bc

Hooked On A Feeling

book_age4+
1.8K
FOLLOW
10.1K
READ
opposites attract
second chance
arrogant
brave
CEO
boss
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

“Sasha,” Raiden called to her.

“Ano?”

“I said kiss me.”

“Fine!” Hinalikan niya ang binata sa pisngi.

Pero nagreklamo ang binata. Hindi raw iyon halik. Dahil ang halik daw ay dapat sa mga labi.

“Nek nek mo! Hindi kita totoong boyfriend kaya bakit kita hahalikan sa lips?”

“Hindi ka pa nahahalikan sa mga labi, ano?”

“Of course not! I—“

“You don’t know how to.”

“I know how to kiss!” Then she pressed her lips into his.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“AY, KABAYO!”  Muntik pang gumulong sa hagdan ng LRT station si Sasha sa pagmamadali.  Only to find out na hindi pa pala dumarating ang tren.  “Hay, kapag minamalas ka nga naman.  Kung kailan nagmamadali tsaka pa nangyayari ang mga ganitong aberya.” Actually, kasalanan din naman niya kung bakit gahol na gahol siya ngayon sa oras.  Naglamay kasi siya kagabi sa panonood ng bagong koreanovelang kinahuhumalingan niya.  Hindi kasi siya kuntento sa ipinapalabas na mga episodes sa telebisyon gabi-gabi.  Lagi siyang nabibitin.  Kaya nanghiram na siya ng DVD copy niyon sa kasamahan niya sa trabaho.  At kahit sumasakit ang ulo niya sa kakaintindi sa napakakumplikadong subtitles niyon ay pinagtiyagaan pa rin niya.   Kaya heto siya ngayon, mali-late na nga sa trabaho e hilo pa dahil sa antok.  No wonder kanina pa siya minamalas.  Siguradong dahil iyon sa mabagal na takbo ng kanyang utak na sanhi ng kakulangan niya ng tulog.   O, di ba?  Para akong doktor.  In any case, sanay na rin siya sa mga ganitong pangyayari sa buhay niya.  Ang bansag nga sa kanya ng mga taong nakakakakilala sa kanya ay Reyna ng Sablay.  Lagi kasi siyang nadidisgrasya na sa kabutihang palad naman ay hindi nagiging sanhi ng maaga niyang pamamaalam sa daigdig.  Wala pa naman siyang balak na mamatay ng hindi nakakapag-asawa.   Sinulyapan niya ang relo pati na rin ang mga taong gaya niya ay nag-aabang ng pagdating ng tren.  Normally ay maaga talaga siyang pumapasok para hindi makasabay ang ganito karaming tao.  pare-pareho lang naman kasi ang katwiran nila ng mga ito.  Di bale ng magsisiksikan basta mas mabilis at walang polusyon na karaniwang nararanasan kapag sa mga pampasaherong dyip sumasakay.   Dumating na rin sa wakas ang tren.  Mabilis siyang nakipag-unahan sa mga estudyante at mga gaya niyang mga empleyado rin na papasok sa kani-kanilang trabaho.  Pero puno na ang tren nang dumating ito sa station nila kaya nahirapan na siyang makahanap ng mauupuan o mahahawakang handrails. “Humawak lang po tayo sa mga safety handrails at iwasan po nating sumandal sa mga pinto ng tren,” announce ng operator ng tren.  “Maraming salamat po at magandang umaga.  Next station is Betty-Go Belmonte.” “Hay, thank God at nakasakay din,” sambit niya.   Humawak siya sa steel bar sa gitna ng tren upang hindi siya ma-outbalance.  Kakausapin pa sana niya ang sarili sa kanyang isip nang makuha ang atensyo niya ng isang matangkad na lalaki sa kanyang harapan.  At mukhang hindi lang siya ang nakapansin dito dahil karamihan sa mga babaeng pasahero ay nakita niyang dito palingon-lingon.  May mga estudyanteng babae pa nga na nagbubungisngisan na tila ba kinikilig habang tumitingin dito.  Na-curious din tuloy siyang bigla rito.  Para kasing unusual na makikita ang isang tulad nito sa mga ganoong public transportation.  He’s wearing a dark business suit and he’s really tall, kaya naman madali talaga itong mapansin.  Idagdag pa na napaka-elegante ng dating nito at kung ibabase sa reaksyon ng mga tao roon, siguradong may itsura rin ito.   Ano nga kaya ang ginagawa nito dito?  Wala ba siyang sasakyan?  Sinulyapan niya ang relong pambisig nito.  Mukhang mamahalin.  Pati na ang bitbit nitong leather attache case.  Ah, baka coding ang sasakyan niya ngayon.  Ang cute naman.  Hindi siya nahihiyang sumakay ng tren with us, mere mortals.  At ang bango pa. “Miss, umurong ka naman.” Nilingon niya ang nagsalita.  Isang babaeng puro kulapol ng make-up ang nakita niya sa kanyang tabi.  Sumisiksik pa talaga ito samantalang ayos naman ang puwesto nito.  Kawawa tuloy ang may katandaang babae na ginigitgit nito. “Bakit kaya ikaw ang hindi umurong at nang hindi mo naiistorbo ang ibang tao?” “Marunong ka pa sa akin.”   “Talaga.  Pare-pareho lang naman tayong nahihirapang tumayo dito kaya matuto ka ring magtiis diyan.  At puwede ba, huwag kang magulo dahil nahihirapan si lola sa iyo.” “Hay naku, ang sabihin mo, gusto mo lang madikit diyan kay Pogi.  Kaya ayaw mong umalis sa tabi niya.” “Ano?”  Parang gusto na niyang iipit ang ulo nito sa pinto ng tren nang marinig niya ang tawanan ng mga tao roon.  Napapahiya na siya!  “Nananahimik ako rito, Miss.  Lola, dito na ho kayo.  Huwag na kayong dumikit diyan at baka mahulasan pa kayo ng mudpack niyang nakalimutan niyang banlawan bago umalis ng bahay.” Ngunit ewan naman niya na kung bakit nakalimutan niyang papahinto na pala ang tren.  Kaya nang bumitiw ang kamay niya sa handrail ay tuluyan na siyang nawalan ng balanse.  Sumalpok ang kaliwang pisngi niya sa bakal na hawakan.  Agad nangapal ang pakiramdam niya sa kanyang mukha.  At ang mga hinayupak na nilalang, pinagtawanan pa siya. Sumpain kayo!  “Araayy…” “’Yan kasi,” sisi pa sa kanya ng bruhang ginawang make-up ang harina.  “Ang yabang mong magsalita, tatanga-tanga ka naman.  Karma lang iyan sa iyo.” Lord, kunin Nyo na siya!  Now na!  Kinalma at inalo siya ng matandang ninais niyang tulungan kanina.  Ngunit ang pinakanakapagpakalma sa kanya ay ang mukha ng lalaking nagmamay-ari ng matikas na pangangatawang iyon sa kanyang harap.  So this was the face that caught the interest of the people on that train.   Well, count me in! “Hija, okay ka na ba?” wika ng matanda.   “Okay na ho ako.”  Medyo masakit nga lang ang pisngi niya.  “Kayo ho, okay lang?” “Ikaw nga diyan ang nasaktan.” “E…”  Nabaling ang atensyon niya sa lalaki sa kanyang harapan nang kumilos ito at nilapitan ang isang estudyanteng lalaki. “Tumayo ka diyan,” utos nito. Napatingala sa kanya ang binatilyo, halata ang pagkagulat nito ngunit dahil maraming estudyanteng babae at ayaw marahil mapahiya ay sinagot nito ang lalaki. “Ayoko nga.” Nang kumilos ang lalaki ay inakala niyang susuntukin na nito ang estudyante na pareho rin siguro niya ng iniisip kaya mabilis itong tumayo.  Then the man turned to her. “Lola, maupo na ho kayo.” Lola?!  Bata pa ako— “Naku, maraming salamat, hijo.”   Ay.  Ang matandang babae pala ang kausap nito.  But wasn’t that nice?  Napaka-gentleman nito.  Hindi lang ito basta guwapo.  Aba, ginto na ang ganitong klase ng mga lalaki sa panahon ngayon na ipinagsisigawan na ng lahat ang gender equality.  Sa kanyang mga mata, sina Andres Bonifacio at Manny Pacquiao na ang katumbas nito.   Inalalayan niya ang matanda hanggang sa maupo ito.  Pagkatapos ay hinaplos niya ang tila namamaga pa rin niyang pisngi.  Masakit talaga— “Ah, hijo, maaari mo bang alalayan ang dalagang ito?  Nawalan na siya ng balanse kanina at nasaktan nang dahil sa akin.  Baka kasi kung ano na naman ang mangyari sa kanya.” “Naku, hindi ko kailangan ng—ay, kabayo!”  Sumubsob na naman kasi siya nang huminto ang tren.  At as pagkakataong ito, diretso na siya sa katawan ng lalaki.  Gusto pa sana niyang mag-enjoy sa kakaibang niya sa tabi ito ay hindi na puwede dahil masama na ang tingin nito sa kanya. “S-sorry—“ “Kumapit ka,” wika nito.  “Baka kung saan ka na naman pulutin niyan.” “Oo.  Sorry uli…” Ilang beses din siyang nabalya ng mga bagong sakay na pasahero.  Daig pa niya ang nag-iisang baryang inaalog sa isang alkansya nang bangga-banggain siya ng mga tao.  Siksikan na talaga.  Halatang lahat ay nagmamadaling makapasok sa kani-kanilang mga trabaho.  Nawalan na naman siya ng pagkakataong makakuha ng mahahawakan.   “Ang kupad mo talaga.” Boses iyon ng lalaki.  Lilingunin na sana niya ito nang maramdaman niya ang pagdantay ng kung sino sa kanyang mga balikat.  Nang tingnan niya kung sino ang matapang ang apog na nang-akbay sa kanya ay natameme na lang siya nang makilala iyon.  It was the same guy who had helped the old woman.  Hinapit siya nito sa katawan nito upang muli siyang protektahan sa mga nagkakagitgitan ng mga tao.  And she couldn’t be any happier.  Umabot lang ang taas niya hanggang sa balikat nito kaya damang-dama niya ang tatag ng dibdib nito.  Halatang batak sa exercise. Kung may kakilala siyang makakakita sa kanila ngayon, iisipin niyon na nagkaroon siya ng instant boyfriend dahil na rin sa ayos nila ngayon ng lalaking ito.  She moved to adjust herself.  Nakasalalay lang kasi sa lalaki ang balanse niya kaya hindi tuloy siya makatayo nang maayos. At mas lalong nagmumukha akong duwende dahil mas lalo akong lumiit tingnan.  Subalit it ang naging interpretasyon doon ng lalaki. “If you’re trying to kill yourself, there’s a better way to do it,” wika nito na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahapit nito sa kanya.  “Tumalon ka na lang sa riles ng tren.  Hindi ‘yung nanggugulo ka pa sa mga nananahimik na tao dito.” “T-teka, hindi ako…makahing…”  Nakasubsob na kasi ang mukha niya sa dibdib nito.  “Pero ang bango mo—“ The guy let her go in a flash.  Parang gusto kong magreklamo.  Nilapitan nito ang isa pang estudyanteng lalaki.  Pero hindi gaya kanina na medyo nagkainitan pa, basta na lang tumayo ang estudyante nang makita ang lalaki sa harap nito.  Pagkatapos ay hinila siya nito at puwersahang pinaupo sa bakanteng puwesto. “Magpasalamat ka sa bata,” anito na itinuro ang estudyante. Na ginawa naman niya.  Hindi niya alam kung ano ang meron sa estrangherong lalaking ito at parang napakadali dito ang magpasunod ng mga tao sa paligid nito.  Kung ano man iyon, masaya na rin at kahit paano ay may natitira pa palang gentleman sa mundo.  Magpapasalamat na rin siya rito nang tumalikod na ito upang maghanda sa pagbaba sa hinintuan na nilang estasyon.  And then he was gone. Sayang.  Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya.  Hindi na bale.  Meron pa namang susunod. “Next station is J. Ruiz,” announced sa tren. Muntik na siyang mapasigaw.  J. Ruiz?!  Gilmore lang ako!  Lumagpas na siya.  At sigurado na rin na late na siya sa kanyang trabaho.  Naghanda na siya sa pagbaba sa susunod na istasyon nang mapansin niya ang nakasabit sa zipper ng kanyang bag.   Cellphone?  Sigurado siyang hindi iyon kanya dahil ordinaryo lang ang cellphone niya.  Tinanggal niya ang tila keychain na sumabit sa kanyang bag.  Saka lang niya na-realize na maaaring sa lalaking iyon ang cellphone.  Kung paano iyong nakarating sa zipper ng kanyang bag ay hindi niya alam.  Napangiti siya.  Ngayon kasi ay may dahilan na siya na makita uli ang lalaki. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
45.1K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

The Ex-wife

read
210.4K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook