bc

Flirtationship (Taglish)

book_age16+
1.3K
FOLLOW
7.7K
READ
friends to lovers
versatile
sweet
Writing Challenge
humorous
lighthearted
female lead
male lead
city
sassy
like
intro-logo
Blurb

They have been friends for the longest time. Kahit gusto nila ang isa’t isa ay hindi puwede. Maliban sa may girlfriend na tao si Claude ay may iba pang dahilan kung bakit hindi magiging sila ni Darcelle.

Darcelle is bound by a lot of things—sariling mga rasong hindi sila puwede ng binata na mag-level up sa isang seryosong relasyon—let alone being friends with benefits. Kaya naman ay hanggang flirt zone lang ang kaya nilang puntahan. Wala ng iba pa, so she doesn’t expect na may happy ending silang dalawa ng binata. Pero bakit masakit pa ring isipin ‘yon at parang hindi niya matanggap?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“O, sabay na tayo pupunta sa reunion, ah?” bungad ng beinte y nueve anyos na binatang si Claude Carrion sa cell phone. Nasa loob siya ng kanyang kotse, kalalagay lang ng kanyang briefcase sa passenger seat. Kagagaling niya lang sa korte pagkatapos ng isang trial. Isa siyang criminal lawyer for the past three years. “What? Bakit ako ang isasabay mo? Bakit hindi mo isama ‘yong girlfriend mo?” sagot ng ni Darcelle Bustamante, ang kanyang oldest friend since time immemorial. Kahit na nagtataray ito ay malamyos pa rin ang tinig ng dalaga. Kababata sila at mag-classmates sila simula kindergarten hanggang high school. Naghiwalay lang sila ng paaralan pagka-college. Sa isang private university siya nag-aral samantalang sa isang state university naman ang dalaga dahil ‘di na kaya ng mga magulang nito ang mas malaking gastos. May dahilan naman kasi at iyon ay may mga kapatid pa itong pinag-aral at halos magkasunod-sunod lang ang mga ito. He pursued Law after he graduated Political Science and Darcelle, on the other hand, graduated Computer Science. Isa na ito ngayong software developer sa isa sa mga tanyag at malalaking kumpanya sa bansa. Kumunot ang noo ni Claude. “Sam is busy,” tukoy niya sa isang taon nang nobya. “Alam mo kaya ‘yan. Magkasama kayo sa trabaho, ‘di ba?” He heard her chuckle. Parang biglang lumukso ang puso niya nang dahil doon pero inignora niya lang. Bakit ba kasi tumambling ang puso niya sa tawa nito? “Nasa ibang department siya kaya hindi kami close, ano? Alam mo ‘yan.” “Well, what the F, Darce! Basta! Susunduin kita mamayang seven sa apartment mo,” bugnot na sabi niya sa dalaga at tinapos na ang tawag. Bumuga siya ng hangin pagkalapag niya ng aparato sa passenger seat, sa tabi ng briefcase niya at pinatakbo na ang mamahaling kotse. Alam na ng nobya niya ang tungkol sa high school reunion nila pero hindi ito makakasama dahil may kailangan itong gawin. So, sino ba siyang mamimilit dito? Ito pa ang hihindian niya? He’d be a free agent tonight at their high school reunion. Alam na alam niyang mas mag-e-enjoy naman talaga siya kapag wala ang nobya. Walang restrictions. Walang inaalalang ma-o-OP kung saka-sakali. And Darcelle would be there. With him. Somehow, it thrilled him. Well, palagi naman. Kapag kasama niya ito ay wala siyang inaalala na kahit na ano. Kaya nga naman magkaibigan silang dalawa at magka-vibes sa kahit na ano. Game kasi ito sa kahit na ano. Walang kiyeme katulad ng ibang mga babae. Isa pa, hindi ito malisyosa at walang arte sa katawan. Siguro kung lalaki ito ay ito na ang best buddy niya. But she’s his best girl-friend for more than a couple of decades now. Ilang oras ang nakalipas ay nasa harap na siya ng pinto ng apartment ng dalaga. Kinatok niya iyon. “Hoy! Ba’t ang tagal mong magbukas?” sita niya nang sa wakas ay binuksan nito ang dahon ng pintong gawa sa narra. Pinandilatan si Claude ni Darcelle na hinayaan siyang sumunod sa loob ng maliit nitong apartment. Buhay pa ang mga magulang ng dalaga pero bumukod na ito. May isang babae at isang lalaki na kapatid ito. Sina Danette at Dylan. Nakitira naman sa mga magulang nito ang may-asawang bunsong lalaki. May dalawang anak na ito at buntis naman sa pangatlo ang sister-in-law nitong si Liza. Isa sa mga dahilan na gustong tumira nang hiwalay ng dalaga dahil daw marami nang tao sa kanila. Magulo raw. Isa pa, mas nagkakaroon ito ng privacy kapag ganito at gusto nitong maging independent sa buhay. Maganda nga rin naman iyon. Napasulyap siya sa naka-robang dalaga pagkapinid niya ng pinto. Her beautiful legs were exposed. Maputi ito. Makinis. Type pa naman niya ang may magagandang legs. At maputing babae. “Ba’t hindi ka pa bihis?” tanong niyang pilit inihiwalay ang mga mata mula sa magagandang legs nito. Naka-curler pa ang buhok nito na ikinatawa niya nang marahan. Inirapan siya ng dalaga. “Nakalimutan mo yatang babae ang kausap mo, ‘no?” taray nito. “Kayong mga lalaki, suklay at gel lang kailangan sa buhok tapos damit. Ayos na! Eh, kaming mga babae, kailangan pang magpaganda… kahit maganda na.” She stuck her tongue at him. Bigla siyang natuliro sa ginawa nito. Nang makabawi nang ilang segundo ay napatawa siya. Umupo na lang siya sa mahabang pink na sofa na may synthetic leather upholstery. Ipinatong niya ang mga braso sa sandalan at pinagmasdan ang dalagang pumasok sa kuwarto nito. Simple lang ang maliit nitong apartment na kulay puti ang pintura. Pagkapasok mula sa pintuan, nasa kaliwa ang kusina, banyo at hapag-kainan. Nasa kanan naman ang maliit na sala at nasa harap niyon ang silid nito. May ilang kasangkapan din sa sala tulad ng TV at VCD player. Sa kusina ay may katamtamang laki ng fridge, lababo, overhead cabinet, oven toaster at kalan. Naiiling na lang siyang dinampot ang isang magazine. Hunks ang tawag noon. Napailing siyang pinakli-pakli ang magazine. Bawat pahina ay may mga lalaking halos hubad na. Ang iba ay hubad na talaga pero may bulaklak o kaya naman box of chocolates ang nakatabon sa pribadong parte ng katawan. ‘The F! Mahilig na siya nito?’ Napatingin siya nang matalim sa nakapinid na pinto ng kuwarto ng dalaga. Tumayo siya pagkahampas ng magazine sa center table. Nakapamulsahan siyang palakad-lakad habang hinihintay ang dalagang matapos sa pagbihis. Naistorbo ang isip niya dahil sa magazine na iyon. ‘Pinagnanasahan kaya niya ang mga iyon?’ naitanong niya sa sarili. Nang makalabas na ang babae pagkalipas ng ilang minuto ay akma siyang magsalita tungkol sa magazine na iyon nang bigla na lang na napatulala siya. Isang short cocktail dress ang suot nito na kulay aquamarine. Stretchable ang klase ng tela niyon kaya hapit na hapit ang damit sa bawat kurba ng katawan ng dalaga. Spaghetti strapped din ito kaya litaw na litaw ang kaputian ng dalaga sa balikat, braso, hita at binti. Pinaresan naman ng babae ng silver na stiletto ang damit. Ang light brown na buhok nitong lampas balikat ay medyo kulot na ngayon sa halip na tuwid. Naka-makeup na rin ito. Hindi kakapalan iyon na lalong nagpatingkad sa kagandahan nito. At saka moy na amoy niya rin hanggang dito ang pabango nitong gustong-gusto niya. Iyon ang regalo niya noong birthday nito last year. Kaya naman ay natutuwa siya. Nakapamaywang ito nang nakangiti sa kanya. “Bagay ba?” Para itong nag-mo-modelo sa suot na damit.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

Love Donor

read
86.7K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
453.4K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

That Night

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook