bc

The Mouse and the Kitten (Filipino)

book_age12+
1.8K
FOLLOW
4.3K
READ
revenge
love-triangle
family
second chance
neighbor
comedy
sweet
campus
first love
friends
like
intro-logo
Blurb

Matagal nang crush ni Maxene ang kapitbahay at best buddy ng kapatid niyang si Miguel na si Daniel Fulgencio. Ang problema ay kapatid lang din ang turing nito sa kanya. Kung hindi kitty ay matunog na Be (for baby) ang tawag sa kanya nito. Iyon din ang tawag sa kanya ng buong pamilya. Siya naman ay Kuya Dan ang tawag dito, na nagiging 'Mouse' kapag tinawag siya nitong 'Kitty.'

Sa paglipas ng mga araw, ang simpleng crush niya para kay Daniel ay humantong sa kanyang pagiging stalker. She had even managed to secretly install a small sensor gadget in his room just to check if he's already home. That was how she was head over heels in love with him.

But one day, Daniel started to ignore her. Nakilala kasi nito si Alaine, ang kaibigan niya way back in high school na dating ugly duckling pero ngayon ay mukha ng isang prinsesa. Basta na lang siya nito nagawang kalimutan nang maging nobya nito ang dalaga. Then Eric came into the picture to save her butt from the quicksand. She started dating him and fortunately got some good results. Mukha namang effective dahil nakikita niyang bad trip na rito si Daniel.

Nagseselos na kaya ang kanyang crush kay Eric? Mapansin na kaya talaga siya nito sa paraang higit pa sa magkapatid o magkaibigan? O talagang ang tulad nila ay daga at pusa lang na wala nang ginawa kundi ang magtaguan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"HI, MAX! Gising na ba ang kuya mo?" masayang tanong ni Cindy, ang current girlfriend ng Kuya Miguel niya. Nakatayo ito sa labas ng gate nila, wearing a pair of shorts and a cotton hanging blouse. She was a Nursing student and her brother had met her just a few days ago. Kailan lang nagkakilala ang mga ito pero girlfriend na agad ito ng kapatid niya. Well, she couldn't blame her, guwapo ang kuya niya. Idagdag pang maboladas ito, ayon na rin sa mama niya. "Hoy, Kitty, tinatanong ka noong tao. Nariyan daw ba ang kuya mo?" Mabilis siyang napalingon kay Daniel, ang kaibigan ng kuya niya na nakatira sa kabilang bahay. Nagdi-dribble ito ng bola habang nakangisi sa kanya. Pinanlakihan niya ito ng mga mata bago ibinalik ang tingin kay Cindy. "Wala siya rito eh. May...kailangan ka?" Atubili man ay napilitan siyang lumapit sa gate, para na rin niyang naririnig ang sermon ng mga magulang nila tungkol sa 'good manners and right conduct.' "Wala ba? Nag-text kasi siya sa akin kanina at ang sabi ay...oh well, sige, hindi bale na lang. Just please tell him na dumaan ako. If he asks about me, sa clubhouse ako pupunta." Tumango lang siya at ngumiti nang pilit rito, some sort of a dismissal look. Kumaway na ito at nagsimulang mag-jog habang papalayo. Noon niya narinig ang papalapit na tunog ng bolang kanina pa hindi matahimik kay Daniel. Hinarap niya ito at inagaw ang bola nitong hawak. "Nakakainis ka talagang daga ka! Muntik mo na akong ipinahamak kanina!" "Ako? Bakit?" takang-taka ito na nakaturo pa ang mga kamay sa sarili. "Wala naman akong sinabi, hindi ba?" "Bakit kasi hindi ka na lang sumagot na wala rito si Kuya! Kung ako si Cindy, makakahalata akong nandito nga si Kuya!" Bahagya niyang idinabog ang mga paa at saka padarag na ibinalik ang bola kay Daniel. Sa dibdib nito iyon tumama at bahagya itong napaigik. "Bakit kasi nagsinungaling ka pa? Nasa loob naman talaga ang kuya mo, hindi ba? Paano kung makausap niya si Cindy at malaman ang ginawa mo?" nakangiti nitong sabi. Umingos siya bago nagsalita. "Hindi iyon magagalit sa akin. He knows very well I don't like his current girlfriend. Masyadong flirt. Dapat pa nga niya akong pasalamatan sa ginagawa ko para sa kanya." Napailing si Daniel. Naramdaman na lang niya ang pag-akbay nito. "Hindi mo iyon dapat ginagawa, Kitty. You're becoming too possessive. Miguel is older than you but look, hindi siya ganyan ka-weird sa pagbabantay sa'yo. Don't overdo it, okay." Napasimangot na naman siya. "You know what? I think you just need to fall in love. Siguro, maiintindihan mo na ang kuya mo kapag nangyari iyon. Hindi mo na siya babakuran at higit sa lahat, magdadalaga ka na." Natahimik siyang bigla. Hindi alam ni Daniel ang pinagsasasabi nito. Anong magdadalaga? Anong ma-i-in love? Kung alam lang nito ang nasasaloob niya, tiyak na katakot-takot na kantiyaw ang aabutin niya rito. Mabilis niyang inalis ang braso nitong nakasampay sa balikat niya at saka niya ito hinarap. "Hindi ko kailangang ma-in love para lang maintindihan ang kuya ko, okay. You know why? Dahil hindi naman siya in love! Isa lang ang Cindy na iyon sa mga babaeng pinaglilibangan ni Kuya dahil hanggang ngayon, alam kong si Nadine pa rin ang mahal niya." Si Daniel naman ang napailing. She knew the story between the two. They fell in love with each other five years ago. It was just sad that Nadine had to leave for California. Naroon kasi ang mga magulang nito pero nangako itong babalik at marahil ay iyon ang hinihintay ng kuya niya. Siyang dahilan marahil kung bakit ngayon ay hindi ito nakukuntento sa iisang babae. "I hate the word, all right. Ano bang mahal-mahal. Sabi mo nga, hindi nakukuntento ang kuya mo sa iisa. Meaning, hindi siya masaya. Tell me what could these people get from being in love?" "E 'di sakit, ano pa?" Nang lumingon sa kanya si Daniel sa nagtatakang anyo ay kinindatan niya ito. "Sakit sa puso – tulad ni Kuya!" aniya at saka tumawa. Noon lumabas ang kuya niya, pupungas-pungas pa pero naka-jersey na. "I'm ready! Dumaan ba si Cindy rito?" tanong nito. "Ewan!" halos magkapanabay nilang sagot ni Daniel. SIYA si Maxene Buenaflor, pangalawang anak nina Mr. Rogelio at Mrs. Carmina Buenaflor. Ang nakatatanda niyang kapatid na si Miguel ay nasa ikalima at huling taon na sa kurso nitong Architecture samantalang siya ay nasa ikalawang taon pa lamang sa kursong Business Management. Pangarap niyang magtayo ng sariling negosyo balang araw habang ang kapatid naman niya ay gustong magkaroon ng sariling painting gallery. Their parents were both supportive. Kahit kailan ay hindi nagdikta ang mga ito sa kung ano ang dapat nilang tahakin balang araw. She was truly grateful because of that and in fact, she considered that a blessing in their family. Kaya naman masaya ang kanilang pamilya at kahit hindi na natupad ang nais ng mga magulang na magkaroon pa sila ng dalawang kapatid, kuntento na sila. She was barely ten years old when one of the biggest crises in her life came. Nalugi ang hayupan ng papa niya dala ng sakit na dumapo sa mga baka nito. Halos three fourths ng populasyon ng mga hayop ay nagkamatay. Inakala nilang makababawi sila sa poultry pero tulad ng baka, nalugi rin sila roon. Nag-atrasan ang mga dati na nilang kliyenteng binababaan noon hanggang tuluyan na silang na-bankrupt. Gumawa pa rin ng paraan ang papa niya pero talagang malas marahil, patuloy silang nalubog sa utang. Dahil doon ay napilitan ang papa niyang ibenta ang farm nila gayundin ang ancestral house nilang tinutuluyan. Kahit paano'y nakaluwag sila, nakabili ng maayos na bahay sa isang maganda rin namang subdivision sa Maynila at doon ay gumawa sila ng bagong buhay. Noon niya nakilala si Daniel, ang bunso sa limang anak nina Mr. Tony at Mrs. Glenda Fulgencio. Ang tatlo nitong kapatid na lalaki ay may kanya-kanya ng pamilya habang ang nag-iisa namang babae na si Milette ay nagtatrabahong nurse sa America. Daniel was no different to her brother. They went to the same school, only that Daniel was taking up Chemical Engineering. Kapwa mahilig sa basketball kaya madaling naging magkaibigan ang dalawa. Mula noon ay kuya na rin ang tawag niya rito at tulad ng kapatid, maalaga rin ito sa kanya. Itinuturing siya nitong nakababatang kapatid. Ang problema, hindi naman ganoon ang tingin niya para rito. The truth was that she couldn't help being drawn to Daniel. She was very much into him. Matagal na. Dahil hindi naman siya lumaking nasa paligid lang ito, his image was something new to her system at that time. Sa panahon pa namang malapit na siyang magdalaga noon. Kung kailan namulat na siya sa kahulugan ng pagkakaroon ng 'crush.' Sino ba ang hindi magkakagusto rito gayong bukod sa pagiging guwapo nito at matipuno ang pangangatawan, maalaga pa at malambing. Constant fixture ito sa bahay nila. Walang araw na hindi niya nakikita kaya naman madaling na-develop ang feelings niya para rito. Pero hanggang doon lang iyon at walang kahit sinong nakakaalam ng tungkol doon. Not even her friends. Not even her own family. Alam niyang hindi rin iyon magugustuhan kahit ng kuya niya so she just decided to forget him. Or at least, hindi man niya ito ganap na makalimutan ay sinisikap naman niyang hindi mabaon sa damdaming iyon para sa lalaki. After all, she knew here feelings wouldn't be reciprocated. Daniel would never like her kind. He actually preferred her exact opposite. Boyish siya at bruskong kumilos, babaeng-babae naman ang gusto ni Daniel. One more thing, he had a girlfriend. Girlfriends, rather. Kahit pa sabihing minsan man ay hindi ito umamin ng pagkakaroon ng nobya, marami namang babae ang idini-date nito. Hindi raw girlfriends ang tawag doon ni Daniel – constant dates lang daw. So be it.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

That Professor is my Husband

read
504.3K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
779.0K
bc

My Husband's Mistress

read
297.0K
bc

His Cheating Heart

read
39.3K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.0K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
608.7K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
215.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook