bc

Stallion #30: ANGELO EXEL FORMOSA

book_age4+
2.6K
FOLLOW
12.9K
READ
opposites attract
arrogant
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Ultimate crush ni Nadja si Ian Jack. Para sa kanya, ito na ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay. Handang-handa na ang puso niyang magmahal. Ngunit saka naman dumating ang isang istorbo.

Si Angelo Exel Formosa.

Hindi lang ito naging malaking istorbo para sa pagsinta niya kay Ian Jack, naging panggulo rin ito sa nananahimik niyang puso. Dahil mula nang sumulpot ito sa buhay niya, ito na lang lagi ang kanyang hinahanap…

Teka, hindi ba’t inlove na siya sa iba?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
ABALA SA pagbabasa ng paborito niyang libro si Nadja nang mapatingin siya sa wallclock na nakasabit sa dingding ng souvenir shop ng Picka-Picka.   “Its time.”  Malakas niyang isinara ang libro at inihagis iyon sa rattan basket sa isa pang bahagi ng shop.   Pagkatapos ay dinampot naman niya ang binocular sa ibabaw counter at tahimik na dumiretso sa kanugnog na veranda.  Dalawang metro kasi mula sa kinaroroonan niya ay bangin na kaya pinagawan ng veranda ang naturang shop.  Salamat sa talino niya, ngayon ay nagagawa na niyang makasilay sa guwapong lalaking ilang metro lang ang layo ng bahay sa shop na pag-aari niya.   “Where art thou, oh handsome creature of the…ah…”  Ini-adjust niya ang zoom ng binocular upang mas makita nang maigi ang kanyang tinutunghayan mula sa salaming bintana ng bahay ng lalaki.  “Of the—aw, syet!  Nandiyan ka na pala, irog!  Wuuuu!” Si Ian Jack Salmentar.  Ang nag-iisang lalaking pinag-aaksayahan niya ng panahon at atensyon.  Ang nag-iisang lalaking gusto niyang laging nakikita.  Ang lalaking walang kamuwang-muwang na pinagnanasaan na niya.  Napangisi siya nang makitang naupo sa sofa nito si Ian Jack habang may pasak ng kutsara ang bibig.  Sa mesitang nasa harap nito ay nakapatong ang isang laptop computer.  Magulo ang buhok nito, lukot-lukot din ang sando na suot pati na ang cargo shorts nito.  Halatang kagigising lang nito. “Good morning, irog,” ngiting-ngiti niyang sambit.  “Nag-breakfast ka na ba?  Gusto mong ipagluto kita?  Sige, tumingin ka lang dito at kindatan ako, meron ka na agad instant breakfast.  May bonus pang kiss iyan.” Hindi rin niya alam kung bakit pinagmumukha niyang tanga ang sarili nang dahil lang dito.  Ah, oo nga pala.  Kasi gustong-gusto nga pala niya ito.  Mula nang araw na makita niya itong dumaan sa tapat ng Picka-Picka, nagmamadali habang namumutok ang laman ng pagkalaki-laki nitong backpack.  Naisip niya noon, isa itong kalahi ni Samson, o ni Godzilla, dahil tila balewala lang dito ang dala nito.  And at that time, it was even raining very hard.  Ngunit di iyon alintana ng lalaki.  Inaabangan nga niya kinabukasan ang anunsyo sa Stallion Riding Club na may sakit ito.  Pero wala.  In fact, nakita pa nga niya uli itong dumaan sa tapat ng Picka-Picka, lumingon sa kanya at ngumiti pa.  And the moment she saw that smile, nalaglag ang kinakain niyang cookie dahil napatanga na lang siya rito, kasabay niyon ay ang pagkalaglag na rin ng puso niya para rito.  Mula noon, lagi na niya itong inaabangan kahit pa nga hindi na uli naulit ang paglingon nito sa kanya at pagngiti.  Ayos lang iyon.  Masaya na siyang nakikita itong dumaraan sa tapat ng Picka-Picka.  Batid niya, balang araw ay darating din ang pagkakataon na hihinto ito sa tapat ng shop niya, papasok at babatiin siya.   “Sige lang, irog.  Pakabusog ka sa kutsara mo.  Ako naman e nandito lang sa tabi-tabi, laging nakabantay sa iyo—“ “Excuse me, Miss?” “At hindi namamansin ng mga malignong nagsasalita sa tabi ko.”  Muli niyang in-adjust ang zoom ng kanyang binocular.  “Wala akong katatakutan dahil nakikita kita, o iro—“ “Miss.” Dahan-dahan niyang nilingon ang istorbo sa kanyang morning ritual.  Sinigurado rin niyang masamang-masama ang itsura niya para malaman ng istorbo na hindi maganda ang ginawa nitong pang-iistorbo sa kanya.  Hayan, redundant na tuloy siya.  Asar, ha. “Bakit?” “Anong bakit?  Customer ako.  Gusto kong bumili ng mga bulaklak.  Asikasuhin mo ako.” Asar ‘tong isang ito, ah.  Base sa suot nitong riding uniform, isa ito sa mga prominenteng taong miyembro ng exclusive Stallion Riding Club.  Kung hindi lang sa paraan nito ng pag-uutos sa kanya, pupurihin sana niya ang gandang lalaki nito, eh.  Kaso, di bale na lang.  Bukod sa wala siyang balak pumuri ng mga mayayabang na nilalang, si Ian Jack lang din ang kinikilala niyang guwapo sa mundo.  Kung hindi man sa buong Stallion Riding Club. “Pumili ka na muna ng magugustuhan mo bago mo ako tawagin.  Saka ko kukuwentahin ang mga nabili mo.” “Hindi mo man lang ba ako i-a-assist?” “Bakit, pilay ka ba?”  Sinulyapan niya ang mga paa nito.  “Hindi naman, ah.  Kaya mo na iyan.” Pabalik na siya sa veranda nang muli siya nitong tawagin.  “Ganito na ba ngayon magtrabaho ang mga nasa establishment ng Stallion Riding Club?  Walang galang sa mga customer.  Does Reid know about this?” “Alam mo, Mister—“ “Angelo Exel Formosa.” Wala akong pakialam!  “Alam mo, Mister, ganito na talaga ako magpalakad ng negosyo ko rito,” wika niya sa pinakamahinahon niyang tinig.  “Hahayaan kong mamili ang mga customer nang hindi sila iniistorbo dahil kapag pinakialaman ko sila, mapa-paranoid ang mga iyon.  Saka ko lang sila iistorbohin kung gusto na nilang magpaistorbo.” “Ganon naman pala.”  Ipinatong nito ang dalawang kamay sa ibabaw ng kanyang counter.  “Gusto ko ng magpaistorbo.  Dahil gusto kong asikasuhin mo ako.” Naku, Nadja.  Maghunus dili ka.  Huwag mong patulan ang impaktong iyan dahil magkakaroon ka ng record kay Jesus.  Hindi ka na Niya bibigyan ng gift.  Remember, ang irog mong si Ian Jack ang gusto mong maging gift Niya sa iyo sa Pasko.  At next month, Pasko na.  So be a little good girl, okay?  Kaya mo ang isang iyan. Nakaplaster na sa kanyang mukha ang isang fake na fake na ngiti nang iwan ang veranda at lumapit sa counter.  “Yes, Sir?  What can I do for you, Sir?” “Wala akong alam sa flower combination,” buong paghahari pa rin nitong wika.  Talagang hindi ito tinatablan ng killer look niya.  So, its either makapal ang mukha nito o talaga lang manhid ito.  “Give me something that a special woman would want to have.” Walang sabi-sabi niyang hinugot sa flower vase na naka-display sa ibabaw ng counter ang isang tangkay ng zinnia at iyon ang ibinigay dito ng ngiting-ngiti pa rin. “Heto.  Zinnia.  Maganda iyan.  Para sa mga retarded.” “Retarded?” “O di ba ang sabi mo, ‘special’ woman.  As in retarded woman, right?” Nagsalubong ang mga kilay nito.  Nagpatuloy lang siya sa pangiti.  Kung hindi siya nagkakamali, anomang oras ay lalayas na rin ito sa harap niya at makakabalik na siya sa kanyang irog na si Ian Jack.   Perfect! “Kahit kailan ay hindi pa ako nakatanggap ng ganitong klase ng reception,” wika nito.  Galit.  “I have never felt this insulted.  Kung ayaw mong pagsilbihan ang mga customer mo, hindi ka na lang sana nagtayo ng negosyo.” “Teka, una sa lahat, hindi kita iniinsulto.  Ang zinnia ang bulaklak na nakakapagpa-relax ng isip ng mga tao.”  Kunwari, totoo.  “Humingi ka ng suggestion, binigyan kita ng sagot.  Tapos ngayon, sasabihin mong iniinsulto kita at gusto mong ipasara ko na itong shop ko?  Baka gusto mo ng zinnia?  Dahil mukhang troubled na rin ang pag-iisip mo.” Kinuha nito sa kanya ang pobreng bulaklak.  “You’re sick.” Ginaya niya ang seryosong mukha at boses nito.  “Then call the doctor very quick.” Tinitigan lang siya nito ng matagal.  Ng matagal na matagal.  Sa sobrang tagal, parang tinubuan na siya ng kulaba sa kanyang mga binti.  At sa sobrang tagal din ng titigan nilang iyon ay tila ba lumusot sa kanyang mapangmatang mga mata ang totoong itsura nito. He was really a goodlooking guy.  With angelic face, cute pointed nose, nice rosy lips, smiling eyes even when he wasn’t really smiling at the moment.  One could really get addicted to that handsome face.  Kahit siyang may ibang iniirog, hindi malayong magustuhan ang guwapong mama.  Kung hindi lang niya narinig ang kayabangan nito. “Hoy, mamang ano, bibili ba kayo o hindi?” untag niya nang hindi lumalayo rito.  “Aba’y marami pa akong trabaho rito.  Kung gusto mo akong titigan maghapon, bibigyan na lang kita ng picture ko.  May autograph pa iyon—“ “Hindi na.”  Pinutol nito ang mahabang tangkay ng zinna at isinuksok ang bulaklak sa pagitan ng kulot niyang buhok.  “Salamat na lang sa napakagandang pag-aasikaso.” Tinalikuran na siya nito pagkatapos.  “Uy, sige.  Ingat.”  Dinampot naman niya agad ang binocular saka bumaling pabalik sa veranda.  “Hey, Jack…hey…heypibertdey!” Naabutan naman niyang nagpu-push up ang binata sa sala nito.  Ng walang suot na sando!  Napangisi siya. “Kung hindi ka nga naman sinusuwerte ngayon, Nadja!” bati niya sa sarili.  “Naku!  Just look at those flexing muscles, mare.  Panalo!” Sulit na sulit ang pagtatayo niya ng negosyo sa loob ng Stallion Riding Club.  Bukod kasi sa wala talaga siyang lugi, ang laki pa ng bonus na nakuha niya nang hindi sinasadya.  At iyon ay sa katauhan nga ni Ian Jack.  Sino ang mag-iisip na magiging ganito siya kalapit sa lalaking naging kabuuan ng kanyang pangarap? Life couldn’t be any better than this.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.7K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.2K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
47.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook