bc

SWEET SEDUCTION

book_age18+
7.5K
FOLLOW
77.5K
READ
opposites attract
second chance
arrogant
independent
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Hindi inaakala ni Kamille na mahuhulog sya sa kanilang gwapong hardinero, nasanay man sya na lahat ng gusto nya'y kanyang nakukuha pero mukang mahihirapan sya pagdating sa lalaking ito. Masyado itong mailap sa kanya, at kahit halos ibandera na nya rito ang buong katawan nya ay hindi man lang sya magawang tapunan nito kahit kapirasong pagnanasa. Mapapainit ba nya ang damdamin nito para sa kanya? o mabibigo sya sa unang pagkakataon pagdating sa isang lalaki? Posible bang mapansin sya nito? Paano kung hindi na lang pala basta pagkuha ng atensyon nito ang gusto nya? Paano kung pati puso nya ay nabihag na rin nito?

chap-preview
Free preview
KABANATA 01
Napabalikwas ng bangon si Kamille nang marinig nya ang boses ng kanyang Yaya Hilda. Alas-otso na pala at late na naman sya sa iskwela. Mabilis syang bumangon at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa sampayan. Magulo pa ang kwarto nya dahil hindi pa nya ito nagagawang harapin para ayusin. 21 na sya at graduating na sa kursong Tourism Management. Ito talaga ang pangarap nya noon pa at ngayon ay halos abot-kamay na nya ito. "Naku ikaw na bata ka, para saan pa ang alarm clock mo sa kwarto? Kung hindi pa kita ginising malamang na hanggang ngayon ay gumagawa ka pa ng mapa," sermon sa kanya ni Yaya Hilda. Napakamot sya sa buhok at daling bumaba para kumain muna ng almusal. "Yaya naman wag mo na po akong sermunan, halika kumain na lang tayo," nakangiting sabi nya sa kanilang katulong. 15 years na itong nagtatrabaho sa kanila at halos ito na ang nagpalaki sa kanya. Ito kasi ang palagi nyang kasama dahil madalas na wala naman sa Pilipinas ang mga magulang nya. Abala ito sa pagpapatakbo ng kompanyang iniwan ng lolo nya. "Tapos na ako. Hala, dalian mong kumain at late ka naman sa iskwela," paalala nito sa kanya Tumango-tango na lang sya sa matandang katulong, sanay na sya sa mga sermon nito minsan dahil parang nanay na rin ang turing nya dito. Nginitian nya na lang ito habang kagat kagat ang sandwich sa bibig nya. Nagmadali na syang kumain at nagdiretso na sa banyo upang maligo, binilisan na lang din nya ang paggayak upang hindi na makapagsayang pa ng mga natitirang oras. Kahit na nga ba nag-aayos na lang sya ng mga dapat ayusin para sa nalalapit nyang graduation ay hindi dapat sya nagpapapetiks-petiks lang. "Ya alis na ako!" paalam nya at patakbong lumabas ng pintuan. Sinundan lang sya ng tingin ng matanda, muntikan pa syang matapilok sa pagmamadali. Medyo mataas kasi ang takong ng sapatos nya. "Ay sus maryosep kang bata ka!" Dinig pa nya ang huling sinabi ng matanda, napangisi sya. Natutuwa talaga sya sa Yaya nya, sa kabila ng pagiging busy ng mga magulang nya sa trabaho ay ito naman ang pumupunan ng mga pagkukulang para lang hindi nya maramdaman na mag isa sya. Paglabas nya ng pintuan ay naabutan nya ang driver nila na may kinakausap sa garden, hindi ito pamilyar sa kanya. Nakatagilid ito at sa tantya nya ay bagong mukha, kailan lang kasi ay pumanaw ang hardinero nilang si Mang Isko. Siguro ay ito ang bagong hardinero nila. Lumapit sya upang tawagin ang driver dahil kailangan na nyang maihatid sa iskwela, Nag uusap ang mga ito at tila naabala sa pagdating nya. "Ma'am Kamille, andyan ka na pala. Pasensya na at kinakausap ko lang itong bagong hardinero nyo. Ibinilin kasi sya sa akin ng Daddy mo," sabi nung driver. Tiningnan nya ang lalaking kausap nito, matangkad ito at moreno. Hindi nya alam pero kusang napako ang tingin nya sa lalaki, Ni hindi man lang sya nito tinapunan kahit isang tingin, hindi man lang ba sya babatiin nito? Kakaiba yata ito sa lahat. Sa lugar nila ay sya lagi ang pinagpapansinan ng mga lalaki, pero itong lalaking nasa harap nya ngayon ay kabaligtaran naman niyon. Ramdam na ramdam nya ang pagkailang nito sa kanya. "Franco, si Ma'am Kamille, nag-iisang anak nila Sir Ricky at Madam Verna," pakilala nung driver nila. Noon lang ito tumingin sa kanya, sya naman ay inaaninag ng mabuti ang mukha nito, gwapo at matangos ang ilong, parang may lahi itong mexicano. Bahagya lang itong yumuko matapos tanggalin ang malapad na sumbrerong suot-suot nito. "Hello Franco. Nice to meet you. Pagbutihin mo ang trabaho mo dito ha, sana ay makasundo kita." nginitian nya ito pero wala man lang itong kaimik-imik, napapasong iniwasan sya nito ng tingin. Anong problema ng lalaking ito? "Tara na Ma'am ihahatid ko na kayo," pukaw sa kanya ni Art. Kinuha na nito ang gamit nya at naglakad na ito papuntang sasakyan, sya naman ay nawiwirdohan sa bagong hardinero nila. Gwapo pa naman sana ito. At infairness kahit na moreno ang balat nito eh parang ang bango bango tingnan. Kaya lang ay parang may tililing yata. Hindi man lang makipag eye to eye contact. May lahi yatang aswang. Natawa sya sa sarili pero mabilis din nyang pinawi 'yon. Kung ano-ano ang sinasabi ng utak nya. Umaarangkada na naman ang pagkahibang nya. Pero naguguluhan din sya sa sarili kung bakit tila apektado sya sa ikinilos nito. Siguro ay dahil hindi lang sya sanay. Nakaramdam kasi sya ng pagkapahiya sa sarili.  Sa huling pagkakataon ay tinapunan nya ulit ng tingin ang lalaki bago tumalikod. Hindi nya mabasa ang emosyong nakalarawan sa mukha nito. Sumunod na sya sa driver nila upang ihatid sya sa iskwela, agad syang sumakay sa nakaparadang sasakyan na binuksan ni Art para sa kanya. Pinaandar na nito iyon. Habang nasa sasakyan ay hindi pa rin maalis sa isipan nya ang bagong Hardinero nila. May bahagi ng pagkatao nya ang naiinis dahil hindi sya sanay aktuhan ng ganoon, lalo na ng lalaki. "Kuya Art. Ganun ba talaga yun?" inis na tanong nya sa driver. "Ha? Ano po yun Ma'am?" hindi yata sya naintindihan nito. "Yung bagong Hardinero. Ang weird nya ha?" napairap sya sa inis. Tumawa lang yung driver nila. "Naku Ma'am pasensya ka na kung hindi ka sanay sa ganoon. Pero sadyang tahimik lang talaga yun si Franco," paliwanag nito. "Saan ba sya nakuha ni Daddy? Matagal mo na syang kilala?" parang bigla naman syang naging interesado. "Apo sya ni Mang Isko, at oo matagal ko na syang kilala, kaya lang ay laging nasa bayan dahil doon nagmemekanino," anito. Ah kaya naman pala. Hindi naman pala ito iba sa dating hardinero nila. Napatango-tango na lang sya, pero nagngingitngit pa rin ang kalooban nya dahil medyo nadismaya sya kanina. Tiningnan nya ang sarili sa salamin. Feel nya tuloy ang pangit nya dahil sa inakto ng Franco na 'yun pero hindi yata sya papayag na aktuhan lamang ng ganoon ng isang lalaki, hindi sya sanay at hindi nya matatanggap. Napataas ang isang kilay nya, at kapagkuwan ay bumuntong hininga, Ano kaya kung akitin nya ang lalaking yon? Sinisigurado nyang hindi sya nito matatanggihan kapag pinairal nya ang kapilyahan. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nya dahil sa mga planong bigla na lang pumasok sa utak nya. "Tingnan lang natin kung hindi makuha ng alindog ko ang atensyon mo Franco,"  bulong nya sa sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
327.1K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.0K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K
bc

OSCAR

read
224.9K
bc

The Professor's Wife

read
448.4K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
608.7K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
697.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook