bc

Until You're Mine (Taglish)

book_age16+
13.2K
FOLLOW
49.0K
READ
sex
CEO
heir/heiress
sweet
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxg
bisexual
transgender
city
virgin
like
intro-logo
Blurb

Unang kita pa lang ni Caden kay Nikki ay nahulog na ang loob niya rito. Pero nasorpresa na lang siyang malamang ito pala ang may-ari ng puneraryang gusto niyang maalis mula sa harap ng hotel niya.

Hindi naman alam ni Nikki kung ano ang gagawin sa lalaking nagdeklarang hindi titigil hangga’t hindi siya maaangkin nito. Kapag nalaman nito ang tunay na siya o ang nakaraan niya, ewan na lang niya kung gugustuhin pa rin siya nito…

(Special thanks to Amalayer/Sithe Sufrei for the bc)

chap-preview
Free preview
Prologue
NAPABUGA ng hangin si Caden pagkatapos ng huling text niya kay Nikki. Itinabi na lang niya ang cell phone. Pero kahit paano ay masaya siyang pinatulan ng dalaga ang text messages niya kahit na busy ito. Paminsan-minsan ay nararamdaman niyang nagpapa-hard-to-get lang ang dalaga. Pero tinanong na niya si Eden tungkol sa love life nito kung may ex-boyfriend ang dalaga. Wala naman daw. Kaya hindi niya masasabing may trauma ang dalaga sa mga lalaki kaya ayaw nitong makipagrelasyon. Pero lalo lang naman siyang nakukuryuso sa dalaga at sa pakikitungo nito sa kaniya. Humiga na siya nang maayos habang napapaisip sa dalaga nang nakapatong ang mga kamay sa ibabaw ng kaniyang tiyan. Napatitig pa siya sa kisame nang tila wala sa sarili. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Napanaginipan pa niya ang dalagang sumasayaw sa club at silang dalawa lang ang naroroon. Sexy ang nakatugtog na instrumental music nina Jodeci at 2pac na “How Do You Want It.” Sumabay ang katawan nito sa saliw ng musika habang nakatitig sa mga mata niya. Nanonood siya habang nakaupo sa isang silya sa harap nito at ito ay patuloy na sumasayaw nang napakaseksi at erotikang sayaw na noon lang niya nakita, nang may nang-aakit na paningin at ngiti sa kaniya. Ang mga kamay nito ay maya’t maya’y inilandas sa bawat kurba ng katawan nito mula sa itaas pababa at pabalik naman nang sobrang bagal. Kung kaya ang mga mata niya naman ay napasunod sa mga kamay na iyon na tila siya mismo ang humahaplos sa magandang alindog nito. Damn! He felt himself getting more and more aroused by the moment. Sinasayawan lang siya ng babae. Paano na kaya kung hinahaplos na siya nito at siya naman ay humahaplos dito? Para siyang mababaliw sa kaiisip lang ng posibilidad na iyon. Lalong sumikip ang suot niyang pantalon habang nakatitig sa nakakabaliw na babae. Napabalikwas pa siya sa kinahihigaan at hinihingal. Nagising na siya mula sa mala-erotic dream na ‘yon. Narinig na lang niya kasi ang message alert tone ng kaniyang cell phone. Hindi niya iyon ini-mute dahil wala siyang planong matulog originally hangga’t hindi makapag-send ng text ng “goodnight” sa dalaga. Saglit pa siyang napaisip kung ano kaya ang susunod na eksena sa pagsasayaw ng dalaga sa kaniyang panaginip? Napamura pa siya sa sarili. Bakit naman hindi? Nagising na lang ba naman siyang may boner. Napahigit pa siya ng hininga bago tiningnan ang text ng dalaga. Kung siguro may tubig sa bunganga niya ay naibuga na niya iyon at napaubo siya. Hinihimas pa niya ang tiyan. “The f**k?” naibulalas pa niya at napatawa sa text nito bilang sagot sa tanong niya rito. Paboritong movie – wala; sport – wala dahil wala akong paki sa mga ‘yan; lugar – bedroom; pet – wala; author – wala; director – wala; singer – wala; actor/actress – wala; kulay – berde, kasi iyon ang kulay ng dugo ko; bulaklak – siyempre ‘yong mabango; subject – wala dahil ayokong mag-aral at napilitan lang ako noon; pagkain – depende sa mood at lasa; damit – siyempre ‘yong sexy; palabas ng TV – wala; website – any p**n site; Zodiac sign – Gemini; hobby – wala; happiest moment – wala ka na roon. Idinayal na lang niya ang numero ng dalaga at sa pangalawang ring ay sinagot nito iyon. Tumikhim pa siya. “Nakauwi ka na ba?” nakangising bungad niya sa dalaga. “Duh! Like a couple of hours ago.” Nai-imagine na lang niya ang pag-ikot ng mga mata nito. “Okay. So, you were kidding, right?” hinging kompirmasyon niya. “Tungkol saan?” patay-malisyang tugon nito. Na-i-imagine niya lang ang inosente-kuno look ng dalaga ngayon. Parang gusto niyang bumunghalit sa tawa. Mukha kasing hindi bagay. Pero taray look nito ay hindi imposible at hindi mahirap i-imagine. “Mga sagot mong itinext sa ‘kin,” paglilinaw niya. “Seryoso ‘yon. Bakit? Alin ba roon ang hindi kapani-paniwala, ha?” May panghahamon sa tono ng boses nito. O kaya naman ay sa imahinasyon lang din niya ito? Kunwari ay napaubo siya. “’Yong website?” Napatawa pa ang babae sa kabilang linya. “Bakit? Ano ba sa palagay mo ang favorite website ko na dapat sana ay sagot ko?” “YouTube? f******k?” Napatawa na naman ang babae. Gusto niya ang tunog ng pagtawa nito. Napangiti tuloy siya sa sarili. “Stereotype ba ako sa paningin mo?” tanong nito. Hindi siya agad nakapagsalita. May punto naman kasi ito. Everything about Nikki wasn’t typical at all. Napaisip tuloy siya sa mga X-rated movies at p**n videos na napanood na niya dati. Pilit niyang ini-imagine na iyon din ang pinapanood ng dalaga. Napanganga pa siya dahil sa isiping ito. Pero hindi niya talaga inasahan ang mga sagot nito. Akala pa naman niya ay may malalaman talaga siyang mas makapagpakilala sa kaniya sa dalaga. Kahit na sinabi nitong seryoso ito ay hindi pa rin siya makapaniwala. Any p**n site ba naman talaga? Punan pa ng paboritong lugar ay ang bedroom at ang damit ay sexy. Gumagana talaga ang isipan niya along those lines. Sa isipan niya ay naalala ang panaginip tungkol sa kanilang dalawa. Napamura na naman siya sa kaniyang utak. Was Nikki just flirting with him or what? Para kasing naglalaro sila ng tug of war ng damdamin. Parang push and pull kasi ang ginagawa ng dalaga pagdating sa pakikitungo sa kaniya ngayon. Iyon nga lang ay hindi niya nakikita ang ekspresyon ng mukha nito ngayon kaya wala siyang ideya kung talagang seryoso ito o kaya naman ay nakipag-flirt na ito sa kaniya nang wala man lang siyang kamalay-malay. Pero sa isang banda ay parating seryoso ito sa tuwing kaharap niya ito. Kaya naman ay medyo nalilito na siya ngayon kung paano ito pakikitunguhan o kung dapat ba ay susundin niya lang ang nararamdaman niya at mamaya na analisahin ang damdamin ng babae para sa kaniya. O baka naman ay dapat na magiging tapat lang siya sa sarili niya at sa kaniyang nadarama para rito. “Hindi. And I’m still so into you, Nikki.” Ilang sandali ay natahimik ito. “Hmm… goodnight, Caden. Pagod na ako.” Iyon lang at tinapos na nito ang tawag niya. Dahan-dahan naman niyang ibinaba ang cell phone. Ilang minuto pa siyang napatunganga at nag-text ng “goodnight” sa dalaga. Napadapa siya sa kama pagkatapos niyon. Napaisip na naman siya sa dalaga ng ilang oras bago siya nakatulog. He wanted to see her so badly and show her how he f*****g wanted her!   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Secret Wife (Filipino)

read
629.1K
bc

Just Another Bitch in Love

read
27.5K
bc

My Son's Father

read
582.9K
bc

Love Donor

read
86.6K
bc

Stubborn Love

read
98.7K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.4K
bc

His Precious Property

read
613.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook