bc

His Personal Taste

book_age16+
8.2K
FOLLOW
42.9K
READ
contract marriage
friends to lovers
goodgirl
aloof
drama
comedy
sweet
bxg
bully
friendship
like
intro-logo
Blurb

Diego's exploration to his' own personal taste.

Diego Colton Tanseco, a confused, egoccentric guy decided to marry his best friend due to pressure from his family. He never knew he'll find peace and certainties in his sexuality when he touched, Addie Uytengco. He never knew she was his personal taste from the start.

chap-preview
Free preview
Simula
    I took a day off from work. Nakahiga ako ngayon sa isang sun lounger at ninanamnam ang masarap napakiramdam ng araw sa aking balat.  Nilingon ko ang mga kababaihan na naglalagay ng sun screen sa balat. Nagtatawanan sila sa 'di kalayuan. Nang mapansin nilang tinititigan ko sila ay nagsi-kindat sila sa akin.             Umirap ako roon. Hindi ko alam pero wala silang epekto sa akin. It's been three years since I dated a girl. And I just did that for show. Simula noon, hindi na ako nakipagdate sa sinumang babae.             Tumunog ang phone ko sa aking tabi. I grunt at the thought that this is from work. Kinapa ko iyon at tiningnan ang caller.             Dionne. Sinwipe ko ang tawag at tinapat iyon sa tenga.                         "This better be good, Dionne." Sinipsip ko ang milkshake ko at tinagtag ang shades.                         "Father just set a marriage appointment para sa'yo bukas."                         "What the f**k, Dionne?" Gulat na sabi ko.             Napatingin naman ang mga katabi ko sa sun lounger kaya agad akong tumayo papalayo roon. Nakita kong tinakpan ng babae ang tenga ng kanyang anak na babae.                          "What the f**k ka din! Our father's asking me kung kailan mo balak na magpakasal at magkaanak. Tumatanda ka na, Diego Tanseco. Are you gay?!" Sigaw ng kapatid ko.             That caught me off guard. Naiirita na ang buong sistema ko sa pamilya ko. Bakit ba gusto nilang magpakasal na agad ako? Ako nga, alam ko sa sarili ko na hindi ko pa alam ang gusto ko. Clueless pa rin ako at nalilito. Gusto ko na dahan dahan muna ang mga desisyon ko. Hindi ako nagsalita. I run my fingers through my hair. Hindi pa naman ako matanda. I'm just twenty-eight!                         "It's not that. Wala akong girlfriend tapos magpapakasal agad? Are you kidding me, Dionne."                         "That's why he appointed a blind date for you. Just go and tell father if it doesn't work. I'm busy! Get the details to Warren."             Natulala ako sa cellphone ko. Ang relaxing vibes kanina sa aking katawan ay nawalang bigla.             My father's pursuing me this time. Gusto niya na mag-asawa na ako. I said last year, I'm not ready. But this year isn't an exception for Donald Tanzeco.             I dialed my secretary's number.                         "Warren."              I was walking to my villa. I need to pack and go to that f*****g date.                         "Yes, Sir." Sagot niya.                         "Please, tell me the details my sister sent."             Dionne. That brat. Being our father's girl, talagang sinusunod niya ang kabaliwan ng ama namin.                         "Three pm at Starbucks. Look for Melanie Silvejo."             I am gonna be in trouble. Ako lang ang lalaking anak sa pamilya namin. Kaya naman hindi nila magugustuhan kapag nalaman nila ang sikreto ko. I zipped my bag and head for my car. Umalis ako sa resort at handa nang umuwi sa Manila.             Thinking of what will happen tomorrow, I dialed her number. Ilang rings pa at sinagot niya 'yon.                         "Nasaan ka?" I asked.             Tahimik ang kabilang linya. Maya-maya pa ay may mga malalakas na halakhak sa kabilang linya.                         "Nasa bahay kami ni Gio, bakit?" Tanong niya.                         "Pupunta ako sa bahay niyo. I'll crash for the night."             Lumiko ako papunta sa direksyon ng bahay niya. I need someone's advice. I hate but I need to hear that girl's advice. She makes sense. Hindi siya kagaya ng ibang babae na may masabi lang. She always looks for answer before complaining. She's annoying at times but she's true. Siya lang ang pwede kong kausapin. If I drive to King or Kit's house, I cannot tell them what's happening.              Binuksan ko ang gate ng bahay niya. I've slept here many times. Kaso ay kasama ang mga kaibigan niya tuwing may party or 'girls’ night out' kuno sila. I even knew her family and they like me.             Pinagbuksan niya ako ng pintuan. She's wearing her pink headband and her pink pajamas.                         "Oh! Anong masamang hangin ang nagpapunta sa'yo rito, bestie?" Tanong niya.                         "Sino 'yan, babe?" Tanong ng boses sa likuran niya.             I look at Gio and nod my head.                         "Pare," bati niya sa akin.             Nagpigil naman ng ngiti si Dora sa kanya. Lagi siyang ganito. Siya kasi lang ang isa sa ilang mga taong sinabihan ko ng sikreto ko.                         "Bakit ka napadpad sa bahay ni Addie ng ganitong oras?" May pagtataka ang boses niya.                         "Babe, dito siya matutulog. Magpapatulong kasi siya sa problema niya."             Maigting ang panga ni Gio at agad na umalis. I look at her. Ngumiti naman siya ng humihingi ng pasensya.                         "Sorry about that, bestie. Hanggang ngayon ay pinagseselosan ka pa rin. Natatawa na lang ako." She said.             Tinulungan niya akong dalahin sa guest room ang gamit ko.                         "Nangitim ka? Sa'n ka nagboy hunting?" Tanong niya.             Tinaasan ko siya ng kilay.                         "Oops. Oo nga pala. Hindi ka nagkakaroon ng thingy sa boys. Safe na safe si Gio ko sa'yo." Biro niya.                         "Adoracion." Banta ko.             Tinaas niya ang kamay na parang sumusuko.                         "Tara sa garden? Dun tayo mag-usap ng problema mo at maaga ang pasok ko sa clinic."             Nagtimpla siya ng kape at umupo kami sa wooden bench sa mini zen garden niya. Malamig ang simoy ng hangin rito sa Laguna ngayong gabi.                         "Anong problema at bumyahe ka pa rito mula sa pinanggalingan mo?" Tanong niya.                         "My father wants me to marry."             Nabilaukan siya sa iniinom niyang kape.             Walang gana ko siyang inabutan ng tissue. Kinuha niya 'yon at pinunasan ang gilid ng kanyang bibig.                         "Ano? Babae o lalaki?" Tanong niya, tumalsik pa ang laway niya kaya pinahidan ko ang pisngi ko.             Nagkakababaeng tao, walang hinhin sa katawan. Umiling ako.                         "Siyempre babae." Galit na sagot ko. "He wants me to date her tomorrow."                         "E'di go! Malay mo siya na ang makakapagpatayo niyang thingy mo." Nginuso niya ang crotch part ko.             Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya sa hiya. Tama bang ituro na lang niya 'yon? Bakit ba kinaibigan ko ang babaeng ito?                         "Are you serious, Dora?" Tanong ko.             Umiling siya at tumawa na akala mo ay maiiyak.                         "I'm so proud of you! Huwag kang mag-alala, sa una lang masakit pero pagkatapos masarap na, bakla!"             Nanatili lang akong nakatingin sa mukha niya.  Is she talking about s*x? In front of me?                         "Nung first time ko, grabe halos di ako makalakad feeling ko tinubo ako!" Aniya.             Umirap ako at sinubuan siya ng tinapay. Kinuha naman niya iyon at kinagatan.                         "Are you saying, you are not a virgin anymore?" Tanong ko.             Natigilan siya.                         "Yes. Ano sa tingin mo ang ginagawa namin ni Gio sa loob ng nine years? Naglaro ng jackstone?" Singhal niya sa akin.                         "We are adults, Diego. And it's normal for us. We both have needs. At hindi naman dapat mabawasan ang worth ng babae kahit hindi na virgin no! Nagtataka nga ako kung paano mo natatagalan na maging virgin. You are just all talk lang pala since college tayo."  Iling niya.             I clenched my teeth sa sinabi niya. Well, what to expect? I know Gio's not an innocent man. He will take advantage of her innocence in those nine years. I suddenly felt irritation at the thought. Scumbag.                         "Stop talking about s*x, Adoracion. Have some decency." Pangaral ko.                         "So, ano na ang plano mo?" Tanong niya.             Uminom ako sa kape. Naiirita ako sa hindi maintindihang rason.                         "Pupunta ako. Titingnan ko kung ano ang mangyayari."                         "So, are you going to date her?" Tanong ni Addie.             I know where that reaction is coming from. Sa loob ng eight years naming pagkakaibigan.. alam niya ang pakiramdam ko sa mga babae. But this time, a faint glee's present ih her voice.                          "Well, wala namang magagalit kung gagawin ko 'yun hindi ba?" I asked her.             Tiningnan ko siya sa mga mata. Nawala ang humor niya sa mata at binaba ang hawak na tinapay.             Dahan dahan siyang tumango.                         "Yeah... W-Wala." she answered at nag-iwas ng tingin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.3K
bc

NINONG III

read
362.3K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.2K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
175.9K
bc

Unexpected Romance

read
38.0K
bc

Be Mine Again

read
98.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook