bc

Stallion #32: ICEN VILLAZANTA

book_age4+
2.4K
FOLLOW
12.3K
READ
second chance
friends to lovers
kickass heroine
confident
CEO
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lang sina Kassandra at Ice nang ipagkasundo sila ng kanilang mga ama dahil sa isang insidente sa kanilang paaralan. They grew up living separate lives. Nagkaroon din namna kasi sila noon ng kasunduan na walang sinoman ang makakapagdikta sa kanila kung sino ang pipiliin nilang mahalin at makasama habambuhay. Although kapag nariyan ang pinakamamahal nilang mga ama, kailangan nilang magpanggap.

Hanggang sa isang araw ay nilapitan siya ni Ice.

“I want you to meet Erica.”

“Why?”

“Coz I’m gonna ask her to marry me.”

Ngiti lang siya. Pero sa loob-loob niya, nasasaktan siya. dahil noon pa mang mga bata sila, minahal na niya ito.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“HOY.” Inaantok pa si Kass nang iangat ang kanyang ulo mula sa pagkakayukyok sa kanyang desk chair.  Isang binatilyo ang nakita niyang nakaupo sa kabilang silya.  Hindi niya ito kilala. “Ikaw ba ang sumipa sa upuan ko?” tanong niya rito. “Oo.  Tapos na ang klase ninyo.  Kami na ang susunod kaya umalis ka na rito.” Sinulyapan niya ang relong pambisig.  “Lunch break pa, ah.  Kalahating oras pa bago magsimula ang afternoon shift.” “Bakit marunong ka pa sa akin?  Mas matanda ako sa iyo.  First year ka lang.  Fourth year na ako.” “Wala akong pakialam.  Inaantok pa ako at hindi pa oras ng shift ninyo kaya nasa akin ang lahat ng karapatan para matulog dito.” “Aba, at marunong ka na ring sumagot ngayon.  Kilala mo ba kung sino ang kausap mo, ha?” “Hindi.  Sino ka ba?” “Ako si Icen Villazanta, Corps Commander ng Holy Angel Academy.” “O, ngayon?”  Nagsalubong ang mga kilay nito.  Ibinalik naman niya sa pagkakayukyok sa kanyang desk ang ulo niya.  “I’m tired and sleepy.  Please leave me alone.” “No.  Classroom ito, hindi tulugan.” “Hindi pa rin naman time ng shift ninyo.” “I said get up and leave this room.” Naramdaman niya ang paghila ng kung sinoman sa kanyang pigtails.  Napilitan tuloy siyang gumising.  At kapag ganon na ang sitwasyon, nawawala na siya sa kanyang sarili.  No one should ever get in the way of her sleeping.  Kaya sa pagtayo niya ay basta na lang niya dinaluhong ang binatilyo.  Nagulat yata ito kaya hindi ito agad nakapag-react nang makubabawan niya ito.  Dalawang suntok agad sa mukha nito ang pinakawalan niya. “Sinabi ng natutulog pa ako!  Bakit ka ba nangingialam?” “Aw!  Stop it!” “You stop disturbing me!” Nahawakan nito ang mga braso niya.  “I said stop it!  Papatulan na talaga kita!” “E di patulan mo!”  Nakawala ang mga braso niya at inundayan uli niya ito ng suntok. Ngunit sa pagkakataong iyon, nakapag-adjust na ito kaya nasasalag na nito ang mga suntok niya.  Nagpambuno sila hanggang sa magkapalit sila ng posisyon.  Ngayon ay ang binatilyo naman ang nakakubabaw sa kanya.   “What the heck is going on here?” Ang malakas na boses na iyon ang nakapagpatigil pareho sa kanilang dalawa.  Napalingon sila sa may pintuan ng klase at nakita nilang naroon ang gulat na gulat na teacher pati na ang ibang mga estudyante.   “Ice…” sambit ng isang dalagita sa grupong iyon.  Nangilid ang mga mata nito saka nagtatakbo palayo. “Jocelyn!  Wait—“ “Hoy!”  Hinawakan niya ang kuwelyo ng suot nitong polo upang hindi ito makatayo.  “Saan ka pupunta?  Peste ka!  Inistorbo mo ang pagtulog ko para lang magkaroon kayo ng moment ng girlfriend mo dito?  Lintik!” “Take your hands off me!” “Get off her!”  Isa pang boses ang dumadagundong na narinig sa klaseng iyon.  Ilang sandali lang ang lumipas at tila binuhat na ang binatilyo mula sa pagkakadagan sa kanya. It was her father.  Teacher din ito at Commandant ng CAT sa kanilang paaralan.  Isinalya nito sa dingding ang binatilyo saka pinitsarahan. “What do you think you’re doing to my daughter, Villazanta?” “S-Sir—“ “Bernardo, take your hands off my son!”   “He’s r****g my daughter!” “I said take your hands off my son!” Nagpalipat-lipat lang siya ng tingin sa dalawang matatangkad na lalaki sa harapan niya.  Nagsusukatan ang mga ito ng tingin, halatang walang balak na mag-back down ang kahit na sino.  Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa malamig na sahig at nag-Indian sit sa kabila ng suot niyang palda.  Pinanood lang niya ang mga nangyayari habang idinadalangin na sana ay matapos na ang tantiyahan ng ama niya sa ama ng kurimaw na Ice na iyon para maipagpatuloy na nila ang sarili nilang ‘session’.  Nangangati pa rin kasi ang mga kamao niya. “I’m not gonna let this thing pass, Carlos,” wika ng kanyang ama kay Carlos Villazanta, ang school principal nila.  “Maraming nakakakita sa paglapastangan ng anak mo sa anak ko.” “My son wasn’t r****g your daughter.  Ano ba ang nakita mo?” “Bakit hindi mo itanong sa mga nakakita sa kanila.”  Binalingan ng ama niya ang mga natitigilan pa ring estudyante at guro.  “Mr. Guzman, ano ang nakita mo?” “E…s-si Ice…nakakubabaw sa dalagitang iyan.” “Nakita mo na?” “Nakakubabaw.  Iyon lang.  Wala siyang sinasabing ginagalaw niya ang anak mo, Bernardo.”  Binalingan nito ang binatilyo pagkatapos.  “Icen, get to my office.” “Pa—“ “Now!”  Ngunit hindi pa rin pinakawalan ng kanyang ama ang kuwelyo ni Icen.  “Bernardo, let’s talk about this in a civilized manner.” “You know I won’t let your son escaped, Carlos.” “Don’t worry.”  Sinaklit din nito sa kuwelyo ang anak nito.  “I won’t, either.” Mukhang nakuntento na ang kanyang ama dahil hinayaan na rin nitong makawala ang binatilyo pagkatapos.  Ngunit hindi pa rin nawawala ang matinding galit sa mukha nito.  Lumambot lang ang ekspresyon nito nang bumaling ito sa kanya.  Hinubad nito ang suot na jacket at ibinalot siya roon. “Are you alright, baby?” “Daddy, ang init-init.”  Tinapik niya ang ibinigay nitong jacket.  “Hindi ko kailangan ng jacket.” “Baby—“ Hinawi niya ang magulong buhok na nakatabon sa kanyang mukha.  Saka hinarap ang mag-amang palabas na ng silid.  Nag-panic siya. “T-teka, saan sila pupunta, Daddy?  Hindi ko pa—“ “Let’s go, baby.  Kakausapin natin sila sa opisina ng principal ninyo.  Don’t worry, hindi ko hahayaang basta na lang makawala ang binatilyong sumalbahe sa iyo.” “Sumalbahe?” “I’ll make him pay for this.” ************************************************************************ “GUSTO KONG ipangako mo ang anak mo na pagdating nila sa tamang edad, silang dalawa ang magpapakasal.” Natigil sa pagkakapa ng lisa sa kanyang buhok si Kass nang marinig ang deklarasyong iyon ng kanyang ama.  Nakaupo siya sa ibabaw ng desk ng principal at pinapanood ang kumprontasyon ng mga ito.  Sayang at malayo sa kanya si Icen.  Piyesta sana ang mga kuko niya sa mukha nito kung nagkataon.   “Kasal?” “Papa, ayokong magpakasal.  Masyado pa akong bata!” “Tumahimik ka muna, Icen.” “Pero, Pa—“ “I said shut up!” Napangisi siya.  Wala siyang balak na itama ang maling akala ng mga tatay nila.  Siyempre, para sa kanya ang kampi ng mga ito.  Gusto niyang humalakhak nang makita ang pamumula ni Ice.  Dapat lang naman itong matakot dahil sa tatay niya.  Her father had been in the military for the last couple of years.  Nag-resign lang ito at nag-switch sa pagiging school commandant nagn mag-higschool siya.  Para raw mabantayan siya nang husto since nagdadalaga na siya.  Palibhasa, nag-iisa siyang anak ng may edad na rin niyang mga magulang.  Kaya talagang alagang-alaga siya ng mga ito. “You’re going to marry my daughter, young man.” “Daddy, ano iyon?” “Diyan ka lang, baby.  Akong bahala rito.”  bahagya pa itong napangiwi nang lumingon sa kanya.  “Ilang lisa na ba ang nahuhuli mo?” “Wala pa nga, Daddy.” “Ituloy mo lang iyan.”  Nagbago na naman ang boses nito nang muling balingan ang mag-ama.  “Carlos, magkababata tayo at magkaibigan.  Alam mo rin kung gaano kahalaga sa akin ang anak ko.  Siya na lang ang nag-iisang alaala sa akin ng yumao kong asawa.  I will do everything to protect her.” “I know.” “Pero wala nga ho akong ginagawang masama sa kanya, Sir.  Maniwala kayo.” “Do you think I’d believe you after I saw you…on top of my daughter?” “Icen, kung wala kang ginagawang masama sa kanya, ano ang ibig sabihin ng nakita namin kanina?” Masama ang tingin ang ibinigay sa kanya ng binata.  She just stuck out her tongue to him as she continued fishing out lice from her messy hair. “Icen,” tawag uli rito ng ama nito.   “Pa, I swear, wala akong ginagawang masama sa kanya.  I was just trying to wake her up because it was our class’ time already.  Pero imbes na umalis, nagalit pa siya at sinuntok ako.”  Tumayo ito at humarap sa maliit na salamin na nakasabit sa dingding.  “Aw, s**t!  Look at this, Pa!  Dalawa ang blackeye ko!  At ang kuting na iyan ang may kasalanan nito!” “Buti lang iyan sa iyo,” aniya.  “Natutulog ‘yung tao, inistorbo mo.  Isa pa, hindi pa naman time iyon ng klase ninyo.  Ang sabihin mo, gusto mo lang akong paalisin dun kasi iyon ang tagpuan ninyo ng syota mo.  Nang hindi ako umalis, nagalit ka.” “Bakit mo ako sinuntok?” “Hinila mo ang pigtails ko, eh!  Masakit kaya iyon.” Napangisi siya nang hindi na ito makakibo.  Lalo na nang balingan ito ng ama nito.   “You disappoint me, Icen.  Kahit na si Kassandra pa ang may kasalanan sa nangyari, hindi mo dapat siya pinatulan.  She’s a girl and for God’s sake she’s years younger than you!” “Carlos, kahit walang ginawa ang anak mo sa anak ko, alam nating pareho kung ano ang magiging impact kay Kassandra ng mga nangyari kanina.” “I know, I know.”  Napabuntunghininga na lang ang kanilang principal at nagpamaywang.  “Hindi ka na nahiya sa Commandant mo.  Corps commander ka pa naman.” Napayuko na lang ang binatilyo.  Dinampot niya ang lapis na nakita sa table at pinagulong-gulong iyon sa nguso niya. “I don’t care what he did.  Basta, gusto ko lang gumanti.” “Baby, good girls don’t fight with boys.” “Daddy, I’m a good girl.  Nadehado ako kaya ako lumaban sa kanya.  hindi ba’t iyon ang sinabi ninyo sa akin?  Na hindi dapat ako nagpapaapi sa ibang tao lalo na at alam kong tama ako.” Napakamot na lang ng ulo ang kanyang ama habang napapangiti naman ang principal.   “I like your daughter, Bernardo.  Matalino.” “Strong din ako, Sir!”  Tinapik-tapik pa niya ang payat na payat niyang braso.  “I can take him down, anytime.” “Well, if you can really do that, little girl, I’ll agree with your suggestion, Bernardo.  Ipagkasundo natin sila.” “Papa, no!” kontra agad ni Ice.  “Please, kahit sino pakakasalan basta huwag lang siya.” “Shut up, Icen.  Panahon na para matuto kang maging responsable sa lahat ng mga ginagawa mo.  Fourth year ka na sa higshcool, graduating.  Pero pumapatol ka pa rin sa mga bata, at sa babae pa.”  Nilapitan siya ng kanilang principal.  Nakangiti ito nang hawiin ang sabog-sabog niyang buhok.  “Kassandra is really cute.  Balang araw, siguradong lalaki siyang maganda at mahinhin.” Humarap na rin sa kanya ang ama niya.  “Of course, that’s my daughter you’re talking about.  Look at that smooth and rosy cheeks.  And that thick eyelashes.” “She has beautiful eyes.” “She got that from her mother.” “And she got your lips, Bernardo.” “I know.  Iyan ang ipinagmamamalaki naming mga Bautista.” Mula sa likuran ng mga ito ay kung ano-ano na ang ginagawang suntok sa hangin ni Ice.  Halatang gigil na gigil ito sa kanya.  Ngumisi lang siya. Hah!  Tayo pala ang magpapakasal, huh.  Hmm, lagot ka sa akin, Icen Villazanta!  Tatastasin ko ang lahat ng hibla ng buhok mo sa katawan!  Yes, sa buong katawan! “Kailangang gumawa na tayo ng kasunduan para maging maayos na ang lahat,” wika ng ama nito.  “In the meantime…”  Binalingan nito ang anak.  “Icen, mula sa araw na ito, ikaw na ang magiging official bodyguard ni Kassandra.” “What?!” “Bakit?” nagbabanta na ang boses ng Daddy niya.  “May problema ka ba roon, Corps Commander Villazanta, Icen?” Natameme ito nang wala sa oras.  “Sir, no, Sir.” “I can’t hear you.” Automatic itong tumayo ng diretso at sumagot.  “Sir, no, Sir!” “Good.” “Isa pa nga pala,” dugtong ng ama nito.  “Mula rin sa araw na ito, ikaw na ang opisyal na boyfriend ni Kassandra.” “What?!  Pa—“ “You’ll be husband and wife when you grow up.  Natural lang na maging magkasintahan kayo ngayon.  Hindi ba, kumpadre?” “Kumpadre?  Hmm, that’s a nice word.  Kumpadre.” Habang nagtatawanan at nagpipiyesta ang kanilang mga ama sa kasunduan ng mga ito ay inuuntog naman ni Icen ang ulo sa pader.  Wala siyang ideya kung ano pinagkasunduan ng mga ito.  Basta ang alam lang niya, makati ang ulo niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Mistress

read
297.4K
bc

He's Cold Hearted

read
160.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K
bc

Married By Mistake

read
170.6K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
961.1K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
608.3K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook