bc

OWNED BY THE DAEMON

book_age18+
14
FOLLOW
1K
READ
dark
love-triangle
HE
arranged marriage
playboy
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

Si Hellah Natividad 18 years old at Daemon Costa 23 years old ay ipinagkasundo upang maging magasawa. Ikinasal sila at naging magasawa.Dahil sa malaking utang na loob ng pamilya ni Hellah kay senior Costa ay mapipilitan siyang magpakasal sa lalaking hindi niya lubusan pang nakikilala. Si Daemon Costa, Mayaman, magandang lalaki at talentado. Pinapangarap nang halos lahat ng mga humahanga sa kanya. Ano mang oras na gustuhin niya ay hindi siya mawawalan ng babae. Ngunit para sa kanya ang mga babae ay walang kwenta at kaniyang parausan lamang. Hindi siya naniniwala sa seryosohang relasyon. Ngunit mapipilitan siyang magpakasal. Dahil eto ang kahilingan nang kaniyang lolong matanda na at mahal na mahal niya. Hindi niya eto kayang biguin. Bago sila magpakasal na dalawa ay niliwanag na ni Daemon kay Hellah ang kaniyang mga rules. Kasama na dito ang pagiging sikreto ng kanilang relasyon bilang magasawa..

******************

Ang istoryang eto ay Rated SPG 18+.. May mga salita at pangyayaring hindi angkop para sa mga bata at hindi open minded na pagiisip..

APRL 04,2024

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
OWNED BY THE DAEMON C1 ***HELLAH pov*** "Sa tabi lang po." Ang sabi ko sa jeepney driver at ako ay bumaba na. Nasa tabing kalsada lang naman ang aming tinitirhang subdivision. Galing ako sa bahay ng aking kaibigan at ginabi na nang uwi dahil sa tindi ng trapiko, may nagbanggaan kasi. Dapat kanina pa ako nakauwi sa amin bago pa man mag Ala-sais. Ala-otso na pasado ang oras ngayon. Mula sa gate ng aming subdivision ay maglalakad pa ako papunta mismo sa aming bahay. Papalapit pa lamang ako sa aming bahay ay tanaw ko na ang aking mama na mukhang may hinihintay sa labas nang aming tarangkahan. Mukha siyang balisa at nang makita ako ay agad na sumalubong siya sa akin na aking ikinagulat. "Hella anak, mabuti naman at dumating ka na. Kanina ka pa namin hinahantay." Sabi niya sa akin na tensyonado. "Si mama naman ang OA. Bakit ba? Anong meron?" "Halika sa loob at may paguusapan tayong importante." Ang sabi ni mama na hindi ko alam kong masaya ba siya o tensyonado. "'Ma naman, akala mo namang nawala ako ng isang linggo ah. Miss mo na ako agad. " Habol ko pang biro habang papasok sa aming bahay. "H-hellah anak k-kasi a-ano kasi." "Ano nga po 'yon? At bakit ka ba ganyan kinakabahan na ako ah." Tanong ko kay mama at sabay sulyap kay papa na tahimik na nakaupo sa sofa. "Kasi ganito' yon 'nak. May pumunta dito.... Ang taong pinagkakautangan natin ng malaking utang na loob. " SI MR.COSTA?" Labing walong taon na ang nakalipas ah, bakit biglang sumulpot siya ngayon? Bakit po ba sinisingil na ba niya tayo? " " Oo 'Nak, parang ganon na nga. " " Eh magkano naman ang sinisingil niya sa atin ngayon. Sa tagal nang panahon baka malaking halaga na ang babayaran natin sa kanya. " " Hindi pera ang hinihingi niyang kapalit Hellah. " Sabi ni papa. "E ano daw ba?" "Ikaw anak." Turan naman ni mama sa mababang tono pero sapat lamang upang marinig ko. " A-AKO!" Senegurado ko pang tanong baka kasi na-mali ako ng dinig. " Oo ikaw." Paglilinaw sa akin ni mama. " Bakit ako?" " Sabi ni Mr. Costa, ikaw daw ang napili niyang maging asawa ng apo niya at magpapakasal na kayo sa lalong madaling panahon. " Sabi ni papa. " ANO? KASAL? " Madiing tugon ko na halos hindi makapaniwala. "Noong panahon na sunodsunod ang kamalasang dumating sa buhay natin ay dumating sa buhay natin si Mr. Costa. Nasa emergency room noon si kuya Harry mo dahil naaksidenta siya. Wala rin trabahong maayos si papa mo ilang buwan na. Ako naman ka-buwanan ko na din sayo noon. Malaking problema din ang inuupahan nating bahay pinapaalis na kami dahil apat na buwan na tayong hindi nakakabayad. Ewan ko ba at dinala ako nang aking mga paa sa mini chapel ng hospital na 'yon at doon ko nakilala si Mr. Costa na kasalukuyang naroroon at nagdarasal din. Naroroon din kasi ang kaniyang anak at inooperahan din. Nagkakwentuhan kami at nasabi ko sa kanya ang malaki naming problema at panay ang iyak ko pa noon. " Pagsasaad ni mama na kahit alam ko naman na ang tungkol dito ay hinayaan ko parin siyang ipagpatuloy ang kaniyang pagkukuwento. Sa buong buhay ko ang alam ko lang ay may isang tao kaming pinagkakautangan ng loob at iyon ay si Mr. Costa. Dahil siya ang tumulong sa amin. Sa bayad sa operasyon ni Kuya Harry, mga gamot hanggang siya ay gumaling. Bukod dito ay pinatira niya kami ng libre sa isa sa kaniyang pagaaring bahay. Heto nga iyon na kasalukuyan naming tinitirhan. May dalawang kuwarto sa Ibaba at apat na kuwarto naman sa ikalawang palapag at may kasama pang terrace na paborito naming istambayan. May dalawang banyo naman sa ibaba. May magandang kusina na pinapakinabangan ni mama sa kasalukuyan. Gumagawa kasi siya ng mga pa-order na bilao foods ang aming sideline. Bukod sa libreng patira sa bahay ay ipinasok pa si papa ng trabaho ni Mr. Costa sa sarili nitong kompanya. Masasabing hulog talaga nang langit si Mr. Costa, nang mga panahong iyon. "Mama, Alam ko naman na 'yan. Ang gusto kong malaman kong ano ang sagot nyo sa sinabi niya. Pumayag ba kayo o tumutol?" "H-hindi kami nakatutol anak kasi nahihiya kami kay Mr. Costa." Tugon ni mama na nagaalala. " Anak, hindi naman sa mukhang benebenta ka na namin, pero kasi sabi ni Mr. Costa kapag daw hindi kami pumayag o ikaw ay may masamang mangyayari sa ating pamilya. " Sabi ni papa na halatang nangangamba. Natahimik ako dahil naguguluhan ako at natatakot. Alam ko ang laro ng mga mayayaman dahil hindi naman ako taga bundok na walang alam sa lipunan. Matagumpay at kilalang negosyante si Mr. Costa sa bansa. Katunayan ay pag-aari niya ang sikat na Costa Construction Company or (CCC) at Costa Airlines. Ganito siya kayaman at alam kong tototohanin niya ang kaniyang banta. Magmumukha rin kaming walang utang na loob sa kabila nang lahat. Sa napakahabang panahon ngayon lang siya naniningil. "Sige na sabihin nyo na kay Mr. Costa pumapayag na ako." Napipilitan kong desesyon. "Segurado ka ba anak?" "Opo." "Pasensya ka na anak ikaw ang magbabayad ng utang namin." "Wala po yon ma, pa. Pamilya tayo sino pa ba ang magtutulugan kong hindi tayo-tayo din hindi po ba?...Mahal ko kayong lahat at hindi ako papayag na may masamang mangyari sa ating pamilya. Isa pa ay kailangan talaga nating makabayad sa malaking kabutihan sa ating pamilya ni Mr. Costa. "Pasensya ka na Ellah, ikaw lang kasi ang babae sa pamilya natin. Kong naging babae sana ako malamang ako ang nasa katayuan mo ngayon." "Ok lang kuya Harry." " Salamat anak at nauunawaan mo kami. Ipinagmamalaki ka namin dahil matured ka na magisip kahit kaka dese-otso mo pa lamang kahapon. Ikaw ang bayani nang ating pamilya maraming salamat anak Hu! Hu! Hu!" "Mama huwag ka nang umiyak. Tatanggi pa ba ako sa grasya eh grasya na nga ang kusang lumalapit sa akin. Alam ko naman na maganda ako pero hindi ako nangangarap na makapag-asawa ng mayaman 'no. Pero heto, isang mayaman ang umaalok ng kasal sa akin eh hindi ko na 'yan kasalanan. Isa pa magpapakasal din naman ako balang araw iyon nga lamang medyo mapapaaga. " Ang sabi ko sa kanila na nakangiti upang hindi na sila magalala pa. Nakita ko naman sa kanilang mga mukha na naalis ang kanilang pangangamba sa sitwasyon. Mukha na silang masaya dahil parang nabunutan na sila ng malaking tinik sa dibdib. Pumunta ako sa aking kuwarto pagkatapos naming magusap nila mama at papa. Sa totoo lang ayaw kong pumayag lalo na ang magpakasal. Parang may nakadagang mabigat na bagay sa aking puso dahilan para hindi ako makahinga. Nag birthday lang ako kahapon at ngayon naman ay ikakasal na agad. Sa lalaking hindi ko kilala at Segurado akong pati siya ay pinilit din. Isa lang ang alam ko sa ngayon, gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko. Sabi ni mama susunduin daw ako dito bukas ng gabi at dadalhin sa apo ni Mr. Costa. Kinakabahan ako sa isiping iyon. Kaya naman talagang hindi ako makatulog sa kakaisip. Hindi ko nga alam kong anong oras na ako dinalaw ng antok pero ang alam ko ay narinig ko na ang tilaok ng manok ng kapitbahay namin. Buti na lang at linggo bukas wala akong pasok kaya kahit magising ako ng tanghali ay okay lang. Iyon nga lamang ay hindi ako makakatulong kay mama sa pagluluto nang mga pa-order namin bukas. ***DAEMON pov**** Ako si Daemon Costa. Nagiisang tagapagmana ng aking pinakamamahal na lolo na si Daniel Costa. Lumaki ako sa kaniyang pangangalaga mula nang mamatay sa sakit ang aking ama noong ako ay bata pa. Ang aking ina naman ay hindi ko nakagisnan dahil sabi ni lolo ay walang kwenta ang aking ina. Pera lang ang habol sa aking ama. Iniwanan ako ng aking ina sa aking ama kapalit ng malaking halaga. Kaya naman galit ako sa kanya. Seguro dahil dito ay wala akong inibig na babae. Para sa akin lahat sila ay parepareho. Laruan at parausan ko lamang silang maituturing. Marami akong pera kaya lahat sila ay nagkakandarapa sa akin. Sa madaling salita hindi problema sa akin ang babae. Nagulat na lamang ako nang isang araw ay kausapin ako ni Lolo. Ang sabi niya ay baka hindi na umabot pa nang isang taon ang kaniyang buhay. Hindi ko alam kong totoo ba eto o hindi. Pero kahit gawa-gawa man eto ni lolo ay hindi ko kayang hindi pagbigyan siya. Matanda na si Lolo at hiniling niya sa akin na gusto niya akong makitang magkaroon ng sariling pamilya. Gusto niyang makita ang kasal ko at bago daw sana siya lumisan sa mundong ibabaw ay mabigyan ko siya ng apo. Kahilingan na hindi ko kayang tanggihan. Tinanong niya pa ako kong may kasintahan ako. Syempre ang sabi ko ay wala dahil iyon naman talaga ang totoo. Sabi niya siya na daw ang bahalang maghanap nang babaeng magiging asawa ko. Hindi ko sukat akalain na tototohanin pala niyang talaga at may nahanap na siya agad. Heto nga at pupuntahan ko siya ngayon sa lugar na pinili ni lolo. Wala akong alam sa babaeng eto. Tanging pangalan at isang larawan lamang niya ang ibinigay sa akin ni lolo. Hindi ko alam kong anong klaseng babae siya at Kong pasado ba siya sa standard ko. Hindi ko magawang tutulan ang kagustuhan ni lolo. Matanda na siya at may sakit. Siya lamang ang tanging pamilya na mayroon ako at talagang minahal niya ako at inalagaan ng mabuti. Hindi ko magagawang biguin siya kahit tutol na tutol ako. Gusto ko rin naman mapasaya ko siya sa kaniyang nalalabi pang panahon na magkasama pa kami. Payag na ako magpakasal o magasawa gaya ng kahilingan sa akin ni lolo. Apo, sige bibigyan ko siya. Kailangan magkaliwanagan mona kami ng babaeng magiging asawa ko. Pagdating ko sa restaurant na pinili ni lolo ay agad ko siyang nakita dahil sa larawan niya na ibinigay ni lolo. Habang papalapit ako sa kaniyang kinaroroonan ay sinimulan ko na siyang kilatisin. Tahimik siyang nakaupo at nakatutok sa kaniyang hawak na cellphone. Maganda naman siya parang anghel. Maputi at sa tingin ko ay hanggang balikat ko lamang ang taas niya. Nakalugay ang mahaba niyang buhok na tuwid. "Hi! Miss Hellah Natividad...I'm Daemon Costa." Kaswal kong pagpapakilala sa kanya sabay hila ng upuan at umupo ako sa harapan niya. "H-hello S-sir D-daemon." Napatayo siya bigla nang makita ako. "Maupo ka." Utos ko sa kanya at naupo naman siya. "Seguro naman maliwanag na sa'yo kong bakit nandirito tayong dalawa ngayon." "Oo maliwanag naman sa akin." "Gusto kong linawin sayo na tutol ako sa kasunduan na eto. Ngunit wala akong magagawa dahil eto ang kahilingan nang aking lolo. Ikaw anong masasabi mo?" "G-ganoon din ako tutol din ako. Pero malaki kasi ang utang na loob namin sa lolo mo kaya hindi kami makatanggi." "Inihahanda na ni lolo ang kasal natin. Pagkalipas nang isang buwan magiging magasawa na tayo. Lilinawin ko lang sayo na sa oras na magpakasal ka sa akin ay magiging akin ka na. Ako na ang magmamayari sayo at sa akin ka rin mamatay naiintindihan mo ba?" Matagal bago siya nakasagot sa sinabi kong eto. "O-okay." "Hindi pa ako tapos. May mga rules ako na gusto kong sundin mo. Ipinapangako ko sayo na hindi ako mangangaliwa at inaasahan kong ganoon ka din sa akin. " 1st rule.. Gampanan mo ang pagiging asawa mo sa akin nang walang pagtutol. " O-oo. " " 2nd rule.. Ayaw ko na malaman nang iba pa na kasal tayo." "S-sige." "3rd rule... Wala tayong pakialamanan sa anomang gawin natin sa ating buhay. Ayaw ko nang tatanungin mo ako kong saan ako nagpunta o galing at sino kasama ko." "O-okay."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.5M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
461.6K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
494.6K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
599.9K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
462.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook