bc

Calendar Girls SERIES - JANUARY Completed

book_age18+
708
FOLLOW
3.2K
READ
spy/agent
police
gangster
tragedy
comedy
gxg
bisexual
humorous
multiverse
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

"Instead na paibigin yung mga tao sa mga dapat ay nagiging destiny nila, eh ang nangyayari napapares sila sa mga hindi dapat. Like Ellen and Portia, Aiza Seguerra and her partner, Charice at yung gf nya at marami pang iba. Nakuu ginagawa nyong lesbian lahat ng mga babae sa earth." Hindi naman galit ang boses ni San Pedro pero troubled pa rin ito.

Ano raw? Hahaha!

+++

Sa interesadong magbasa, pindutin ang continue reading at sa ayaw nasa baba nito ang message ko...

scroll down... XD

12 stories of girls looking for love.

12 girls that shot by an arrow of love.

12 chapters every Calendar Girl.

CG #1 - GARNET (Completed) January

CG #2 - AMETHYST (Completed) February

CG #3 - SILVIA (ONGOING) March

WARNING: A girlxgirl story. Please don't read if your just gonna hate. Tapos walang magrereklamo sa grammar, typos at ibang mali sa story kasi hindi po ako nag-eedit. Mabuti yung maliwanag po tayo. Solomot!

chap-preview
Free preview
Prologue
"UNO! Tawag ka ni San Pedro!" malakas na sigaw ng isang magandang nilalang na nakasuot ng napakaputing bestida at may mataas na pakpak sa likuran na talo pa ang advertisement sa TV sa nakakasilaw na puti nito.  Hindi natinag ang tinawag nito. Nagpatuloy pa rin sa pagkakatulog sa isang parte ng langit ang tinawag nitong Uno. "Hoy! Gising! May ipapagawa daw sa atin si San Pedro. Gising Uno!" pagpupumilit nito at hindi na nakatiis ay sinipa si Uno sa paa, enough para magising ito. "Aray naman!" exaggerated na sigaw ni Uno. "Ba't ka naninipa? Ang sarap na nga ng panaginip ko. Disturbo naman eh!" maktol ng babaeng anghel na nakasuot rin ng katulad ng sumipa sa kanya. Ang pagkakaiba lang nila ay ang kulay ng buhok at mga mata. Brownish red ang buhok ni Uno, brown rin ang mga mata while the other angel was a blonde at blue ang mga mata. Pareho silang may white pale skin at syempre dahil mga anghel, superb rin sa ganda. "Tawag ka ni San Pedro! Hoy!" sinipa ulit nito si Uno dahil aakto na namang babalik sa pagkatulog. Yamot namang napatayo na lang ang anghel. "Oo na! KJ ka talaga Dos!" maktol nito at inayos ang medyo nakusot na bestida. "Nasaan si Tres?" naghihikab pa na tanong nito. "Nandoon na. Ikaw na lang hinihintay." Lukot-mukhang sabi ni Dos. "Tumawag kaya sya thru link. Sinara mo naman link mo ano?" dagdag na sabi nito while dragging Uno kung nasaan si San Pedro. Daig pa kasi nito ang pagong sa hina ng paglalakad at panay pa rin ang hikab. "Ayy 'di ko napansin." Hindi interesadong sabi nito. Dos shook her head at hindi na lang umimik sa kawalang interes ng kaibigang anghel sa mga sinasabi nya. Sanay na kasi sya dito. Ang pagiging tamad at walang interes ni Uno ay nakasanayan na ng dalawang kaibigan nito. Nakarating sila sa desk ni San Pedro kung saan panay ang himas sa manok nito. Nakatayo naman ang isang anghel sa gilid ng mesa ni San Pedro na nagngangalang Tres. Ang pagkakaiba nya sa dalawang anghel ay ang balat nyang morena at maitim na buhok, ang mata nya'y kulay itim rin. Pero may common naman silang tatlo, parehas lang silang magaganda. "Pusta ko, natutulog na naman yan nung nakita mo." Bulong ni Tres kay Dos ng makalapit na sila dito. Tumango lang si Dos sa kaibigan at nagmake face. Ngumiti lang ng nakakaloko si Tres at pasimpleng binatukan ang nakayukong si Uno na parang natutulog na naman. Kahit nakatayo'y kaya nya pa ring matulog. Sa isipan ni Tres. "Tokwa! Sino yun?" nagising naman na turan ni Uno na napahawak pa sa ulo. Masakit kasi yung pagkakabatok sa kanya at dahil nakapikit naman sya kanina'y hindi nya malaman kung sinong nambatok sa kanya sa dalawang kaibigan na ngayon nga'y walang emosyong nakatutok na kay San Pedro. "Sinong nangbatok sa akin?!" galit na dagdag nito. "Lintik na-" "Uno! Nasa langit ka tapos puno ng hindi magagandang mga salita yang bunganga mo!" tumayo ng sabi ni san Pedro na hawak-hawak pa rin ang manok sa isang kamay. "Sorry po." Parang asong tuta na kumalma naman si Uno. Narinig nya namang tumawa ng mahina ang dalawang kaibigan. Lintik lang ang walang ganti. Sa isipan ni Uno habang nakatingin ng masama sa dalawa. Sa isipan nya'y hindi matatapos ang araw na to na hindi sya nakakaganti sa mga ito. Sa pagsipa ni Dos sa kanya at pambabatok ni Tres. Oo, alam nyang si Tres ang nambatok sa kanya. Lakas kasi kung makangising aso yung gaga ngayon sa kanya. Matagal na silang magkaibigan kaya kahit nakatalikod o nasa malayo pa ang mga ito'y makikilala nya pa rin ang mga ito. Even their expressions, alam na alam na nya. Ganun rin naman ang mga ito sa kanya. Mga bestfriends kasi sila. "Masama yan Uno." Si San Pedro. Maang namang napatingin si Uno dito. "Ang paghihiganti. Masama yan. Tandaan mong nababasa ko iniisip mo Uno." Dagdag pa nito. "Ayy sorry again po." Nahihiyang sabi ni Uno. She's busted. Nakalimutan nyang mas makapangyarihan pala si San Pedro sa kanila. Mas lumakas naman ang tawa ng dalawang kaibigan nito. Hindi na lang pinansin ito ni Uno pero ang planong paghihiganti ay nasa isip pa rin nito. "At kayong dalawa," San Pedro pointed out the two. "Wag masyadong masaya mga ineng dahil hindi good news ang sasabihin ko sa inyo." Bigla namang natahimik ang dalawa at napaayos ng tayo. Oras naman ni Uno na mapangiti pero bigla ring kinabahan sa sinabi ni San Pedro. +++ UNO "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kayong tatlo, Uno, Dos at Tres ay isa na sa mga sakit sa ulo dito sa langit. Ang tagal-tagal nyo ng mga kerubin pero hanggang ngayon wala pa rin kayong naitutulong na maayos sa mga love life ng mga naging mission nyo. Sa halip na maniwala sila sa pag-ibig, the three of you are making it worse." Sabi ni San Pedro na mababakas ang kapaguran sa boses nito. Nakayuko kaming tatlo habang nakikinig dito. Kinakabahan ako ng sobra at alam kong ganun rin ang mga kasmahan ko. Oo, tama ang narinig nyo. Mga kerubin nga kami. Magagandang kerubin pero mga palpak. Yun ang sabi nila pero sa aming tatlo, kami ang pinakamagaling na kerubin. At hindi kami palpak! "Instead na paibigin yung mga tao sa mga dapat ay nagiging destiny nila eh ang nangyayari napapares sila sa mga hindi dapat. Like Ellen and Portia, Aiza Seguerra and her partner, Charice at yung gf nya at marami pang iba. Nakuu ginagawa nyong lesbian lahat ng mga babae sa earth." Hindi naman galit ang boses ni San Pedro pero troubled pa rin ito. "Eh masaya naman sila dun San Pedro. Hindi mo ba nakita? Nagpakasal na nga yung ilan sa kanila." I reasoned. "Tsaka wala naman pong comment si Lord. Naglike pa nga sya sa f******k page namin at naglagay ng Mission accomplished nung pinost namin yung missions namin." Proud na dagdag ko. Tumango-tango namang bilang pagsang-ayon ang dalawang bruha. Eh sa totoo naman eh at alam yun ni San Pedro. Bumuntong hininga muna si San Pedro bago sumagot. "Oo nga. Alam nyo namang hindi homophobic si Lord pero hindi kasi kayo nag-iingat. Kita nyo yung ginawa nyo kay Charice. Muntikan na syang mawala sa Showbiz dahil sa pag-came out nya. Smooth lang dapat ang moves girls at naiintindihan ko namang mga lesbians kayo-" "Bisexual po ako." Si Dos. "Pansexual naman po ako." Si Tres. "Ako lang po ang lesbian." Sabad ko. Pinutol talaga namin yung sasabihin ni San Pedro para lang ipaalam sa kanya ang labels namin. Hahaha! Ang kulay naming magkakaibigan ano? Oo, walang straight sa amin. Pareho naming paborito ang color rainbow at unicorns. Haha! Eh bakit ba? Hindi nga kami hinusgahan ni Lord, kayo pa? "It doesn't matter anyway." Sabi naman nya. Tumango naman kami. "So about sa mission nyo. May 365 days kayong isakatuparan ang pagbibigay ng partners sa 12 girls na ito bilang parusa sa palagiang pagtulog at pagiging tamad ni Uno." The both of them look at me with a guilty stare. "What? Ako lang ba may kasalanan dito? Tatlo tayong pinatawag. Halerrr! So that means tatlo tayong may pagkakasala." I defended. "Uno's right." Sabad naman ni San Pedro. Umayos naman ang dalawa ng matapos ko silang belatan. "Parusa rin to sa paglalandi ni Dos sa ibang mga anghel. Marami nang nagrereklamo sa pagiging playgirl mo Dos. Sana matuto naman kayo." Sabay naming siniko ito ni Tres sa tagiliran. Napaismid na lang ito. Mas malala pala kasalanan nito eh kumpara sa akin. "Landi talaga." Bulong ko. "Slut." Bulong naman ni Tres dito. Hala. Baka marinig sya ni San Pedro. "Tres bad word yan." Narinig nga sya. Napayuko lang naman ito. Sabi ko na narinig sya eh. "At parusa rin sa pagsuntok ni Tres kay Immaculate Concepcion." Dagdag ni San Pedro. Wide eyed naman kaming napatingin sa gawi ni Tres. "Ang kulit eh. Sinabi kong tapos na kami ayaw pa rin akong tigilan." Sabi naman nya. Wow galing. Sinuntok nya ang isa sa mga santa dito sa langit. Bilib na talaga ako sa mga kaibigan ko. "Tig-aapat kayo sa mga babeng ito." Sabi ni San Pedro na hindi pinansin ang pag-uusap namin. Lumabas ang hologram kung saan naroon ang mga babaeng tinutukoy nito. 12 pictures of beautiful ladies. Nakakapagtakang mga single pa ito sa mga ganda nito. "Or depende na sa inyo kung panu nyo sila mahahanapan ng lovelife in 365 days. Ang tawag sa mission na to ay Project: Calendar Girls. Magagamit nyo ang kapangyarihan nyo. Pwede kayong mag-anyong tao, pwede nyo silang makausap o mahawakan. Lahat na pwedeng nyong gawin para makahanap lang sila ng tunay na pag-ibig ay allowed na gamitin nyo ang kapangyarihan nyo bilang mga kerubin. Tandaan nyo lang ang mahigpit na pinagbabawal sa inyo, DON'T FALL INLOVE with anyone of them. Dahil pag nangyari yun, alam nyo ng mangyayari sa inyo." Tumango naman kami sa sinabi ni San Pedro. Easy lang naman yun. Eh sa dinami-dami na ba naming natulungan sa larangan ng pag-ibig, ngayon pa kami papalpak? Kahit pa nga sabihing iba ang pananaw namin sa love dahil nga mga gay angels kami eh inaayos pa rin namin ang mga mission namin. Yun nga lang, dahil mga gays kami eh dinadamay namin ang mga tao sa kabaklaaan namin at hindi naman kami nanghinayang dahil nakikita naman naming they are genuinely happy. Tsaka may choice naman sila at yung ginawa naming pagmatch making ay pwede namang mawala kung wala talagang spark. "One thing nga pala," sabi ni San Pedro sanhi para mapatingin uli kami sa kanya. "I'm warning you girls. This is your last chance. As I've said, mapagmahal talaga si Lord kaso kayong tatlo is pain in the ass at marami ng bad records dito sa langit kaya kung hindi maaayos tong 365 days, Project: Calendar Girls nyo'y alam nyo na kung saan kayo itatapon." Tumango lang kami na bakas rin ang pagkadisgusto sa sinabi nito. Syempre ayaw naming umalis sa langit. Ang saya kaya dito. "Lastly, one girl per month lang pala ang kailangan nyong i-work out para makahanap ng tunay na pag-ibig." "One girl per month?" sabay naming react. "Ang hirap naman." "Impossible naman yung ganun." "Waah. Tunay na pag-ibig pa ba yun?" sabay-sabay na sabi pa rin namin. "Hep! Tigil!" saway naman ni San Pedro sa amin dahil sabay na kaming nagdadadakdak. Napatigil naman kami. "Yan ang utos ni Lord. Sundin nyo na lang." Bumuntong hininga na lang kami. "Kailan kami magsisimula, San Pedro?" tanong ko. "Ngayon na." huling sabi ni San Pedro at walang sabi-sabing nalaglag na kami pababa sa earth. Ang harsh minsan ni San Pedro pero dahil may mga pakpak naman kami, lumipad na lang kami tungo sa destinasyon namin. "Lord, patawad!" narinig kong kinanta ni Tres. At sinabayan na rin namin ito ni Dos habang pababa na kami sa Pilipinas. "Pagkat ako'y makasalanan, makasalanang nilalang. Lo-oord, pataaawad!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.8K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

The Sex Web

read
131.3K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.7K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.3K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook