bc

AX4 (COMPLETED)

book_age12+
183
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
humorous
kicking
mystery
detective
city
coming of age
friendship
superpower
stubborn
like
intro-logo
Blurb

"The point is, hindi fantasy ang buhay mo. Wala kayong superpowers, hindi kayo nakakatakbo nang mabilis. Natatablan kayo ng bala, nagkakasugat, nakakaramdam ng sakit, hindi nakakalipad gaya ni darna pero there's something special about the four of you," anito. "Rhanna can detect lies, Vinch can smell the running criminals, I mean naamoy niya kung saan pupunta ang mga tumatakbong kriminal mula sa kanila, and Waxx, well Waxx doesn't have things like that but he's excellent in martials arts at siya ang nagsisilbing utak ng grupo, and lastly you..." sabay turo nito kay Michgan na taimtim na nakikinig. "Kapag nahawakan mo ang bangkay ng isang tao, nakikita mo kung ano'ng nangyari sa kanya bago siya namatay. Gaya ng nakita mo kanina, ikaw ang kukumpleto sa AX4 Michigan, this Agency badly needs you."

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
17 YEARS AGO Pagkatapos manganak ni Minerva nawalan ito ng malay dahil sa operasyon. Ang sabi ng doktor, maaring ilang araw o linggo bago siya magising. Hindi kinaya ng katawan at puso niya ang naging operasyon dahil na rin sa dati nitong sakit kaya’t gano’n ang naging impact ng kanyang panganganak. Mahinahon at kalmado lamang ang kanyang asawa na si Michael pagkatapos marinig ang mga ‘yon. Pinagmamasdan ang asawa na nakahiga sa hospital bed, payapa itong natutulog at tila anghel dahil sa maamo nitong mukha. Hinalikan niya sa noo si Minerva. “I love you...” bulong niya pagkatapos ay naisipan munang lumabas upang puntahan ang kanyang malusog na babaeng anak sa nursery. Ngunit sa paglabas niya sa silid na ‘yon, hindi niya inaasahan ang taong bubungad sa kanya. “Master...” aniya kahit bakas ang pagka-gulat sa kanyang mukha ay nagawa niya pa ring yumuko at magbigay galang dito. “Napag-isipan mo na ba ‘yong inoffer ko saiyo months ago? Michael, kailangan na nating malaman kung ano’ng magiging epekto nang potion na ‘yon sa tao. Matagal na ‘tong pinag-aralin ng agency at mapapalakas nito ang pwersa ng AX4. Isipin mo nalang na paglaki ng anak mo, maari siyang maging katulad mo o mas higit pa sa kakayahan na mayro’n ka at ng mga kasama mo, makakatulong sa iba, ang magbigay ng hustiya. Michael, hindi ba’t isa itong napakagandang hangarin?” seryosong pahayag ng isang ginoo na mayroong makisig na pangangatawan. Natigil si Michael sa sinabi ng kausap at tila nag-isip. Hindi niya alam kung dapat ba siyang sumang-ayon, kung dapat ba niyang ipagkatiwala ang buhay ng kanyang anak sa pinuno ng agency na pinagtatrabauhan niya. Naguguluhan siya, nalilito.  “Pero bakit naman ‘yong anak ko pa? Kakalabas niya lang sa mundong ‘to. Paano kung may mangyaring masama sa kanya? Paano kung may masamang epekto? Baka hindi ako mapatawad ng misis ko,” pag-aalinlangan niyang mga tanong. Hinawakan siya sa balikat ng kausap. “Mas malakas kumalat ang potion na ‘yon kapag sa sanggol palang itinarak, mas kakapit sa dugo at sa buong sistema ng sanggol. Magtiwala ka lang Michael walang masamang magyayari sa anak mo. Kailangan lang natin ‘tong gawin upang masigurado na mas magiging malakas at mas matatag ang susunod na henerasyon ng AX4 Agents sa susunod na mga taon... Ikaw ang lider ng henerasyon mo kaya’t nararapat lang na sa anak mo mapupunta ang kakaibang pag-aaral na ito,” Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Michael. Tinignan ang kausap na nag-aabang ng kanyang kasagutan. Kasabay rin ng pagdating ng kanyang mga kaibigan na kasamahan niya din sa agency na pinagtatrabauhan niya. Bnigyan niya muna ng mga sulyap ang mga ito bago tuluyang nagsalita. “Pumapayag na ako....” PRESENT  AX4 is back and ready to action! Four extraordinary teens, Four different abilities, Four different personalities, 2 girls, 2 boys, Reunite for their duty, Will solve the different cases, Will solve the mysteries. Will hunt the wicked, Be careful criminals, you can’t escape because... The four agents of AX4  will take you down no matter what.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Tamed to Be Yours

read
384.9K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.0K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.0K
bc

YOU'RE MINE

read
892.9K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
308.5K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook