bc

Kissing Miss Wrong

book_age4+
1.6K
FOLLOW
8.0K
READ
opposites attract
second chance
arrogant
manipulative
CEO
boss
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Natagpuan na lang ni Sam ang sariling nakakulong na sa mga bisig ni Nathan; his mouth was hovering over hers. Tila huminto ang pag-inog ng mundo sa kanilang dalawa. Her thoughts were in chaos at kulang ang salitang "shock" para ipaliwanag ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. And she was becoming addicted to his soft lips and burning touch.

At naalarma ang isip niya nang dahil doon. Alam niyang hindi siya ang ideal woman na hinahanap nito at masasaktan lamang siya kapag nagpatuloy ang kahibangan niya rito.

She had lost her defenses and she had already lost her heart to him. Paano pa niya ililigtas ang kanyang pusong hindi nagpapigil na umibig dito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"HOY, BATANG BALIW!" Inis na hinablot ni Samantha ang nangingintab na pink na wig mula sa ulo ng kapatid na si Christian. Kapapasok pa lang nito sa komedor at hinintay niya talaga ito roon. "Tirik na ang mga mata ko sa gutom pero heto ka at inuna mo pa 'yang pagmamaskara mo." "Ate Sam, naman. Ibalik mo sa akin 'yan." "Heh! Tumigil ka nga riyan. At saka bakit ganyan ang hitsura mo, ha? Naeeskandalo ang utak ko sa iyo, Christian." Tumirik ang mga mata nito sa kisame. "Hmp! Palibhasa ngayon ka lang nakakita ng maganda." Rumampa pa ito sa kanyang harapan. Mangalingaling itulak niya ito palabas ng bahay sa sobrang inis. Kulapol kasi ng makeup ang mukha nito, naka-rollers ang buhok at naka-nighties pa! Saan ba nakuha ng kapatid niyang ito ang ganoong costume? "Magpalit ka ng suot mo dahil naaalibadbaran ako sa iyo. Huwag ka ring pipili-pilipit diyan. Umakyat ka na sa kuwarto mo." Padabog itong nagtungo sa hagdan. "Bakit ba kasi hindi mo matanggap na ganito na talaga ako, Ate Sam?" mahinhin nitong tanong. "Wala ka nang magagawa pa." "Kahit ano'ng gawin mo, lalaki ka pa rin. At kung kinakailangang ibitin kita nang patiwarik maalog lang iyang utak mo ay gagawin ko." "Tsenez ka, sister. Nagawa na 'yan nina brother dears, remember? Pero ano'ng nangyari? Wala. Nada. Zilt as in zero." Nagmodelo pa ito sa barandilya ng hagdanan. "Becuz... I'm a woman, trapped in a man's—ay, kabayo!" Nailagan nito ang ibinato niyang basahan. "Nakikita mo itong hawak ko, Christian?" Isa iyong butcher's knife. "Kapag natadtad na kita nang pino, sigurado akong mawawala sa kukote mo ang kahibangan mong iyan." Nagmamadali na itong umakyat pabalik sa sarili nitong silid. Napailing na lamang siya. Disisais anyos pa lamang ang bunso nilang iyon ngunit sangkaterba na ang ibinibigay na problema sa kanya. Hindi na nga niya halos maalala kung kailan ito nag-transform mula sa isang alaskador na kapatid hanggang sa pagiging malanding kiti-kiti. Ilang sandali pa ay bumaba na uli ito at umupo sa harap ng mesa. Napabuntong-hininga na lamang siya sa hitsura nito. Naka-sleeveless hanging blouse ito at maiksing shorts. Although wala na ang mga rollers, naka-makeup pa rin ito at suot pa rin ang wig. Habang kumakain ay panay ang kanyang iling. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit ito nagkaganoon, samantalang maayos naman silang napalaki ng kanilang ama kahit pa nga maagang pumanaw ang kanilang ina. Lima silang magkakapatid. Tatlong barako, isang babae, at isang—Si Christian nga. Napangiwi siya nang makitang tinatadtad na yata nito ang hot dog sa pinggan. "Christian, ano ba?" saway niya. "Ate, 'Christina,' okay? Chris-ti-na." "Shut up." "Hay, naku. Ganyan ba talaga kasungit ang mga walang fafah?" Dinagukan niya ito. "Ouch!" malanding sigaw nito. "Ano na naman bang giyera 'yan, ha?" Si Mang Louie iyon, ang kanilang ama. Pupungas-pungas pa itong naupo sa harap ng mesa, sa tabi ni Christian. Ngunit nang mapansin nito ito ay gulat itong napatayong muli. "Santisima, Christian! Bakit nagmukha kang tutubi?" "Daddy, ang corny mo, ha! Don't you know na ito ang in ngayon sa fa—shion?" "O?" Muling naupo ang daddy nila. "Uso na ba talaga ang magmukhang manika ng mangkukulam ngayon?" Hindi niya napigilan ang pagtawa habang pinagmamasdan ang kapatid. Kawawang nilalang, durog na naman ang fashion sense nito. Kapag kasi ang daddy na nila ang nagsalita, matatawa ka— kung hindi ikaw ang pinagsasabihan nito. "Hindi ko pinakikialaman ang mga gusto mo, Christian. This is a free country, anyway," seryoso nitong wika. "Pero huwag ka namang haharap sa akin nang ganyan. Nininerbiyos ako sa iyo, eh." Sa kanya naman ito bumaling pagkuwan. "Siyanga pala, Samantha. Magmula bukas ay doon mo na igagarahe ang FX mo sa talyer ng Kuya Roger mo." Ang talyer na tinutukoy nito ay katabi lamang ng bahay nila. "Pero, Dad, maluwag naman ang gilid ng bahay natin, ah." "Kailangan ni Christian ng mas maluwag na lugar para sa pag-aaral niya ng engineering sa susunod na taon. Tutal, magtatapos ka na naman next month, pagbigyan mo na siya." Tiningnan niya nang masama ang pangiti-ngiti lang na kapatid. Hindi lang niya masabi sa ama na may hinala siyang gusto lamang nitong magkaroon ng lugar kung saan nito mapa-practice ang pagde-decorate ng bahay. "Parusa ba ninyo sa akin ito dahil may gasgas na naman iyong FX ko?" "Yuck! Drama ka riyan!" pang-aasar pa ni Christian. She kicked him under the table to shut him up. Ang kaso napalakas yata ang sipa niya dahil bigla itong bumaligtad sa kinauupuan. "Christian, hindi ba't sinabi ko na sa iyong huwag mong gawing rocking chair ang upuan? Tingnan mo tuloy ang nangyari sa iyo," sabi rito ng kanilang ama. Mangiyak-ngiyak na tumayo si Christian. "Eh, Daddy, si Ate Sam kasi..." Ngunit hindi na ito pinansin ng daddy nila dahil sa kanya na ulit nabaling ang atensiyon nito. "Yes, Samantha. Parusa ko na rin iyon sa pagiging kaskasero mo sa kalye."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.4K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.4K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook