bc

Reminiscing (Filipino)

book_age16+
1.5K
FOLLOW
9.1K
READ
forbidden
possessive
sex
body exchange
second chance
tragedy
bxg
cheating
cruel
like
intro-logo
Blurb

Crezalyn's perfect relationship was all planned out until the most unexpected person came in the most unexpected situation and an unexpected decision was made.

***

Long time boyfriend ni Annah Crezalyn Nerona si Shan Andrew Yniguez. High school sweet heart sila kung ituring. They have been together for almost 6 years now. Mabait itong boyfriend, may paninindigan, may plano sa buhay. Akala niya okay na,e. Sila na. Then came Kyle Benjamin Anderson, ang liberated at happy go lucky na walang ginawa kundi ang magsaya. He introduced her how fun life is. And that's when her relationship and life messed up.

chap-preview
Free preview
Prologue
*** Sumalubong kay Creza ang dumadagundong na music at neon lights ng bar. Magkahawak kamay sila ng boyfriend niyang si Shan habang papasok sa VIP are ng The Ledge. Her boyfriend was busy greeting everyone on their way to the VIP room. Marami itong kakilala, maraming koneksyon. Bakit nga naman hindi, e kilala ang pamilya ng mga Yñiguez sa larangan ng medisina. They own a lot of hospitals, clinics and other health facilities in the country. The largest medical group next to Clarke. Panay ngiti lang din ang iginagawad niya sa mga binabati ni Shan. Nang tuluyan na silang makapasok sa VIP room ay dumukwang si Shan sa kanya. "You fine?" tanong nito. Wala sa sarili siyang napangiti bago tumango. Shan has always been considerate of her. Alam naman nitong hindi siya mahilig sa ganitong lugar kaya sa tuwing nagpupunta sila rito ay napakamaasikaso nito sa kanya. "Don't mind me, okay lang ako," she assured him. Ngumiti ang lalaki at hinalikan siya sa noo. Hinila siya ng boyfriend patungo sa isang round table sa dulo ng VIP room. "Hey, cous. Happy birthday!" bati ni Shan sa isang babaeng may maikli at wavy na buhok. The girl was wearing a black, tube bodycon dress with matching 6 inches pumps. Tumayo ito at bineso si Shan. "Thank you, cous!" masayang bati nito. Creza flashes a small smile. Leanna Rhaia Delgado. She's her boyfriend's first cousin. Maraming tao ang nagsasabing ang swerte swerte niya kay Shan. Bukod kasi sa magdo-doctor ito ay mayaman at maimpluwensya ang pamilya. The Delgados are the reigning family of their town. Mahigit ilang taon na ring namumuno ang mga ito sa bayan nila. Other than that, Leanna's friends are not ordinaries as well. May businessman, future attorneys at future doctor din. Dahil sa koneksyon niya kay Shan, maituturing na may koneksyon na rin siya sa mga impluwensya nito. "C'mon, sit with us." Iginiya ni Leanna ang bakanteng couch nila. Iginala ni Creza ang paningin sa circle na iyon. Halos manlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang mga kasama nila. Nasa law school si Leanna kaya ang mga kaibigan nito ay hindi rin basta basta. She was sitting next to the president's grandson. Katabi naman nito ang girlfriend na anak ng isang prestihiyosong judge at political lawyer. On the other side is the daughter of one of the most influencial business tycoon in the country. This is Shan's world. Feeling niya ay hindi siya belong dahil ordinaryong mamamayan lang naman siya. Nagkataon lang na nakapag-aral siya sa Clarke dahil may nag-sponsor sa kanya. Doon siya nakilala ni Shan. It feels odd for her, but she won't deny the influence and perks that her boyfriend's name is giving her. "Happy birthday, Leanna," bati niya sa birthday girl. Ngumiti ito nang malapad. "Thanks!" Kinuha nito ang isang shot glass at itinaas. "To more birthdays to come and more recits to slay!" Nagtawanan ang mga kasama nito. Nakitawa na rin siya kahit na hindi naman siya totally maka-relate. The party went on. Nanatili lang sila ni Shan sa couch habang ang iba ay nasa dancefloor na sa ibaba. Medyo nakainom na rin kasi ang boyfriend niya kaya ayaw na niya itong pasalihin doon. "You sure you don't wanna take law?" Bahagya siyang napalingon kay Shan at kinunutan ito ng noo. "Huh?" Her boyfriend shrugs. Nakatingin lang ito sa dance floor kung saan naroroon si Leanna at mga kaibigan nitong law students. "It's never too late. Pwede kitang tulungang makapasok sa Clarke," sagot nito. Bahagya siyang ngumiti bago umiling. "Okay na ako, Shan. Kontento naman ako sa pagiging accountant." Tumango si Shan. "Okay, whatever you say, baby." Yumakap ito sa kanya at ibinaon ang ulo sa kanyang leeg. Natawa siya at tinapik ang braso nito. Lasing na. Napailing na lang siya. Pangarap niyang maging abogada pero hindi kaya ng budget kaya nag-settle na lang siya sa pagiging CPA. Mataas na rin naman iyon. Hindi rin naman biro ang dinanas niya bago makamit ang title. Kahit hindi na siya CPA, lawyer. At least nakamit niya ang isang goal niya. Tsaka masaya na siya ngayon. Wala na nga yata siyang hihilingin pa. She already sees her future with Shan Andrew Yñiguez. *** Kinabukasan, maagang nagising si Creza para maghanda ng breakfast nila ni Shan. Tiningnan niya ang natutulog na boyfriend sa kanyang tabi. Lasing na lasing ito kagabi kaya ayan ang tagal nagising. Buti na lang kamo at linggo ngayon. Kung nagkataon hindi ito nakapasok sa duty nito. Shan is already in his junior internship. Ilang buwan na lang at ga-graduate na ito sa Med School. May isang year pa para sa senior internship tapos ay review at board na para sa licensure. And Creza couldn't express how proud she is with her boyfriend. Napangiti siya at napailing bago bumaba ng kama. Right after college, pinilit na siya ni Shan na sumama rito dito sa condo. It was a penthouse actually. Noong una ayaw niya. Syempre, alam niya namang maraming huhusga sa kanya. Unang- una hinuhusgahan na nga siya ng mga tao dahil sa relasyon nila, tapos titira pa siya rito? Isa pa nahihiya siya sa mga magulang nito. Mabait naman ang mga iyon sa kanya. Hindi naman matapobre pero nahihiya pa rin siya. Ang kaso noong tumanggi siya ay nag-away lang sika ni Shan. Muntik pa silang mag-break kaya ang ending ay sumang- ayon na rin siya. Nasa probinsya lahat ng pamilya niya at siya lang ang nandito sa Manila kaya okay na ring sumama na siya kay Shan. Hindi naman siya palamunin dahil kahit sagot nito ang lahat ng gastusin sa bahay, sinisigurado niyang may ambag siya, kahit sa pag-grocery lang. Siya madalas ang gumagawa noon at pera niya ang ginagamit niya tutal may trabaho naman siya. She's an accounting manager of a small business near Clarke University. Hindi man iyon high class corporation, maayos at sakto naman magpasweldo. Gusto nga sana ni Shan na i-refer siya sa mga kakilala nito pero tumanggi na siya. Masaya naman siya sa trabaho niya. Bago dumiretso sa kusina ay binuksan niya muna ang blinds ng kanilang sala. Tiningnan niya ang kanilang stocks at kinuha ang isang pancake mix at chocolate syrup. Hinanda niya na rin ang dalawang kalan, apat na piraso ng hotdog at iilang bacons. Isinalang na niya ang hotdog sa isang kalan habang ginagawa ang pancake. Nagbukas din siya ng isang loaf bread. Nang matapos sa niluluto ay nagtimpla na siya ng kape nila at kumuha ng gamot sa medicine kit. For sure kasi ay masakit ang ulo ng boyfriend niya. Pagkatapos niyang maihanda iyon sa lamesa ay binalikan niya si Shan sa kwarto. Nagulat pa siyang nakaupo na ito at sapo na ang ulo. Napailing siya at agad itong nilapitan. "Ayan kasi, ang dami mong ininom kagabi. Halika na, naghanda na akong breakfast. You need to eat and drink your meds." Hindi sumagot ang boyfriend niya. Inalalayan niya na lang itong tumayo at maglakad papuntang kusina. She made him sit on the chair. Siya na rin ang naglagay ng pagkain sa plato nito. Natawa na lang siya nang makita ang mukha nitong hindi maipinta. Pumunta siya sa likod nito at hinilot ang noo nito. "Sa susunod wag ka na kayang uminom." Tinawanan niya ito. Narinig niya ang pag- tsk ni Shan. Mas lalo siyang natawa at napailing na lang. Tumingala si Shan at nagtagpo ang kanilang mga mata. Nginitian niya ang boyfriend. Ngumisi naman ito at mabilis na kinabig ang kanyang ulo papunta sa labi nito. Isang malalim na halik ang iginawad ni Shan sa kanya. Bahagya pa siyang nailang sa posisyon nila pero tila wala namang pakialam si Shan at ginalugad pa ang kanyang bibig. Para siyang nahihipnotismo at halos manlambot ang kanyang mga tuhod sa paraan ng paghalik nito. "S-Shan…" sambit niya sa gitna ng halik. Agad na humiwalay si Shan at tinitigan siya sa mata. "I love you, Crez." Ngumiti siya pabalik. "I love you rin po, Shan Yñiguez."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Hottest Billionaires 3: Kieran Balinger(The Bad Boy)

read
398.4K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.3K
bc

A Billionaire In Disguise

read
653.0K
bc

Marrying My Fiancee

read
460.5K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
851.4K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook