bc

Mi Amore Seriers #1: My Mute Maid

book_age18+
3.2K
FOLLOW
12.8K
READ
brave
dare to love and hate
maid
tragedy
comedy
twisted
sweet
Girl Power Counterattack
gxg
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Putek naman si Mama! kukuha na nga lang ng maid yung pipe pa! - Left Yuri Kyo

Warining: GirlxGirl story

chap-preview
Free preview
Prologue
"Left sa tingin mo bakit tayo pinatawag nila Mama?" tanong nagkakambal ko na si Right. Nakakitbitbalikat ako at humikab. "Malay ko basta ang mahalaga matapos na ito at makauwi na ako." narinig ko syang tumawa ng mahina. "Bar pa huh?" ngisian ko sya. "Kaysa naman sayo, bookworm." pang-aasar ko. "Pinakasalan mo na ata ang mga libro mo kaya wala kang ka-girlfriend girlfriend. Your life is so damn boring." nakita kong sumimangot sya. "Parang sya hindi bookworm dati." "Well, dati yon, nakawala na ako sa pagkakulong sa kwartong punong puno ng libro simula non." tsk naalala ko na naman yon. "Hindi ka pa nakaka-move on?" tanong nya. "Heck! Matagal na akong naka-move on 'no." tumawa sya kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Sounds defensive eh?" Tsk.. "Sir, Ma'am, kanina pa po kayo hinihintay nila Sir Cyrus sa office room." sabi ng isang katulong dito sa bahay nila Mama. Takang nagkatinginan kami ni Right. Sa office room? Ganon ba kaseryoso ang sasabihin nila? Sa pagkakaalam ko naman wala kaming ginawang kalokohan ni Right. "Mama, Papa?" si Right ang unang pumasok kasunod ako. Napataas kilay ko nang makita namin na nakakandong si Mama kay Papa. Ang tatanda na nila pero haharot pa rin. "Okay? So, what's up?" tanong ni Right sa parents namin na naglalandian sa harap samin. "Oh nandyan na pala kayo." sabi ni Mama at medyo nilalayo si Papa na sumisiksik sa leeg nya. Ang haharot nila! "Wala Ma, picture lang 'to na nagsasalita." sabi ko. "Picture lang pala eh, come on baby." sabi ni Papa at hinalikan si Mama sa labi. Tila gusto kong masuka. "Papa! Mama! Ano ba?!" sigaw ko sa kanila. Natawa naman si Right sa tabi ko. Ano ba naman itong parents ko hindi na nahiya samin ni Right! Ang lalantod! "Easy baby girl, maaga kang tatanda nyan, sige ka." panakot pa ni Mama. As if. "Ano bang sasabihin ninyo samin?" sabi ko. "Hindi ba may condition kami sa pag-alis ninyo dito sa bahay at magkaroon ng sariling bahay?" biglang seryoso ni Papa pero yung kamay nya naman ay naglalakbay sa katawan ni Mama. Kaya ang dami namin magkakapatid dahil napakamanyak ni Papa. Mabuti na lang loyal si Papa at kay Mama lang sya namamanyak kundi masasapok ko sya sa kamanyakan nya. "Yes po. So, sasabihin ninyo na kung anong condition yon?" tanong ni Right. "Yeah." pabitin pa ni Mama. Napairap ako sa kanila ni Papa na naghaharutan pa. Akala mo teenager na naghaharutan eh. "Anong condition naman yon? And please! Wag nga kayong magharutan!" naiinis na ako sa kanilang dalawa! Inaantok na ako, gusto ko ng matulog! "Chillax baby girl." sabi ni Papa. Sinamaan ko sya ng tingin. Like duh? Hindi na ako baby! At ayoko na tinatawag ako ni Papa na baby girl! "Kung sinasabi ninyo na kasi kung ano ang sasabihin nyo na matapos na ito." inis na sabi ko. "Okay okay! Kaya namin kayo pinatawag para sabihin ang condition." ang sarap sapakin talaga nito ni Papa, ayaw ng diretsuhin nang matapos na. Dada pa ng dada eh. "Ilang tanong pa ba ang itatanong namin bago nyo masagot kung ano talaga ang pakay nyo?" natawa naman si Right sa tabi ko. "Mga twenty pa." sabi ni Papa na kunwaring nag-iisip. "Papa!" Hays! Sakit talaga sa ulo nitong matandang 'to feeling teenager. "Okay, pikon mo." natatawang sabi nya. Sinong hindi?! puyat ako tapos tinatagalan nila. "Isa!" pagbibilang ko. Oo, ako na ang malakas loob ganituhin ang mga magulang. Parang mga bata kasi. "Ito na! Ang init--" "Dalawa!" muling bilang ko. "Magkakaroon kayo ng maid sa bahay nyo! Happy?" medyo iritang sabi ni Papa. Gusto ko sana matawa dahil nakakatawa ang mukha ni Papa pero nung sinabi nya ang condition ay hindi na ako natuwa. We're twenty years old for God's sake! Tapos magkakaroon kami ng yaya? "Why?" tanong ni Right na may pagkakataka sa mukha. "Para may magbantay sa inyo." sabi ni Papa at nakakitbitbalikat. "What a nonsense reason Papa." sabi ko. "Para may maglinis ng bahay nyo lalo na ikaw Left." sabi ni Mama. "Malinis naman bahay ko ah!" pwera sa kwarto ko. "Talaga lang huh? Ah basta mamaya lang nasa bahay ninyo na ang maid ninyo. Don't worry mapagkakatiwalaan ang kinuha namin." sabi ni Mama. "You can go now and please lock the door." sabi ni Papa at hinalikan si Mama na tinugunan nya naman. Letche ang mga 'to, hindi man lang kami hinintay makalabas bago maglampungan. Agad kaming lumabas ni Right, ako ang huling lumabas kaya padabog kong sinara ang pinto. Naiinis ako eh! ayoko ng may kasama ako sa bahay! Ni wala nga akong pinapapasok don miski ang mga gago kong bestfriend hindi ko pinapapasok tapos magkakaroon ako ng kasama at maid ko pa? Panigurado aasarin ako nila Fin sa maid ko. Ugh! Kaasar naman sila Papa eh! -----------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.8K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.4K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.5K
bc

The Sex Web

read
131.3K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
452.7K
bc

Stubborn Love

read
98.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook