bc

Stallion #34: ROZEN ALDEGUER

book_age4+
2.0K
FOLLOW
12.2K
READ
opposites attract
arrogant
aloof
self-improved
confident
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Tahimik ang gabi ni Ada habang pinapangarap ang kanyang ultimate crush na si Jigger Samaniego at inaalala ang nagrereklamo niyang tiyan. Nang bigla na lang itong sumulpot sa harap niya. Okay na sana kung hindi lang umeksena ang kasama nitong si Rozen Aldeguer, ang pinaka-oportunistang miyembro ng Stallion Riding Club.

Palibhasa ay hindi siya mayaman at wala rin itong mapapala sa kanya kaya agad siya nitong sinungitan. Nang iwan sila ni Jigger ay nagparamdam ang kanyang tiyan at nagpakawala siya ng ‘air pollution’. Hinimatay si Rozen. Napilitan tuloy siyang magpakabait dito at inalagaan ito dahil malaki ang naging kasalanan niya rito.

Then she discovered Rozen’s other side. His more…lovable side. Uy, lovable daw, o. Ibig bang sabihin ay handa na rin siyang kalimutan ang pagsinta niya kay Jigger para sa lalaking una niyang isinumpa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“ARAY…”  NAGREREKLAMO na naman ang tiyan ni Ada.  Hindi tuloy siya makatayo nang maigi sa kinauupuan.  Naparami kasi ang kain niya kanina kaya ngayon ay parang nagwawala na sa kabusugan ang kanyang tiyan.  “I really need to watch my diet…oh, what the heck!  Gusto kong kumain at masarap kumain!  Walang diet-diet!  Lintik!”  Kumulo na naman ang kanyang tiyan.  “Aray…” She didn’t need to go the bathroom.  Talaga lang parang may hangin ang kanyang tiyan na hindi niya maintindihan.  Basta.  Kailangan lang siguro niya ng pahinga.  Ewan kung may kuneksyon iyon sa pagwawala ng kanyang tiyan.   “Wala, eh.  Parang maganda lang pakinggan na kailangan ko lang magpahinga.”  Napangisi siya sa sarili niyang iniispip. Ganito yata ang mga nangyayari sa mga nightshift employees ng Stallion Guesthouse.  Since walang kasama at napakatahimik ng paligid, kailangang mag-improvise ng topic para sa sarili at nang hindi antukin.  Para na rin hindi siya masiraan ng bait dahil wala nga siyang makausap.  Siya ang toka ngayon sa reception area ng Stallion Guesthouse kung saan tumutuloy ang mga bisita ng Stallion Riding Club.  Ang mga members naman kasi, na exclusive lang para sa mga lalaki, ay may kanya-kanyang sariling bahay sa Stallion Estate.  May mga pinapayagan ang SRC owner na mga kumpanya na gustong mag-conduct ng conventions at conferences doon at sa Stallion Guesthouse nga tumutuloy ang mga iyon.  Pero kung tulad ngayong katatapos lang ng isang company convention, tahimik na tahimik ang buong Guesthouse.  Although may ibang guests pa roon, iba pa rin talaga kapag may mga kumpnayang nagsasagawa ng mga activities doon.  Marami kasi siyang nakikilala at may mga tao siyang nakakakuwentuhan kahti sa mga alanganing oras. Hindi tulad ngayon.  Nangalumbaba siya sa reception’s desk.  “Hay…I miss Picka-Picka.” She smiled as she remembered her short but memorable stint as a souvenir shop personnel.  Ayaw kasi niyang magbakasyon noon dahil nag-e-enjoy siya sa kanyang trabaho bilang receptionist ng Stallion Guesthouse.  Kaya ang kanyang manager na si Yoanna ay binigyan na siya ng forced vacation.  Baka raw kasi ma-burnout na siya at hindi na makapagtrabaho pa ng maayos ang pinakamagaling nitong receptionist.  Pero dahil nga adik siya sa trabaho, nakakuha siya ng paraan na manatili sa Stallion Riding Club at makapagtrabaho kahit sa kanyang bakasyon.  Doon nga iyon sa Picka-Picka.  There she met a lot of people.  Kasama na ang kanyang ultimate crush. “Hay…Jigger Samaniego…” Kinikilig na naman siya.  Sayang at hindi na niya ito makakatabi uli at masisinghot ang bango gaya ng nagagawa niya sa tuwing napapadaan ito sa Picka-Picka para bumili ng kung ano-ano.  Kahit hindi ito nakikipagkuwentuhan sa kanya, okay lang naman, eh.  Kuntento na siyang nakikita ito sa malapitan at naririnig ang boses nito.  E, ngayong balik trabaho na siya sa Stallion Guesthouse, wala na rin siyang guwapong Jigger na makikita.  Lalo na at nightshift pa siya.   She walked out of the reception area and walked into the deserted lobby.  Maganda na rin kahit paano ang pakiramdam ng kanyang tiyan.  Mag-aala una na ng madaling.  Hinubad niya ang kanyang sapatos at nagpalakad-lakad doon habang inaalala ang guwapong mukha ng kanyang crush. “Jigger…Jigger…I—“ “Yes?” “Ay, kabayo!”  Napaatras siya nang marinig ang biglang nagsalitang iyon.  At muntik na siyang lumubog sa kinatatayuan dahil sa kahihiyan nang makita kung sino ang nakatayo na ngayon sa harap niya.  “S-Sir Jigger!” “Yes.” Oh, my God! tili niya sa isip.  “Ahm…n-naingayan ho ba kayo sa akin?  Pasensiya na.” “Hindi naman.” “Pero ako naingayan,” singit ng lalaking nasa likuran nito.  It was Mayor Rozen Aldeguer, another Stallion Riding Club member.  He was holding a cellphone against his ear.  “Hindi kami magkaintindihan ng kausap kaya puwede bang huwag na munang magsalita?  This is a very important business transaction we’re discussing.  Kapag nabulilyaso ito, idedemanda kita at sisiguruhin kong mabubulok ka sa kulungan.” Wala akong pakialam sa iyo!  “Pasensya na, Sir Jigger.  Hindi na ako mag-iingay.” “Okay lang.”  Dumiretso na ito patungong elevator.  “Roz, sasama ka pa ba?” “Ikaw na lang, Jigger.  Kaya mo na iyan.  Dito na lang siguro ako maghihintay.” “Why don’t you eat first?  Mukhang hindi ka pa yata nakakapag-dinner.” “I’m fine.” Napailing na lang ang kanyang sinisinta.  “Or better yet, bakit hindi mo muna pakainin iyang cellphone mo?  Maghapon na iyang nagtatrabaho sa iyo, ah.  Maawa ka naman diyan.” “Don’t mind us.  Kausapin mo na lang kung sino man ang gusto mong kausapin dito sa Guesthouse.  And then we can talk about ‘our’ business.” “Hayok ka talaga sa negosyo kahit kailan.” Tuluyan ng pumasok ng elevator si Jigger.  Hanggang sa mawala ito sa paningin niya ay hindi niya ito nilubayan.  Hindi na rin mapuknat ang ngiti sa kanyang mga labi.  She couldn’t believe God had given her an early Christmas gift in the form of Jigger Samaniego himself!  Magpapakabait pa siya nang husto.  Para sa Christmas day mismo, isang hot kiss mula kay Jigger ang matanggap niyang regalo. “Saya!” impit niyang tili.  Nilingon niya ang batang mayor ng Sta. Barbara, Laguna na abala pa rin sa pakikipag-usap sa cellphone nito.  “Sir, do you want something?  Coffee?  Juice?” Tila wala itong narinig.  Nagkibit lang siya ng balikat saka binalikan ang kanyang sapatos na nakakalat pa sa gitna ng carpeted floor. “Kung ayaw mong mamansin e di huwag,” bulong niya.  “Ang importante nag-offer ako.  Dagdag points na rin iyon para mas lalo akong lumakas kay Lord.” Subalit pagdampot na pagdampot niya ng kanyang sapatos ay bigla na lang may ingay na sumabog sa katahimikan ng lobby.  Sa ikalawang pagkakataon, parang gusto na naman niyang lumubog sa kahihiyan.  Dahil siya ang may sala sa ingay na iyon.  She just farted!  Nakita niyang unti-unting lumingon sa kanya ang nakakunot noong si Rozen.  Bahagya pang nakaawang ang bibig nito, halatang hindi makapaniwala sa narinig na ingay na iyon.  Wala na tuloy siyang magawa kundi ngumiti na lang ng alanganin. “Ehe…grabe talaga ang katahimikan dito, ano, Sir?” mahina niyang palusot.  “Pati tuloy utot ng butiki naririnig.”  He had placed the back of his hand over his nose and walked out.  Nagpamaywang lang siya nang sundan ito ng tingin.  “Hmp!  Akala mo naman kung sinong napakabango ng utot.  E pare-pareho lang naman tayong mababaho ang—“ Nagtaka siya nang makitang bumuway ang paglalakad ni Rozen.  Kung hindi nga nito naitukod ang mga kamay sa salaming pinto ng Guesthouse ay baka tuluyan na itong natumba. “Grabe naman!”  Sininghot-singhot niya ang paligid.  “Wala namang amoy ang inilabas ko, ah…”  Napasinghap na siya nang tuluyang mapalugmok sa sahig ang lalaki.  Mabilis na niya itong nilapitan.  “Sir!  Naku, Sir!  Huwag kayong mamamatay!  Ang OA ng magiging kamatayan mo—“ “Shut up.” “Ay!  Buhay ka pa!  Sandali lang, Sir!  Tatawag ako ng tulong—“ “Don’t…”  Pinigilan siya nito sa braso.  “Bother.” Napatingin siya mukha nito.  He looked like he was really in pain.  Alam niyang napaka-imposibleng ang masamang hangin na ibinuga niya ang dahilan ng ipinagkaganito nito, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala at makunsensiya.   “Sir, kasi kailangan ninyong madala sa ospital.  O sa clinic man lang…”  Nakita niyang iniipit nito ang tiyan at may mga munting butil na ng pawis na namumuo sa mukha nito.  “Dito lang kayo, Sir.  Tatawagan ko ang clinic—“ “I said don’t bother.” “Sir, nag-iipon ako ng rewards points ngayon para may maganda akong regalo sa Pasko, kaya huwag ninyo akong piliting magmura dahil sa katigasan ng ulo mo.  Ayokong ma-badshot kay Lord.”  Binawi niya ang braso niya rito.  “At wala akong balak na makakita ng mamamatay sa harap ko.” Hinayaan na niya ito at nagmamadali ng tumawag ng medical assistant sa clinic ng Stallion Riding Club.  Maaasahan naman ang clinic na iyon dahil naroon si Dr. Kester Mondragon.   Habang hinihintay na may dumampot sa kabilang linya ay napalingon uli siya sa kinaroroonan ni Rozen Aldeguer.  Hindi siya sanay na makita ang pinaka-antipatikong miyembro ng SRC na nasa ganong ayos.   What happened to him?  Talaga bang ganon katindi ang amoy ng utot ko?  Sa wakas ay may sumagot na rin sa kabilang linya. “Hello!  Puwedeng magpadala kayo agad ng medical staffs dito sa Guesthouse lobby?  Si Sir Roz kasi…”  Nakita niyang tumayo na ang lalaki kahit hindi pa rin steady ang mga kilos nito.  “Mamamatay na.  Please hurry up!” Ibinagsak na niya ang telepono saka mabilis na dinaluhan ang lalaki nang makitang pabagsak na naman ang katawan nito sa sahig.  Tamang-tama lang ang dating niya kaya nasalo niya ito.  Ang kaso, sa laki nito at bigat ay nawala siya ng panimbang kaya siya tuloy ang napahiga sa sahig.  She closed her eyes and waited for his body to came crashing down on her.  Nang wala naman siyang naramdamang pagdurog ng kanyang mga buto ay iminulat na niya ang kanyang mga mata.  Sinalubong siya ng guwapong mukha ng batang mayor, nakakubabaw ito sa kanya at nakatukod ang mga braso nito ngayon sa magkabilang gilid ng kanyang ulo.   And she didn’t know why but she just found herself staring at that handsome face of his.  Dati pa niyang alam na lahat ng member ng SRC ay may mga itsura.  Walang itatapon, wika nga ng isang babaeng guest na narinig niyang minsan na pinag-uusapan ang mga club members.  She wasn’t particularly aware of those.  Basta ang tingin niya sa mga iyon ay ‘generally goodlooking’.  Nagbabago lang ang tingin niya sa mga ito kapag nakakausap niya.  Dahil para sa kanya, mas umaangat at nagiging exceptional ang kaguwapuhan ng isang lalaki kung mabait ito.  Pero ngayon, habang patuloy na pinagmamasdan ang mukhang iyon ni Rozen Aldeguer, parang mas lalo pa itong nagiging guwapo sa paningin niya.   Those eyes…that nose…those oh-so-damn-sexy lips… “What’s going on?” Napalingon siya sa nagsalita.  “Jigger!”   Muli siyang bumaling kay Rozen na nakatitig pa rin sa kanya.  Itinulak niya ito nang mapansin niyang unti-unting bumababa ang mukha nito sa kanya.  Agad namang bumagsak sa sahig ang lalaki saka siya tumayo at inayos ang sarili. “Sir Jigger, wala kaming ginagawang masama.  Ano lang, ahm…tinutulungan ko lang siya tapos bigla na lang siyang bumagsak.  Tapos sinalo ko siya tapos bumagsak na lang din kami uli sa sahig tapos—“ “Rozen, are you alright?” Napakamot na lang siya ng ulo.  Nginangatngat pa rin kasi siya ng kanyang kunsensiya lalo na at alam niyang siya ang may kasalanan ng tila pagkahilo ni Rozen.  Kung hindi siya kinabagan at… “Call some help,” utos sa kanya ni Jigger nang inspeksyunin nito ang kasamahan.  “Hurry up.” “Nakatawag na ako, Sir Jigger.  Parating na rin siguro sila…”  Nakita niyang napapangiwi na si Rozen at doon lang din niya napansin ang tila pagpipiga nito sa tiyan.  “Okay lang ba siya, Sir?” Hindi na nasagot pa ang tanong niya dahil dumating na ang mga tauhan ng clinic pati na ang resident doctor ng Stallion Riding Club na si Kester.  Agad nitong inasikaso si Rozen. “Hindi ka na naman ba kumain, Roz?  Anak ka talaga ng pating!  Ilang beses ko ng sinabi sa iyong hindi ka puwedeng malilipasan ng gutom dahil mahina ang sikmura mo.” “His stomach again?” tanong ni Jigger.  Tila alam na rin nito ang nangyayari sa lalaki.  “Roz, alam mo, hindi ganito magpakamatay.” “We should get him to the clinic.” “I’m fine…”  Pinilit ni Rozen na tumayo.  “Kailangan ko lang magpahinga.” “Oo.  Pero doon ka sa clinic magpapahinga.” “No…” “Roz, I’m the doctor here.  Ako ang magsasabi kung okay ka o hindi.  And I say you’re not okay.”  Sinenyasan na nito ang mga tauhan.  “Let’s go.” Habang inaasikaso ang pagdadala kay Rozen sa clinic ay pinapanood lang niya ang mga pangyayari.  He was already lying on the stretcher when he turned to her. “Buksan mo ang mga bintana pag-alis namin,” wika nito.  “Para makalabas ang masamang hangin na inilabas…ng mga butiki.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ZACH HOFFMAN

read
225.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

The Sex Web

read
130.3K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K
bc

He's Cold Hearted

read
160.3K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook