bc

Deserve To Die

book_age18+
680
FOLLOW
2.8K
READ
murder
fated
drama
twisted
mystery
small town
abuse
first love
slice of life
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Nang makaipon si Bellatrix Arya Ponce mula sa pagtatrabaho bilang waitress sa isang restobar, kinuha niya iyong opurtunidad para makaalis sa bahay ng dati niyang matalik na kaibigan. She wants a simple life without her mother who always involve her in her problems. She wants to get out of her best friend’s house who apparently has a s****l desire for her. Ngunit ang inaakala niyang pagtakas sa masaklap niyang buhay ay hindi pala magiging madali, muli niyang makatatagpo ang kababata niya na si Denzel Valerio–kasalukuyang may-ari ng isang flower shop kung saang kalye siya nakatira.

Akala niya’y ayos ang lahat, naging magkasintahan sila at naging masaya sa isa't isa. Not until she discovered the real Denzel Valerio behind his masked innocent face. Little by little, she will find out his dark secrets. Those secrets that she didn't know her mother was also involved.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
DESERVE TO DIE by JheangLiit - PROLOGUE: “BAKIT MO SILA, PINATAY?” bungad na tanong ng police detective. Hindi kaagad siya sumagot. Pinaglaruan niya ang posas na nakakabit sa kaniyang mga pulso. Kanina niya pa ito pinaglalaruan mula pa noong dalhin siya ng mga pulis sa presinto. Ramdam niyang naiinis na ang detective pati na rin ang isa pang pulis na katabi nito pero wala siyang pakialam. “Sigurado akong hindi ka bingi, tinanong kita, dapat sumagot ka. Bakit mo sila pinatay?” Mas mariin na ngayon ang pagkakatanong at halatang anumang oras ay magmumura na ito. Nag-angat siya ng tingin, dahan-dahang ipinakita niya ang madilim niyang mga mata at ang nakapangingilabot niyang ngisi. “Because they deserve it.” Diretsong sagot niya pagkatapos ay tuluyang nag-angat ng tingin sa dalawang kaharap niya. Naibagsak ng pulis ang kamay niya sa lamesa. “At paanong naging deserve ng isang tao ang patayin siya?!” “Kumalma ka muna Lieutenant Tolledo,” pagpapakalma ng detective sa pulis na ngayon ay nagngangalit na sa galit. Pagkatapos ay ibinaling nito ang tingin sa kaniya. “Paano mo nasabing deserve nila ang mamatay? Bakit? May nagawa ba silang kasalanan? Sa iyo?” Bahagya lang siyang napatawa at saka umiling. “Wala akong balak na i-kwento pa sa'yo ang lahat. Dalawa lang sila sa mga taong napatay ko dahil karapat-dapat silang mamatay. Hindi ba okay 'to sa inyo? Nababawasan ang mga toxic na tao?” Nangunot ang noo ng detective, ngayon ay naguluhan ito sa sinabi niya. Wala naman siyang balak na itago ang tungkol doon. Sadyang wala lang nagtatanong. “Ibig mong sabihin, may napatay ka na bukod sa kanila?” Paglilinaw nito. Nagkibit-balikat siya na parang wala lang ang tanong na iyon. “Oo.” “Ilan? Sino-sino? Bakit mo ginawa iyon sa kanila?” Muli siyang nagkibit-balikat, yumuko at muling pinaglaruan ang posas sa kaniyang mga pulso. “Hindi ko na alam, e. Sampu? Dalawampu? Singkwenta? O baka isang-daan?” Nanlaki ang mga mata ng detective at biglang napatayo. Halatang natakot iyon sa kaniya dahil sa klase ng ekspresyon sa kaniyang mukha. “At bakit mo sila pinatay? Baliw ka ba?!” Halos wala sa sariling tanong ng pulis. Ngumiti siya at nag-angat muli ng tingin. “Because they deserve it.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

A Night With My Professor

read
496.0K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
475.6K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.6K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
684.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook