlfriends nito. nagpapanggap silang magkasintahan, mag-fiancee at mag-asawa. Lahat naman ng gimik, pinapatulan ng mga babae nito. Kai was always free because of her. But for the right price.

Hanggang isang araw, she just had enough. Ayaw na niyang tulungan ito. Lalo na dahil siya mismo ay hindi niya matulungan upang pigilan ang sariling huwag mahulog ang loob dito.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
ABALA SA pagbabasa si Zia ng bagong labas na paperback ng paborito niyang writer na si Dan Brown nang marinig ang sintimyento ng isa sa mga crew niya sa pag-aaring bakeshop na iyon. “Ang sabi niya mahal niya ako.  Pero kamukat-mukat ko, may iba na siyang babae!  Nangako pa siya sa akin noon na magbabago na siya dahil pinatawad ko na siya.  Pero anong ginawa niya?  Niloko pa rin niya ako!  Walanghiya talaga ang mga lalaking iyan!  Puro na lang hinanakita at sama ng loob ang ibinibigay sa mga mga babae. Mamatay na sana silang lahat at malusaw sa impiyerno ang mga kaluluwa nila!” “Amen to that,” sambit na lang niya saka ipinagpatuloy ang pagbabasa. “Mahal na mahal ko naman siya.  Ibinigay ko na sa kanya ang lahat pero…pero…” “Pero nang makuha na niya ang gusto niya sa iyo, nilayasan ka na lang basta,” pabulong na dugtong ni Zia sa sasabihin pa sana nito.  “Why do women never learn?  Men are creatures with two legs and eight hands.” Hindi niya iyon sinasabi dahil lang sa cynic siya o bitter siya sa mundo.  Mayroon lang siyang matatag na first hand experience sa mga ganitong sitwasyon. “Pero mahal ko talaga siya,” patuloy na pagnguyngoy ng kanyang crew.   “So, kung sakaling humingi siya ng tawad sa iyo,” tanong ng isa pa niyang tauhan dito.  “Tanggapin mo uli siya?” Sandaling katahimikan.  “E…mahal ko nga siya, eh.  Kaya hindi ko rin naman siya matitiis—“ “Ay, tanga,” napalakas ang boses niya kaya napansin niyang napatingin sa kanya ang mga tauhan.  “Ang tanga-tanga talaga ng character na babae sa nobelang ito.  Hindi marunong umintindi.  Ang daming drama.  Hindi na lang ayusin ang buhay niya imbes na ang paghahanap sa kung ano-anong relics na kesyo descendants siya ni Jesus Christ and everything.  Ako din, descendants din ako ni Jesus Christ pero hindi ko inaaksaya ang oras ko sa paglilinaw sa pinagmulan ko ng kanunu-nunuan ko.  Basta kuntento na ako na ang lahing pinanggalingan ko e taga-Iloilo.” Nakatangin na lang sa kanya ang mga ito na tila ba sinasabing ‘ano kaya ang problema ni bossing sa mundo?’.  Zia adjusted her eyeglasses and continued reading.  Minsan talaga, tinatamaan siya ng sarili niyang kakornihan.  Dapat talaga, hindi na siya nakikialam sa buhay ng may buhay at nang hindi na siya napapahiya sa iba at sa kanyang sarili. Natigil lang siya sa pagbabasa nang mapalitan ng isang pulang rosas ang mga letra ng librong binabasa niya.  Ibinaba niya ang aklat at ang guwapong mukha ng lalaking dapat ay hindi na niya pinakialaman pa ang bumungad sa kanya. “A lovely rose for a lovely lady.” “What do you want, Kai?” walang gana niyang tanong sa bagong dating. “Wala naman.  Masama na bang bigyan ng bulaklak ang pinakamagandang babae sa buong mundo?” “Oo.  Dahil alam ko naman na ilang minuto lang, may sinabihan ka na rin ng ganyang mga linyahan.”   “Wala, ah.”  Masuyo pa nitong sinamyo ang amoy ng bulaklak na tila iyon na ang pinakamabangong naamoy nito.  “Alam mo namang ikaw talaga ang pinakamagandang babae para sa akin kapag pumupunta ako rito—“ “Oo nga.  Dahil may kailangan ka.  Na naman. Kaya imbes na mag-drama ka pa riyan, sabihin mo na ang pakay mo.”  Napabuntunghininga na lang siya.  “You’re in trouble again, aren’t you?” Kai’s sheepish smile curved his lips.  Zia had to admit, he maybe a full-grown ass man acting childish but he was really cute. Way too cute. At batid din niyang fully aware ito sa katangian nitong iyon kaya nga ginagamit nito ang feature na iyon para sa maka-score sa mga babae na nagugustuhan nito.  Na hindi naman pumapalya dahil pinapatulan ng mga babae.  His cuteness never failed to amuse women.  Pero iyon din ang madalas nitong ikapamahak.   “Ano na naman ang ginawa mo, Kaiser Montezor?”  Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa kanyang aklat.  “Ah, wait.  Don’t answer that.” Naupo ito sa gilid ng mesita paharap sa kanya.  Nakadikit pa rin sa ilong nito ang bulaklak. “Caroline’s getting serious about our relationship.” “Anong masama? Magpasalamat ka nga at may sumeseryoso pa rin sa iyo kahit ganyan ka.” “Anong kahit ganyan ako?” “You’re a pheromone machine and your count of women you played is higher than the number of capillary vessels in your body.” “Wow. Very descriptive. Saan mo nadampot ‘yan?” “Sa anime na pinapanuod ng pamangkin ko noong nakaraang linggong dumalaw ako sa kanila.” Bahagya niyang ginalaw ang libro. “Shoo! Alis ka dito. Istorbo ka sa pagbabasa ko.” Pero tumawa lang ito saka nakangising kinuha ang librong binabasa ng dalaga.  “The Alchemist by Paulo Coelho.  Nice.” “Nabasa mo na iyan?” “Hindi pa.”   “So, bakit sinabi mong ‘nice’?” “I was pertaining about you reading a book. Not the book per se. Anyway, ‘nice’ din naman ang librong ito kahit hindi ko pa nababasa. Alam ko kasi na hindi ka magbabasa ng mga walang kuwentang aklat.” Nilingon siya nito.  “Am I right or am I right?” Mas korni ‘to sa pinaka-korni kong joke. Kinuha na uli ni Zia ang libro mula rito.  “Gusto mong makawala sa Carol na iyon kaya nandito ka na naman sa harapan ko.  ‘Di ba?” “Caroline,” pagtatama nito.  “She doesn’t want to be called Carol.  Commoner’s name daw ang Carol.” “Bakit, ano ba siya? Diyosa?  May espesyal ba sa kanya na wala sa ibang ‘commoner’? Kumakain ba siya ng pako? Bumubuga ng apoy? Nakaka-hatsing ba siya nang hindi pumipikit?” Malakas na napahalakhak si Kai. Mayamaya pa ay nakisiksik na ito sa kanyang tabi at inakbayan siya.  Zia immediately breathed in his familiar masculine scent that she really like.  Hanggang ngayon ay ganon pa rin ang amoy nito, gaya noong unang beses silang nagkita at nagkakilala nang nasa highschool pa lang sila.  They were classmates on their fourth year. At nabanggit niyang minsan rito na gusto niya ang amoy nito, kaya siguro hindi na ito nagpalit pa ng brand ng pabango. “I knew you would find something wrong with her,” wika nito.  “Ako kasi, alam kong may kakaiba sa kanya pero hindi ko ma-pinpoint.” “Ayaw mo lang aminin sa sarili mo na palpak ka talaga pumili ng mga babaeng nakaka-relasyon mo.” “Hindi naman…” “Okay. So, puwede pakitanggal na ang braso mo sa balikat ko?  Mabigat po kasi.  Bakante nga rin pala ang isang silya doon sa kabila.  Baka naman balak mong doon na umupo at nang hindi ka na nakikisiksik pa sa puwest ko.” “Don’t worry about me, Zia. Okay lang ako rito.” Muling inialay ni Kai sa dalaga ang mga rosas. “Ayaw mo pa rin nito?” “Orchid is my favorite flower.” “Ha? Kailan pa?” “Since birth.” “Talaga? One month old ka pa lang, nakakakilala ka na ng roses at orchids?” Masamang tingin lang ang isinagot niya rito. As usual, ngiti lang din ang itinugon nito kahit alam ni Zia na alam ni Kai na naaasar na siya rito. “Yeah, you’re a genius since birth, Zia. I agree with you. Nakakakilala ka na ng bulaklak one month old ka pa lang. Alam ko rin na nakaka-identify ka na ng mga--” “I want you out of my seat, Kaiser.” “Galit ka?” “Move. Now.” “Pero may sasabihin pa ako--” “Okay. Sabihin mo na. Doon sa kabilang upuan.” “Dito na lang ako. Kailangan kong makita ka nang malapitan para masabi ko nang maayos ang pakay ko, eh. Alam mo kasi, Zia, kapag nakikita ko lang ang napakaganda mong mukha ay saka lang dumidiretso ang utak ko--” “Kai.”  “Okay, okay. Chill. Relax. Breathe in, breathe out, Zia. Baka maglitawan ang mga non-existence wrinkles mo, lalo kang hindi magkaka-boyfriend niyan.” Ibinagsak na lang ni Zia ang libro sa mesita at siya na ang kusang lumipat sa kabilang silya. May kinuha rin siyang maliit na notebook at ballpen sa table.  “Anong oras tayo magkikita mamaya at saang restaurant?  Oo nga pala, wala na akong bagong damit kaya huwag kang magtaka mamaya kapag ‘yung nakita mo ng damit na naisuot ko na noon ang makikita mong suot ko.”  Isa-isa na niyang isinulat ang detalye ng panibagong misyon niya sa buhay ni Kai.  “One more thing, mas mataas na ang magiging singil ko ngayon dahil tumaas na ang presyo ng gasolina.  Idagdag pa ang vat.” “Gasolina?  Anong gagawin mo roon?  Lalaklakin?” Matalim na tingin uli ang ibinigay dito ni Zia. Ngumisi lang ulet si Kai. “Biro lang, biro lang. Ituloy na natin iyang listahan mo. Ha? Game.” This has always been their agenda everytime he would wanted to get out of the claws of the women he was with.  Highschool pa lang sila, ganito na sila.  Tranferee ito mula sa isang exclusive private school.  Nabalitaan niyang kaya lang ito pinaalis sa nauna nitong paaralan ay dahil nagkakagulo ang mga estudyanteng babae roon nang dahil dito at naiistorbo na ang pag-aaral ng mga ito. Pero kahit ang mga kakabaihan sa paaralan nina Zia ay hindi rin nakaligtas sa kakaibang karisma ni Kai.  Some would even follow him at home or suddenly appeared at restaurants where he was having meals with his family, or even turned up to places where he was enjoying with his friends.  Si Zia nga lang yata ang hindi naapektuhan ng karismang iyon.  Marahil ay dala iyon ng pagiging magkatabi nila sa upuan sa klase.  Kumbaga, nasanay na siya sa presensya nito. Hanggang isang araw, napilitan si Zia na makipag-kompromiso kay Kai dahil wala siyang pambayad ng school project nila noon.  Nagkataon kasi na nagkaroon ng emergency sa bahay nila at napunta roon ng lahat ng extra money ng kanilang pamilya. Kaya hindi na humingi si Zia ng allowance sa mga magulang niya. Nang malaman iyon ni Kai, he offered to help her kapalit ng pagtulong din nito sa kanya.  That is, ang magpanggap na girlfriend nito sa mga babaeng lumalapit dito.  Effective ang ginawa nila dahil nagkataon naman miyembro siya ng drama club sa kanilang paaralan.  Sisiw lang sa kanya ang magmaldita o ang maging kaawa-awang girlfriend na pinagtataksilan ng walang kuwentang boyfriend.  Kaya naman nawili si Kai sa pamba-bribe sa kanya.  Which was fine with her, since napapakinabangan niya ang ang perang ibinabayad nito para makaluwag sa kanyang pag-aaral.  Iyon pa rin ang drama nila nang magkolehiyo sila sa parehong unibersidad sa bansa. Kai proved to be a great financial mogul, though, by using his money to get what he wants.  That is, his freedom everytime he wanted out of a relationship.  By using her.  On the other hand, she was a business-minded person without any means of making it.  Pero dahil kay Kai at sa ibinabayad nito sa kanya, nakaipon siya at nakapagpatayo ng maliit na negosyo na ngayon ay lumalakas na rin, thanks to her effort.   They were good for each other because of the way they were. “Kai,” she calmly called to him without taking her eyes off her notes. “Hmm?” “Tigilan mo ‘yang pagsinghot mo sa amoy ko.” Umayos naman ito ng upo ngunit hindi pa rin ito lumilipat ng puwesto.  She continued silently writing notes when she called him again.  “Kai.” “Hmm?” “Stop staring at me.” “Zia.” “Huwag kang gaya-gaya, Kai.”  Ibinigay na niya rito ang notebook at ballpen.  “Ganon pa rin ang transaction natin.  Ididiretso mo sa bank account ko ang bayad—“  Napakunot ang kanyang noo nang mapansing titig na titig ito sa kanya, lalo na nang hawakan nito ang kanyang buhok. “Humaba na ang buhok mo, Zia.” “Matagal ng mahaba ang buhok ko.” “No.  You cut it two-inches shorter last month.” “Paano mong—“ “At nagpalit ka na rin ng brand ng shampoo, ano?”  He fingered the silky strands of her hair.  “You still smell great, though.” Medyo nagulat siya sa side na ito ng binata.  ‘Yung bang hindi puro sarili lang nito ang nakikita.  Dahil napansin nito ang maliliit na detalyeng iyon tungkol kay Zia na ni hindi nga alam ng mga taong pinakamalalapit sa kanya.  Pero agad din naman niyang binigyang katwiran ang mga komentong iyon ni Kai.  As a freakin’ playboy, natural na lang dito ang maging observant kahit sa maliliit na bagay para nga naman isipin ng mga babaeng pinopormahan nito na thoughtful ito at sa bandang huli ay mahuhulog na ang loob ng mga ito dito.  But not her.  She just knew him too much about him to fall for his charms. “Nagpalit nga ako ng brand ng shampoo.  Stallion Shampoo.” “Yeah.  Familiar sa akin ang amoy. ‘Yan din kasi ang paborito kong branda ng shampoo these days. Stallion Shampoo for men. Neiji really made a fortune out of it.” “Neiji who?” “A friend of mine from the Stallion Riding Club.  He was the man behind that newest and hottest shampoo brand in the market.” Stallion Riding Club. Ang pinaka-exclusive na equestrian club sa bansa. Pinaka-sikat din dahil sa mga members niyon na nag-guest appearance sa commercial ng paborito niyang shampoo ngayon. ‘Guwapo ng mga iyon, not gonna lie. Walang itatapon. Ilang beses nang nabanggit ni Kai ang tungkol sa pagiging miyembro nito ng naturang exclusive club mula nang maging member ito roon two years ago. Hindi lang niya pinapansin dahil wala siyang interes. Naungkat lang ang curiosity niya nang mapanuod nga ang shampoo commercial na iyon. Napansin ni Zia na nakatitig pa rin sa kanya si Kai, at nag-umpisa na siyang mailang habang patuloy pa ring tila wala sa isip na pinaglalaruan ng mga daliri nito ang ilang hibla ng buhok niya. Kaya tinapik niya ang kamay nito at muling iniabot dito ang ballpen at papel.   “Ouch,” reklamo nito. “Nasaktan talaga?” “I’m sensitive, you know.” Zia suddenly felt relieved. Relieved? From what? From his magnetic gaze and the way he played with her hair? Buang ka na, Alizia. “Basahin mo na ‘yang mga isinulat ko dyan. Kung wala ka nang violent reaction, tuloy ang kasunduan.” “Hmm,” sagot nito. Pero na kay Zia pa rin ang atensyon nito. “Kai. Hindi sa mukha ko nakasulat ang detalye ng kasunduan natin.” “Hmm.” Saka lang nito binalingan ang notebook. Tumango-tango lang ito at saglit pa’y pinirmahan na iyon. Deal is sealed. “Magkita tayo mamayang gabi  sa Mario’s sa Shangri-La.  Mga ala siyete kami darating doon ni Caroline kaya siguro puwede ka ng magpakita roon after thirty minutes.” “Okay.” “And don’t worry about your dress.  For sure, kahit sako ay magmumukha pa ring gown kapag ikaw ang nagsuot.” “Hindi ako nag-ga-gown.” “You’ll still look gorgeous anyway” “Kai.” “Hindi mo na naman papatulan ang pagpapa-cute ko.  I know, I know.”  Malakas na lang itong tumikhim.  “Babae ka ba talaga, Zia?” “Por que hindi ako pumapatol sa iyo, kuwestiyonable na agad ang kasarian ko?” “Hey, chill. ‘Wag masyadong seryoso, okay? Binibiro lang kita--” “Ikaw, lalaki ka ba?” Halata na tinanggap na ni Kai ang kapalaran nito ngayon dahil sa patuloy nitong pang-aasar kay Zia. Napabuntunghininga na lang ito. “Yes, Alizia Marie Rivero. I’m one hundred and one percent sure na lalaki ako.  Kasama na vat at interest diyan.” “Sino nagkumpirma niyan?  Ikaw?  Wala akong tiwala sa computation mo.” “Pinagdududahan mo na ako? Nakakasakit ka na ng damdamin, ah,” buong kadramahan nitong wika. “Akala ko pa naman, love mo ako--aray!” Tinamaan na ito sa braso nang malakas itong tapikin ni Zia sa noo nito.  “Umalis ka na bago pa kita tuluyang masaktan, Kai.” “Wala ka namang ginagawa, magkuwentuhan na muna tayo.” “Alas tres pa lang ng hapon. May trabaho ka pa sa opisina mo, ah.” “Nababato na ako dun, eh. Dito na muna ako--” “May trabaho pa ako rito.” “May mga tauhan ka naman.” Nakangiti nitong kinawayan ang mga tauhan ni Zia na nagtatawanan pa na tila kinikilig na kumaway din sa binata. Bumaling uli ito sa dalaga. “How’s your business? Doing good?” “Okay lang.” Inayos na niya ang mga libro sa mesita. Napansin niyang nakatingin lang uli sa kanya ang binata, tila may hinihintay na kung ano. “What?” “Habaan mo naman ang sagot mo.  Minsan mo na nga lang akong makita—“ “Nandito ka rin kahapon.  At noong nakaraang araw…at noong nakaraan-nakaraang araw.” “Nami-miss kasi kita.  Ikaw ba, hindi mo man lang ako na-miss?” “Hindi.” “Kahit isang segundo?” “Oo.” Malakas itong napabuntunghininga.  “Ang lupit mo talaga, Zia.  Samantalang ako, maya’t maya kitang naaalala.” “Sinabi ko bang isipin mo ako lagi? Ikaw dyan ang nagbibigay ng problema sa sarili mo.” “It’s not that I force myself to think about you. Talaga lang lagi kitang naaalala--” “At sa ating dalawa, ikaw ang malupit,” sansala niya sa pambobola nito. “Ikaw na ang kabi-kabila na nga ang mga babaeng kasama, nakakaya mo pang mag-isip ng ibang babae.” “Siyempre. Gifted child, eh. You know?” pagmamalaki pa nito sa sarili. ‘Yabang talaga, potek. Dumampot na lang uli si Zia ng libro, itinaas iyon sa kanyang mukha para hindi na makita pa si Kai. Pero lumapit lang ito sa tabi niya at nakisilip sa kanyang binabasa.  “ “And I like thinking about you, Zia. Ang ganda mo kasi sa pangarap ko.” “Kai.” “Maganda ka talaga sa pangarap ko.  Pramis.  Hindi ka kasi nambabara dun, kaya na-e-emphasize ang maganda mong mukha.  Lalo na kapag nakangiti ka.  Hmmm.  Come to think of it, matagal na kitang hindi nakikitang ngumiti.  Dapat siguro lagi akong magdadala ng camera para kapag natiyempuhan kita, alam ko na sa susunod kung ano ang makakapagpangiti sa pinakamagandang masungit na kaibigan sa mundo.” “Ang ingay mo.”  Isinalpak niya ang isang throw pillow sa mukha nito.  Napaurong tuloy ito palayo sa kanya.  “Kahit anong drama mo, hindi iyan tatalab sa akin.  Kaya bumalik ka na sa opisin mo para naman may mapakinabangan sa iyo ang bansang ito.  Tapos na tayong mag-usap.”  “Who taught you to be this cold-hearted?”  She gave him a look that answered his question.  He looked offended. “But I’m sweet.”   Gayunman, tumayo na rin ito at inayos ang suot na business suit at necktie. Mukhang sa wakas ay lalayas na rin ito. “Siyanga pala, Zia. Huwag ka masyadong magpaganda mamaya, ha?  Baka kasi umiyak si Caroline kapag nakita ka niya.” “Ikaw ang may kasalanan kung masyado siyang insekyora.  Kumukuha ka kasi ng babaeng froglet.” “Froglet…” Kai suddenly burst out laughing. “Hay…Mabuti na lang talaga at nagpunta ako rito ngayon. Kahit paano ay nawala na ang pagkabagot ko sa maghapong pagtatrabaho. Thanks, Zia.”  He then bent over and kissed the top of her head.  “I’ll see you tonight.” Hindi na nakapag-react pa si Zia hanang sa tuluyang makalabas ng shop ang binata. Saka lang siya tila natauhan. Inayos niya ang buhok sa kanyang bumbunan kung saan dumapo ang mga labi ng binata.   “Sira ulo,” sambit niya saka ibinaling na uli ang atensyon niya sa librong binabasa. “Walang magawa.” Pero nahirapan na siyang mag-focus uli sa aklat. Lagi na lang kasing tila surot na laging kumakagat sa isipan niya ang ginawa ni Kai. He had kissed her.  On her head.  But it was still a kiss. So?  As if you would even care.  Tama, wala siyang pakialam.  Siguradong gawain na iyon ng lalaki noon pa man sa mga babaeng kinatutuwaan nito.  Napalingon siya sa entrance ng bakeshop at nakita niyang nakikipagbiruan pa ito sa mga babaeng crew niya.  Pati si Becky ay tila hindi na kababakasan ng pagkabigo sa paraan ng pagtawa nito sa harap ng binata. Napabuntunghininga na lang siya at napailing saka itinutok uli sa libro ang kanyang mga mata. “Hindi ka na talaga magbabago pa, Kai.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.4K
bc

OSCAR

read
226.1K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

The Young Master's Maid

read
748.9K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook