bc

Xoxo - Keith and Kibo

book_age16+
16
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
twisted
sweet
LGBT+ Writing Contest
LGBT+ ประกวดงานเขียน
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
humorous
lighthearted
Fantasy Romance Ⅱ Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

Kibo's love story

I do believe in fate, coincidence and destiny, Sometimes the road to our destiny is opposed by obstacle, bumps and potholes of fate, yet coincidence happens along the way. And that coincidence will eventually lead us to our destiny whatever our fate will be.

chap-preview
Free preview
Chpater 1
XOXO Keith and Kibo Photo credit - lucas and kibo Prologue I do believe in fate, coincidence and destiny, Sometimes the road to our destiny is opposed by obstacle, bumps and potholes of fate, yet coincidence happens along the way. And that coincidence will eventually lead us to our destiny whatever our fate will be. "I have to go." Nagmamadaling sukbit ko sa bag ko nang matapos ang klase para sa araw na iyon. " Wait where are you going? May usapan tayo after exam, movie date with me? Baka lang nakakalimutan mo? " nakataas ang kilay na saad ni Queenie. Nilapit ko lang yung mukha ko sa tenga niya. " Bakit boyfriend ba kita?" bulong ko saka nagbigay ng matamis na ngiti. “ Boyfriend muna bago kaibigan.” natatawang saad ko habang inaayos yung libro ko, kita ko lang yung di makapaniwalang tingin niya. “ Just kidding.” kindat ko sa kanya. “ Not Funny.” “ Ito naman, love yah see you tomorrow.” "Kiboo??!!" " He is waiting sa outside, maawa ka naman." nguso ko pa saka tumalikod. “ Parang may kulog kanina, umuulan kaya?” " kibo naman eh, how about our movie date?" hawak niya sa bag ko. " Please, alam mo naman busy yung -" nilagay ko lang yung palad ko sa bibig ko. "boyfriend ko." bulong ko. " kaya pagbigyan mo na ko, first time niya ko sunduin kaya I am so excited." saad ko na sinagot naman niya ng simangot. "please?? Please? Don’t know bakit naisipan niya ko sunduin, eh alam ko busy na sya sa pagrereview  para sa board kaya pagbigyan mo na ko." "Kibo?" " please?" Saad ko na pinagdaop yung dalawa kong palad. Isang buntong hininga lang yung pinakawalan niya. "Please? Next time na yung movie date natin. " " Promise me next time?" " Promise." saad ko saka tinaas yung kaliwang kamay ko.  " Bye alis na ko." " Wait!" " Why?" muling lingon ko. " Paano muna yung cute?" ngiti niya, napalingon naman ako sa paligid. May mga ilang studyante pa sa room kaya napakamot ako sa ulo." what? kibo paano yung cute? " ngiti niya. " Queenie, may tao pa, nakakahiya." " Then, dont go." simangot niya.  “ Isa lang eh, di mo pa mapagbigyan.” " Kasi naman eh. " " Kibo pano yung cute? " pacute na saad niya, nanatili naman akong nakatingin sa kanya. "isa lang please?" " fine." saad ko saka ngumiti habang nagpapacute, kita ko naman yung laki ng ngiti niya. " okay na, bye see you tomorrow?" saad ko saka tumalikod. " wait kibooooo!" muling tawag niya. " pano uli yung cute?" lumingon lang uli ako sa kanya saka nagpacute. Kita ko naman yung pagtawa niya. Nag init lang yung pisngi ko ng mapansin yung ibang naroon na nakatingin sakin. " one more please?" rinig kong saad pa ni queenie. " Aixt!" saad ko sabay pacute saka patakbong lumabas ng kwarto na yun. Hate you talaga Queenieee!! Palabas na ko ng building nun ng marinig ko yung malakas na buhos ng ulan, nilabas ko naman sa bag ko yung blue ko na payong saka kinuha yung phone ko. " Baka mabasa sya, asan na kaya sya." nag dial lang ako sa phone ko saka tinapat sa tenga habang binubuksan yung payong. Ilang sandali pa ng sagutin to ng nasa kabilang linya.  " Babe, where are you?" " Kibo." " Where are you? Palabas na ko ng building, mejo malakas yung ulan.. Nabasa ka ba? " “ Kibo I have something to tell you.” “ Sure, saan ka ba? Puntahan na kita, mejo nagcecrave ako ng something spicy. Nagdinner ka na ba? Book ako ng grab.” " Kibo let's end this. " saad niya na ikinakunot ng noo ko. " End what?" " Our relationship." rinig kong saad niya, di ko naman mapigilang matawa. " Kibo I'm serious, break na tayo. " " Ano ba to? Prank? " natatawang saad ko." Babe baka nakakalimutan mo na di pa tayo legal kaya di pwede yang prank prank mo." " Kibo, I'm serious. " " Serious sa alin?" “ About ending this relationship, di pa naman tayo ganoon katagal? Two weeks? That is too short kaya habang maaga pa-” “ Allen, you’re joking right?” putol ko sa sasabihin niya. “ No, let’s end this.” “ Allen.” " I realise na babae yung gusto ko, na babae yung gusto ko ipakilala kala mama, na babae yung gusto ko makasama habang buhay. Kibo,  you know I love you but this relationship is not for me. " Nakagat ko naman yung labi ko habang nakatulala sa bawat patak ng ulan." I am not the guy for you and I know you deserve better, yung taong kaya ka ipaglaban, And I'm sorry but I’m not that guy. " " Over the phone Allen, you are breaking up with me over the phone? Are you serious? " mahinang saad ko na may tumulong luha sa pisngi ko. “ Sabi mo mahal mo ko di ba, maghihintay naman ako hanggang kaya mo na ko ipakilala sa magulang mo. Allen di ako nagmamadali.” " I'm sorry Kibo, uwi na ko. " " Wait Allen,  ano yun? Yun na yun?" " I'm sorry kibo, bye." saad niya hangang maputol yung linya, what the eff na malagkit, napanganga lang ako habang nakatingin sa phone ko. DEYM! Muli ko lang dinial yung number niya pero nakapatay na to. “ What the hell!” nanlalaki ang matang bulong ko. Seryoso ba to? Wait kibo, relax.. Ano nga uli sinabi niya? Bbb-reak na daw kami? No! Muli kong dinial yung number niya, pero wala. I open my messenger but... He blocked me??!! Like seriously?! Hoomaygulay! Wait, right **, I just open the app then.. “ pati sa insta..how dare you Allen!” nakagat ko lang yung labi ko habang tuloy yung luha ko. No, this is not happening! This is not true! Ilang sandali pa ko nakatulala ng tumunog yung phone ko. Wala sa sarili ko naman tong sinagot.  " Hey kibo, my cutie vampire, nasa baba ka pa?" saad ni Queenie sa kabilang linya. " Someone posted your picture, it said that she saw you crying? is there something wrong?"  tanong nito pero di ako nagsalita. "Hey, kibo.. Answer me? Are you crying? What happened?" “ Uhm.” singhot ko. “ Kibo, answer me? Are you okay, where is your boyfriend?” " Bukas pa kaya ang chekko?"  wala sa sariling saad ko. " You want milk tea? In this kind of weather? are you with Allen na ba?" " Bukas pa ba?" “ Ang alin?” “ I want milk tea, yung madaming madami.” " Pano muna yung cute?" saad niya pinilit ko naman ngumiti pero may pumatak na luha sa mata ko. " just kidding, I think bukas sila pero I doubt it kung maabutan mo pa, Until 7pm lang sila every monday. " " Okay. " saad ko saka pinatay yung phone ko at nilagay sa bag. Humugot lang ako ng malalim na hininga saka sinuong yung malakas na ulan. Why! Kung babae naman pala gusto niya.. Sana di sya nakipagclose sakin, sya unang umamin tapos sya pa may lakas ng loob makipaghiwalay! Aaahhh hate him! Nung Nafall ako, sinalo niya ko pero deym bibitawan niya rin pala, pakyu sya! Nang makarating sa tapat ng milk tea shop na yun, di ko lang mapigilan umiyak. 1st relationship ko yun! Di man lang kami nakapag s*x! Deym oo nga di man lang nangyare yun! Aixt bakit ba yun naiisip ko! Pero naman kasiiiiiii! Sa two weeks na relationship namin, kiss lang nagawa namin tapos hindi man lang torrid! That is so unfair! Nakita ko naman yung lalake sa loob na mukhang babaguhin na yung sign sa labas agad naman ako kumatok. No, Kailangan ko ng maraming milk tea ngayon! "Wait, waittttt." katok ko sa salamin saka agad tong binuksan at nilagay sa gilid yung payong ko. " Sorry pero close na kami. " saad nito pero pinilit ko maglagay ng ngiti sa labi ko. " please?" saad ko. " gusto ko lang po ng milk tea?" " Pero." “ Please?” " What is your order cutie?" rinig kong saad sa likod ko, paglingon ko nakita ko lang yung isang magandang babae. " Pero Vanessa." rinig kong saad nung lalake, agad naman akong tumingin dito saka ngumuso at pinagdaop yung dalawa kong palad. “ Keith sige na.” saad nung babae. "Please? I really love your milk tea."  ilang sandali lang tong tumitig sakin saka napabuntong hininga. " Fine." saad nito saka binaliktad yung open sign na nasa salamin na pinto. " So whats your order?" tanong nito. Agad naman akong pumunta sa counter para mamili ng flavor. I want that..that..all of it.. “ What?” tanong nito ng di ako magsalita. "Uhm Isang caramel machiato, vanilla chocolate, stawberry, macha, double choco nutella with cream cheese and of course the wintermelon. " saad ko, nang tingnan ko yung lalake kita ko lang yung di makapaniwalang tingin nito sakin. " Uhm para sa mga friends ko, please with a lot of pearls." ngiti ko. " We do have fries,  lasagna. Baka pati yun gusto mo? " " Can I? " pilit na ngiti ko. “ Or should I?” " No you can't. " simangot nito." caramel machiato, vanilla chocolate, strawberry, macha, double nutella  choco with cream cheese and the wintermelon.. Anything else? " mabilis na saad niya kasunod ng isang buntong hininga saka nag angat ng tingin sakin. " Lasagna? " nguso ko. " I'm sorry pero wala na." " Okay, ooffer ng lasagna tapos wala naman pala. " bulong ko. “ Ano yun?” rinig kong saad niya. “ Uhm Wala po.”  bagsak ang balikat na saad ko." yun lang, hintayin ko nalang. " bigay ko ng bayad, pagbigay ng sukli sakin ay isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka tumalikod at tumuloy sa mesa, umupo lang ako kung saan kita ko yung labas at kita din ako sa labas. Nakakasenti naman tong ambi na to! Aixt kainis! Bakit ba umuulan pa ngayon? Napakadrama tuloy. Napakawalang hiya ng Allen na yun! Pero I love him! High school palang crush ko na sya pero sya unang lumapit! Nakakainis sya! Ipakulam ko kaya sya? Pero sayang naman sya, yung ganun kagwapo dapat may nakikinabang pero pakyu sya! Ilang sandali pa ng may maglagay ng kung ano sa mesa ko, pag tingin ko nakita ko lang yung lasagna sa pingan, nang mag angat ako ng tingin sinalubong lang ako ng nakasimangot na mukha nung lalake sa counter. " Bigay ng amo ko." turo nito sa counter,  kita ko naman dun yung magandang babae kanina, nagwave pa tong ng kamay sakin. “ It’s free.” saad pa nito saka tumalikod. " Thanks." mahinang saad ko saka sinimulang kainin yung nasa mesa. Hindi ko lang mapigilang humikbi habang sumusubo. I hate you Allen! sana nakipag break ka naman ng personal, ano na gagawin ko? Hahabulin ko ba sya? Puntahan ko sa bahay? Magmamakaawa ba ko pero hays sobrang cute ko naman para maghabol! Di bagay sakin pero mahal ko sya! Ahhhhh… Di ko lang mapigilang mapapadyak. “ I hate you.” bulong ko. Nang mapadako yung tingin ko sa counter, nakita ko lang na agad umiwas ng tingin yung lalake na halata naman na nakatingin sakin. Mga bwiset talaga mga lalake! Hays kung babae nalang kaya mahalin ko? Napatingin naman ako dun sa babae na busy sa pag aasikaso sa mga milk tea ko. Eh kasooo… gusto ko ng anoo.. Pilit ko lang pinupinusan yung bawat luha ng pumapatak sa mata ko. Ilang minuto ng maubos ko yung kinakain ko ng may naglagay ng plastic sa harapan ko laman nun yung mga milk tea na inorder ko. "Thanks." walang ganang saad ko saka kumuha ng isang milk tea, agad ko lang  tinusok yung straw at sumipsip. " Salamat po." tango ko dun sa lalake at ngumiti dun si babaeng may ari ata. Pinagbukas pa ko ng salamin na pinto ng lalake dahil hawak ko sa isang kamay yung ilang plastic at sa isang kamay ay yung isang milk tea Wala sa sariling naglakad ako habang sinisipsip yung milk tea na binili ko. Buti naman wala ng ulan, Pag tingala ko nakita ko lang yung mga star. " Kuya penge po?" saad ng isang bata na lumapit sakin. " Akin lahat to eh.” nguso ko pero kita ko lang yung nakakaawang mukha ng bata. ” Pero sige bibigyan kita." saad ko saka binigay yung hawak ko. Nung makaalis yung bata kumuha uli ako ng isa saka sinimulang sipsipin. Buti pa tong milk tea na to matamis kahit masama ang panahon! Chapter 1 KEITH's  POV 2 years later "Please dude, faster!" " You know what? shut up." inis na saad ko habang hingal na hingal. " Masakit na talaga, ang bagal bagal mo." " Dude kung babae ka lang sana.. Baka.." " What?" putol niya sa sasabihin ko na ikinangiti ko. “ Wait, pagod na talaga ko." " Dude.. Pleaseee wag ka na tumigil! Di ko na talaga kaya!" Gigil na saad niya. " Maghintay ka nga, pinupulikat pa ata ako!" natatawang saad ko. " Oh holy cow! Di ko na talaga kaya! Humanda ka talaga sakin Keith! " Gigil na saad niya, hanggang naputol ang linya. Natawa nalang ako habang nakatingin sa phone ko. Pinagpatuloy ko naman yung pag-akyat sa hagdan papuntang 5th floor ng hospital na yun. "Kala niya madali maghagdan, damn bakit kasi ngayon pa nasira yung elevator eh!" inis na bulong ko.  Pag dating ko sa ikalimang palapag, agad ng hinanap ng mata ko yung number ng kwarto na sinabi ni Trey. " Hay finally." saad ko pagtapat sa isang kwarto. Sinilip ko muna yung loob bago to binuksan. Napatingin sakin lahat ng tao sa loob ng ward na yun kaya tanging paglunok ng laway ang nagawa ko. May walong kama na andun na halos lahat ay akupado at tanging isang kama ang walang tao. " Uhm pwede magtanong?" saad ko sa lalakeng nasa pinto ng mukhang cr ata. nakatalikod to kaya hindi ko makita ang mukha. "Dude is that you!?" rinig kong saad sa loob ng cr. " Yeah." "f**k you!" rinig kong saad niya na ikinatawa ko. " Kailangan niya ng tulong sa dextrose niya, ikaw na bahala." saad nung lalake na di man lang lumingon sakin. Naka uniform to na puti at halatang estudyante. Tumuloy lang to sa isang upuan sa tapat ng isang kama na may matandang babaeng nakahiga. Hanggang bumukas yung pinto ng cr at sumalubong sakin yung masamang tingin ni Trey. " Tandaan mo tong araw na to Keith." gigil na saad niya na ikinangiti ko. Kinuha ko lang yung dextrose niya saka sya inalalayan maglakad pabalik sa kama niya. " Sorry na aba, late ka na kasi tumawag." " Ang hirap mo lang gisingin! Kung wala lang tumulong sakin baka nagkalat na ko ng pupu dito sa kama. " inis na saad niya pagkahiga sa kama, inayos ko naman yung dextrose niya. "Hi there, thanks sa help buti nalang talaga dumating ka." saad ni Trey dun sa lalake sa kabilang kama. Nakita ko naman na nagbigay to ng ngiti saka tumango. That voice sounds familiar, saan ko ba sya nakita? Nice lips, haba pa ng mga pilik mata.. Wish to have those. " Alam na ba nila tita na andito ka?" tanong ko. " Ako nga di ko alam bakit ako nandito, sila pa kaya. " sarkastikong saad niya. " at wag mo na subukan ipaalam. Okay na ko, inaantay ko nalang yung result ng platelet count ko. Kapag tumaas na daw pwede na ako lumabas." " Nyare naman kasi sa inyo alexa, bakit ka iniwan dito?" " Nagchat kasi si Nica. " kibit niya ng balikat nanlaki naman yung mata ko. "Nabasa." " holy cow, you deserve it gago." sarkastiko kong saad. " add mo pa kasi sa sss yung nilandi mo, cheater ka bobo!" sinamaan naman niya ko ng tingin pero isang ngiti lang pinakawalan ko. " at ako rin." " Ikaw nagpakilala sakin kay Nica, baka gusto mo masaktan?" banta niya. " Fine, Pano ka lalabas dito niyan? May pera ka ba?" " Bro dengue sakit ko, philhealth na bahala kaya nga dito na ko sa public nagpadala eh para smooth, punta mamaya yung kapatid ko para ayusin. " ngiti niya napalingon naman ako sa mga tao sa loob ng kwartong yun. "what?" " Okay ka lang dito? Bakit kasi hindi sa private or kumuha ka nalang sana ng kwarto. " " Okay lang ako dito."  rinig kong saad niya hanggang matuon yung atensyon ko dun sa lalakeng tumulong kay Trey. Familiar talaga yung dating niya, saan ko ba sya nakita? Haixt ewan, I just hope na hindi ko sya kilala. " Mukha syang highschool student noh." bulong ni trey. " So cute." "What?" lingon ko kay Trey. " Si Kibo." nguso niya dun sa lalake na automatic naman na natuon ang mga mata ko. Nakauniform sya na pang school. Kibo? Wait.. I think I know him..  he looks neat and clean. ang fair ng skin niya, Di sya katakangkaran. Mukhang highschool student. Eh paki ko naman. Tumayo naman to saka sinimulang mag ayos ng gamit. Di naman maalis yung mata ko sa ginagawa niya. " He’s familiar." lingon ko kay Trey na ikinakunot ng noo niya. " Uhm lola Fe, kailangan ko na po pumasok sa school." rinig kong saad nito. " Papunta na po si Yaya Ces, pagaling po kayo huh. Kung may kailangan pa po kayo pakisabi mo kay Yaya Ces na wag po kayong mahiya magsabi kay Mommy and kung need pa po uli ng bantay at available po ako, call me nalang po." “ Salamat iho. " ngiti ng matanda. " Sorry po malelate na po talaga ko, Promise po pupunta po ako sa house niyo." saad nito na may ngiti sa labi. So cute and that pangil, para syang vampire..wait. " Okay lang iho." " Una na po ako." ngiti nito, nang mapadako ang tingin nito samin ay tumango lang to saka tuloy tuloy lumabas ng kwarto.  “ Bye po.”  masiglang paalam nito sa halos lahat ng  tao dun sa kwartong yun. “ Bye Kibo.” Paalam din ni Trey. “ Close kayo?” tanong ko habang sinusundan ng tingin yung paglabas nito sa kwarto. “ Nope.” natatawang saad nito, kilala ko talaga yun eh. " Gotcha! Naalala ko na!" ngiti ko. " Ang alin? " " Yung lalakeng yun? Regular yun sa Chekko di ba? " saad ko na ang tinutukoy ay ang milk tea shop na pinagtatrabahuhan ko. “ Sabi na pamilyar talaga yung boses.” " Tanga ka? Ngayon mo lang naalala?" ngiwi niya na ikinatawa ko. " At halos araw araw bumibili sa chekko yun. " " Sabi ko na familiar eh!" " Ilang taon na ang chekko gago ka ba?" " Huh? Ganun ba? Parang high school student kasi yung dating niya, malay ko ba.. alam mo naman na.." simangot ko. " Nasa college na sya, di na yun highschool dude." " I know, Mukha syang bata." kibit ko ng balikat. Kaya hirap na hirap ako lage kapag nakakasalubong sya. “ Ang alam ko kaibigan ng kapatid mo yun, di mo ba natatandaan?” “ Ahh yeah.” ngiti ko nalang. “ Anyway hanggang anong oras ba ko dito? Kainis minsan na nga lang makapag day off tapos andito pa ko. " " Gago ka, minsan lang din ako sa ospital. " " Di ba nakakamatay ang dengue, di ka pa natuluyan. " ngiti ko. Napalingon lang ako sa pinto ng bumukas to at makita yung babaeng blond ang buhok. “ It’s Vanessa.” saad ni Trey. Napangiti lang ako saka to sinalubong at bumeso. " Sinarado mo talaga yung shop ngayon? " ngiti ko pero umirap lang to saka ako nilampasan. Kita ko lang yung tingin dito ng mga tao sa loob ng ward na yun, damn masyado syang nagsstand out. Nakamamahaling bag, blonde ang buhok plus ang shades sa mata at yung mga prutas niya na nakalagay sa magandang basket. Napapakamot sa ulo naman akong sumunod sa kanya papunta sa kama ni Trey. " Kailangan talaga nakaporma ng ganyan pag punta dito?" natatawang saad ni Trey. " My God Trey, bakit ba dito ka nakaconfine? alam mo bang nag stairs ako paakyat dito?" saad nito na ikinatawa ko. " Same here." saad ko. " Thanks sa fruit." ngiti ni Trey pero inirapan lang to ni Vanesa. Magbestfriend kaming tatlo since high school. Magkakasama sa kalokohan, sa pagpapasaway. Kalahati ata ng buhay ko silang dalawa na yung kasama ko. Hangang nag college at makagraduate di pa din naputol yung pagkakaibigan naming tatlo. Magkakasama kami sa bawat drama ng bawat isa. Ito ata yung tinatawag na bestfriend forever Corny putek?! Si Trey nagtatrabaho sa isang travel agency while si Vanessa ay nagtayo ng sarili niyang bussiness which is the milk tea shop malapit sa isang malaking universidad. Ako? Nakatapos ako engineering but the thing is.. Nag failed ako sa board kaya bumagsak ako as pagtatrabaho sa milk tea shop ni Vanessa. Well di naman malaking issue sakin yung di pagpasa sa board pero sa magulang ko, mejo! pero di naman ako nagmamadali kasi I know maipapasa ko din yun. I am keith by the way, Your handsome boy at your service. " Tinawagan ako ni Alexa." irap ni Vanessa habang nagbabalat ng orange. Kita ko naman yung pag iwas ng tingin ni Trey. "I did my part, dont you forget your promise?" nakataas ang kilay na saad nito. " Yes sir." saludo ni Trey na ikinatawa ko pero agad syang binato ng ng balat ng orange ni Vanessa. " How dare you!" " I meam ma'am, di na mabiro. Promise nga kapag may gwapo sa client namin, ilalakad kita. " " Pwede ba kayong dalawa, tigilan niyo na pangbabae niyo." lingon ni Vanessa sakin. " At yung pagtwo time niyo? Konting kunsensya please?" simangot nito. " Yes po. " ngiti ko pero siniko lang ako nito." ouch. " "I have to go, need to open the shop at ikaw Keith make sure na after dito dumeretso ka na dun."  " Wait off ko ngayon?" kunot ang noong saad ko. " Off mo mukha mo! Alis na ko." saad nito saka sinukbit yung mamahalin niyang bag. " Pero off ko di ba?" " fine... Off mo na forever. Wag ka na babalik sa shop habang buhay. " " Susumbong na talaga kita sa dole. " " Magsumbong ka, samahan pa kita. Halos dalawang beses ka lang pumapasok sa isang linggo. Tapos off pa gusto mo? Gusto mo masaktan?! O gusto mo sabihin ko kay Jenny na may isa ka pang syota na pumupunta sa shop just to remind you?” mataray na saad nito, nakagat ko lang yung labi ko saka marahang tumango. “ Fine.” “ Trey, alis na ko. Dinaan ko lang yung prutas mo, Kung may kailangan ka pa. Just call me, bye.” saad nito saka ako nilampasan. Inambahan ko naman to pagtalikod na ikinatawa ni Trey. Tuwing Monday and Friday, ako inaatasan magbukas ni Vanessa ng shop. Hindi ko alam kung bakit pero sa loob ng dalawang taon ata naging routine ko na pumasok ng maaga sa mga araw na yun. 2 years ago ng mag failed ako sa board exam and my parents got really mad about it. That’s when I decided na mag sarili na. I bought a condo unit sa help na rin ni Vanessa and Trey. It was pretty rough living alone sa simula pero nakasanayan ko na din. Without the support of my parents? God I thought babalik din agad ako sa bahay, but heto nakaya ko. Pinipilit pa rin ako bumalik sa bahay pero parang hindi ko pa kaya, I want to prove to them specially to my Dad that I can do better, na nag failed ako pero it doesn’t mean na I failed in life tulad ng sabi niya. “ You are a failure.” habang buhay ko na ata tong maalala na sinabi ni Daddy. San ako pumupunta kapag hindi Monday or Friday? Kung saan saan Monday morning nun kaya alas otso pa lang ng umaga ay gising na ko para magsimula mag asikaso, ako magbubukas ng chekko kaya I need to be there before 10 am, kailangan ko mauna sa mga staff kasi malamang sermon ako kay Vanessa kapag nalate ako. “ Bakit ba parang araw araw nababawasan mga underwear ko?” napapakamot na saad ko habang nakatingin sa drawer ko kung saan nakalagay yung mga brief ko. “ Pinag-iinteresan ba to ni Manang Letty.” bulong ko na ang tinutukoy ay yung taga linis ko ng condo unit tuwing lunes at biyernes. Hays nevermind! Imposible malapit ng mag senior yun kaya malabo, pero paunti na ng paunti? Or baka may daga dito? Nilibot ko lang yung tingin ko sa buong kwarto. Malabo! Makabili na nga lang. Pagkaparada ko sa parking lot natanaw ko na agad yung babae na nakatayo sa tapat ng chekko. Blonde ang buhok neto but i know its not Vanessa, mahaba yung buhok nun eh. " Hi there, 10am pa yung bukas namin." saad ko dito ng di to lumingon dahil sa phone nakatuon yung atensyon nito. " Kuya it's me, Queenie! Your beautiful sister! " lingon nito sakin, natawa naman ako ng mapagmasdan yung  mukha niya. Yeah it's her voice. " Ano ginagawa mo dito?" saad ko saka sinimulan itaas yung blind ng store.  " At sino nagsabi sayo na bagay sayo ang blond na buhok? " " a friend? Kinakamusta lang kita, ayaw mo ba?" " May kailangan ka noh?" "Uhm." ngiti nito kaya agad akong tumalikod at binuksan yung salamin na pinto ng store. Sumunod lang sya sakin pag pasok. " Kuya I need a new phone, look." harap niya sakin ng phone niya na basag yung screen. " Queenie, wala akong pera." " Kuya naman eh, please?" " Kay Dad ka manghingi, sya madaming pera di ba?" " Ay bad shot pa ko dun eh." " Bakit nanaman, ano ginawa mo? Don't tell me may bagsak kang subject?" " Wala noh! Dinala ko kasi yung isa kong friend sa bahay, Eh nakabasag." rinig kong saad niya nanlaki naman yung mata ko." nabasag niya yung malaking base sa sala. " ngiwi niya na ikinatawa ko. Nagcocollect si mommy ng mga antique na base at di ko maintihan tuwing makakabasag kami ay si Daddy mas galit na galit, maybe because sa kanyang pera ang ginagamit ni Mommy sa pagbili ng mga yun. " Wait, yang bang friend mo na yan yung kasama mo nung napatrouble kayo sa grocery kasi nabasag niyo yung mga mamahaling alak na nakadisplay?" tanong ko na ikinangiti niya. " At yung friend mo na yan yung nagdrive ng motor ko tapos di nagpreno at sa loob mismo ng 7/11  nag park? " " Kuya di naman sinasadya. " ngiti nito. “ At yung friend mo na ilang beses na nakatapon ng milk tea dito?” “ Kuya promise mejo clumsy lang sya pero di niya sadya yun.” “ Sya din yung sumuka sa damit ko nung sinundo ko kayo dahil sa sobrang lasing niyo di ba?” simangot ko. " Di sinasadya, eh kung dagukan kita jan. " " Sya din kuya nakabasag ng phone ko." natatawang saad niya. " Ano nga uli name nung friend mo? " " Kibo, pero he is so cute! Tagal ko na syang kilala pero parang hindi nawawala yung cuteness niya sa mukha, my God he is innocent and pure ang sarap niya ibulsa. " It’s him nga, sya yung nasa ospital, pero bakit di niya suot yung bag niya na blue. " Lalake yan di ba, yung may bag na kulay blue lage mo kasama? " " Yes kuya, favorite niya yung milk tea niyo dito kaya madalas sya dito." " I see, eh bakit di mo syotain? Ay kaso puro trouble naman dala eh. " " I like him pero cannot be kuya, ang gwapo gwapo niya kaso gwapo din ang gusto kaya ang saklap. But atleast we are close right. " saad niya saka tumingin sa relo niya." Kuya  I have class pala, yung phone kuya please? Bili mo ko. " " Oo na sige na, bili kita bukas. Daanan mo nalang dito." lingon ko sa kanya habang nag aayos ng mga upuan. Dumating naman yung ilang staff namin saka tumuloy sa locker room. " Thank you kuya. " ngiti ko. " Para naman makakatangi ako sayo, kamusta sila mommy?" " Okay naman sila kuya, sa bahay ka nalang kasi. Di nanaman galit sayo si Daddy,  umuwi ka na kasi, for sure di mo na maalala mukha nila." Sadly, yes. " Ilang taon pa ba yang dentistry mo? Para makapagwork ka na."  pag iiba ko ng usapan. " 2 more years pa, ikaw nagsisimula ka ba uli mag review para sa board or wala ka pa rin plano kumuha ng board sa january? " tanong niya pero isang buntong hininga lang yung naging sagot ko." Kuya, dalawa lang tayo magkapatid, pakiramdam ko nag iisang anak lang ako pag nasa bahay, ang pakalungkot. " " Madami ka namang friends. " " Ewan ko talaga sayo, kuya can I order milktea para sa friend ko." " Anong flavor?" " Yung nutella choco with cream cheese, that his favorite. " ngiti nito pumunta naman ako sa loob saka sinabi sa isang staff yung order." Ako na magbabayad. " saad ko ng makita syang kinuha yung wallet niya." Bait mo talaga kuya. " " I know, wait me here. Palit lang ako ng uniform.” saad ko tumango naman sya. Haixt Miss Mom. Kinuha ko lang yung phone ko saka hinanap yung picture ni Mommy sa f******k niya. “ Okay this is how she looks.” ngiti ko habang pinagmamasdan yung mukha niya. “ I have to remember her new hairstyle.” saad ko pa, pagkabihis ay bumalik na agad ako sa labas. " Kuya may girlfriend ka ba ngayon? " maya maya tanong niya na ikinakunot ng noo ko.. “ Fine, you are so gwapo kuya.” “ Thanks.” “ So, may girlfriend ka ngayon?” " Bakit mo natanong? " " Wala lang." ngiti niya habang nakatingin sa mukha ko. " Ay ayoko kita para kay Kibo, masyado syang cute para sayo at I know you, napakadami mong babae." " sinasabi mo. " ngiwi ko. " Masasaktan lang si Baby Kibo ko kapag sayo ko sya nireto,  lagi syang bumibili dito kuya kaya don’t you dare seduce him or else, makakalaban mo ko kuya. " " The hell are you talking about?"saad ko ng marinig yung bell sa counter, lumapit lang ako dito saka kinuha yung order niyang milk tea. " Heres your tea." abot ko sa kanya ng order niya pero nanatili tong nakatingin ng masama sakin." Queenie what?! " " Si Kibo lagi syang bumibili dito,  di kaya crush ka niya?"  saad nito na ikinatawa ko. " 2 times a week lang ako pumapasok ng full time dito, kadalasan closing na inaabot ko dito at tumutulong nalang ako kay ate Vanessa mo na magclose. " " Sabagay." lumingon naman to sa ibang staff na andun." Buti nalang wala kayong masyadong gwapong staff dito, so milk tea lang talaga habol ni Kibo dito. " " Umalis ka na nga, may class ka pa di ba? " " Oh my God, I forgot. I have to go, love you kuya. " saad nito saka nagmamadaling luamabas, natatawa naman akong sinundan sya sa labas. " Kibo we are late!! " sigaw nito, nang sundan ko yung tingin niya nakita ko lang yung lalake na may asul na backpack, its him. Yung hairstyle niya, uhm remember it Keith. Nang magtama yung mata namin, tumango lang ako dito saka ngumiti. Hanggang magkaabot sila ni Queenie at ibigay dito yung milk tea na inorder niya,  tatakbo na sana sila papuntang school ng mapatid yung lalake at mabitawan yung milk tea na hawak. What the! Tumayo lang to saka napanganga ng makita yung milk tea na nasa kalsada na, pero hinila na to ni Queenie saka patakbong tinahak yung daan papunta sa school. "So clumsy." napapakamot na saad ko saka bumalik sa loob at nagsimulang asikasuhin yung mga dapat gawin sa store. Sobrang sikat ng Milk tea store na to ni Vanessa na halos mapuno to araw araw. Sa loob ata ng dalawang taon nakilala to sa buong lugar at laging punatahan ng hindi lang mga studyante kundi mga customer na sarap na sarap sa milk tea na inoofer ng store. This is my life here, serve ng tea, tumangap ng order sa counter. Iba’t ibang mukha ang nakikita pero so oras na mawala sila sa paningin ko, ganun din kabilis sila nakakalimutan ng utak ko. Madilim na sa labas nun ng may makita ako sa mesa, wala na yung customer na umupo dun pero napukaw yung atensyon ko sa tissue na nasa gilid. Nang tingnan ko ay may nakasulat sa loob nun. “ Today he smiles at me. Xoxo.” basa ko dito saka nilagay sa bulsa ko. Who the hell are you? Ilang tissue na ba nakuha ko na may nakasulat na kung ano, pumunta lang ako sa locker saka nilagay dito yung tissue na nakuha ko. Xoxo? Ako kaya yung tinutukoy sa mga tissue na to? Ilang sandali pa ng dumating si Vanessa, kasalukuyan akong nasa cashier nun at kausap yung babaeng customer. Kumunot lang yung noo ko ng lapitan to ni Vanessa after umorder. " He is gay." rinig kong bulong niya sa tenga nito sabay kindat sakin. Napatingin lang sakin to saka agad pumunta sa isang table. Patawa tawa naman si Vanessa nung lumapit sakin. " Panira ka talaga eh noh?" " Tigilan mo nga kakalandi dito sa store, bigwasan kita jan eh." Simangot nito saka dumeretso sa loob ng kitchen ng store. "Hey ikaw muna dito sa cashier." saad ko sa isang staff at sumunod kay Vanessa sa loob. " San ka galing?" " Bakit kayo lang ba ni Trey ang pwede lumandi, pumunta ako sa bar kagabi at umaga na ko nakauwi." naghihikab na saad nito. " Nagstay ka na kasi sa thailand, di ka pa naghanap ng lalake dun na pwede asawahin." " Eh sa mas gusto ko pinoy eh, bakit ba?" " eh kaso ang gusto ng pinoy, yung nabubuntis hindi yung may pekpek pero walang bahay bata. " " Gago ka keith personal na yun ah! "  inis na saad nito na ikinatawa ko." Maganda naman ako ah, may negosyo, may pera." " Kung nagpakalalake ka nalang kasi sana edi kasama ka sana namin ni Trey mangbabae. " " Neknek mo, eh ano kung walang bahay bata atleast may pekpek na ko. " ngiti niya saka inalog alog yung dibdib niya. " at may malusog pa kong ganito. Yes, Vanessa is a transexual. Bigla syang nawala at nagulat nalang kami ni Trey ng bumalik sya eh babae na! Well we know naman since high school kung ano talaga sya pero never namin sya iniwan ni Trey, siniportahan. Bukod sa pagiging magbestfriend namin tatlo, Magpipinsan din kami. " Ewan ko sayo. " " Hoy ikaw, malapit na start ng online processing ng Licensure exam ah, magtatake ka ba ng exam sa january?" " Don't know." " I know nagrereview ka, kamusta naman. " " Di ah. " " Mukha mo, nasabi sakin ni Trey na matagal ka ng nakaenrol sa review center dun malapit sa kanila kaya tigilan mo ko kakadeny huh. " saad nito, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko." Kaya dalawang beses ka lang sa isang linggo pumapasok kasi nagrereview ka, kaya mo na ba? " " Kaya ko na ba, tingin mo? " " Matalino ka Keith, ano pa naging valedictorian ka nung high school, i know na namental block ka lang talaga during exam kaya di mo sya napasa. " Pero." " You can do it Keith, kung gusto mo wag ka muna pumasok dito. Kung pera kailangan mo? I can lend you some naman if you really need it." " Di ko pa nga tapos bayaran yung condo unit ko." " We are friends." " Pero nakakahiya na din." pilit na ngiti ko. " Well, kung iaalok mo yung katawan mo sakin." saad niya saka ako tinitigan mula ulo hanggang paa. “ Wala naman siguro masama kahit magpinsan tayo. Sabi mo nga di ako nabubuntis di ba?” ngiti niya. " Tangina mo victor huh! "angil ko na ikinatawa niya. “ Sumbong kita jan kay tita!” “ I’m just kidding, sensitive nito!” irap niya. “ Kinikilabutan ako sa sinasabi mo.” simangot ko habang hawak yung mga braso ko. SI KIBO “ Mom I’m fine! Wag kang mag alala sakin and this condo is so huge! Pakisabi kay Dad thanks kasi pinagbigyan niyo ko.” nakangiting saad ko habang nakaharap sa salamin. “ One week palang ako dito, miss niyo na agad ako.” “ How about a roommate son? Nag aalala talaga ko sayo kasi mag isa ka jan?” “ Mom, wag na kaya ko mag isa promise, wala ka talagang kabilib bilib sa cute mong anak.” ngiti ko habang inaayos yung buhok ko, I’ll try a different hairstyle today. “ And I’m with piggy remember.” Natatawang saad ko habang nakatingin sa pusa ko na kasalukuyang natutulog sa kama ko. “ Maayos naman ba si piggy dyan?” “ She’s fine mMom, mejo magulo lang dito tuwing darating ako pero kaya ko naman.” “ Eh kung ako nalang mag alaga sa kanya?” “ Mom, No.” saad ko, narinig ko naman yung pagbuntong hininga nito. “ Okay, Basta pag may kailangan ka, magsabi ka agad huh. Sabi ng Daddy mo baka kaya gusto mo magsolo kasi mag uuwi ka lang ng lalake dyan. Anak tanggap ka namin ng Daddy mo pero mag ingat ka sana please?” “ Mom naman, kahit bakla ako..matino po ako at papatunayan ko po sa inyo yun ni Daddy kasi two years nalang magkakaroon na kayo ng anak na dentist.” saad ko saka tumayo at nag spray sa hangin ng pabango at umikot ikot. “ Basta anak, Dad and I trust you kaya nga pumayag kami sa condo mo kasi we know you.” “ Eh bakit niyo ko sinasabihan na mag uuwi ng lalake dito.” “ Kasi we know din na may needs ka.” saad nito. “ Mom, wala pa po sa isip ko yan.” “ Okay fine, just in case okay lang ba na mag paalam ka kung may dadalhin kang lalake dyan, atleast take a picture of him and send it to me, for your safety?” “ Mom?” “ Hays okay fine.” “ Thank you mom, Love you. I Really have to go baka malate po ako.” “ Okay sige, love you nak.” “ Love you love you love you!” saad ko saka pinatay yung phone, pagharap ko sa salamin napangiti lang ako ng makita yung reflection ko sa salamin, You are so cute Kibo! Dumeretso lang ako sa cabinet at binuksan to. Bumungad lang sakin yung collection ko ng bag. “ I’m sorry pero pagpapahingahin muna kita huh, you need repair.” himas ko sa kulay blue ko na bag pack at kinuha yung red na back pack sa cabinet. “ Matagal din kita ginamit kaya pahinga ka na jan. Papaayos kita soon don’t worry.” ngiti ko saka inayos yung mga gamit ko sa bag na pula, “ Piggy please, wag masyado makulit dito huh.” himas ko sa pusa ko. “ You have food, water.” napalingon lang ako sa ilang camera na nasa  ilang sulok ng bahay. “ Remember I’m always watching you.” harap ko pa ng phone ko sa kanya kung saan naka connect yung mg camera sa bahay. Ilang sandali pa ng masiguradong ayos na lahat ay lumabas na ko sa condo unit ko at tumuloy sa elevator. SI KEITH Friday morning, nakatulala nanaman ako sa harapan ng drawer ko. This is not funny anymore! Nagdial naman ako sa phone ko. “ Trey.” “ Yes, Dude?” “ Galing ka dito yesterday sa condo ko di ba?” “ Yeah, thanks nga pala dun sa pagrecieve mo nung order ko, okay naman sya walang sira.” saad nito. “ Dude, kumuha ka ba ng brief sa drawer?” Tanong ko. “ What?” “ Brief, Dude kung nauubusan ka ng brief bili ka na lang or gusto mo iorder kita online pero dude wag naman yung brief ko?” “ Ano sinasabi mo?” “ Yung brief ko nga?” “ Ano kinalaman ko sa brief mo?” “ Kinuha mo!” “ Gago ka ba, boxer sinusuot ko..hindi ako nagbebrief! Gusto mo kutongan kita? Ano gagawin ko sa brief mo lalagay ko sa ulo ko?” “ Gago ka, iilan nalang brief ko ikaw pala kumukuha.. pinag-isipan ko pa si Manang  na malapit na magsenior na sya kumukuha tapos ikaw pala?” saad ko, narinig ko lang yung malakas niyang pagtawa. “ Magpaalam ka naman kung kukuha ka at pagkalaba, pakibalik please?” “ Praning ka na ba Keith? Ano nga gagawin ko sa brief mo?” “ Malay ko ba kung may pagnanasa ka sakin?” “ Tangina mo! Wala akong kinalaman jan sa pagkawala ng briefs mo okay. Boxer sinusuot ko kasi gusto ko free si junjun ko kaya tigilan mo ko pwede?” “ Kung hindi ikaw, sino?” simangot ko. “ Aba malay ko sayo! Imposible naman si Vanessa eh panty na sinusuot nun.” “ Hay! Nkakainis na!” “ Si Manang natanong mo ba?” “ Gago ka ba, matanda na yun.” “ Eh ano kung matanda? Kung trip ka eh?” “ Ewan!” saad ko saka pinatay yung phone, gigil ko lang tong binato sa kama at tinitigan yung mga natitira kong brief sa drawer. Wala na to sa sampu, eh ang alam ko napakadami kong briefs? Kumuha lang ako ng isa saka to sinuot. Eight! Kapag to nabawasan pa humanda ka talaga sakin Manang Letty! Malapit na mag alas nueve nun ng lumabas ako ng condo at tumuloy sa elevator, ilang sandali pa kong naghintay hanggang bumukas to, tumambad lang sakin yung lalake na nakauniform na may nakasukbit na pulang backpack. Pumasok lang ako saka pinindot yung ground floor. Pagdating ng elevator sa ground floor ay agad lang ako lumabas saka tuloy tuloy naglakad pero halos matumba ako ng may bumanga sa likod ko, hanggang makita ko yung estudyante kanina sa elevator. “ The hell!” gigil na saad ko. “ Sorry.” ngiti nito saka nagwave pa ng kamay hangang makalabas to ng building. Nakakainis! Nanakawan ka na nga ng brief tapos may babanga pa sayo. Kapag minamalas ka naman talaga oh. Hanggang makarating ako sa milk store na yung mga brief ko ang laman ng utak ko. Kapag napatunayan ko talaga na kinukuha ni Manang Letty yung mga brief ko, susumbong ko talaga sya kay Mommy or magdedemanda ako..pero matanda na si Manang kawawa naman! Ano naman kasi gagawin niya dun takte? Pano kung maubos yung brief ko? Ano gagawin ko? Kamay nalang pang takip? Badtrip oh! Hindi naman kasya sa kanya yun at alam ko wala syang asawa ata anak? “ Pano kung pinagnanasaan nga niya ko?” nanlalaki ang matang saad ko. “ Hoy okay ka lang?” gulat sakin ng kung sino, pag lingon nakita ko lang yung blonde na buhok, hays Vanessa. “bakit ganyan mukha mo?” “ Kahit matanda ba, I mean yung malapit na magsenior.. nalilibugan parin ba?” pilit na ngiti ko. “ Sinasabi mo?” ngiwi niya saka sinimulang itaas yung blind ng store. “ Kung tinutulungan mo ko.” saad pa niya, isang buntong hininga lang yung pinakawalan ko saka sya tinulungan.  “ Sino ba yang matanda sinasabi mo? Don’t tell me matanda na trip mo ngayon?” lingon niya sakin, di ko naman mapigilang imaginin kami ni manang Letty na magkasama sa kama. Me plus manang Letty, doing something erotic?!! “ Oh my God!!” nanlalaki ang matang saad ko. “ Hey, you okay?” tanong ni Vanessa. Alam ni Manang Letty kung ano yung password ng condo unit ko, what if gahasain niya ko? The f**k! “YIKES!!!” kinikilabutang saad ko. “ Gago ano ba sinasabi mo? Tangina kinikilabutan ako.” ngiwi ko saka sunod sunod na iling yung ginawa ko. Erase erase! Bakit ang sagwa ng naiisip ko. “ Kadiri to.” “ Keith Ayos ka lang ba?” natatawang saad pa ni Vanessa saka binuksan yung salamin na pinto. “ Di ako napatol sa matanda noh, saka doble doble na ng edad ko si manang Letty noh.” “ Si Manang Letty?” Nganga niya. “ Trip mo sya? Sure ka ba jan, well alam ko matandang dalaga yun malay mo ikaw pala destiny niya.” “ Gago anong sinasabi mo? Bakit ako magkakagusto sa matanda? Yung brief ko kasi ano, ay wala wala.. wag mo nga ako pansinin.” “ Hay ewan ko sayo, pakagulo mo kausap! Darating yung stock natin asikasuhin mo.” nakataas na kilay na saad nito. Bakit ba hindi mawala sa isip ko yun, Takte naman oh! Manang Letty naman kasi bakit brief ko pa eh. SI KIBO " Gooddddd morning."  masiglang bati ko pag pasok ng room namin, kita ko naman na nagtawanan yung mga classmate namin. Hingal na hingal na tumabi sakin si Queenie dahil sa pagtakbo namin.  " Magandang umaga Ma'am, magandang umaga classmate." todo ngiting saad ko. " you guys are 5 minutes late." seryosong saad ni Mrs Diaz. " Ma'am sorry po, traffic po eh." " Traffic, as far as I remember you have a class at 7am right Queenie?" " Sya lang po meron pero ako po wala Uhm sorry na po? " nakangusong saad ko, kita ko naman yung pag ngiti ni Queenie sa gilid ko kaya siniko ko sya." Di na po mauulit pangako po?" " Uhm let me think about it. " " Ma'am kasalanan po talaga ni Kibo. " saad ni Queenie, napanganga naman akong lumingon sa kanya. " Ang bagal niya po kasi tumakbo." " Okay you may seat Queenie." nanlaki lang yung mata ko. What the na malagkit! " Ma'ammmmm?! " pagmamaktol ko na ikinatawa ng buong klase. Nakataas naman ang kilay na lumingon sakin si Mrs Diaz. " That is so unfair?" " Really? " " At di ko po kasala-" “ Wala kang class kanina pero late ka pa din.” “ Pero po sorry na po, di na po talaga mauulit.” nakatungong saad ko, ilang sandali naman akong walang narinig kaya nag angat ako ng tingin. Nakita ko lang yung ngiti sa mukha ni Ma’am Diaz. “ Ma’am please?” " Okay Paano muna yung cute, let me see and I will forget that you are late today?" seryosong saad nito. Nang lingunin ko si Queenie kita ko lang yung pigil nitong pag tawa. " Pati ba naman kayo Ma'am? " nguso ko. " Isa lang, Kibo paano yung cute? I want to see it." saad nitong nakatitig sakin." Kibo I'm waiting? " " Uhm... " dahan dahan lang akong ngumiti saka nagpacute. Uminit naman yung mukha ko ng marinig yung tawanan ng buong klase. " My God Kibo, you are so cute! Anyway maaga pa so you guys are not late yet. " saad nito napatingin naman ako sa relo ko. Ayyyyyyyy! Nagtatakip lang ako ng mukha na dumeretso sa upuan ko. " Ikaw talaga happy pill namin sa class na to." ngiti ng isang classmate namin sakin. " Nakakahiya. "  simangot ko. “ You are so cute Kibo my God!” natatawang saad ni Queenie. Sa bawat studyante at teacher atang nakakakilala sakin, lagi nirerequest yun at dahil yun kay Queenie!  I know I’m cute pero sobrang nakakahiya naman yun lalo kapag nasa harap ng klase pero atleast I’m cute! Bala sila. “ So Kailan mo ko iinvite sa condo mo, You know what duon din ata nakatira sa building na yun si Kuya.” tanong ni Queenie. Nasa Library kami nun habang nagpapalipas ng oras para sa susunod namin na klase. “ Really?” “ Prosopagnosia?” Rinig kong saad niya, tinignan ko naman yung cover ng book na hawak ko. “ Ano yan?” “ Uhm wala lang, curious lang about this.” ngiti ko. “ Ikaw di ka ba nagsasawa sa mga ngipin?” turo ko sa librong hawak niya about dentistry. “ Nope..” tango niya. “ Kibo, lagi kang bumibili dun sa chekko.” “ So?” “ So lagi mo nakikita si Kuya Keith?” “ Di naman lage, you hate milk tea kaya di na kita niyayaya.” Tango ko sa kanya. “ I see.” “ Queenie your kuya, may sakit ba sya?” “ What do you mean?” “ Or baka di niya lang ako trip kausapin? Haixt. ” Iling ko, never naman ako kinausap nun.  “ Tuwing makakasalubong ko kasi sya or bibili ako sa chekko parang di niya ko kilala.” saad ko pa, kita ko naman na natawa si Queenie. “ Seryoso, minsan ngingiti sya sakin tapos minsan nilalampasan niya lang ako.” “ Ganun naman talaga si Kuya, kaya nga wala syang ibang friends bukod kay kuya Trey and Ate Vanessa. He always keep his distance, aloof lang talaga sya, iwas sa tao. Di nakikipagusap. Ganun sya simula nung bata kami.” “ Pero bakit minsan nginingitian niya ko.” kunot ang noong saad ko. “ Hoy Kibo, don’t tell me crush mo si Kuya.” “ Hindi noh.” nguso ko saka tinakip sa mukha ko yung libro. “ Iwas sya sa tao pero sobrang babaero yun Kibo, kaya wag na wag si kuya kasi masasaktan ka lang.” saad niya. I know! Para nga syang nagpapalit lang ng damit sa dami ng babae niya. Nang matapos ang araw na yun ay dumeretso lang ako sa chekko saka nag order ng milk tea. “ Where is he? It’s Friday so dapat andito sya.” bulong ko habang hinihintay yung order ko, nang makita ko yung tissue sa ibabaw ng table ay kumuha lang ako dito ng isa at nilabas yung ballpen ko. Dear table napkin. Today he ignores me. -xoxo Sulat ko dito saka to tinupi at nilagay sa gilid ng mesa, ilang sandali pa ng dumating yung order ko. Bagsak ang balikat ko nun ng lumabas sa chekko habang hawak yung paborito kong milk tea. I Really don’t understand, Bakit di niya ko pinansin sa elevator kanina? Its seems like hindi niya ko kilala, pero imposible. “ Hey!!” Rinig kong tawag ng kung sino kaya napalingon ako, nakita ko lang si Keith. “ Is this yours?” taas nito ng tissue na sinulatan ko kanina. “ Who are you?” tanong niya na ikinakunot ng noo ko. “ Kibo! Sabi ko na andito ka eh!” Rinig kong saad ni Queenie, sabay naman kaming napalingon dito. “ Oh kuya?” hanggang muling magtama yung mata naming dalawa ni keith. There is something wrong with him, Now I know what it is. “ Kibo?” saad ni Keith habang nakatingin sa mukha ko. “ Why kuya?” “ Ahh..nasaan yung blue mo na bag.” turo nito sa likod ko. Saka bakit ganyan buhok mo?” turo niya din sa buhok ko automatiko naman ako napahawak sa buhok ko, napangiti lang ako habang deretsong nakatingin sa mga mata niya. Gotcha Keith! “ Why are you smiling?” Tanong ni Queenie, kita ko naman yung pag-iwas ng tingin ni Keith. “ Si Keith, is he -” sad ko pero nagulat lang ako ng lapitan ako nito saka hawakan sa kamay at hilahin. “ Hey wait!” saad ko. “ Kuya what is happening?” “ Don’t follow us Queenie, kausapin ko lang sya.” saad nito wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Nang makalayo ay agad niyang binitawan yung kamay ko. Kinuha ko naman yung phone ko saka nagsearch ng kung ano. “ Faceblindness.” bulong ko. “ What are you doing.” turo niya sa phone ko. “ Uhm searching?” ngiti ko pero inagaw niya lang yung phone. “ hey!” saad ko pero nakita ko lang yung pag iling niya ng makita kung ano yung nasa screen ng phone ko. “ Uhm nasira yung bag ko na blue, so yun pala palatandaan mo sakin?” “ Huh?” “ Yung bag ko na blue, I finally understand ano meaning ng mukha dun sa painting sa kwarto mo.” “ Nakapasok ka na sa kwarto ko?” “ Yeah.” tango ko. “ And I saw a book in your room.” agaw ko sa phone ko. “ Prosopagnosia?” “ And so?” “ So you can’t recognize faces?” tanong ko pero umiwas lang sya ng tingin. “ Kaya pala.” “ Eh ano naman sayo? Ahh you’re gay right? You like me?” saad niyang deretsong nakatingin sakin, napalunok naman ako sa tanong na yun. “ Yeah, Tama ka pero hindi alam ni Queenie yung tungkol dun so please don’t you dare say anything about it.” “ So, this is a secret?” ngiti ko. “ Yeah.” tango niya saka umiwas ng tingin. “ Keith.” saad ko habang nakatingin sa mukha niya hanggang magtama yung mata naming dalawa. “ Yes, I like you.” ITUTULOY

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
85.8K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
80.4K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
235.9K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
630.5K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
476.8K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
197.9K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
530.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook