bc

HEAL MY WOUNDS

book_age18+
5.1K
FOLLOW
70.4K
READ
revenge
sex
kidnap
family
pregnant
drama
sweet
enimies to lovers
virgin
like
intro-logo
Blurb

WARNING- (RATED SPG) (MATURE CONTENT) (R-18)

Si Alessandra ang anak ng taong pumatay sa ama ni Zac Fuentabella kaya kinidnap sya nito upang paghigantihan. Kinukulong sya nito sa mansyon at inalok na may mangyari sa kanila sa loob ng dalawang linggo kapalit ng kanyang kalayaan. Pumayag sya sa gusto nitong mangyari at pagkatapos ng mga namagitan sa kanila unti-unti itong nagbago, ang dati'y malamig nitong pagtrato sa kanya ay napalitan ng kabaitan.

Ayaw man nyang aminin ngunit nahuhulog na din ang loob nya kay Zac dahil sa mga pagbabagong ipinapakita nito sa kanya, pero paano ang masalimuot na nakaraan na nagawa ng ama nya sa ama nito? Kalilimutan kaya ni Zac ang bagay na iyon alang-alang sa pagmamahal?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
Hindi alam ni Alessandra kung ilang minuto na syang nakakalumbaba lang habang nakatulala at nakatingin sa kawalan. Tinapik lang ni Nicole ang balikat nya kaya sya natauhan. "Hey, you okay?" nag-aalalang tanong nito. Napakurap-kurap sya at mabilis na bumaling ng atensyon sa kaibigan. "H-ha? Y-yeah I'm okay, sorry." sagot nya sa kaibigan. Humila naman ito ng isang silya para maupo sa tabi nya. "Kanina ko pa napapansin na tahimik ka what's bothering you?" usisa nito at may pag-aalala sa mukha. Tumingin sya sa kaibigan at kapagkuwan ay humugot ng isang malalim na buntong-hininga. These past few weeks palagi na lang nyang napapansin na hindi normal ang kilos ng Daddy nya. Lagi itong balisa dahilan para mag-isip sya. Hindi naman ito ganoon dati. Natatakot tuloy sya sa isipin na mayroon itong hindi sinasabi sa kanya. Mababaliw na sya sa pag-iisip kaya't hanggang dito sa party ng kaibigan nilang si Fierrah ay bitbit nya ang alalahanin para sa ama. Hindi tuloy sya makapag-enjoy sa party. Ang ibang mga kaibigan nila ay masayang nag-iinuman at nagsasayawan na. "Nag-aalala kasi ako kay Dad," sambit nya sa kaibigan. "Why? What's wrong with Tito Alex? May problema ba?" Umiling sya sa kaibigan. "I don't know Nicole. These past few weeks kasi ang daming kakaibang nangyayari sa loob ng bahay. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko parang may tinatago sakin si Daddy, palagi syang balisa," saad nya. "Ha? Ano naman kaya iyon?" balik na tanong nito na ikinakibit na lang ng balikat nya, hindi nga rin nya alam eh. "Baka naman pagod lang sa negosyo si Tito kaya ganoon, or may mga inaayos syang kaunting problema sa trabaho kaya hindi sya mapakali, wag ka na mag-isip dyan wala lang iyon," pagpapakalma nito sa kanya. "Let's have fun," ngumisi ito at inginuso ang ilan pa nilang kaibigan na sila Alba, Szentin, Diem, Maria, at Carisma. Si Fierrah naman ay kasalukuyang inaasikaso ang iba pa nitong mga bisita. Hinila na sya ni Nicole palapit sa mga ito, halatang lasing na si Diem dahil maingay na ito at abot na ang taas sa bote ng alak paulit-ulit. "Hey!" bati ni Nicole sa mga ito at kapagkuwan ay kumuha ng isang bote ng Smirnoff, kumuha pa ulit ito ng isa at iniabot iyon sa kanya. Tinanggap nya naman iyon. "Hey! Kanina pa kami umiinom dito tapos kayong dalawa ay nagtatago lang doon?" nguso ni Alba sa pinanggalingan nila ni Nicole kanina. "Tingnan mo itong si Divine Mary shenglot na!" tatawa-tawang sabi ni Alba. Sinamaan naman ito ng tingin ni Diem. "f**k you Alba!" mura ni Diem sa kaibigan dahil tinawag nito ito sa buong pangalan na ayaw na ayaw nito. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na Divine Mary ang pangalan ng isang magaslaw na 'to? Masyadong banal ang pangalan nito para sa pagkatao nitong si Diem. Divine Mary. Mahina syang napamura sa sarili nya bago naiiling na bumaling sa mga kaibigan. Pinigil nya ang matawa sa isiping iyon. Pastor ang ama ni Diem kaya siguro Divine Mary ang ipinangalan nito sa anak. Si Diem ang pinakamagulo sa kanilang magkakaibigan. Pero siyang pinakatahimik naman nito kapag nasa bahay na. Isang maling galaw lang kasi nito ay tiyak na lagot ito sa ama. Si Szentin Roa naman ang pinakamayaman sa kanila. Doctor ang parehas nitong magulang at may lima lang naman itong kapatid na lalaki na lahat ay doktor din. Nag-iisang babae lang si Szentin at bunso pa ito. Ito ang pinakabata sa kanilang magkakaibigan. 22 pa lang ito. Samantalang sila nila Nicole ay matanda ng dalawang taon dito. Si Fierrah ay anak naman ng may-ari ng Eastwood Academy, school ito kung saan hindi basta-basta ang nakakapasok. Mayaman din ito at patay na patay pa rin sa ex nitong si Lucas Alejandro na iniwan na lang ito bigla sa ere. Isang taon na rin ang nakararaan at hindi pa rin nakaka-move on ang kaibigan nya. Hanggang ngayon ay umaasa pa din ito sa dating kasintahan. Si Alba naman ang madalas mapagkamalang tomboy sa kanila. Galing din ito sa marangyang pamilya may pagkawirdo nga lang. Mahilig itong magsusuot ng mga t-shirt na malalaki at nakabalanggot lagi. Hindi nya rin alam kung bakit. Kapag naman tinatanong nila ito kung tomboy ba ito ay mabilis naman itong tumatanggi. Komportable lang daw ito sa ganoong pormahan. Tulad ngayon, party ang pinuntahan nila pero nakasimpleng pantalon lang ito at maluwag na t-shirt habang may nakalagay na balanggot sa ulo. Si Maria Venice naman ang pinakatahimik sa kanila. Tamang-tama lang dito ang pangalan nito na Maria. Kahit kasi galit na ito ay napakahinhin pa rin magsalita, dentista ito at may sariling clinic malapit sa lugar nila. Si Carisma ay may-ari ng isa sa pinakasikat na restaurant sa buong Pilipinas. Kaya madalas busy ito dahil kung saan-saan pa ito nakakarating na lugar para lang maghanap ng ibang mga putahe na ilalabas sa resto nito. Ngayon nga lang nila ulit ito nakasama. Siguro ay kinunsensya ito ni Fierrah. Si Nicole ay nasa abroad ang mga magulang. Tapos ito ng education ngunit ayaw magturo. Mas gusto pa nitong mag business. Mayroon itong sariling boutique na masasabi nyang maganda rin ang takbo. Si Nicole ang pinakaclose nya sa lahat. Sya naman ay arkitekto na at matagal rin nyang ibinuno ang pag-aaral na iyon sa kolehiyo. Gayunpaman, kahit mahirap ay nakatapos sya. Iyon ang gusto ng ama nya sa kanya, ang maging arkitekto dahil arkitekto din ang isang Kuya nya habang tapos naman ng Civil Engineer ang isa pa nyang Kuya. "Kamusta ka naman Carisma? Grabe anong pamba-blackmail kaya ang ginawa sayo ni Fierrah para makasama ka samin ngayon?" tatawa-tawa si Szentin habang sinasabi iyon sa kabigan. Tatlong taon na nyang kilala ang mga ito. Si Nicole lang at Szentin ang kilala nya dati, ngayon ay nakilala nya na rin ang iba pa dahil din sa mga ito. "Well well well, namiss ko lang talaga kayo no!" saad ni Carisma. "Yun naman oh!" napapalatak pa si Alba at itinaas ang hawak nitong bote. "Cheers para sa pagdating ni Carisma!" sabi nito at napatawa na lang din silang lahat habang itinataas ang kani-kanilang bote ng alak. Halos 12-AM na ng matapos ang party ni Fierrah. Syempre hindi agad sila umalis kahit nag-alisan na ang iba pang mga bisita. Nagpakalango muna sila sa alak. Unang -una ay dahil wala namang babawal sa kanila. Wala naman kasi silang mga nobyo. Hindi nya alam kung may sumpa ba ang samahan nilang magkakaibigan dahil ngayong taon ng 2020 ay sabay-sabay silang single. Natawa sya sa sarili, palabas na sya habang kinakapkap sa bulsa ang susi ng kotse nya, hindi nya iyon makita. "Nasaan ba ang susi ko? Naiwanan ko pa yata sa loob," mahinang bulong nya. Nauna na sa kanya sila Nicole at si Alba na lang ang naiwan sa loob nila Fierrah. Doon na siguro ito matutulog dahil lasing na lasing na ito. Hindi pa sya sobrang lasing pero ramdam nya ang bahagyang hilo. Akmang babalik na sya sa loob ng gate nila Fierrah upang balikan ang susi nya nang bigla nyang maramdaman na may humawak sa magkabilang braso nya. Kasunod niyon ay ang pagtakip nito ng kamay sa bibig nya. Binuhat sya ng lalaking hindi nya maaninag ang mukha. Nagpumiglas sya pero hindi sya makawala mas lalong hindi magawang lumabas ng sigaw nya dahil sa pagtakip nito sa bibig nya. Ang huling naramdaman nya ay nasa loob na sya ng sasakyan ng hindi nya kilalang lalaki. Kinidnap sya nito!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.3K
bc

POSSESIVE MINE

read
969.6K
bc

His Property

read
945.9K
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook