bc

THE JEEPNEY LOVE STORY (THE MAN BESIDE ME) COMPLETED

book_age12+
2.1K
FOLLOW
10.5K
READ
fated
opposites attract
independent
confident
dare to love and hate
sweet
bxg
humorous
lighthearted
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Nagsimula ang lahat sa terminal ng jeep sa Cubao. Nang minsang magkasabay sina Monique at Jericho ng sinakyang jeep pauwi sa kanila.

Mula sa pagpila at hanggang sa magkatabi sila sa upuan ay naging interesado na ang lalaki na makilala ang babae. Na-love at first sight yata sya dito.

Mas lalo pa siyang natuwa ng malaman niya na iisang subdivision lang pala ang tinitirhan nila. Nagkaroon siya ng pag-asa na makilala ito pero hindi ganun kaganda ang muli nilang pagkikita. Nagbangayan lang naman sila mula sa kanila hanggang Cubao.

Hindi pa doon natapos iyon. Nasundan pa iyon ng mga kamalasan.

Para kay Monique isang walking disaster ang lalaki at sya palagi ang biktima nito. Kaya prinangka niya itong umalis na sa buhay nito.

Napilitan na lumayo si Jericho dahil dun.

Pero isang pangyayare ang muling maglalapit sa kanila.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1- ENCOUNTER
MONIQUE Nasa terminal ako ng jeep sa Cubao. Super haba ng pila. Kahit medyo late na ay gano'n pa rin. Walang pang jeep na nagpapasakay. Wala pa raw nakakabalik mula sa amin. Baka na trapik daw sa Marikina. Ganern! Wala akong choice kundi maghintay. 'Yon lang ang tanging jeep na diritsuhan na sa amin. May option namang iba kaso nga lang doble-doble sakay tapos magbabayad ka pa ng extra. 'Wag na! Gusto ko mang magwala, wala akong magagawa. 'Yong pagod ka na nga galing sa trabaho tapos ganito pa ang aabutan mo. Wala na. Masakit na paa ko sa kakatayo. Ubos na oras ko imbes na ipapahinga ko na sana. Nasa dulo pa naman ako ng pila kaya malamang mamaya pa ako makakasakay. Napabuntong hininga na lang ako. "Miss, pila ba 'to ng papuntang Cogeo?" tanong ng babaeng tumigil sa gilid ko. "Ay hindi ho, ate. Silangan ho 'to nasa kabilang dulo pa po 'yong sa Cogeo," sagot ko. Palaging ganyan natataon talagang sa akin sila nagtatanong. Marami kasi ang nagkakamaling nakikipila doon sa pila na papunta sa amin. Minsan ay natatawa na lang ako. Maraming beses na akong naka-encounter na mali ang nasakyan. At halos nakarating na sa amin pero hindi naman pala andoon ang bahay. Kaloka! Tuplok-tuplok na lang ako sa phone ko habang nagpapalipas ng oras. Hindi pa rin umuusad ang pila. Sigurado akong matatagalan pa talaga. Scroll muna ako sa Instantgram at Twitty. Nang magsawa ako ay sa Bookface naman ako nagpunta. Halos ma-stress ako sa mga nabasa ko. Hindi ko alam kung fake news ba 'yon o totoo. Parang wala akong nabasa o nakitang maganda puro toxic. Sinara ko ang account ko saka pinatay ang data. Hinagilap ko ang headset ko sa bag at agad na sinalampak sa tenga. Hanap ng magandang kanta baka sakaling ma-relax. Naramdaman kong may tumigil sa harap ko. Pero hindi ko pinansin. Nagsalita ito. "Silangan?" tanong ng lalaki sa akin pero hindi ko masyado narinig. Napilitan akong tanggalin ang headset na nasa kaliwang tenga ko. "Ano ho 'yon?" sabay tingin ko sa lalaki. "Sabi ko Silangan ba 'to?" tanong niya uli sa akin. Tumango ako saka binalik ko ang headset sa tenga ko. Pumila ito sa likod ko. Lumipas na ang mga kalahating oras ay sa wakas ay umusad na din ang pila. Dalawang magkasunod na jeep ang dumating. Halos nangalahati ang pila sa dami ng nabawas. Nagulat ako ng biglang may kumalabit sa akin. Nilingon ko ito. Ang lalaki uli. Napilitan na naman akong tanggalin ang headset sa tenga ko. "Miss, ako 'yong kasunod mo, ha? Bibili lang ako saglit," sabi niya sa akin. Sus! 'Yon lang pala akala ko kung ano na. Dinistorbo niya pa talaga ang pag-sesenti ko. Naka-repeat mode si Ate Jaya kaya 'yon pa rin ang tugtog ko simula kanina. Hindi na ako sumagot pa. Basta na-gets ko na ang gusto niyang sabihin. Umalis na ito at nagpunta sa may tindahan na sa tapat. Nakita ko pang bumili ito ng chichirya at softdrinks. Tuluyan ko nang tinanggal ang headset ko, pinatay ang phone at nilagay sa bag ko. Nakikita ko na ang isa pang jeep na paparating. Sana makasakay na ako dito. Umabot nga ako at nakasakay sa jeep. May isang bakante pa sa tabi ko. Ang lalaki ang nakita kong umakyat para umupo sa tabi ko. Nasiksik agad ako ng umupo ito. Halos maipit ako sa laki nito. Napagitnaan ako ng dalawang lalaki. Para kaming sandwich. Silang dalawa ang tinapay at ako ang palaman. Medyo hirap gumalaw pero ayos lang. Naka-upo ako ng maayos maliban sa lalaki na kalahati lang yata ng pwet ang nasa upuan. Ang sakit pa naman sa tuhod niyan lalo pagmatagal ang biyahe. Ramdam ko na medyo nahuhulog siya sa pagkakaupo kaya umisod pa ako ng konti para medyo makabawi ito sa pagkakaupo. "Salamat," saad nito sa akin. Hindi ko pinansin iyon. Hinayaan ko lang siya. Kahit siguro sino naman ay gagawin iyon pag alam nang hirap na 'yong tao. Medyo late na din kasi kaya kahit hindi na magkasya ay sumiksik na ito para makauwi na. Kahit ako ay pagod na din. Buong maghapon akong nag-dining. Kulang kami sa tao. Hindi nakapasok ang dalawa kong waiter. Kaya wala akong choice kundi tumulong na mag-serve ng pagkain sa isang chinese restaurant na pinagtatrabahuhan ko sa Ortigas. Supervisor na ako at halos magwa-one year na. Nakakapagod pero enjoy naman sa trabaho. Masaya ako sa narating ko kasi pangarap ko talaga iyon. At nag-umpisa muna ako sa baba bago ako napunta sa posisyon na 'yon. Nagsimula ako sa server hanggang sa naging team leader. Tapos after no'n ayon na supervisory na ako. Lahat iyon ay dahil sa maganda kong performance at perfect kong record. Walang akong late at walang din akong absent. Halos 'di ako makapaniwala no'ng sabihin sa akin na mapo-promote ako. Tuwang-tuwa talaga ako no'n. Nagpapasalamat ako na worth it lahat ng pagod at pagsusumikap ko na umangat. Kaya ang next goal ko naman ay maging manager na. Pinagbubutihan ko talaga ang aking trabaho para mabigyan ng magandang service ang mga customer naming kumakain do'n. Halos wala na akong mahihiling pa. Magandang trabaho. Malaking sahod. Nag-e-enjoy pa ako. Nabibili ko ang gusto ko. Nakakapag-travel din ako. Lovelife na lang talaga. 'Yon pa ang wala ako. As in zero. Two years na akong tigang este walang jowa. Halos 'di ko na matandaan kung kailan 'yong last kong naging jowa. Ni hindi ko na maalala ang mukha ng gagong 'yon matapos akong lokohin. Ibinuhos ko na lahat ng oras ko sa trabaho at never na ulit nag-try na pumasok sa isang relasyon. Nagseryoso talaga ako sa trabaho para makalimot kaya ayon nakalimutan ko na ding twenty seven years old na pala ako, 'te! Ilang taon na lang wala na ako sa kalendaryo at papasok na ako sa bingo. Inggit na ako sa mga kasabayan ko at mga ka-batchmate ko. Kung hindi happily married ay may mga babies na. Lagi na lang akong invited na ninang at 'yon na lang ang papel ko sa binyagan. Pero hindi naman ako nagrereklamo at lalong hindi nagmamadali. Jowa lang muna para mabuhay naman ang mga nalanta kong pechay. Gusto ko nang magka-lovelife. Gusto ko ulit ma-experience kung paano ma-feel ang ma-in love. Kung paano 'yong mahalin ulit. 'Yong ako naman ulit. 'Yon na lang talaga. This time ready na ako at hoping na sana ay mahanap ko na siya. Ang Mister Right ko! Nasaan ka na ba? Napadilat ako. Hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako. Ramdam ko pa din na umaandar ang sinasakyan namin. Tinignan ko ang mga kasabay kong pasahero. Lahat ay tulog. Wala pa namang nabawas kasi puno pa din at hindi naman lumuwag. 'Yong lalaking katabi ko ay hirap pa din sa pagkakaupo. Mukhang malayo pa yata kami. Tumingin ako sa labas. Napansin ko ang mga ilaw at ilang establishment tapos bigla kaming lumiko. Nakita ko ang stoplight na naka-kulay green at ang malaking relo sa may sport complex. Marikina palang pala kami. Medyo malayo pa talaga. Dala na rin ng pagod ay umidlip uli ako. Niyakap ko ang bag ko at pumikit. Kanina ko pa naaamoy ang mabangong amoy na iyon. Sarap sa ilong. Hindi gano'n katapang pero 'yong nakaka-adik. Panlalaki. Tapos ang lambot-lambot ng sinasandalan ko. Ang sarap ng pakiramdam ko. Komportable ako. Parang ayoko nang umalis doon at lalo pa akong nagsumiksik doon. Hindi talaga ako dumilat. Nagtagal ako sa ganoong posisyon. Hindi naman gumagalaw ang kinasasandalan ko pwera lang pag naalog ang jeep. Napapasinghot pa ako. Nakakadala talaga ang bango nito. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. OMG! Nagulat ako. Nakasandal ako sa lalaki. At ang ilong ko nasa may ilalim ng braso niyang nakahawak sa hawakan. In short nasa kili-kili niya mismo ako. Hindi ko alam kung pabango niya ba 'yon o deodorant. Pero infairness ang bango ni kuya. Ang fresh pa din nito. Kanina pa ata akong nakasiksik doon at 'yon ang kanina ko pang naaamoy. Bigla akong nahiya na may makakita sa akin kaya umalis agad ako sa pagkakasandal ko sa kanya. Sigurado akong hirap na hirap ito sa upo niya tapos dumagdag pa ang bigat ko. Buti na lang at hindi ito nagising. Mukhang nakatulog din ito. Nakadama ako ng relief. Nawala bigla kaba ko. Jusko! Ano nalang ang sasabihin nito sa akin? Baka pagkamalan pa akong nananantsing sa kanya. Napabuga ako ng malalim saka inayos ko ang sarili ko. Thanks God!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

He's Cold Hearted

read
159.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

The Sex Web

read
127.3K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
956.5K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.1K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
24.8K
bc

OSCAR

read
224.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook