bc

Stallion #13: ZELL ZAPANTA

book_age16+
5.0K
FOLLOW
27.4K
READ
arranged marriage
confident
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Masayang pinakikinggan ni Dominique ang usapan ng mga Stallion Ridnig Club members habang namimili ang mga ito ng makaka-date para sa promo ng Stallion Shampoo. pero mas nakapukaw sa atensyon niya ay ang nag-iisang si Zell Zapanta.

“I’m volunteering. I needed as much exposure as I can. Para maging pamilyar sa akin ang mga masa. Makakatulong iyon sa pagtakbo ko sa susunod na eleksyon.”

Doon na siya kumilos. Lumapit siya sa grupo ng mga ito.

“Exempted ka, Renzell,” aniya. Lahat ay napako sa kanya ang tingin. It was obvious her cousin didn’t let anyone get in on her little secret. “Hindi puwedeng makipag-date ang fiance ko.”

“Sino ka ba?” tanong ni Zell nang tumayo at humarap sa kanya. “I don’t even know you.”

“Oo nga. Pero ikaw kilala ko at kilala ako ng parents mo. Kaya nga engaged na tayo, eh.” Ngumiti pa siya ng pagkatamis-tamis. “Dapat pala ay nagpakilala na ako noong unang araw tayong nagkita. Para hindi ka na nabibigla ng ganyan. Kaya lang kasi, gusto kitang sorpresahin. Kaya…surprise!”

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
TINANGGAL NI Dominique ang riding hat niya at naupo sa bakanteng silya paharap sa malawak na kapaligiran ng Artemis Equestrian Center.  May mangilan-ngilan pang club members ang nagpapalipas ng oras sa mga riding arenas sakay ng kani-kanilang kabayo.   “Hey, girl,” bati ni Zarah, isa sa mga club member.  Kasama nitong naupo sa mga bakanteng silya sa table na inokupahan niya sina Marie at Claire.  “Congratulations.  Ikaw na naman pala ang nanalo kanina sa steeplechase at vaulting competition natin.” “Oo nga, eh,” nakangisi niyang sagot.  “Tinatamad pa ako ng lagay na iyon, ha?” Tumawa lamang ang mga ito.  “As always, naging masyado ka na namang humble, Paz Dominique.” “Mabuti nga at hindi ko sinabing mahihina lang talaga ang mga nakalaban ko kanina.”  She leaned against her seat. Gusto sana niyang ipatong ang paa sa mesita kaso medyo malayo iyon sa harapan niya. Hindi abot ng shapely long legs niya. “Bakit kasi hindi ninyo ako bigyan ng isang napakagandang laban?  ‘Yun bang all-out war sa racing arena.  Mas gusto ko iyon kaysa magbolahan tayo rito.  Tutal naman alam nating lahat na magagaling naman tayo rito sa Artemis.  Mas magaling nga lang ako ng konti.” “Bakit konti lang?  Damihan mo na.  Sabihin mo ng magaling ka talaga kaysa sa aming lahat.” “Talaga?  Hindi kayo mahu-hurt?” Natahimik ang mga ito.  It was her turn to laugh.  Obviously, walang sinoman sa mga babaeng miyembro ng Artemis Equestrian Center ang gustong magpatalo, kahit na nga verbal lang iyon.  Kunsabagay, talaga namang magagaling ang mga kasamahan niya sa riding club na iyon.  Mga humble nga lang.  Siya lang ang malakas ang loob at makapal ang mukhang magyabang.  E, bakit ba?  Sa magaling naman talaga siya kaya bakit niya iyon ikakahiya?  May ipagmamalaki siya kaya magmamalaki siya. Kung itatago niya ang importanteng bagay na iyon tungkol sa kanya, sino ang makakaalam?  At sino ang hahanga sa kanya?  Boring kung siya lang ang pupuri sa sarili niya.  Kaya dapat lang na ipaalam niya iyon sa buong mundo. “O, natahimik na naman kayo dyan,” wika niya mayamaya.  “Kayo talaga. Kung may ipagmamalaki kayo, ipagmalaki nyo. Paano malalaman ng ibang tao ang mga achievements ninyo kung hindi nyo ipapaalam sa madla? You want recognition, right?” “Oo…” “Then flaunt your greatness.” “Ayaw lang naman naming masabihan na mayabang.” “So, mayabang ako, ganon?  Sino ang nagsabi nun at nang maipalapa ko siya kay Pinkalush?”   Napatingin sa kanya ang mga kasamahan at bigla na lang humagalpak ng tawa ang mga ito.  Nagkibit-balikat lang si Dominique. “Pinagtawanan na naman ninyo ang kabayo ko.  Ano ba ang nakakatawa dun?” “Ikaw ba naman, bigyan mo ng babaeng pangalan ang lalaking kabayo,” wika ni Marie.  “Sino ang hindi matatawa?” “Bakit ako, hindi natawa?  At mabuti nga ‘yung ganon tutal naman uso na ngayon ang gender equality.  Kapag nagkaroon ako ng kabayong babae, papangalanan ko siyang Tulume.”   “Para ka talagang sira, Dominique,” naiiling na lang na wika ni Claire.  “Mabuti na lang talaga at dito ka sa Artemis naligaw nang maghanap ka ng riding club na sasalihan, ano?  Kung hindi, boring ang buhay dito sa club.” “Oo nga,” sang-ayon ni Zarah.  “I never had a friend who could c***k a joke without batting an eyelash.” “Wala akong natatandaang nagbibitiw ako ng mga jokes.  Seryoso ako sa lahat ng mga sinasabi ko rito.” Kunot-noo niyang binalingan ang mga ito. “Kung ganon walang sinoman sa inyo ang sumeseryoso sa mga sinasabi ko?” Ngumisi lang ang mga ito bilang sagot.  “Kayo na lang kaya ang ipalapa ko kay Pinkalush?” Tumawa lang uli ang mga ito. Minsan gusto na rin niyang batukan ang mga sosyalerang ito, eh.  Kung hindi lang niya iniisip na kahit paano ay mababait naman ang mga ito at sila lang ang nakakatanggap sa mga kakaiba niyang trip sa mundo. “We’re just kidding you, Dominique,” wika ni Zarah nang magsawa sa pagtawa.  “Of course sineseryso ka namin.  Ikaw din naman kasi ang dahilan kung bakit madalas e inaakala naming nagbibiro ka lang.  Komedyante ka kasi sobra.” Inismiran lang niya ang mga ito.  “Ewan ko sa inyo.  Seryoso ako naman ako lagi.” Mula sa kinaroroonan nilang outdoor café ay nakita nila ang pagkakagulo ng mga babaeng club members sa racing arena.  Mukhang may nagaganap na namang kumpetisyon doon. “Hindi ka ba sasali, Dominique?” “Next time.  Katatapos ko lang manalo, eh.  Ayoko namang ako ang maging dahilan ng pagbaba ng morale ng mga tao rito kapag nanalo na naman ako sa kanila.” “Speaking of panalo,” singit ni Marie.  “We could see you have skills fit for international competitions.  Bakit hindi ka sumali sa Philippine Equestrian Team?  Para naman may maiuwi na tayong medalya sa Olympics.” “I have enough medals to prove my skill.  Hindi ko na kailangan ng panibagong karangalan.  Baka gumuho na ang mansyon namin kapag nag-uwi pa ako ng isa pang medalya.”   “How about giving our country a international equestrian awards? Magandang mapasaya iyon sa koleksyon mo ng mga achievements, ‘di ba?” Napaisip saglit si Dominique. “Nah. Hayaan ko na lang ang ibang nangangarap na magkaroon ng pangalan sa world of equestrian.  Sila na lang ang magbigay ng karangalan sa bansa natin tutal naman, nakuha ko na ang lahat ng gusto ko.  Nakapag-compete na ako sa buong mundo at nanalo na ng mga awards and medals enough to last me a lifetime.  Kaya ngayon ay mag-e-enjoy naman ako.” At siguro dahil nadungisan na ang pananaw niya sa competitive equestrian noong nasa America pa siya.  Nakita niya kung hanggang saaan ang kayang gawin ng isang competitor para lang masiguro ang panalo.  Up to a point na saktan ang mga kabayo.  She hated their way, especially since she has such an attachment for the horses.  Kaya tinalo niya ang lahat ng kalaban niya noon sa America at saka siya bumalik ng Pilipinas.  Wala na nga sana siyang balak noon na sumali sa kahit na anong riding club.  Ngunit nang minsang madalaw siya sa Artemis at nakita niya kung gaano pinahahalagahan ng mga miyembro niyon ang kanilang mga alagang kabayo at hindi lang basta panalo ang habol, unti-unti na ring bumalik ang hilig niya sa equestrian.  Hanggang sa tuluyan na rin siyang mapasali sa riding club na iyon na mostly ay mga babae ang miyembro.  Dito rin niya napatunayan na hindi lahat ng sumasali sa mga international competition ay magagaling.  Dahil sa riding club na iyon, naroon na yata ang pinakamagagaling na equestrienne. She was with the best riding club and competing with the best people for fun.  What else could she ask for? “Hey, look,” untag ni Claire.  May itinuturo itong kung sino di kalayuan sa kanila.  “Reichen Alleje’s here.” Lahat yata sila ay kilala ang matangkad na lalaking iyon na kausap ni Saskia, ang may-ari ng Artemis.   “That guy never failed to frustrate the hell out of our dear Saskia,” sambit ni Zarah.  “Sayang.  Kung sa akin siya lumalapit, never ko siyang babarahin.” “I agree,” segunda ni Marie.  “Ewan ko nga ba riyan kay Saskia kung bakit allergic siya sa napakaguwapong nilalang na iyon.  She even went out to blacklist him from her club.” “E bakit nakakapasok pa rin iyan dito?” tanong ni Dominique.   “Who cares?  Kahit ako ay magre-request kay Saskia na hayaan na lang gumala-gala rito si Reichen.  He’s such a dreamboat.  Not to mention a great horseman.  I heard nag-dominate na naman siya sa equestrian noong katatapos lang na ASEAN Game.” “Oo, nabalitaan ko rin iyan.  Magaling talaga siya.” “Ang guwapo talaga niya!” Napapakunot-noo lang si Dominique. Hindi talaga siya maka-relate sa fascination ng mga ito sa lalaking iyon.  Oo, guwapo nga ang Reichen Alleje na iyon.  Pero walang dating sa kanya.   “Ano ba ang nagustuhan ninyo sa isang iyan?  Guwapo lang naman siya—“ “At magaling na equestrian,” sansala ni Marie.  “Guwapo at magaling na equestrian.” “Hindi pa kasi niya ako nakakalaban kaya akala nyo magaling na siya.” “At member po siya ng Stallion Riding Club,” dugtong ni Zarah. “So?” “Haven’t you heard of that riding club?” “No.  Anong meron dun?” “Iyon lang naman ang pinaka-exclusive na riding club sa buong bansa.  Lahat ng pinakamayayaman at pinakaguwapong nilalang ng Diyos sa sangkalupaan ng Pilipinas ay naroon.” “Yeah, so?” Mukhang gusto na siyang yugyugin ng mga ito para lang magtining na sa utak niya ang malaking importansya ng Stallion Riding Club sa evolution of life. “Hay naku, palibhasa sarili mo lang ang kinikilala mo, Dominique.  Kaya wala kang alam sa maraming bagay dito sa mundo.  Tulad na lang ng existence ng Stallion Riding Club.” “Alam nyo, kung kumakain sila ng pako o tumutulay sa high-tension wires ang mga kabayo nila habang sakay sila, then that’s the only time that I’ll give them my attention.  Pero kung pare-pareho lang naman kaming nangangabayo, at kasing galing lang din nila ako, walang rason para maging espesyal ang tingin ko sa kanila.” “Ay naku, ewan ko sa iyo.  Babae ka ba talaga?  Hindi ka kasi marunong maka-appreciate ng guwapo.” “Naa-appreciate ko si Pinkalush.” “Ang sabi namin, guwapo.  Hindi kabayo.” “Hindi ba…pareho lang iyon?” Nilayasan na siya ng mga ito.  Napakibit-balikat na lang si Dominique.  E sa talaga namang wala siyang amor sa mga guwapong lalaki.  Ordinaryong tao lang ang tingin niya sa mga ito.  Although there was a time— Tumunog ang cellphone niya.  Ang kanyang Mama iyon. “O, Ma, napatawag kayo?” “I want you to come home, hija.” “Home where?”  Tatlo kasi ang official residence ng kanilang pamilya.  Isa sa New York, isa sa Maynila at isa sa Davao.   Wala, eh, nakangisi niyang wika sa isip. Ganyan talaga ang mga mayayaman. “Dito sa Davao.  May pag-uusapan tayong importante.” “Tungkol saan?” “Tungkol sa iyo.” “A, importante nga.” “Huwag ka ng kumuha ng plane ticket.  Ipasusundo na lang kita sa chopper natin.” “Okay.”  Pabor iyon sa kanya since tinatamad siyang kumuha ng plane ticket.  “Si Papa nga pala, Ma? Okay lang siya?” “Hay naku, huwag mong intindihin ang ama mo at abalang-abala iyon sa pagpili ng i-e-endorse niya sa papalit sa kanya  bilang governor ng Davao.  Alam mo na, malapit na ang eleksyon.” “Last term na nga pala ni Papa ngayon, ano?  Ano daw feeling niya ngayong mawawala na siya sa puwesto, Ma?  Nakakatulog pa ba siya nang mahimbing? Nakakakain ng tama?” Her father was a beloved politician in their province. Mahal na mahal din ng kanyang ama ang paglilingkod sa bayan kaya naman masinsin talaga ito sa pipiliin nitong i-e-endorse papalit sa puwestong iiwan nito. “Kaya nga umuwi ka na muna rito at nang may taga-aliw naman ako, Dominique, hija.  I hate to see your father so worked up.  Nakaka-stress siyang tingnan.  Nadadagdagan tuloy ang mga wrinkles ko.  And by the way, huwag ka ng magdala rin ng damit.  Ibinili na kita sa mga bagong collection ni Armie Santiago, ‘yung paborito kong designer?  At sigurado akong babagay sa iyo ang lahat ng iyon.” Napabuntunghininga na lang siya.  May palagay kasi siyang gagawin lang siya nitong manequin at wala naman talaga silang importanteng pag-uusapan na tungkol sa kanya.  Her mother lives and breathes fashion.  Palibhasa ay isa itong dating modelo na naging artista at ngayon ay plain housewife na naiinip na sa buhay nito kaya siyang nag-iisang babaeng anak nito ang laging biktima kapag tinatamaan ito ng pagkabagot.  Hindi naman siya makatanggi dahil ang pagpa-pamper na lang kasi sa kanya ang tanging kaligayahan nito sa buhay.  Wala rin naman siyang reklamo dahil gusto rin niya ang pag-aalagang iyon sa kanya ng ina.  Kahit na nga minsan ay exaggerated na.  Nonetheless, she loves her mother, at pagbibigyan niya ito sa lahat ng gusto nito kung hindi rin lang naman nakakaabala sa kanya. “And I have a surprise for you, my baby.” “A surprise?” “Yes.  Pero dito ko na lang sasabihin sa iyo.  And I’m sure magugustuhan mo iyon.” “Ma, pahinging hint.” “It’s a guy.  A very, VERY handsome guy.” Napangiwi na lang si Dominique.  Ano naman kaya ang ka-surprise-surprise doon?  “Okay, Ma. I can’t wait for that ‘very, very handsome’ surprise,” pilit na lang niyang pina-excite ang boses. Pati sa mga surpresa, over ang nanay niyang iyon.  Oh well, mahilig naman talaga sa mga kadramahan ang kanyang Mama.  Kahit sa simpleng pag-purchase lang nito ng isang bonsai plant noong nakaraang buwan, talagang pinauwi pa siya sa kanila para lang makita iyon.  Saying that special things must be shared with special people.  She and her father ended up eating sushi on the floor. Ano na naman kayang gimik meron si Mama ngayon?  Lalaki daw.  Kailan pa ito natutong magreto sa kanya ng lalaki?   “Dominique! Look! May competitiion sina Saskia at Reichen!” Medyo nagkakagulo na ang ibang club members na patungo sa pinaka-racing arena. Si Dominique naman ay sa direksyon ng locker room ang punta. “Hindi ka manunuod?” sigaw na tanong ni Marie. “Hindi na. Panalo naman dyan si Saskia, eh.” “Paano mong nasabi?” “The guy likes Saskia. Of course, hindi niya hahayaang matalo ang pinakamamahal niya.” “Saskia’s in love?!” “I never said that.” “Reichen’s in love with Saskia?!” “I only said he likes her. ‘Wag mag-roundoff. Hindi maganda sa skin ang maging assuming.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
131.0K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.7K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
453.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.5K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook