Share:

TWO PRIVATE PARTS : THE HEARTS

Korei Roque Romance

9158 reads

May writers block at may hinahabol na deadline si Uela. At Kailangan niya ng tahimik na lugar. Kaya minabuti niyang magbakasyon sa malayo para makapag-isip, makapag-concentrate at makapag-sulat ng nobela. Isa siyang romance writer sa isang sikat na publication at nagtatago sa pangalang "Lady Elle".

Sa isang private beach house sa isang malayong isla siya nagtungo kung saan ang kanyang tiyuhin ang care taker niyon. Pumayag itong doon muna siya mag-i-stay ng ilang araw habang nagsusulat. Total ay wala pa naman ang may-ari niyon at nasa ibang bansa. Ayos na ayos iyon sa kanya sapagkat gusto niya ng katahimikan. Walang iistorbo sa kanya. Sure siyang matatapos niya ang trabaho niya ng maaga.

Pero mukhang mali yata ang sinabi ng tiyuhin niya. Isang araw ay may dumating na gwapo ngunit supladong lalaki lulan ng isang mamahaling yate. Naabutan siya nito sa "property " niya kuno. Pero ang mas ikinagulat niya ay ang makita niya itong hubo't hubad sa harap niya mismo sa una nilang pagkikita. As in lahat-lahat.

Nagpakilala itong si Terrence Inigo Daza at sinasasabi nitong siya ang may-ari ng isla. Nung una ay ayaw niyang maniwala baka niloloko lang siya nito. Pero napatunayan nito na totoo ang sinasasabi nito. Hindi niya tuloy lubos akalain na bigla na lamang itong darating roon habang andun din siya. Ang malas talaga niya.

Dahil dun ay pinapalayas siya nito at nagbanta pang kakasuhan siya ng trespassing. Wala siyang bang pupuntahan. Hindi niya kabisado ang isla. At mukhang delikado pa naman sa labas. Wala pang magsusundo sa kanya pabalik.

Kaya na-stuck siya sa isla na kasama ito. Nag-aalala tuloy siya. Parang mas delikado yata ang lagay niya pati ang puso niya sapagkat walang ibang tao dun kundi silan dalawa lang. Makakauwi pa kaya siya?

Unfold

Tags: opposites attractarrogantpowerfulindependentdare to love and hatebossdramasweetbxg
Latest Updated
Special Chapter
Comment