bc

Even if the World Against Us(completed)

book_age0+
3.5K
FOLLOW
29.3K
READ
family
badgirl
drama
comedy
twisted
sweet
gxg
friendship
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Bernadette sa malapalasyong pagmamando sa loob ng kanilang bahay. Nag iisa siyang anak na babae nito at may tatlo siyang mga matatandang kapatid na lalaki. Alagang alaga siya ng kanyang ina at bantay sarado siya ng mga kuya at tatay niya, dahil prinsesa siya sa bahay nila. Kailangan ay mag asta siyang dalagang pilipina kapag kasama ang pamilya. Ang hindi alam ng mga ito ay mas maton pa siya sa mga kuya niya kapag nasa labas. Ganon na talaga siya at yun ang gusto niya. Wala din siyang interes sa kahit na sinong lalaki, sa babae lang. Hanggang balikat ang kantang tuwid na buhok na binagayan ng heart shape na mukha, kaya wala naman nag iisip na isa siyang lesbian. Wala naman sana siyang balak na maging isang ganap na tomboy, kung hindi lang dumating sa landas niya si abigael. Unang kita pa lang niya dito nang magpakilala ito bilang bago nilang kaklase ay pakiramdam niya ay nabighani na siya. Kay lakas ng t***k ng kanyang puso, at nakadarama siya ng kaba. Ang kaso ay saksakan pala ito ng sungit at suplada. Hindi siya papayag na hindi niya magawang maging malapit dito. Handa siyang gawin ang lahat para mapansin nito at kung papalarin ay maging jowa niya ang dalaga.

chap-preview
Free preview
Episode 1
                     Tamad na tamad siyang bumangon ng araw na iyon, nagising na siya sa malakas na tumutunog na alarm clock na ang mommy niya ang nag set kagabi.           "Haysst. Stop! Stop!" Malakas niyang sigaw habang pilit niya itong inaabot para mapindut. Napaangat ang kanyang mukha dahil tinignan niya kung nasasaan ba ang alarm clock at hindi niya mahawakan. Napahawak siya sa buhok sa pagkadismaya dahil naroon pala iyon sa isa pa niyang lamesita at kailangan pa niyang tumayo para mapatay iyon.              No choice siya kaya padabog siyang tumayo at hahapay hapay na lumapit doon, pakiramdam niya ay domudoble ang kanyang paningin.              "Mommy bakit nagawa mo sakin ito?" Walang kabuhay buhay na sabi niya. Kabisado na siya nito kaya kung ano anong iniisip ng Mommy niya kung paano siya babangon sa umaga, alam kasi nito na kapag napahinto na niya ang tunog ng alarm clock ay balik tulog na naman siya at pagkatapos ay magugulantang ang Mommy niya dahil oras na nang pagpasok niya ay tulog na tulog pa siya, at malamang ay hindi na siya pumasok ng araw na iyon. Nung minsan nga ang ginawa naman nito ay ipinagtimpla na siya ng mainit na gatas at saka siya ginising, bumangon na daw siya at inumin iyon at nakapatong daw iyon sa mismong tabi niya, hindi sa lamesita nito pinatong para daw kapag natapon iyon at hindi pa daw siya gumising ay palo daw ang aabutin niya dito, at syempre mas lalo siyang lagot sa Daddy niya dahil kapag natapon iyon ay mababasa ang loob ng kama niya na binili pa ng Daddy niya kahit na mahal ang presyo para daw sa kanya.                Bumalik na siya sa kama para humiga at matulog ulit  nang bigla na naman siyang nakarinig ng tunog ng alarm clock napalingon siya sa pinanggagalingan ng tunog na sa bandang likuran niya. Naroon pala at nakapatong sa may bintana at mas malakas ang tunog na iyon, talagang nakakarindi, lalo siyang nabwesit dahil kailangan na naman niyang tumayo para mapatay iyon.              Mamaya lagot kayo sakin mga alarm clock tatapusin ko na ang mga buhay niyo." Galit na galit na pagbabanta niya sa mga bagay na iyon na wala namang buhay.              Nagdadabog siya na muling tumayo at nilapitan ang alarm clock at malakas na pinindot, parang paraan niya iyon para makaganti sa walang malay ng orasan.             Pabalik na siya sa kama nang mapasulyap siya sa sarili niyang repleksyon sa salamin, nagulat siya sa nakita dahil may malaking bilog na itim sa kanyang noo. Napalapit siyang bigla sa salamin at mulagat na tinignan kung ano yung tumubo sa kanyang noo. Hinawakan niya ng kanyang kamay at sinalat salat iyon.               "Ano ba ito?" Tinignan niya ang kanyang daliri at nakita niya na may itim din iyon. Tuluyan nang nawala ang antok niya dahil doon. Nagtataka siya bakit tinubuan siya ng hindi malaman kung tigyawat na itim ba. Pinakiramdaman niya ang sarili pero wala naman siyang nadaramang masakit sa kanyang noo. Sinipat niya muli at naisipang kuskusin, napansin niya na naaalis iyon at napupunta sa kanyang kamay ang itim. Naisipan niyang kumuha ng bulak at astringent  at baka sakaling maalis.              Pinahid niya nang pinahid at sa pagkagulat niya ay parang tinta pala iyon na napunta na sa bulak, hinawakan niya ang kanyang noo at makinis na ulit iyon.              Umikot ang mga mata niya sa inis na nadama, malamang isa sa mga kuya niya ang may gawa niyon. Kung pwede lang sana niyang ipatikim sa mga ito ang kanyang flying kick, sigurado siya walang sinuman sa tatlong iyon ang muli pang mang aasar sa kanya. Napagdiskitahan na naman siya kasi, ganoon kasi ang mga kuya niya saksakan ng kukulit at dahil sa nag iisa siyang babae ay siya lagi ang apple of the eye ng mga ito.              Initsa niya ng malakas amg bulak sa maliit niyang garbage box.        "Wala na sira na ang antok ko!" Inis niyang sabi sa sarili. Minabuti niyang lumabas na ng silid bitbit ang tuwalya para maligo, saglit siyang sumulyap sa wall clock at nakita niyang 06:36 pa lang ng umaga. Alas otso pa naman ang kanyang pasok, nakadama siya ng panghihinayang dahil pwede pa naman siyang makatulog sana kung hindi lang dahil sa black circle na inilagay sa kanyang makinis na noo.             Pagpasok niya ng banyo ay muli siyang humarap sa salamin, parang gusto na niyang matawa sa nakaisip na maglagay niyon sa kanyang noo. Dahil tagumpay ang may gawa niyon dahil gising na gising na siya at hindi na kailangang makunsume ang Mommy niya sa paghila sa kanya sa higaan.                Isinuklay niya ang mga daliri niya sa kanyang buhok, pakiramdam niya ay napopogian siya sa itsura niya sa salamin.               "Bakit ang pogi mo dette mas gwapo ka pa mga kuya mo?" Sabay tawa niya. "Hay makaligo na nga at nag iilusyon ka na naman!" Sita niya sa sarili.              Nakapagbihis na siya ng kanyang suot na uniporme saka siya bumaba para kumain. Babaeng babae siyang tignan kapag nakasuot siya niyon dahil sa mahaba niyang palda at puting puti niya blouse, may ribbon pa iyon sa bandang dibdib niya kaya cute siyang tignan. Pero siya ay naaasiwa sa itsura niya, ayaw niya na mukha siyang dalagang pilipino, pero lihim lang iyon dahil tanging siya lang ang nakakaalam niyon at ang bestfriend niyang si d**k na may p********e naman at malaking sikreto rin sa pamilya nito.               Minsan naiisip niya na kaya siguro sila naging magbest of friends ay dahil pareho silang may sikreto sa pagkatao nila. Ang sabi nga ng kaibigan niya na kung pwede lang makipagpalit sa kanya ay ginawa na nito kahit may bayad pa.. At syempre sabi niya ay ayaw niya at manigas ito. Naisip niya na ang swerte naman nito,  ayaw niyang makipagpalit dito dahil sa maitim ang kulay ng balat nito, hindi gaya niya na maputi.              "Goodmorning Mommy!" Bati niya sa ina, kasalukuyang nagluluto ito ng almusal nila. Bigla niyang napansin na palihim na tumatawa ang kuya Ronald niya ang pinakabunso sa tatlong lalaki na kapatid niya.              "Aha kuya alam ko na kung bakit ka tumatawa!" Baling niya dito, biglang sumabat ang kanyang ina.             "Anak upo ka na diyan para makakain ka na. At hayaan mo na kung tumatawa yang kuya mo. Dahil ako ang may gawa niyon at epektib naman dahil maaga kang nakagayak ngayon." Nanlaki ang mga mata niya sa Mommy niya sa gulat. Naisip na lang niya na pamilya talaga sila ng mga matatalino. Matatalino sa kalokohan!                       

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.6K
bc

NINONG II

read
618.3K
bc

NINONG III

read
362.9K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.3K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook