Share:

INOPINATUM

Ms_Aesthetic Other

15 reads

Isang mayabang at matapang na babae si Jairah o “Jai” for short. Dahil lahat ng studyante ay takot sa kaniya, kaya naman nabansagan siyang Queen Jairah o “Queen Jai”. At dahil may ginawa siyang kaguluhan na magiging dahilan para siya ay maexpel ng dalawang buwan. Kaya naman naisipan ng mama at kuya niya na pagstayin siya sa probya at doon niya makikilala ang lalaking magpapabago sa kanya. Noong nasa probya na sila kasama ang kaniyang kuya lahat ay bago sa kaniyang paningin dahil nga hindi siya sanay sa ganitong lugar at pamumuhay. Isang araw nag-away sila ng kuya niya kaya naisipan ni Jai na umalis at dinala siya ng kaniyang mga paa sa isang parang bundok at sa ibaba non ay maraming pananim ngunit lahat ng bahay ay nasa bayan naman. At doon niya makikilala ang lalaki habang siya ay nakatalikod dito. Wala siyang kaalam-alam sa kahit anong tungkol dito pero naging magaan ang kanilang loob sa isa’t-isa. Hanggang sa magkaroon ng pamamagitan sa kanila. Simula noong nagkita sila sa bundok, madalas ng umalis si Jai para puntahan at makipag-kita sa lalaking ‘yon. Pero lingid sa kaniyang kaalaman na siya lang pala ang nakakakita sa lalaki. Natapos ang dalawang buwang bakasyon ni Jai sa probya at bumalik na siya sa maynila para ipagpatuloy ang pag aaral niya. Ngunit hindi pa rin niya ang lalaki.Pagbalik niya doon ay agad niyang hinanap ang lalaki pero doon niya lang nalaman na matagal na palang patay iyon.Napamahal na siya sa lalaki kaya mahirap para sa kaniya na tanggapin ang sinapit nito lalo pa’t dalawang taon na pala itong pumanaw na. Hindi niya alam kung paano at anong nangyari na nakasama niya ito. At noong pagbalik din niyang iyon hindi na niya muli pa nakita ang lalaki.

Unfold

Tags: badgirlbraveconfidentinspirationalWriting Challengebxgdisappearancefirst lovesecretsself discover
Latest Updated
CAPITULUM 5
Comment